HALATA NI ALTHEA na umiiwas sa kanya si Rigor. Gusto niya itong komprontahin tungkol kay Sophia ngunit kinatatakutan naman niya ang isasagot nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang makiramdam. Feeling niya ay naghihintay lamang ito ng tamang panahon para makipaghiwalay sa kanya. Kinatatakutan niya ang araw na iyon ngunit ipinapangako niyang hindi na siya papayag na basta na lamang ito ibigay kay Sophia nang wala siyang laban. Iniisip pa lamang niya na maghihiwalay sila ay napapaiyak na siya. Ipinatong niya ang kape sa harap nito, nakatingin siya sa mukha nito ngunit parang iniiwas nito ang mga mata sa tingin niya. “Don’t worry, hindi kita kukulitin,” sabi niyang mabilis nang tumalikod at nagmamadaling pumasok sa loob ng kanyang kuwarto, kagat kagat ang labi upang hindi siya tuluyang mapaiyak. Simula nang magbalik si Sophia, gabi-gabi na yata siyang walang ginawa kundi ang umiyak. NILINGON LANG NI RIGOR si Althea. Hanggang nga
“NGAYON lang ulit ako magpapakalasing!” Namumungay na ang mga mata ni Althea, wala siyang tinatanggihan sa bawat salin ng alak sa baso niya. “Tell me Griff, bakit mo ko pinagpalit sa Britney na iyon?” tanong niya sa asawa, sa sobrang kalasingan ay nakalimutan niyang iba nga palang katauhan ang pagkakakilala nito sa kanya ngayon. Kumunot ang nuo ni Griff, “What do you mean, Sophia? Hindi pa ba malinaw saiyo na kaibigan ko lang si Britney?” Ang lakas ng tawa niya, “Don’t lie to me, Griff. Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa inyong dalawa,” napapailing na sabi niya saka muling tinungga ang alak sa basong binigay sa kanya ng lalaki, “Anyway, wag na nating pag-usapan ang nakaraan. I’m glad na. . .na natapos na ang tungkol sa ating dalawa.” Tila naguguluhang tinitigan siya ni Griff, “I don’t understand,” bahagya itong natawa, “Baka ibang lalaki ang naiisip mo? Lasing ka na nga yatang talaga. Para tuloy gusto ko ng magtampo saiyo. Ako a
“DAMN, RIGOR, bakit ba pati sa panaginip ko, ginugulo moa ng utak ko? Alam ko namang masaya ka na sa piling ni Sophia. . .sabagay, sino nga lang ba ako sa buhay mo?” Tumawa ito ng mapakla, “Isang fake na Sophia!” Kahit lasing ay hindi maipagkakaila ang hinanakit sa tono ng pananalita nito. “Hindi ako isang panaginip lang, Althea,” halos paanas lang na sabi niya rito, “Pwede ko namang iutos lang sa tauhan ko na sagipin ka sag ago mong asawa pero. . .” Napatitig siya rito, “Pero hindi ko sinipot si Sophia para lang saiyo!” Ang lakas ng tawa nito, “Hanggang sa panaginip ba naman binobola mo pa rin ako?” Sabi nito sa kanya, nakita niya ang pagtulo ng mga luha nito, “Please lang, patulugin mo na ako. Umalis ka na sa panaginip ko!” Sigaw nito sa kanya. “Hindi nga sabi ako panaginip lang eh,” aniya rito, hinalikan niya ito sa mga labi. Gumanti rin ito ng halik sa kanya. Muling nag-init ang kanyang buong katawan. Tuluyan na niyang nakalimut
WALANG KIBO SI RIGOR habang naghuhubad sa harapan niya si Sophia. Hindi niya alam kung anoa ng nararamdaman niya para dito ng mga sandaling iyon. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Ni hindi nag-init ang katawan niya, di tulad ng dati na nanabik siya sa bawat halik nito. “Stop it, Sophia!” Sabi niya nang hindi na makatiis, damn, bakit si Althea ang hinahanap ng mga labi niya? Bakit ito ang hinahanap ng katawan nya? “What? Tell me, naglaho na bang lahat ng nararamdaman mo para sakin, ha? Hindi mo na ba ako mahal?” Naghihinanakit na tanong nito sa kanya. Hindi siya makasagot. Pinagsusuntok siya nito sa dibdib, “Isinakripisyo ko ang sarili kong nararamdaman para saiyo, alang-alang sa grupo. And this is what I get?” Umiiyak na sabi nito, “Hindi ko ginustong iwan ka pero kinailangan kong gawin iyon. Kung alam ko lang na ganito ang magiging resulta ng pag-alis ko, hindi na sana ako nagsakripisyo pa!!!!”
PINAGTATAKHAN NI ALTHEA na isang oras na silang naglalakbay ay di pa sila nakakarating kay Rigor, “Nasaan ba siya? Bakit parang ang layo naman yata? Hindi nyo ba sya itinakbo sa Sandehas General Hospital?” Hindi kumibo ang lalaki, tahimik lang itong nagmamaneho. Bigla tuloy siyang kinutuban lalo na nang mapansing talahiban na ang pinapasok ng sasakyan. Ang dilim-dilim pa naman ng daan kaya wala siyang makita. Pinilit niyang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka-lock iyon. Napalingon siya sa mga lalaking kasama niya. Shucks. Bakit nga ba bigla na lang siyang naniwala nang hindi man lamang kinukumpirma kung totoo ang sinasabi ng mga ito? Kaya siya napapahamak dahil ang tanga-tanga niya at hanggang ngayon ay di pa rin siya natututo. “San ninyo ako dadalhin? Maawa kayo sakin, wala naman akong perang pantubos sa inyo!” Napapaiyak nang sabi niya. “Anong nangyayari? Sinong nag-utos sa inyong kdnapin ako? Si Griff ba? Si Rigor ba?”
HUMAHANGOS na binalikan ni Rigor si Althea ngunit hindi niya ito dinatnan sa bahay. Napaatras siya nang makita ang phone ni Althea sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya iyon saka natatarantang tinawagan niya ang ama, “Saan ninyo dinala si Althea? Hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Althea!” Galit na sigaw niya rito. “Hey, anong nangyayari? Ano bang pinagsasabi mo?” Tila nagtatakang tanong ng ama niya sa kanya. “Saan mo dinala si Althea?” Yamot na tanong niya rito, “Saan ninyo sya dinala? “ Sumigaw na siya nang hindi pa rin siya nito sinasagot. “Damn Rigor, pinagbibintangan mo ba ako? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo!” anang matanda sa kanya. Napatakbo siyang palabas ng bahay at nagmamadaling nagtungo sa kanyang motorsiklo. Halos paliparin na niya iyon sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng bahay ni Sophia. Kinalampag niya ng makailang beses ang pinto.
ILANG SANDALI PA at naramdaman ni Althea na huminto ang kanilang sinasakyan. Narinig niya ang isa sa mga lalaki na may tinawagan sa telepono, “Nasa labas na kami,” anito sa kausap sa telepono. Ilang sandali pa ay kinalagan na ng lalaki ang pagkakatali ng mga kamay at paa niya, pati na rin ang piring niya sa mga mata. “Tumakbo ka na, bilisan mo kung ayaw mong magbago pa ang isip namin,” anang isa sa kanya, itinaas nito ang hawak na baril at nagpaputok sa ere habang binibilangan siya, “Isa. . .dalawa. . .tatlo. . .apat. . .lima. . .” Halos magkandarapa siya para makalayo. Iyak siya ng iyak, ilang beses pa siyang nadapa habang tinatahak ang masukal na daan palabas sa gubat na iyon. Hindi niya alam kung nasaan siya, ang gusto lang niya ay makawala at matakasan ang mga hayup na ito. Maya-maya pa ay narinig niya ang tinig ng isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya, “Althea!!!! Althea!!!!” Bahagya siyang napalingon, na
NANG MAKARATING sa bayan ay kaagad silang nag-check in ni Rigor sa isang motel. Ang sabi nito sa kanya, magpapahinga lang sila saglit, bukas ng madaling araw ay aalis sila. Um-order ito ng pagkain nilang dalawa. Matapos kumain ay niyaya siya nitong muling lumabas para bumili ng mga kakailanganin nilang dalawa. Bumili rin ito ng antibiotics sa kalapit na drug store saka nagtungo sila sa palengke para bumili ng maayos na damit at sapatos para sa kanilang dalawa. “Maglinis ka na ng katawan mo para bukas ng madaling araw, ready ka na pag-alis natin,” sabi nito sa kanya nang makabalik sila sa motel. “Gusto mo bang tulungan muna kitang maglinis ng buong katawan?” Tanong niya, “Para hindi ka mahirapan,” Paliwanag niya nang maisip na baka iba ang dating niyon sa lalaki. Tumango ito at sabay silang nagtungo sa banyo. Kinakabahan sya habang tinutulungan itong maghubad. Gusto niyang pagalitan ang sarili na muntikan na silang ma
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l
“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.
NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa
“TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr