HINDI MAKAKIBO SI RIGOR. TININGNAN NIYA SI Althea. Hindi rin niya ito kayang iwan. Ngunit mas matinding kapahamakan ang maaring mangyari dito kung hindi niya ito iiwan. “Babalikan kita, aayusin ko lang ang lahat,” sabi niya rito ngunit humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, “No, sasama ako saiyo kahit saan ka magpunta.” “Anak. . .pabayaan mo munang ayusin ni Rigor ang gulong ito.” Sabi ni Marlin dito, lumapit ito sa anak at kumapit sa kamay nito, “Sige na anak. . .” Umiling si Althea, “Ayoko. Hindi ko papayagang mangyari iyong nangyari kay Itay. Hinayaan mo lang sya at wala kayong ginawa para pigilan sya,” tila nanunumbat na sabi nito sa ina, “Kung mapapahamak si Rigor, gusto ko kasama nya ako.” Matigas ang kaloobang sabi nito sa ina saka humigpit ang yakap sa kanya, “”Hinding-hindi ako hihiwalay saiyo.” Napatingin sa kanya si Aling Marlin, tumango ito na parang sinasabing: Pagbigyan mo na si Althea. Magkasama ni
Last Updated : 2023-01-07 Read more