“Kilala mo, Liraz?” tanong ng babae na siyang dahilan para umiwas ito ng tingin kay Nicholas.“Hindi. Tara na, tinatawag na tayo,” agad na sagot ni Liraz. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang lampasan nila si Nicholas na nakatayo pa rin sa labas ng dressing room. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o magtatampo o kung anuman. As far as she could remember, Nicholas never mentioned this matter to her… not through text or call and not even when they met last time. Napabuntong hininga na lamang siya para kalmahin ang sarili niya. “I am sure he has a reasonable reason why he did this.” Iyan ang tinatak ni Liraz sa isipan para kahit papaano ay makapag-focus siya sa show na iyon. Meanwhile, Laverna was almost done getting prepared, however, she received a text. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa report na kaka-send lang ni Julia. Pagkatapos niyang mabasa iyon, pinatay na niya ang cellphone at tinuon na lang ang pansin sa pag-aayos.Upon finishing putting on the wedding dress
Huling Na-update : 2022-08-30 Magbasa pa