Share

CHAPTER 75

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“PLEASE GRIFF, nagsusumamo ako saiyo, pakawalan mo si Rigor. Pangako, mananahimik ako. Walang makakaalam ng tungkol dito. I-iyong company, ipinauubaya ko na iyong lahat saiyo, hindi na ako maghahabol pa,” umiiyak na sabi niya, “Basta bitiwan mo lang sya.”

Ang lakas ng tawa ni Griff.

Si Rigor naman ay halatang naiinis sa mga sinasabi niya. Parang gusto pa nitong sabihin sa kanya na: Bakit mo ba pinapakialaman ang diskarte ko? Pero di niya pinansin ang inis nito. Ang mahalaga para sa kanya ay ang mailigtas dito. Bakit ba uunahin pa nito ang pride kesa humingi ng tulong sa kanila?

At nasaan na ba ang Alejandro na iyon? Bakit parang wala man lamang malasakit sa kaibigan?

“Pakawalan mo na si Rigor. Kung gusto mo, pipirmahan ko ang katibayan na isinasalin ko na saiyo ang kompanyang naiwan sakin nina Mommy at Daddy,” aniya rito.

“Pwede ba Althea, hayaan mo na lang kami ni Griff ang umayos dito,” tila hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 76

    “KASALANAN mo ito! Kung hindi ka nagpatangay sa Griff na yan, hindi masisira ang unang plano!” Sita ni Althea kay Britney. “Kung meron mang dapat sisihin dito, ikaw yun. Kung hindi mo tinukso si Griff hindi mangyayari ang ganito! Maayos na sana ang pagsasama naming pero anong ginawa mo?” inis na sabi ni Britney sa kanya. Natigilan siya. Wow, kasalanan pa pala niya ngayon ang lahat samantalang ito ang nang-agaw ng asawa niya? “Look Britney, kung hindi man ako, ibang babae malamang ang lalandi sa lalaking iyon para maghiwalay kayo. Saka teka nga muna, pakiiulit ng sinabi mo? Baka nakakalimutan mong unang naging akin si Griff. Alam mo ng me asawa syang tao and yet pinatulan mo pa rin. Saka baka nakakalimutan mong nakipagsabwatan ka sa kanya para idispatsa ako?” Yamot na paalala niya rito. Natahimik ito. Napapaiyak na nakatungo. “Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pagkatapos ng lahat ng ito.” “Des

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 77

    “TONTA!” ang isa sa kanyang mga tauhan ang pinagdiskitahan ni Sophia nang malamang pumaplpak si Griff sa plano nitong idispatsa si Althea. Sinapal niya ang nakatayong lalaki sa kanyang harapan saka tinutukan ng baril, “Sinabihan na kita, hindi ba? Ang sabi ko, ‘wag na wag mo kong babalitaan ng bad news kapag pagod ako!” Napatungo lang ang lalaki. Muli niya itong sinampal saka pinaalis na sa kanyang harapan. Nilingon niya ang maid na naghahanda ng kanyang agahan. Kapag ganitong mainit ang ulo niya, ayaw niyang pinaghihintay siya ng matagal, “Where’s my breakfast?” singhal niya rito. “Heto na,” natatarantang dinala sa harap niya ng babae ang kanyang breakfast. Dalawang toasted bread, cottage cheese, dalawang German sausage, dalawang scrambled egg with tomatoes isang slice ng avocado at umuusok na kapeng barako. Umaga lang siya kumakain kapag weekdays. The rest of the day ay binubuhos niya sa pag-eensayo upang mas lalong tumalas ang i

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 78

    “SO GUSTO MONG MAKIPAGHIWALAY?” Ramdam niya ang sakit sa mga mata nito, “So, ginagawa mo lang itong dahilan pero ang totoo, gusto mo lang pala akong hiwalayan?” Sita nito sa kanya. Napabuntong hininga siya ng malalim. Hindi niya alam kung saan na naman papunta ang diskusyon nilang ito. Na-misinterpret na naman siya ni Althea. “Althea, will you stop being so childish!” “Ah, ako pa ngayon ang parang bata?” Minsan napapaisip rin siya kung mas okay pa nga na single na lamang siya para wala siyang sakit ng ulo. Pero mahal talaga niya ang babaeng ito. “Althea. . .” akmang hahawakan niya ito ngunit mabilis nitong ipiniksi ang kamay niya. Napailing siya. Pagod siya at hindi ito ang oras para makipagtalo.“Okay, kung yan ang gusto mo. Go ahead. Siguro nga mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo kasi parang yan ang matagal mo ng ipinupunto eh. Malamang, pinagsisihan mo na ako ang pinili mo! Maybe this is your way para tulu

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 79

    “OKAY KA LANG?” Nag-aalalang tanong ni Amanda kay Althea nang mapansing balisa ito. Sa ilang araw na pananatili nito sa bahay ay nagkapalagayang loob na sila. Nakikita niya ang kanyang sarili dito. Ramdam niya kung gaano nito kamahal si Rigor at nagawa nitong tanggapin kung anuman ang tunay nitong pagkatao. Hanga rin siya sa katapangan nito. Kung naging ganito rin sana siya katapang ay hindi humantong sa ilang taong paghihiwalay ang pagsasama nila ni Genis. Ang dami pa nilang pinagdaanang problema bago nila naayos ang relasyon nila dahil pareho silang naduwag magsabi ng totoong nararamdaman. “Nag-aalala ako para kay Rigor,” sabi nito sa kanya, “Hindi ko kakayanin kapag nawala sya,” anito. “Althea, baka nakakalimutan mong Mafia boss si Rigor,” paalala niya rito, “Alam na alam nya kung anong ginagawa nya kaya wala kang dapat na ipag-aalala.” Bumuntong hininga ito ng malalim, “Ang totoo, mas higit kong ipinag-aalala ay

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 80

    “ALTHEA,” Nakangising bati ni Sophia nang makita niya ito sa camera, kitang-kita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito nang makita siya, “Bakit naman ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba natutuwang makita ako?” “A-anong ginawa mo kay Rigor?” Puno ng pag-aalala sa mukha nito. “Don’t worry, wala pa akong ginagawa sa kanya. Pero kapag hindi ka nagpakita sakin, hindi ako magdadalawang isip na patayin sya. Hindi ako nagbibiro Althea. Kakayanin kong mawala sya sakin kapalit ng kamatayan mo. How about you, handa ka bang makita syang wala ng buhay?” “No! Asan ka? Hindi ako natatakot saiyo!” Matapang na sigaw nito. Nilingon niya si Rigor sa kwarto. Hindi niya akalaing kayang isakripisyo ni Althea ang sariling buhay para kay Rigor. Bagay na kahit na kailan ay hinding-hindi niya magagawa. Mahal niya si Rigor ngunit syempre pa ay mas mahal niya ang kanyang buhay. Hindi sya kasing tanga ni Althea pagdating sa pag-ib

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 81

    “HINDI TAYO pwedeng basta-basta na lamang sumugod sa area. Isang pagkakamali lang, manganganib ang buhay nila,” babala ni Genis sa mga kasamahan habang minomonitor ang naririnig na pag-uusap ng mga tao sa loob sa tulong ng ear plug na ipinasuot niya kay Althea. Malapit lang sila sa vicinity. May mga tauhan siyang naghihintay lang ng signal niya para pasukin ang kampo ng mga kalaban. Napapaligiran na rin nila ang kampo ng mga ito. Ngunit hanggang ngayon ay di pa rin niya matantiya kung ilan talaga ang mga tauhan duon ni Sophia. Alam niyang dumaan sa intensive training si Sophia kapag magaling ito pagdating sa mga ganitong operasyon. Kaya as much as possible ay dapat silang maging maingat. Naiinis siya dahil wala siyang paraan kung paano makakausap si Rigor. Napatuwid siya ng tayo nang marinig muli ang boses ni Althea. “Rigor, damn, bakit kailangan nyo pa siyang itali at ikulong dito sa kwarto sa right!” dinig niyang sabi nito. Ala

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 82

    PAKIRAMDAM ni Althea ay si Superwoman siya nang buong tapang niyang kinagat si Sophia dahilan para mabitiwan siya nito. Ngunit bago pa siya makatakbo palayo ay nagpaputok na ito at tinamaan siya sa likuran. Hindi na niya namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari. Ang tanging huling narinig niya ay ang malakas na sigaw ni Genis at ang sunod-sunod na pinakawalan nitong mga putok. Pakiramdam niya ay unti-unti nang humihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Waring may commotion na nagaganap sa buong kapaligiran. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng ulirat. Galit na galit na pinaputukan ni Genis ang kamay ni Sophia, nabitiwan nito ang baril. Muli niya itong pinatamaan sa dibdib. Humandusay si Sophia ngunit pilit pa ring inaabot ang nalaglag na baril. Mabilis na iyong nadampot ng kanyang tauhan. Sumigaw ang mga magulang nito, akmang lalapitan ng mga ito ang babae ngunit napigilan ito ng kanyang grupo. Tinakbo niya si Althea a

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 83

    “KUNG HINDI ka rin lang mapapasakin, mas mabuti pang mamatay ka na!” nanginginig sa galit na sigaw ni Griff habang nakapulupot ang isang braso nito sa leeg ni Althea, “Hinding-hindi ka mapapakingan ng iba!” “Bitiwan mo si Althea. Nakikiusap ako saiyo!” sabi ni Rigor, inilapag nito sa sahig ang hawak na baril at itinaas ang dalawang kamay, “Pakawalan mo sya, kapalit ng buhay ko!” “No Rigor!” sigaw ni Althea, “Please umalis ka na Rigor. Pabayaan mo na lang akong mamatay. Mas kakayanin kong mamatay kesa ikaw ang mawala.” Napangisi si Griff, “Talaga nga palang masyado nyong mahal ang isa’t-isa para isakripsyo ang mga sarili nyong buhay alang-alang sa kaligtasan ng mahal nyo!” anitong tumawa ng malakas, “Totoo naman kaya yang mga ipinapakita nyo?” “Nagmamahalan kami ni Rigor. Hindi kami gaya mo na mahilig sa palabas!” singhal niya sa dating asawa. “Talaga lang ha?” anitong napaismid, “Eh kung sabay ko na la

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 9

    "HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 8

    KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 7

    “THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 6

    BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 5

    “A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 4

    SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 3

    “A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 2

    NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa

  • The Mafia's Dispensable Woman   SPECIAL CHAPTER 1

    “TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr

DMCA.com Protection Status