Share

CHAPTER 57

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

WALANG KIBO SI RIGOR habang naghuhubad sa harapan niya si Sophia. Hindi niya alam kung anoa ng nararamdaman niya para dito ng mga sandaling iyon. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Ni hindi nag-init ang katawan niya, di tulad ng dati na nanabik siya sa bawat halik nito.

“Stop it, Sophia!” Sabi niya nang hindi na makatiis, damn, bakit si Althea ang hinahanap ng mga labi niya? Bakit ito ang hinahanap ng katawan nya?

“What? Tell me, naglaho na bang lahat ng nararamdaman mo para sakin, ha? Hindi mo na ba ako mahal?” Naghihinanakit na tanong nito sa kanya.

Hindi siya makasagot.

Pinagsusuntok siya nito sa dibdib, “Isinakripisyo ko ang sarili kong nararamdaman para saiyo, alang-alang sa grupo. And this is what I get?” Umiiyak na sabi nito, “Hindi ko ginustong iwan ka pero kinailangan kong gawin iyon. Kung alam ko lang na ganito ang magiging resulta ng pag-alis ko, hindi na sana ako nagsakripisyo pa!!!!”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 58

    PINAGTATAKHAN NI ALTHEA na isang oras na silang naglalakbay ay di pa sila nakakarating kay Rigor, “Nasaan ba siya? Bakit parang ang layo naman yata? Hindi nyo ba sya itinakbo sa Sandehas General Hospital?” Hindi kumibo ang lalaki, tahimik lang itong nagmamaneho. Bigla tuloy siyang kinutuban lalo na nang mapansing talahiban na ang pinapasok ng sasakyan. Ang dilim-dilim pa naman ng daan kaya wala siyang makita. Pinilit niyang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka-lock iyon. Napalingon siya sa mga lalaking kasama niya. Shucks. Bakit nga ba bigla na lang siyang naniwala nang hindi man lamang kinukumpirma kung totoo ang sinasabi ng mga ito? Kaya siya napapahamak dahil ang tanga-tanga niya at hanggang ngayon ay di pa rin siya natututo. “San ninyo ako dadalhin? Maawa kayo sakin, wala naman akong perang pantubos sa inyo!” Napapaiyak nang sabi niya. “Anong nangyayari? Sinong nag-utos sa inyong kdnapin ako? Si Griff ba? Si Rigor ba?”

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 59

    HUMAHANGOS na binalikan ni Rigor si Althea ngunit hindi niya ito dinatnan sa bahay. Napaatras siya nang makita ang phone ni Althea sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya iyon saka natatarantang tinawagan niya ang ama, “Saan ninyo dinala si Althea? Hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Althea!” Galit na sigaw niya rito. “Hey, anong nangyayari? Ano bang pinagsasabi mo?” Tila nagtatakang tanong ng ama niya sa kanya. “Saan mo dinala si Althea?” Yamot na tanong niya rito, “Saan ninyo sya dinala? “ Sumigaw na siya nang hindi pa rin siya nito sinasagot. “Damn Rigor, pinagbibintangan mo ba ako? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo!” anang matanda sa kanya. Napatakbo siyang palabas ng bahay at nagmamadaling nagtungo sa kanyang motorsiklo. Halos paliparin na niya iyon sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng bahay ni Sophia. Kinalampag niya ng makailang beses ang pinto.

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 60

    ILANG SANDALI PA at naramdaman ni Althea na huminto ang kanilang sinasakyan. Narinig niya ang isa sa mga lalaki na may tinawagan sa telepono, “Nasa labas na kami,” anito sa kausap sa telepono. Ilang sandali pa ay kinalagan na ng lalaki ang pagkakatali ng mga kamay at paa niya, pati na rin ang piring niya sa mga mata. “Tumakbo ka na, bilisan mo kung ayaw mong magbago pa ang isip namin,” anang isa sa kanya, itinaas nito ang hawak na baril at nagpaputok sa ere habang binibilangan siya, “Isa. . .dalawa. . .tatlo. . .apat. . .lima. . .” Halos magkandarapa siya para makalayo. Iyak siya ng iyak, ilang beses pa siyang nadapa habang tinatahak ang masukal na daan palabas sa gubat na iyon. Hindi niya alam kung nasaan siya, ang gusto lang niya ay makawala at matakasan ang mga hayup na ito. Maya-maya pa ay narinig niya ang tinig ng isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya, “Althea!!!! Althea!!!!” Bahagya siyang napalingon, na

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 61

    NANG MAKARATING sa bayan ay kaagad silang nag-check in ni Rigor sa isang motel. Ang sabi nito sa kanya, magpapahinga lang sila saglit, bukas ng madaling araw ay aalis sila. Um-order ito ng pagkain nilang dalawa. Matapos kumain ay niyaya siya nitong muling lumabas para bumili ng mga kakailanganin nilang dalawa. Bumili rin ito ng antibiotics sa kalapit na drug store saka nagtungo sila sa palengke para bumili ng maayos na damit at sapatos para sa kanilang dalawa. “Maglinis ka na ng katawan mo para bukas ng madaling araw, ready ka na pag-alis natin,” sabi nito sa kanya nang makabalik sila sa motel. “Gusto mo bang tulungan muna kitang maglinis ng buong katawan?” Tanong niya, “Para hindi ka mahirapan,” Paliwanag niya nang maisip na baka iba ang dating niyon sa lalaki. Tumango ito at sabay silang nagtungo sa banyo. Kinakabahan sya habang tinutulungan itong maghubad. Gusto niyang pagalitan ang sarili na muntikan na silang ma

