Share

Chapter 4

Halos dalawang minutong nagkatitigan ang dalawa hanggang sa tumayo si Nicholas at nagsalita.

“Nasa’n ang first aid kit?” tanong nito. “Kailangang ma-disinfect iyang mga sugat mo.”

Imbes na sagutin ang kaniyang tanong, tumayo na lang si Laverna at naglakad papunta sa may hagdanan.

“‘Di na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko. Just pretend that you saw nothing today.” Malamig ang kaniyang boses at base sa kaniyang kinikilos, tila alam na niya kung bakit nangyayari iyon. 

Nang makapasok na siya sa kaniyang kwarto, napabuntong hininga na lamang siya bago binuksan ang drawer na nasa tabi lang ng kama niya. Kinuha niya ang isang maliit na bote at kumuha ng isang pill. She took in before heading to the bathroom to clean herself up and to remove her disguise, which she somehow forgot to do hours before. Pero mabuti na rin iyon dahil kung tinanggal niya ang disguise niya bago siya natulog kanina, malalaman na ni Nicholas ang totoo niyang itsura. 

“Fuck,” she cursed under her breath. The stinging pain felt like blades piercing through her flesh as she washed off the blood. The fact that Nicholas saw her in such a state was stressing her out.

Hindi sa nahihiya siya sa nangyari kundi natatakot siyang baka gamitin iyon laban sa kaniya lalo na at hindi niya pa lubos na pinagkakatiwalaan ang binata. Habang tinatapalan niya ng gauze ang kaniyang mga sugat na buti na lang at hindi ganoon kalala, hindi niya maiwasang pagalitan ang sarili dahil sa nangyari. Alam man niya na wala talaga siyang kontrol sa katawan niya kapag nagi-sleep walking siya pero kasalanan niya pa rin kung bakit humantong siya sa ganoong kalagayan. Ilang oras pa ang lumipas, nagsimulang gumana ang sleeping pill na ininom niya kaya naman agad siyang nakatulog. 

Kinabukasan, maagang nagising si Nicholas sa pag-aakalang gising na ang boss niya pero pagbaba niya sa first floor, kahit ni anino ni Laverna, wala siyang nakita. Maya-maya pa ay may nag-door bell kaya agad siyang lumabas para tingnan kung sino man ang bumisita sa mga oras na iyon. Pagkabukas niya ng pinto, isang nakangiting Clarrisse ang bumati sa kaniya. May dala itong mga pagkain at inumin kaya naman mabilis siyang pumasok at nilatag ang mga hawak niya sa may sala.

“Si Laverna?” tanong niya.

“Hindi pa ata gising eh,” matipid na sagot ni Nicholas. Pinanood niya ang dalaga na tumakbo pataas sa kwarto ni Laverna at wala pang dalawang minuto ay nakita na niya agad itong pababa sa hagdan. Tumungo ito sa kusina para tingnan kung nagkagulo-gulo ba roon pero malinis naman kaya binalikan niya si Nicholas sa sala.

“Naglinis ka ba?” maikling tanong niya ulit.

Tumango si Nicholas. “Kaninang gabi. Nadatnan ko kasi si Miss Laverna na tulog pero kumakain sa may kusina.”

Napailing si Clarrisse bago ito naupo at binuksan ang pizza na dala niya. “Siguro hindi niya na naman sinabi sa ‘yo pero bantayan mo pa rin siya kahit na nakatulog kasi naglalakad talaga iyan kapag tulog at kumakain pa tapos paggising niya, wala na siyang maalala. Sabi ng doktor niya, kailangan niyang itigil muna ang pag-inom ng sleeping pills pero ang tigas pa rin talaga ng ulo niya.”

Tumango na lamang si Nicholas at imbes na sabayan si Clarrisse sa pagkain ng pizza tsaka fried chicken, pumunta na lamang siya sa kusina para magluto. Habang ginagawa niya iyon, hindi maalis sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi at pati na rin ang sinabi ni Clarrisse. It was just something he did not expect to be happening within the private life of a notorious killer like Laverna. Either way, he had to know more about her situation. Who knows? It could also be something he could use against her. And one more thing that bothered him.

Was she wearing a disguise that time? That question lingered. Iyong mukhang gamit niya kasi sa oras na iyon ay ang mukha niya bilang si Laverna Hansley, ang modelong kilala ng lahat sa modeling and fashion industry. 

Maga-alas dose na nang magising si Laverna. She changed and once again put on her disguise as the famous model before leaving her room. Nadatnan niyang nanonood na naman sa kaniyang sala si Clarrisse.

“Si Lance?” tanong niya habang pababa ng hagdan.

“Nasa gym mo. Mukhang nababagot na kakaantay sa ‘yo,” sagot ni Clarrisse nang hindi siya nililingon.

Pinuntahan niya agad ang kaniyang bodyguard at nadatnan niya itong umiinom ng tubig habang pawis na pawis. Ayaw man niya pero hindi niya mapigilang titigan ang makisig nitong pangangatawan lalo na at tinanggal nito ang pangtaas na damit. Nang magtama ang tingin nilang dalawa, umakto si Laverna na wala siyang nakita. Agad niyang kinuha ang towel na nasa tabi niya at binato ito kay Nicholas.

“Get changed,” utos niya. “May pupuntahan tayo mamaya.”

Agad namang sumunod si Nicholas. Makalipas ang isang oras, umalis na silang dalawa at nagtungo sa shop ulit ni Daisy. Pagkapasok nila, agad silang sinalubong ng may-ari.

“Okay na ba ang lahat?” tanong ni Laverna.

“More than ready,” sagot ni Daisy nang nakangisi. Tiningnan niya rin si Nicholas at tila mga bituin kung magningning ang kaniyang mga mata. “At sigurado akong bagay na bagay sa kaniya ang gawa ko.”

Umalis saglit si Daisy kaya naman nilapitan ni Nicholas ang amo. “Marami na po akong damit na binili niyo. Tingin ko hindi na kailangang bumili pa ng bago.”

Isang nakalolokong ngiti ang naisagot sa kaniya ni Laverna. Hinawakan niya pa ang binata sa balikat at inayos ang kwelyo nito.

“Huwag kang mag-alala, hindi mo naman ito magagamit araw-araw tsaka may space pa naman sa closet mo.”

Hinila ng dalaga ang walang kamuwang-muwang na si Nicholas at nagtungo sila sa may dressing room. Nang bumalik si Daisy, may kasama itong dalawang babae na nakahawak ng magarang asul na gown. Si Daisy naman ay dala-dala ang para kay Nicholas.

“Ma’am, no. I cannot just wear that.” Nicholas started walking backwards as Daisy stepped closer while holding the costume of a prince.

Hinawakan naman siya ni Laverna sa kamay at pinuwersa itong pumasok sa dressing room. Kinuha niya kay Daisy ang damit nito at binigay kay Nicholas na halata sa kaniyang mukha na ayaw niya itong isuot. Pero kahit ayaw naman niya, wala na siyang ibang choice kundi sundin ang utos ng kaniyang boss na konti na lang ay papatayin siya sa tingin.

“When I am done fitting my gown, you better be finished as well. Or else, you will sleep outside tonight,” bintang ng dalaga bago isara ang pinto.

Kinuha naman niya ang gown niya saka pumunta sa kabilang cubicle. Medyo natagalan ito sa loob dahil inayos niya ba ang kaniyang buhok para makopya ang itsura ni Cinderella. Nang makuntento siya sa kinalabasan ng ginawa niya, lumabas ito at bumungad agad sa kaniyang harapan si Nicholas na hindi maipinta ang mukha pero tama nga si Daisy, bagay ang ganoong pananamit sa kaniya dahil nagmukha itong prinsipe kaysa bad boy type.

“Para saan ba ‘to?” inis pa rin niyang tanong dahil gustong-gusto niya agad na hubarin iyon.

“Relax ka lang. Malalaman mo rin naman eh.” Binaling ni Laverna ang kaniyang atensyon kay Daisy at nagpasalamat muna ito bago siya naunang lumabas sa shop. Pero napansin niyang nakatayo lamang si Nicholas sa may gilid at tila walang balak umalis.

Nameywang si Laverna. “Sasama ka sa ‘kin na suot iyan o uuwi kang hubad? Mamili ka.”

It may be against his will but Nicholas simply heaved a heavy sigh and started regretting his decision of becoming her bodyguard. He followed Laverna behind and heaven knew how red his face was out of embarrassment, especially that he could feel the eyes of the people on him. Ang ilang minuto lamang na paglalakad nila papuntang parking lot ay tila ilang taon na para sa kaniya. 

Pagkaupo niya sa may driver’s seat, ramdam niya agad ang mapanlokong titig ni Laverna. Nilingon niya ito at isang ngiti ang kaniyang nakuha mula sa kaniya.

“Don’t put on that long face. Isipin mo na lang na sa hapong ito, ikaw ay si Prince Charming na kinababaliwan ng mga kababaihan,” saad ni Laverna.

“Are we going to a cosplay con?” malamig na tanong niya.

Umiling si Laverna. Umandar na ang kanilang sasakyan pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ng binata. With her eyes focused on the road, she spoke.

“Let’s head to Ester Orphanage,” saad niya. 

Hindi na umimik si Nicholas dahil mukhang alam na niya kung bakit sila nakasuot ng gano’n. Tutal wala namang mawawala sa kaniya, hindi na ito nagreklamo at nagmaneho na lang.

“Ilang taon na po ninyo itong ginagawa?” tanong niya.

“Hmm…” Laverna paused for a bit. “It’s been a while but I started it when I was 18 so I guess… for seven years now.”

Nicholas could only nod. Maganda man ang ginagawang pagtulong ni Laverna sa mga ulila at mahihirap pero hindi niya magawang matuwa rito dahil sa likod ng pagpapanggap niyang ito, isa pa rin siya mamamatay tao. Kung ilang tao ang tinutulungan niya, gano’n ding karami ang napatay niya at kasali na roon ang babaeng nakababatang kapatid ni Nicholas. Kung ang pagtulong ni Laverna ay hindi konektado sa anumang illegal na gawain ng grupo nila, sigurado ang binata na ginagawa niya ito para siguro mapagaan ang loob niya pagkatapos kumitil ng buhay. In short, she is nothing but a hypocrite in his eyes.

Nang makarating sila sa orphanage, nagsilabasan ang mga bata at halatang nasiyahan sa pagdating ni Laverna. 

“Alright, kids! Sino sa inyo ang gustong maging prinsesa at prinsipe ngayon?” tanong ng dalaga habang nakangiti.

Nagsitaasan ng kamay ang mga bata at nang sumenyas si Laverna na tumahimik ang lahat,  napasunod niya agad sila. 

“At dahil good girls and good boys kayong lahat, may surprise ako sa inyo. Pero bago ‘yon, ipapakilala ko muna sa inyo ang bagong prinsipe na makakasama natin ngayon.” Tiningnan ni Laverna si Nicholas na nasa loob pa rin ng sasakyan at nang hindi pa ito lumalabas, she gave him a deadly glare. 

Napilitang lumabas si Nicholas at agad namang natahimik ang lahat habang naglalakad siya papalapit sa dalaga.

“Batiin mo sila,” bulong nito.

“Kamusta naman kayo?” tanong ng binata pero kahit ni isa, walang sumagot dahil sa tingin nila, galit ito at kahit anong oras ay baka pagalitan sila.

Isang sapak sa likod ang natamo ni Nicholas dahil sa hindi sadyang pananakot niya sa mga bata. 

“Nagsuot ka na lang sana ng costume ni Olaf. Tinakot mo pa eh,” bulong ni Laverna bago niya kinausap ang mga bata at pinaliwanag sa kanila ang susunod nilang gagawin.

Si Nicholas naman ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa amo dahil hindi niya pa rin makuha kung sino ang nabanggit niyang Olaf. Pero dahil ayaw niyang makihalubilo sa iba, nakatayo lang siya sa gilid at pinapanood ang ginagawa nila. Habang patagal nang patagal, hindi niya magawang iiwas ang tingin kay Laverna na tila hindi siya ang mamamatay tao na kilala niya. Para bang may ibang kaluluwa ang sumanib sa kaniya dahil nagagawa niyang makibagay sa mga batang hindi naman niya kaano-ano.

“Hey,” tawag sa kaniya ni Laverna. “Don’t stare too long baka tuluyan kang mahulog sa ‘kin.”

Nicholas scoffed as he crossed his arms. “Asa ka naman.”

Natahimik naman ang dalaga at tinitigan ang kaniyang bodyguard na parang luluwa na ang kaniyang mga mata. Only then, Nicholas realized that he spoke as Nicholas Constantine and not as Lance Martinez, who should be always polite towards his boss.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status