Share

Chapter 2

Habang nasa kotse sina Nicholas, Laverna, at Clarrisse, hindi maiwasan ng binata na magpasalin-salin ng tingin sa magkamukhang mga dalaga. Agad naman itong napansin ni Clarrisse na nakaupo sa may harap. Isang ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi bago tumingin sa labas ng kotse.

“Laverna, don’t tell me siya ang pinili mo dahil ang gwapo niya,” pagbibiro nito.

Laverna chuckled. “Aanhin ko ang kagwapuhan kung hindi naman siya magaling? And don’t you dare flirt with him. Kita ko agad sa mukha mo ang binabalak mo.”

Tumawa naman si Clarrisse dahil nahulaan agad ng pinsan niya iyong gusto niyang gawin. Hindi niya kasi maiwasang maakit sa itsura ni Nicholas. Kung nauna lang niya itong nahanap, sana noon pa man ay ginawa na niya itong alalay sa kama.

Tahimik lang si Nicholas at tila ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya na isawalang-bahala ang mga salitang naririnig. Ramdam niya kasi na tinatrato na agad siyang parang isang gamit lamang na pwedeng pagpasa-pasahan ng dalawa kailanman nila gusto. Pero hindi na iyon bago dahil gano’n naman talaga ang tingin ng mga taong may kapangyarihan sa mga nasa baba lang nila. Walang kung ano-ano ay bigla siyang sinuntok ni Laverna sa may dibdib.

Tiningnan niya ang dalaga at napalunok nang makita ang tila berde nitong mga mata.

“Hindi kasali sa trabaho mo ang pakikipaglandian kaya kapag nahuli kita, hindi lang trabaho ang mawawala sa ‘yo kundi pati buhay mo.” Matalas ang tingin sa kaniya ni Laverna at walang halong biro ang tono ng boses niya.

“Naiintindihan ko po, ma’am,” maikling sagot nito.

“Ano ka ba, Laverna? Wala pa nga siya sa first day ng trabaho niya, tinatakot mo kaagad. Sige ka, baka hindi iyan magtagal sa ‘yo,” sambit ni Clarrisse. “But, oh well, that would actually benefit me. Kapag ayaw mo sa kaniya, pwes sa ‘kin na lang siya.”

Hindi na umimik si Laverna at tumingin na lang ito sa kaniyang cellphone para tingnan ang schedule niya sa araw na iyon. Maraming oras pa siyang natitira para makapaghanda bago ang fashion show na gaganapin sa gabing iyon. 

Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating na sila sa malaking bahay kung saan nakatira si Laverna. Napapaligiran ito ng mga naglalakihang puno at medyo may kalayuan sa siyudad kaya naman hindi iyon inaasahan ni Nicholas. Ang buong akala niya ay sa sentro ng siyudad namamalagi ang dalaga. Tahimik lang siyang sumunod sa bagong amo papunta sa loob. Si Clarrisse naman ay sa kusina agad ang tingungo dahil nagugutom ito.

Dinala siya ni Laverna sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay. Binuksan niya ito at pinapasok si Nicholas.

“Ito ang magiging kwarto mo magmula ngayon. May sarili kang banyo rito kaya huwag ka na pumunta sa baba para lang maligo. As for your set of clothes, we’ll take care of that later.” Dinala siya ng dalaga sa isa pang pinto na katabi lang ng bedroom. “Buksan mo.”

Agad sumunod si Nicholas at pagkabukas niya, hindi niya magawang itago ang mangha at tuwa sa kaniyang mukha. Getting inside the smaller room, a smirk curved on the edge of his lips. Who wouldn’t? The room was filled with weapons, from daggers to swords, which he thinks would not be that much of use to him. There were secret devices from listening ones to recording cameras, and what he found awesome the most was the complete set of guns displayed on the right wall of the room.

“Everything in here is yours. Whenever we go out, especially for casual outings, always keep a gun or two with you. An earpiece should also be with you to be in contact with me. Your duty is not really to guard me all the time but be my right-hand man lalo na sa oras na mabigyan ako ng misyon. Sa bawat utos na makukuha mo sa akin, ayaw kong kinukwestyon mo iyon. Nagkakaintindihan ba tayo?” paliwanag ni Laverna.