  • The Mafia's Dispensable Woman   chapter 62

    PARANG HINDI KAAGAD NAG-SINK IN KAY ALTHEA ang lahat ng natuklasan tungkol sa pagkatao ni Rigor ngunit iisa lang ang sigurado niya, hindi nagbago o nabawasan man lang ang nararamdaman niyang pagmamahal para dito. “Ibig sabihin, d-delikado ang Sophia na iyon d-dahil marami siyang galamay?” Napalunok siya saka naguguluhang kumunot ang nuo, “Pero kung ikaw ang pinuno nila, hindi ba ikaw ang dapat nilang pakikinggan? I-ikaw kamo ang pinuno ng Mafia hindi ba?” tanong niya as if hindi man lang siya natatakot sa lahat ng ipinagtapat nito. Ganito naman kasi siyang magmahal. Tatanggapin niya ang lahat sa taong mahal niya as long as ipapaintindi sa kanya nito ang sitwasyon at may respeto pa rin ito para sa kanya. “Yeah pero sumusunod lang naman kami sa ipinag-uutos ni Daddy,” sagot nito sa kanya. “At iyong tunay kong ama, tauhan kamo ng mag-asawang Mafia na umampon sakin?” Parang natutulalang sabi niya. Ni sa hinagap ay hindi ni

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 63

    “AT THIS POINT, kakayanin kong talikuran ang lahat para saiyo, Alhea. Pero hindi magiging ganun kadaling talikuran ang organisasyon,” Paliwanag ni Rigor kay Althea, kilala niya ang ama at alam niyang ito ang unang makakalaban nila sa oras na tumalikod siya sa lahat ng responsibilidad na iniatas nito sa kanya, “Hindi mo alam kung paano magalit ang father ko.” “Sinong matinong magulang ang isusugal ang buhay ng kanyang anak para lang sa pera?” Napapailing na tanong nito sa kanya, “For sure, maiintindihan tayo ng Daddy mo kapag ipinaliwanag nating mabuti sa kanya na gusto natin ng katahimikan.” Napabuntong hininga siya ng malalim saka isinubsob ang mukha sa mga kamay. Alam niyang hindi magiging ganuon kadali ang tumiwalag sa sindikatong kinabibilangan niya kahit pa nga sabihing pinangungunahan ito ng ama niya. Isa pa, kahit naman tumiwalag siya sa grupo, hindi pa rin maiaalis na isa siyang Mafia. Sabi nga once a mafia, always a Mafia kahi

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 64

    “SO THIS IS HER EX-HUSBAND? Ang lalaking nagtangkang patayin sya?” Tanong ni Sophia sa isa sa kanyang mga tauhan habang nakatingin sa larawang ibinigay nito sa kanya. Tumango ang pandak na lalaki sa kanya. Tinitigan niya ang lalaki saka bahagyang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Magagamit niya ang ex-husband ni Althea para sa kanyang mga plano, “At ang alam ng lalaking ito, patay na talaga ang babaeng iyon, huh!” “Oho ma’m. Actually, may kinakasama ang lalaking yan. Magkatulong sila ng kinakasama nya sa pagtodas kay Althea. Kung hindi kay Sir Rigor, matagal nang kinain ng pating ang babaeng iyon. Fifty fifty na sya nang matagpuan ni Sir.” “Gusto kong makausap ang lalaking ito. Kontakin mo sya. Ibibigay ko saiyo kung saan kami magkikita,” Utos niya sa lalaki. Tumango ito. “At gusto kong hindi makakarating kahit na kanino ang pagkikita namin ng lalaking ito,” aniya sa lalaki, “Nagtitiwala ako

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 65

    KASALUKUYANG PINAG-IISIPAN NI GRIFF KUNG papaano mapapatahimik si Britney nang isang tawag ang natanggap niya mula sa hindi nakikilalang lalaki. Gusto raw nitong makausap siya ng tunay na si Sophia. Marami raw itong lihim na ipagtatapat sa kanya. Nahihiwagaan sya sa pagkakabanggit nito ‘tunay na Sophia’. May fake bang Sophia? Kaya naman hindi pa dumarating ang oras na napag-usapan nila ng ‘tunay na Sophia’ ay nanduon na siya sa lugar. Mas lalo tuloy siyang nahiwagaan sa pagkatao ni Sophia. After almost one hour na paghihintay ay dumating na rin si Sophia. As usual, napakaganda nito. Sabik na sabik na humalik siya sa pisngi nito ngunit kaagad siya nitong pinalayo. “We are not close para makipag-beso-beso ka sa akin. And FYI, this is my first time meeting you.” Pormal na sabi nito sa kanya saka humila ng bangko. Bahagya siyang napatawa saka napailing, “Ilang beses na tayong nagtatagpo, nagkainuman pa nga tayo. . .”

Latest chapter

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 9

    "HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 8

    KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 7

    “THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 6

    BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 5

    “A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 4

    SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 3

    “A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 2

    NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa

  • The Mafia's Dispensable Woman   SPECIAL CHAPTER 1

    “TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr

DMCA.com Protection Status