“THIS IS SO WRONG!” SITA ni Rigor sa ama nang tawagan niya ito sa kanyang smart watch, “Ginawa ninyong patibong si Althea para lang sa. . .” napapailing siya, “Hindi ako makapaniwalang ikaw mismo ang lumalabag sa sinumpaang adhikain ng ating organinsasyon!” Masamang-masama ang loob na sabi niya sa ama. “Anak, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng ating organisasyon. Oo, ginamit ko si Althea pero ginawa koi yon para pangalagaan ang grupo.” Dumilim ang anyo niya, “At pinayagan mo si Sophia na gawin ang mga kabalbalang ito? Pati sarili mong anak ay hinayaan mong mapaglaruan ng babaeng iyon? Anong klase kang magulang?” sumbat niya rito, “Parehong-pareho kayo ni Sophia. Balewala sa inyo ang lahat, magawa nyo lang ang gusto nyo,” aniyang bahagyang napaismid, “And don’t give me that bullshit reason na nagsasakripisyo kayo para sa samahan. I won’t buy it. Ang sabihin nyo, nag-e-ego trip lang kayo dahil akala nyo, you can get away with everythin
ITINAAS NI SOPHIA ang hawak na baril at nagpakawala ng malalakas na putok sa ere. Nagpupuyos ang kalooban niya sa galit at hindi niya alam kung paano niya ilalabas ang nararamdaman. Pakiramdam niya pati mga tauhan niya ay tinatraydor na siya ngayon. Hindi na niya alam kung sino ba ang dapat niyang pagkatiwalaan ngayon. Maski si Griff, alam niyang hindi niya maaring pagkatiwalaan. Hindi siya dapat na umasa dito. Gusto niyang makitang mamatay sa harapan niya si Althea. Nagtangis ang kanyang mga bagang. Hanggang ngayon ay di pa rin niya maisip na magagawa siyang talikuran ni Rigor alang-alang sa babaeng iyon. “Shit. Shit. Shit!” Malakas na sigaw niya, pumasok siya sa loob ng bahay at kinuha ang kanyang jacket at helmet saka nagmamadaling lumabas muli ng bahay. Sumakay siya sa kanyang big bike at matulin iyong pinakaripas ng takbo. Hindi siya titigil hanggang di niya nahahanap si Althea. Titiyakin niyang mapapatay na niya ito kapag
“ETO NA NGA ba ang sinasabi ko eh! May usapan na tayo na kahit na anong mangyari hindi ka lalabas ng kwarto pero di ka marunong makinig!” Singhal ni Rigor kay Althea nang sunduin siya nito sa kwarto ni Britney. “Pwede ba Rigor mamaya mo na lang ako pagalitan,” sabi niyang pinipigilang salubungin ang galit nito, “Kailangan nating makaalis sa lugar na ito since nasa paligid-ligid lang ang mga kalaban,” malumanay na sabi niya rito. Huminga ng malalim si Rigor saka tumingin kay Britney, “Kailangan mong makipag-ugnayan kay Griff.” Sumilay ang matinding takot sa mukha ni Britney “Wag kang mag-alala, aalalayan kita,” pagbibigay assurance nito sa babae. Niyakap si Britney ng ina nito saka nilingon si Rigor, “Gano ka nakakasigurong hindi mapapahamak ang anak ko?” “Itataya ko ang buhay ko para sa kaligtasan ng lahat,” sabi ni Rigor sa matanda. Napaismid si Althea. Bakit nito itatay
“H-HELLO?” “Damn, Britney, nasaan ka?” Ramdam ni Britney ang tinitimping galit sa tono ng pananalita ni Griff. “N-nag-aalala na ko saiyo. San ka ba nagpunta?” this time ay bigla itong naging malambing sa kanya, “Miss na miss na kita.” Napalsmid siya. Kilalang-kilala na niya si Griff kaya di na mahirap para sa kanyang basahin ang naglalaro sa utak nito. Alam niyang pinasasakay lamang siya nito kagaya ng ginawa nitong pagpapasakay kay Althea at sa ibang tao para makuha kung ano ang nais nito. “Hindi naman ako galit saiyo, hon,” sabi pa nito sa kanya, “I’m sorry kung napagsalitaan kita ng kung anu-ano. Masyado lang maraming problema sa office kaya napagbubuntunan kita ng sama ng loob pero babawi ako saiyo. Nasan ka ngayon? Susunduin kita. Promise, hinding-hindi na kita sasaktan. Please forgive me,” nagsusumamong sabi nito sa kanya. Napakagat labi siya. Di na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi si
KINAKABAHANG pumasok si Britney sa loob ng coffee shop kung saan sila magkikita ni Griff. Kakaupo pa lang niya ay natanawan na niya ang pagdating ni Griff. Nangako sa kanya si Rigor na hindi siya nito pababayaan kaya ipanatag niya ang kanyang kalooban. Huwag na huwag rin daw siyang pahahalata para maging smooth ang takbo ng mga plano nila. Mas lalong wag siyang magpapadala sa emotions niya. “Britney,” sabi ni Griff na humalik sa kanya, “My God, I miss you so much, Britney!” sabi nitong humila ng bangko at naupo sa tabi niya, “Bumalik ka na sa bahay. Ayusin natin kung anuman ang problema.” Pilit ang ngiting pinakawalan niya. Kung hindi niya kilala si Griff ay baka maniwala pa siya. Pero alam niyang pinasasakay na lamang siya nito ngayon kaya di siya dapat maniwala dito. “N-namiss rin kita,” aniya. Ang totoo may nararamdaman pa rin naman siya talaga dito. Umiwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay kayang-kaya nitong bilugin ang utak niya.
“PLEASE GRIFF, nagsusumamo ako saiyo, pakawalan mo si Rigor. Pangako, mananahimik ako. Walang makakaalam ng tungkol dito. I-iyong company, ipinauubaya ko na iyong lahat saiyo, hindi na ako maghahabol pa,” umiiyak na sabi niya, “Basta bitiwan mo lang sya.” Ang lakas ng tawa ni Griff. Si Rigor naman ay halatang naiinis sa mga sinasabi niya. Parang gusto pa nitong sabihin sa kanya na: Bakit mo ba pinapakialaman ang diskarte ko? Pero di niya pinansin ang inis nito. Ang mahalaga para sa kanya ay ang mailigtas dito. Bakit ba uunahin pa nito ang pride kesa humingi ng tulong sa kanila? At nasaan na ba ang Alejandro na iyon? Bakit parang wala man lamang malasakit sa kaibigan? “Pakawalan mo na si Rigor. Kung gusto mo, pipirmahan ko ang katibayan na isinasalin ko na saiyo ang kompanyang naiwan sakin nina Mommy at Daddy,” aniya rito. “Pwede ba Althea, hayaan mo na lang kami ni Griff ang umayos dito,” tila hin
“KASALANAN mo ito! Kung hindi ka nagpatangay sa Griff na yan, hindi masisira ang unang plano!” Sita ni Althea kay Britney. “Kung meron mang dapat sisihin dito, ikaw yun. Kung hindi mo tinukso si Griff hindi mangyayari ang ganito! Maayos na sana ang pagsasama naming pero anong ginawa mo?” inis na sabi ni Britney sa kanya. Natigilan siya. Wow, kasalanan pa pala niya ngayon ang lahat samantalang ito ang nang-agaw ng asawa niya? “Look Britney, kung hindi man ako, ibang babae malamang ang lalandi sa lalaking iyon para maghiwalay kayo. Saka teka nga muna, pakiiulit ng sinabi mo? Baka nakakalimutan mong unang naging akin si Griff. Alam mo ng me asawa syang tao and yet pinatulan mo pa rin. Saka baka nakakalimutan mong nakipagsabwatan ka sa kanya para idispatsa ako?” Yamot na paalala niya rito. Natahimik ito. Napapaiyak na nakatungo. “Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pagkatapos ng lahat ng ito.” “Des
“TONTA!” ang isa sa kanyang mga tauhan ang pinagdiskitahan ni Sophia nang malamang pumaplpak si Griff sa plano nitong idispatsa si Althea. Sinapal niya ang nakatayong lalaki sa kanyang harapan saka tinutukan ng baril, “Sinabihan na kita, hindi ba? Ang sabi ko, ‘wag na wag mo kong babalitaan ng bad news kapag pagod ako!” Napatungo lang ang lalaki. Muli niya itong sinampal saka pinaalis na sa kanyang harapan. Nilingon niya ang maid na naghahanda ng kanyang agahan. Kapag ganitong mainit ang ulo niya, ayaw niyang pinaghihintay siya ng matagal, “Where’s my breakfast?” singhal niya rito. “Heto na,” natatarantang dinala sa harap niya ng babae ang kanyang breakfast. Dalawang toasted bread, cottage cheese, dalawang German sausage, dalawang scrambled egg with tomatoes isang slice ng avocado at umuusok na kapeng barako. Umaga lang siya kumakain kapag weekdays. The rest of the day ay binubuhos niya sa pag-eensayo upang mas lalong tumalas ang i
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l
“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.
NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa
“TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr