Home / Romance / The Mafia's Dispensable Woman / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of The Mafia's Dispensable Woman: Chapter 81 - Chapter 90

96 Chapters

CHAPTER 80

“ALTHEA,” Nakangising bati ni Sophia nang makita niya ito sa camera, kitang-kita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito nang makita siya, “Bakit naman ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba natutuwang makita ako?” “A-anong ginawa mo kay Rigor?” Puno ng pag-aalala sa mukha nito. “Don’t worry, wala pa akong ginagawa sa kanya. Pero kapag hindi ka nagpakita sakin, hindi ako magdadalawang isip na patayin sya. Hindi ako nagbibiro Althea. Kakayanin kong mawala sya sakin kapalit ng kamatayan mo. How about you, handa ka bang makita syang wala ng buhay?” “No! Asan ka? Hindi ako natatakot saiyo!” Matapang na sigaw nito. Nilingon niya si Rigor sa kwarto. Hindi niya akalaing kayang isakripisyo ni Althea ang sariling buhay para kay Rigor. Bagay na kahit na kailan ay hinding-hindi niya magagawa. Mahal niya si Rigor ngunit syempre pa ay mas mahal niya ang kanyang buhay. Hindi sya kasing tanga ni Althea pagdating sa pag-ib
Read more

CHAPTER 81

“HINDI TAYO pwedeng basta-basta na lamang sumugod sa area. Isang pagkakamali lang, manganganib ang buhay nila,” babala ni Genis sa mga kasamahan habang minomonitor ang naririnig na pag-uusap ng mga tao sa loob sa tulong ng ear plug na ipinasuot niya kay Althea. Malapit lang sila sa vicinity. May mga tauhan siyang naghihintay lang ng signal niya para pasukin ang kampo ng mga kalaban. Napapaligiran na rin nila ang kampo ng mga ito. Ngunit hanggang ngayon ay di pa rin niya matantiya kung ilan talaga ang mga tauhan duon ni Sophia. Alam niyang dumaan sa intensive training si Sophia kapag magaling ito pagdating sa mga ganitong operasyon. Kaya as much as possible ay dapat silang maging maingat. Naiinis siya dahil wala siyang paraan kung paano makakausap si Rigor. Napatuwid siya ng tayo nang marinig muli ang boses ni Althea. “Rigor, damn, bakit kailangan nyo pa siyang itali at ikulong dito sa kwarto sa right!” dinig niyang sabi nito. Ala
Read more

CHAPTER 82

PAKIRAMDAM ni Althea ay si Superwoman siya nang buong tapang niyang kinagat si Sophia dahilan para mabitiwan siya nito. Ngunit bago pa siya makatakbo palayo ay nagpaputok na ito at tinamaan siya sa likuran. Hindi na niya namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari. Ang tanging huling narinig niya ay ang malakas na sigaw ni Genis at ang sunod-sunod na pinakawalan nitong mga putok. Pakiramdam niya ay unti-unti nang humihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Waring may commotion na nagaganap sa buong kapaligiran. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng ulirat. Galit na galit na pinaputukan ni Genis ang kamay ni Sophia, nabitiwan nito ang baril. Muli niya itong pinatamaan sa dibdib. Humandusay si Sophia ngunit pilit pa ring inaabot ang nalaglag na baril. Mabilis na iyong nadampot ng kanyang tauhan. Sumigaw ang mga magulang nito, akmang lalapitan ng mga ito ang babae ngunit napigilan ito ng kanyang grupo. Tinakbo niya si Althea a
Read more

CHAPTER 83

“KUNG HINDI ka rin lang mapapasakin, mas mabuti pang mamatay ka na!” nanginginig sa galit na sigaw ni Griff habang nakapulupot ang isang braso nito sa leeg ni Althea, “Hinding-hindi ka mapapakingan ng iba!” “Bitiwan mo si Althea. Nakikiusap ako saiyo!” sabi ni Rigor, inilapag nito sa sahig ang hawak na baril at itinaas ang dalawang kamay, “Pakawalan mo sya, kapalit ng buhay ko!” “No Rigor!” sigaw ni Althea, “Please umalis ka na Rigor. Pabayaan mo na lang akong mamatay. Mas kakayanin kong mamatay kesa ikaw ang mawala.” Napangisi si Griff, “Talaga nga palang masyado nyong mahal ang isa’t-isa para isakripsyo ang mga sarili nyong buhay alang-alang sa kaligtasan ng mahal nyo!” anitong tumawa ng malakas, “Totoo naman kaya yang mga ipinapakita nyo?” “Nagmamahalan kami ni Rigor. Hindi kami gaya mo na mahilig sa palabas!” singhal niya sa dating asawa. “Talaga lang ha?” anitong napaismid, “Eh kung sabay ko na la
Read more

CHAPTER 84

IPINATONG NI RIGOR ang mga bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Sophia saka umusal ng maikling panalangin para dito. Wala na siyang nararamdamang anumang galit or hinanakit para dito. Tuluyan na niya itong napatawad sa lahat ng mga nagawa nito sa kanya. Naisip niyang kung hindi rin naman dahil dito ay hindi niya makikilala si Althea. And speaking of Althea, lahat ng perang natanggap nito mula sa pamilya ng ama ay napagpasyahan nitong ilaan sa pagpapaaral sa lahat ng mga street children sa Pilipinas at sa India. Binigyang parangal rin ito ng isang internationall group bilang pagkilala sa mga kawalanggawa nito. Siya naman ay naghanda sa pagpo-propose dito ng kasal. Talagang sa isang isla with matching white sand sa labas ng bansa niya naisipang mag-propose. Nagulat pa si Althea nang yayain niya ito sa tabi ng dagat at bigla na lamang lumuhod sa harapan nito. Ewan, akala niya ay todo na ang pagmamahal niya kay Sophia ngunit may itotodo pa pala dahil kahi
Read more

CHAPTER 85

HINDI mapigilan ni Rigor ang maluha habang pinapanuod si Althea na naglalakad sa aisle patungo sa may altar na kinaroroonan niya. Napakaganda nito sa suot nitong traje de boda. Palagay niya ay ito ang pinakamagandang bride na nakita niya. Naramdaman niyang tinapik siya sa balikat ng tumatayong bestman niya na si Nestor. “Maswerte ka sa kanya,” masayang sabi nito. Sinang-ayunan niya ito. Samantala, ang kaibigan niyang si Genis kasama ni Marlin ang naghatid kay Akthea sa altar. Niyakap siya nang mahigpit ni Genis saka iginiya si Althea patungo sa kanya. Kagaya niya ay umiiyak rin si Althea at alam niyang dala iyon ng labis na kaligayahan. Saka lately mas naging emotional ito dahil sa pagdadalantao nito. Ngayon pa lang ay excited na sila. Gabi-gabi na nga silang nag-iisip ng ipapangalan sa magiging anak nila. May ready na silang pangalan na panlalaki, pero mas maraming inihanda si Althea na pangalan ng babae. Kahit naman anong mag
Read more

EPILOGUE

“AHHH,” sigaw ni Althea habang pilit na ini-eere ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ayaw niyang pumayag na cesarian dahil gusto niyang namnamin ang lahat ng hirap na pagdaraanan ng isang ina. Since wala namang panganib at kakakaynin naman daw niya ang normal delivery ay pumayag ang OBGYNE niya. Naramdaman niyang hinawakan siya sa kamay ni Rigor para kahit paano ay malaman niyang karamay siya nito sa paghihirap na nararamdaman nito. Kahit masakit ay hindi niya pinagsisihan ang naging desisyon. Alam niyang walang katumbas na kaligayahan ang maging isang ina. “Ahh,” huling sigaw niya, unti-unti na siyang nanghihina. Maya-maya ay narinig na niya ang iyak ng isang sanggol. Kahit duguan pa ang katawan ay itinabi ng doctor na nagpaanak sa kanya ang baby. Mangiyak-ngiyak siya habang nakatingin sa anak. Nang tingnan niya si Rigor, umiiyak rin ito habang pinapanuod silang mag-ina. Pero dahil nanghihina siya ay unti-unti na
Read more

SPECIAL CHAPTER 1

“TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr
Read more

CHAPTER 2

NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa
Read more

CHAPTER 3

“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status