Magpapaliwanag sana si Nicholas para maiwasan niya ang pagdududa pero bago pa man siya makapagsalita, isang batang babae na nakasuot din ng bestidang katulad ng kay Cinderella ang lumapit sa kanila. She was holding a probing cane and her eyes seemed to not be directly looking at the model.
“Tita Laverna,” tawag nito sa dalaga na siya namang naging dahilan para ngumiti ito.
“Yes, baby? Tapos ka na bang kumain?” tanong naman ni Laverna pagkatapos niyang pisilin ang pisngi nito.
Tumango naman si Anna nang may ngiti sa kaniyang mga labi. Nabulag man siya sa murang edad pero noong nakilala niya si Laverna, hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan para malugmok siya sa lungkot.
“Nga pala, tita, nasaan si Tito Julius? Sabi mo isasama mo siya sa pagbisita,” dagdag ng batang babae.
Nawala ang ngiti ni Laverna nang ilang segundo pero sa isang iglap, lumiwanag ulit ang ekspresyon nito.
“Iku-kuwento ko sa ‘yo mamaya.” Hinawakan ng dalaga ang kamay ng batang babae pero bago sila umalis sa harapan ni Nicholas, isang makahulugang tingin ang binato niya sa kaniyang bodyguard.
Nakahinga naman nang maluwag si Nicholas dahil akala niya ay mabubuko na agad siya. Nang kalaunan ay naramdaman niyang nagva-vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Agad siyang nagtungo sa may CR at tiningnan na si Victor ang tumatawag. Agad niya itong sinagot.
“Make it quick,” utos niya.
“Boss, halos mamatay na ang Erik na ‘yon pero konting impormasyon lang ang nakuha namin. Una, matagal nang nagdo-donate si Laverna sa mga iba-ibang orphanage at walang halong ibang motibo ang pagtulong niya. Kaya sa tingin ko, she is just a dedicated person wanting to help the poor or it could just be a facade.”
“That’s it?” Bakas sa tono ng boses ni Nicholas ang pinaghalong inis at galit dahil alam na niya ang detalyeng iyon.
“Chill ka lang, boss. Hindi ko alam kung mapapakinabangan natin ‘to pero malapit si Laverna sa isang bata sa Ester Orphanage. Anna Castillo ang pangalan at ayon kay Erik, binabalak ni Laverna na ampunin ito.”
“Hayaan niyo munang mabuhay ‘yang Erik na ‘yan. He will still be useful later.”
“Yes, Boss. Pero sa iisang bahay ba kayo nakatira ni Laverna? Baka naman gusto mong ibigay ang address-”
Bago pa man matapos ni Victor ang sinasabi niya, binabaan na siya ng boss niya. Alam ni Nicholas kung gaano hinahangaan ni Victor si Laverna bilang isang modelo kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang ibigay sa kaniya ang misyon na maging bodyguard. Baka kasi mamaya, makalimutan na niya ang mga dapat niyang gawin tapos papalpak pa.
Pagkatapos ang tawag na iyon, agad bumalik sa kaniyang pwesto si Nicholas. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kinaroroonan ng amo niya at nakita niya itong nakahiga sa sahig kasama ang ibang mga bata na nakahiga rin sa kaniyang tabi habang nagbabasa siya ng isang libro. Samantalang si Anna naman ay ginawang unan ang tiyan ng dalaga. Sa mga nakikita ni Nicholas, gusto niyang paniwalaan na ang Lavernang nakikita niya ngayon ay ang totoong ugali niya dahil kung gano’n, maaari niyang gamitin ang buong orphanage para makapaghiganti. Unti-unti niyang wawasakin ang mga bagay na pinapahalagahan ng dalaga para maranasan nito kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal. At kapag nagawa niya ‘yon, saka niya ito babawian ng buhay.
That would be the perfect revenge for Nicholas but for now, he will let her live in luxury as how she had lived ever since. This is to make her believe that no danger was simply lurking around her.
Noong malapit nang dumilim, nagpaalam na ang dalawa sa mga bata at mga tagapamahala ng orphanage bago umalis. Hinintay muna ni Laverna na makapasok si Nicholas sa kotse at makapuwesto sa driver’s seat bago niya ito nilapitan. Kita niya ang pagtataka sa mukha ng binata pero hindi niya ito pinansin at nilapitan niya lang ito habang nakabukas ang pinto.
“Bakit-”
Laverna immediately adjusted the driver’s seat into its flat position and pushed Nicholas down before getting on top of him with her legs on both of his sides. He cursed under his breath because of the sudden attack.
Matalim ang tingin ng dalaga sa kaniya bago niya ito kinuwelyuhan.
“Don’t you ever talk down on me like that again,” she said with her usual authoritative tone of voice. “Got that?”