“Opo, ma’am.”

Kinuha ni Laverna ang isang cellphone mula sa bag niya saka ito binigay sa binata.

“Iyan ang gagamitin mo sa pagtawag at pag-text sa akin.” Naupo ang dalaga sa may sofa saka matalas na tiningnan si Nicholas. “You do not have a girlfriend, do you?”

“Wala po,” pagsisinungaling ni Nicholas. He actually has one but no one knew about it since their relationship was a secret. 

“A wife?”

“Wala rin po, ma’am.”

Tumango si Laverna. “Good. Romantic relationship is prohibited. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang istorbo sa trabaho. And, by the way, every movement of yours is monitored here kaya kung balak mong traydorin ako, you have to think more than twice because who knows? You might just lose your life in the most unexpected time.”

Isang tango lang ang naging tugon ni Nicholas sa sinabi nito. Dahil halos lahat naman ay nasabi na niya, tumayo na ang dalaga saka naglakad papalabas ng kwarto.

“Wait for me in the living room,” huling utos niya bago umalis at nagtungo sa sarili nitong kwarto.

Naupo si Nicholas at isang buntong hininga ang lumabas sa kaniyang bibig. Pinag-iisipan pa lamang niya kung paano niya isasagawa ang kaniyang plano. Kating-kati na kasi ang kaniyang kamay na patayin ang dalagang kung umasta ay boss siya ng lahat. Ngunit kung papatayin niya agad iti, siguradong siya mismo ang pagtutuunan ng pansin. Sa kadahilanang ito, mas magandang kunin niya muna ang loob ni Laverna at pati ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

Shaking his head, Nicholas stood to prepare. He wore an earpiece and took a gun with him before leaving his room and went down the living room where Clarrisse was comfortably watching a movie.

“Feel at ease for now,” saad ng babae. “Medyo tatagalin iyong Laverna na iyon kaya samahan mo muna ako rito.”

Lumipas ang dalawang oras, nakaramdam nang kaluwagan si Nicholas nang makarinig siya ng mga yapak sa may hagdanan. Bagot na bagot na kasi siya sa kahihintay kay Laverna at hindi na niya kakayanin ang pakikipaglandian ni Clarrisse sa kaniya. 

“Let’s go,” saad ni Laverna habang dire-diretso itong nagtungo sa may pintuan.

Tumayo agad si Nicholas at sinundan ang kaniyang amo. Naiwan si Clarrisse dahil ayaw na niyang lumabas pa.

Pagkapasok nila sa kotse, napansin ni Nicholas na nagbago na naman ng mukha ni Laverna. Gamit na nito ang mukha kung saan kilala siya ng publiko bilang ‘The Mass’ Angel.’ Sa lahat ng mukhang ginagamit niya, ito lamang ang pinakamatagal at tila hindi mapapalitan kahit kailanman maliban na lang kung papatayin niya ang kaniyang katauhan bilang Laverna Hansley.

“Sa Leaver Mall muna tayo,” saad ng dalaga. “Let’s get you some clothes first before heading to Eslinwood.”

All throughout the drive neither of them spoke. Hindi naman big deal iyon kay Nicholas lalo na at unang araw pa lang niya sa trabaho at sigurado siyang hindi pa niya lubos na nakukuha ang tiwala ni Laverna. Siguro kapag tumagal siya sa trabaho ay magawang magsabi ang dalaga kung ano ba ang nasa isipan niya. 

After parking the car, Nicholas followed Laverna’s lead towards a specific shop in the mall. Along the way, he noticed how she catches the attention of the people as if she was some sort of a human magnet that attracts anyone close by. Napansin din niya na bigla itong nagbago na para bang imahinasyon niya lang ang nakilala niyang Laverna na seryoso. Sa oras kasi na iyon, isang mala-anghel na ngiti ang binibigay ng dalaga sa mga taong pumapansin sa kaniya. 

“Oh. My. Gosh.” Iyan ang sambit ng babaeng may kulay apoy na buhok nang makita si Laverna at Nicholas na pumasok sa kaniyang shop. Agad niyang nilapitan ang dalaga at niyakap ito. “Hala, congratulations! Akala ko hindi ka na magkaka-boyfriend dahil sa ang sungit-sungit mo pero nakabingwit ka pa rin ng isang papabells.”

“Anong boyfriend ka diyan?” agad namang sumbat ng modelo. “Bodyguard ko ‘yan. And we’re here to buy him some clothes.”

Disappointment immediately crossed on Daisy’s face as she pushed Laverna away from her. 

“Sabi ko nga. Hays, gora na kayo diyan. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka.” Agad tumalikod si Daisy at muling bumalik sa kaniyang pwesto para batihin ang mga paparating na bagong customers.

Umiling lang si Laverna bago sila naglakad papunta sa may Men’s Section. Wala siyang imik at kuha lang siya nang kuha sa mga naka-display at binibigay kay Nicholas hanggang sa mapunta sila sa shoes’ section. Nakapili ng halos sampung magkakaibang sapatos si Laverna bago siya nagsalita.

“Go and try them on,” saad niya.

Sumunod naman si Nicholas at paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na matatapos din sila agad-agad pero noon naka-limang palit na siya at laging inaayawan ni Laverna, nagsimula nang maubos ang pasensya niya.

“Not my style.”

“Too plain.”

“I dislike it.”

“Pangit.”

Iyan ang mga ilang maiikli pero nakakainis na komento ni Laverna sa bawat palit ni Nicholas. Para sa kaniya, pare-pareho lang din namang pormal at eleganteng tingnan ang kaniyang itsura kahit alin ang isuot niya. Nang maka-sampung balik na siya sa dressing room, agad niyang tinanggal ang neck tie niya at binato sa sahig. Nagmura ito nang pabulong at padabog na nagpalit pero bago siya lumabas ng dressing room, pinakalma muna niya ang sarili para hindi mahalata ng boss niya ang kaniyang pagkainis.

Nang nagpakita siya kay Laverna, tumayo ang dalaga at naglakad papunta sa kaniya. Tumigil ito sa harapan ni Nicholas at tiningnan siya sa mga mata bago ngumiti.

“I can feel that you’re losing patience, Nico,” she commented with a chuckle. Inayos niya muna ang neck tie ng binata bago kinuha ang kamay nito at pinasuot ang isang relo na kulay pilak. “Take this as a congratulatory gift from me.”

Pagkatapos niyang isuot ang relo, binaling na niya ang kaniyang atensyon kay Daisy na agad siyang nilapitan.

“We will be taking all of the ones he tried. Add some more with colors ranging from black to gray only. After that, send them in my place,” utos nito.

Daisy saluted playfully and replied, “Right away, madam!”

Pagkapasok nila sa elevator papunta sa parking lot, nagtanong si Nicholas.

“Akala ko ba pangit iyong mga sinuot kong nauna?” That was meant to be a complain since he was already more than worn out just because of that.

“They all look good actually. I just don’t feel like complimenting you.”

Napailing na lang si Nicholas. Nang makarating sila sa Eslinwood kung saan gaganapin ang fashion show, nagtungo ang dalawa sa may backstage. Tanging isang blankong ekspresyon lamang ang nasa mukha ni Nicholas kahit na purong babae ang nasa loob. Gustuhin man niyang hintayin na lang si Laverna sa labas dahil sa malalagkit na tingin na natatanggap niya pero hindi kasi iyon ang utos sa kaniya.

Habang nagpapalit na si Laverna dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang show, isang magandang modelo na may blond na buhok ang lumabas sa isang dressing room na katabi lang kung nasaan si Laverna. Agad siyang sinalubong ng isang kasamahan nito.

“May dalang pogi si Laverna,” bulong nito. “Pero hindi na si Julius. Iba na. Tingin ka sa likod.”

Pagkatingin ng modelo sa kanilang likuran para tingnan ang lalaking sinasabi ng kasama, agad na nagtama ang tingin nila ni Nicholas. Nanlaki ang kaniyang mata at gustuhin man niyang tawagin ang pangalan nito ay hindi niya magawa.

Nicholas clenched his fist upon seeing the shocked expression of his girlfriend, Liraz Johanssen. He did not expect to see her in that place and what was even worse was that he never told her about his plan on acting as Laverna’s bodyguard.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status