Tumango na lang si Nicholas. Akala niya kasi ay nakalimot na ang dalaga sa nangyari pero hindi pala. Pero kahit gan’on, nagawa niya pa ring makahinga nang maluwag dahil walang bakas sa mga mata nito na pinagdududahan siya. Makalipas ang ilang segundo, hindi pa rin umaalis si Laverna sa kaniyang kinaroroonan. Looking at her, Nicholas realized that she was looking at his lips and even gulped.
Maya-maya pa ay muling binalik ni Laverna ang tingin niya sa mga mapanlokong mata ng kaniyang bodyguard na nakangisi na pala. Walang alinlangan niyang hinampas ang dibdib nito saka umirap bago umalis sa ibabaw niya.
“Dukutin ko mga mata mo eh,” bulong ng dalaga bago inayos ang pagkakaupo sa passenger’s seat.
Umiling na lang si Nicholas at inayos ang kaniyang upuan bago sila tuluyang umalis pabalik sa bahay ng dalaga. Tahimik lang ang dalawa sa biyahe hanggang sa mapansin ng binata na nakatulog na pala si Laverna. Gigisingin na sana niya ito nang biglang sumagi sa isipan niya ang nabanggit ni Clarrisse sa kaniya tungkol sa pag-inom ng modelo ng sleeping pills. Dahil dito, binuhat na lang niya si Laverna at dinala siya sa kaniyang kwarto. Pagkatapos niyang tanggalin ang heels nito saka kumutan, hindi niya mapigilan ang sarili na tumingin sa kwarto ng dalaga.
Noong una, ang akala niya ay puno ng armas o ‘di kaya’y mga mahahalagang dokumento ang loob ng kwarto ng dalaga pero nagkamali ito. Parang silid lang ito ng isang ordinaryong babae. Paglingon niya sa may tabi ng kama, naglakad siya papalapit sa mga litratong nakapaskil sa dingding. They were photos arranged chronologically and from the looks of it, it seemed like the memories of Laverna when she started going to the Ester Orphanage. At sa bawat larawan kung nasaan siya ay kasa-kasama niya si Anna at ang dati nitong bodyguard, si Julius.
Aalis na sana siya bago magising ang amo pero napatigil ito nang makita ang pinakahuling litrato. Tanging si Julius at si Laverna lang ang naroroon. Nakayakap si Julius sa modelo na abot langit ang ngiti samantalang si Laverna naman ay nakapikit at nakahalik sa pisngi nito habang pinapakita sa kamara ang kaliwang kamay nito. And on her ring finger… It was a silver ring with several small pieces of diamonds on it.
“Lance Martinez. Who told you to enter my room?”
Tila binuhusan si Nicholas ng napakalamig na tubig nang marinig ang boses ni Laverna mula sa kaniyang likuran.
“Get. The. Fuck. Out.”
“Ma’am, sorry po. Ayaw ko lang po kasi kayong gising dahil mukhang pagod kayo-”
Halos matumba si Nicholas nang matanggap niya ang malakas na suntok mula sa dalaga. Licking the side of his lips, he tasted the metallic taste of his own blood. Gustuhin man niyang lumaban pero mas lalo lang niyang bibigyan ng rason si Laverna para tanggalin siya sa kaniyang posisyon. Kaya naman hinayaan niya itong magalit sa kaniya.
“Did I ever give you permission to get inside my room?” tila kalmadong tanong ni Laverna.
Umiling ang binata. “Hindi po, ma’am.”
Nagkalat sa sahig ang ilang mga dokumento nang mabangga ni Nicholas ang mesa pagkatapos siyang sipain sa tiyan. It may be damaging to his very ego but he cannot deny the fact that the woman’s attack was painful to bear. Before he could try to stand, Laverna gave him no chance and continued kicking him right on the gut. Hindi pa nakuntento ang dalaga kaya naman ilang suntok na naman ang pinadapo niya sa mukha niya hanggang sa nakita niyang dumugo ang bibig nito.
Laverna stood with her anger slowly fading but that did not mean that she was going to forgive him. Looking down on him, she commanded, “Get your ass out of my house.”
Nicholas could barely stand but he still followed her demand. Turning his back on her, he could only grit his teeth as his patience was so close to snapping. However, when he was reminded of how his sister was burned to death alive, he managed to get ahold of himself. Pagkatapak niya sa labas ng bahay, agad sinara ni Laverna ang pinto at ni-lock ito.
Habang pataas siya sa hagdan, bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagsigaw ni Nicholas.
“Ma’am, huwag niyo po akong tanggalan ng trabaho! Parang awa niyo na po!” pagmamakaawa ng binata pero hindi siya pinansin ni Laverna.
Pumasok na lamang ito sa kaniyang kwarto at naglakad patungo sa mga nakapaskil na litrato. In her eyes, the picture of her and her fiance reflected on them as they grew teary. She bit her lower lip as she once again felt that wrenching pain in her heart.
“I missed you so much, baby,” bulong niya habang hawak-hawak ang litrato ni Julius.
Tumulo na naman ang mga luha niya kahit nangako siya sa sarili na hindi na siya iiyak dahil iyon ang mga huling sinabi sa kaniya ni Julius. Pero kahit anong pigil niya sa sarili, hindi niya mapigilang umiyak. Julius was her everything. He was the one who loved her more than anyone else. He was the one who showed her that she was a valuable woman and someone who deserved to be loved. And just before they were about to get married in secret, she lost him. That was the most painful thing for her. They were almost close to their happy ending but it was just… almost.
Laverna shook her head and simply went to the shower to wash up. Tulad nga ang lagi niyang sinasabi sa sarili, ang pag-iyak at pagiging malungkot, dapat hindi pinapatagal dahil nagpapakita lang iyon ng kahinaan. At para maipaghiganti niya si Julius, dapat siyang manatiling malakas.
Pagkalabas niya sa bathroom, tumingin siya sa may bintana at nakita si Nicholas na hindi pa rin umaalis.
“Bahala ka sa buhay mo,” bulong niya sa sarili.
Kinaumagahan, maagang nagising si Laverna dahil sa mga naririnig na ingay na tila nanggagaling sa first floor ng bahay. She wore a new disguise before leaving her room and upon stepping down the staircase, she saw Clarrisse rushing to the kitchen with a worried look plastered on her face. Pagtingin niya sa may sala, nakita niya roon si Nicholas na nakahiga at tila nilalamig pa rin kahit may kumot na ito.“Bakit mo pinapasok ‘yong lalaking ‘yon?” tanong ni Laverna nang lumabas ang pinsan mula sa kusina.Bago niya nakuha ang sagot nito, isang malakas na hampas sa braso ang kaniyang natanggap at masama pa ang tingin sa kaniya na para bang may ginawa na naman siyang napakalaking kasalanan.“Ano bang ginawa mo at hindi mo pinapasok si Lance? Alam mo
Makalipas ang dalawang araw, gumaling nang husto si Nicholas kaya naman naisipan ni Laverna na lumabas na muna dahil halos tatlong araw na silang nagkukulong sa bahay. Pagkatapos niyang isuot ang bago nitong disguise, nilingon niya ang asul na gift box. As far as she remembered, she did not really give Nicholas anything as a congratulatory gift for becoming his official employment as her new partner. Isang ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi bago niya kinuha ang kahon at lumabas sa kaniyang kwarto. Nadatnan niya si Nicholas sa may sala at nang makita niya ang pormal nitong suot, napataas ang kaniyang kilay habang pababa ito sa hagdan. Tumayo naman ang binata saka yumuko.“Maraming salamat po pala, ma’am, sa pag-aalaga sa ‘kin no’ng may sakit ako. Hindi na po mauulit.”Laverna simply motioned him to sit back so Nicholas obediently followed. Naupo naman ang dalaga sa mesang nasa mismong harapan niya saka nilahad sa kaniya ang asul na kahon.“It’s a congratulatory gift so just accept
The next morning, Laverna woke up with a hangover. Sitting up while rubbing her temple, she caught a whiff of a familiar scent, which was not hers but Nicholas’. Minulat niya nang husto ang mga mata saka nilibot ang tingin sa paligid. Sa oras na iyon, napagtanto niya na nasa kwarto lang siya ni Nicholas pero kahit ni anino ng binata ay wala siyang makita.Suot-suot pa rin niya ang maikling itim na tube dress kaya naman sigurado siyang hindi siya ginalaw ni Nicholas. Ang umagaw lang sa kaniyang atensyon ay ang mga band aid na nasa magkabilang kamay niya at pati na rin sa kaniyang dalawang paa. Wala siyang maalala na nakipag-away siya noong nakaraang gabi kaya naman hindi niya mapigilang mapatanong sa sarili kung ano ba talaga ang nangyari.Umalis siya sa kwartong iyon at agad bumaba sa kusina kung saan niya nakita ang bodyguard niyang naglilinis ng mga basag na bote. Ang unang sumagi sa kaniyang isipan ay siya mismo ang gumawa noon.“Sleepwalking?” tanong niya na tila sigurado siyang a
Habang pinupunasan ni Laverna ang kaniyang mga kamay na nabahiran ng dugo, narinig niya ang mga kalampag at suntukan sa labas ng silid. She, then, fished out her phone and called Clarrisse.“Are you done?” tanong agad ng pinsan niya.“Yeah, yeah. It’s quite messy here. Ikaw na ang bahala.”“Roger that.”Pagkatapos ang kanilang maikling tawag, biglang natahimik ang ingay sa labas. Naghintay siyang buksan ni Nicholas ang pinto pero lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring nangyayari. Tinago niya ang kaniyang cellphone bago kinuha ang baril at dahan-dahang naglakad patungo sa may pinto. Unti-unti niya itong binuksan at bumungad sa kaniya si Nicholas na nakataas ang mga kamay habang may ilang mga armadong kalalakihan ang nakapaligid sa kanila.“Your boss is gone,” saad niya. “Kung ayaw niyong sumunod sa kaniya, ibaba niyo ang mga baril ninyo.”Imbes na matakot sila, mas lalo silang nabigyan ng rason at motibasyon na patayin ang babaeng nasa harap nila. May hinala na kasi sila na walang ib
Naiwang duguan si Laverna sa sahig pagkatapos siyang gulpihin ng isa sa mga tauhan mismo ng kaniyang ama. Pinanood lamang niya ang lalaki na pumasok sa silid at sinara ang pinto sa harap niya nang wala man lang natanggap na kahit anong salita kay Mr. Valdemar. Pilitin man niyang muling makaharap at makausap ang ama, wala ring mangyayari dahil hindi ito nakuntento sa resulta ng kaniyang pinakahuling misyon. Nahirapan pa siyang tumayo mag-isa kaya nang makawala si Nicholas sa mga kamay ng dalawang lalaki, agad itong tumakbo papunta sa kaniya.Walang ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Binuhat niya lamang ito at dinala siya sa kotse. Pinaupo niya ito sa harap bago kinuha ang panyo niya at pinunasan ang dugo nito sa ilong. And he must admit, this redheaded woman in front of him was captivating as if he was under a sorceress’ spell. Hindi niya rin maiwasang isipin na baka ito ang totoong itsura ng babaeng kinatatakutan ng nakakarami kasi imposible namang makakapagsuot siya ng pa
Nicholas had the choice to break the kiss and to stop Laverna from making anymore advances, however, her kisses were too addicting and too impossible to resist. Her warm touch seemed to have ignited something from within him, heating him up like crazy. Hence, he responded to her kisses and let his hands feel the curve of her torso. The way she dominated him was something Nicholas never experienced before and he could not even deny that he liked it. After a few seconds of that passionate kiss, Laverna broke away and tried to catch her breath. Their foreheads were still leaning against each other as she looked into his eyes.Gusto niyang makita sa mga mata ni Nicholas kung napipilitan lang ba ito o marinig man lang sa kaniya na itigil ang anumang sinimulan nila. However, she saw no regret in his pair of ocean-blue eyes. Before she could ask for his permission to make sure that this was not only one-sided, Nicholas initiated their second kiss and, this time, he was the one leading it. H
Pagkatapos kumain ni Laverna, nagdesisyon itong kausapin saglit si Nicholas. Kumatok muna ito at maya-maya, bumungad sa harap niya si Nicholas.“We really have nothing much to do for the next three days so I am thinking of letting you have your three-day break. And be reminded na aalis tayo ng bansa next week para sa isang special mission,” saad ni Laverna. “You can leave anytime and take the car.”Tumango lamang si Nicholas pero noong tumalikod na si Laverna, nagsalita ito.“Are you giving me this sudden break because of what happened last night?” he asked without hesitation.Muli siyang hinarap ni Laverna at isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi bago siya umiling.“Hindi. Let’s just pretend that we never did that.”“Okay.”Kahit iyon ang sinabi ni Laverna, napabuntong hininga pa rin siya nang makapasok sa kaniyang kwarto. It may sound unfair to Nicholas since she did not ask him about his opinion regarding the matter, she thought that this was the better option for them. Luma
The first stop Nicholas went to upon reaching the main city was the real Lance's house to park the car he borrowed from Laverna. Who knows? That woman could have put some tracker on it. Sa isang tawag lang niya, dumating agad si Victor para sunduan ang boss nila. Pagkapasok ni Nicholas sa kotse, agad niyang sinabi kay Victor na dalhin siya kay Liraz. “Anong nangyari? Akala ko matatagalan ka doon sa tabi ni Laverna,” tanong ni Victor. “She is giving me two days as a break since we will be leaving the country next week. I do not know the details yet but I will inform you once I get them. How’s everything going so far?” “Nothing worth mentioning. Wala pa namang nakakapansin na wala ka noong mga nakaraang araw. As for Liraz though… I think you should do better in consoling her.” Well, Nicholas already prepared himself for that so before meeting with her, he bought a bouquet of flowers and some tiramisu that his girlfriend always loved. After 20 minutes, Victor parked the car in front