Share

The Mafia's Deceitful Master
The Mafia's Deceitful Master
Author: Emina_Daisuki

Chapter 1

Clad in a black dress, Laverna, as most people address her, stood in front of a tomb where she just laid the white chrysanthemums near a candle slowly burning. Julius Hernandez. Iyan ang pangalang nakaukit sa lapidang binisita ng dalaga. Suot-suot pa rin niya ang makapal na itim niyang sunglasses para lamang itago ang mga mugto niyang mata dahil sa pagkawala ng lalaking pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Tahimik lang siyang nakatayo nang matuwid sa loob ng ilang minuto bago niya hinarap ang isang babae na nasa likuran niya.

“Make the proper arrangements. I need to find a new trustworthy partner as soon as possible.” Her voice was hoarse and she paid no heed to it. She may have lost her comrade but grieving for quite too long would only show weakness.

“Right away, ma’am.” Agad umalis ang babae para isagawa ang utos ng kaniyang boss. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, alam niyang kahit konting kapalpakan ay siya ang pagtutuunan ng galit.

Si Laverna naman ay agad pumasok sa kaniyang kotse at nanatili doon habang nakatingala sa maulap na langit. Tila pati ang kalikasan ay dinadamayan siya sa pighating pinagdadaanan niya. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya nang pinikit niya ang mga mata na kung saan muling bumalik ang alaala kung kailan, paano, at saan niya nasilayan ang pagkamatay ni Julius. Mabilis man ang mga pangyayaring naganap sa gabing iyon, may isang detalye ang tumatak sa kaniyang isipan at iyon ay ang lalaking bumaril kay Julius. May katangkaran ito at nakasuot ng maskara.

Iisa lang naman ang kilalang mafia na nagsusuot ng maskara sa kadahilanang nais nitong itago ang kaniyang mukha at iyon ay walang iba kundi ang mafia boss na si Nicholas Constantine. Tanyag man ang kaniyang pangalan ngunit nanatiling misteryo sa lahat kung ano ba ang tunay na mukha nito. Kaya kahit pagala-gala man ito nang walang suot na maskara, walang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.

Laverna tightened her grip on her steering wheel and with gritted teeth, she hissed, “I will kill you the moment you show up, Constantine. I'll make you regret that you lived.”

That night in the mansion of the Constantine family, one messenger came barging into the firing range where Nicholas was currently spending his free time.

“Sir, may magandang balita po,” tugon ng lalaki habang sinusubukang habulin ang kaniyang hininga.

Hindi siya nilingon ni Nicholas. Habang nilalagyan ng bala ang kaniyang baril, tipid niyang sambit, “Spill.”

“Naghahanap po ng bagong bodyguard si Miss Laverna Hansley. Bukas po agad magsisimula ang paligsahan para sa posisyon at gaganapin ito sa Villa Vista Grand ng alas-nuwebe ng umaga.”

Napatigil agad ang binata dahil sa narinig at kumunot ang kaniyang noo.

“Bakit? Anong nangyari sa dati niyang kasa-kasama?” tanong niya. Alam kasi ng lahat na hindi madaling magtiwala si Laverna at lagi itong maingat sa mga taong nakakasalamuha niya.

“Patay na po, boss. Mukhang may nakalaban sila kahapon ng gabi at nabaril siya.”

Hindi na umimik si Nicholas at nagpatuloy sa pagputok ng kaniyang baril hanggang sa mawalan ulit ito ng mga bala. Ayaw man niyang mag-assume pero kung kampo man ni Lavernat ang kaniyang nakalaban noong nakaraang gabi, isa lang ang ibig sabihin noon. Siya. Siya mismo ang nakapatay sa bodyguard ng dalaga dahil tandang-tanda niya pa ang lalaking nabaril niya sa ulo bago pa man umatras ang mga kalaban nila.

He clicked his tongue and dropped the gun with a loud thud, causing the messenger to flinch in surprise. If only he had known that the people he encountered last night was Laverna’s group, he should have not let that chance slip away and killed every one of them, including that woman. However, it was simply impossible to tell who among them was Laverna. She went by different names and different faces so tracking her down was like looking for a needle in a haystack.

Kahit pa nga bungad sa lahat ang pangalan niya bilang isang huwarang modelo dahil sa kaniyang pagtulong sa mga mahihirap, hindi pa rin siya magawang hulihin ng kaniyang mga kalaban. Hindi na ito bago kay Nicholas lalo na at pinakaiingatan si Laverna dahil siya ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Valdemar.

Muli niyang binaling ang atensyon sa lalaking mensahero nang kumalma ito.

“Go and tell the Agate group to take care of my fake identity and reserve a slot for me in the said competition. I want everything ready before 6 AM tomorrow.”

Pagkatapos niyang iwan ang utos na iyon, tumungo si Nicholas sa kaniyang kwarto at agad naghanda para sa kumpetisyong gaganapin. Para sa kaniya, ito ang magiging daan niya para makilala ang dalaga at makuha ang loob niya. At kapag nakumpirma niyang si Laverna ang pumatay sa babaeng kapatid niya, hindi siya magsisising patayin din ito bilang paghihiganti. At kapag nagawa niya iyon, magagawa rin niyang pabagsakin ang pamilya nito.

Buong magdamag, nagtrabaho ang Agate group para gawing kapani-paniwala ang bagong pagkakakilanlan ni Nicholas. They even went as far as abducting one of the potential candidates for the open bodyguard position and altered his identification so it could fit Nicholas. From the smallest details to the major ones, they did not miss a thing because a single mistake could lead them to lose their life. And even before 12 midnight, they finally got everything ready and sent the details to their boss.

Pinag-aralan ni Nicholas ang mga detalyeng binigay sa kaniya upang siguraduhin na kahit na sino ay mapapaniwala niya na siya ay isang ordinaryong tao lamang na nais magkatrabaho. At ang magiging bagong pangalan niya ay Lance Martinez. Hindi ganoon kahirap ang pagpapanggap niya lalo na at walang nakakaalam kung ano ang itsura ng isang Nicholas Constantine bilang isang mafia boss. Para sa kaniya, ito rin ay magiging isang laro na kung sino sa kanila ni Laverna ang tatanga-tanga at mahuhulog sa patibong, siya ang talo at magiging kapalit nito ay buhay nila mismo.

Kinabukasan, bagong mukha na naman ang gamit ni Laverna sa pagbisita sa Villa Vista Grand. Nang makarating siya sa lugar na iyon, pinanood niya nang maigi kung paano gumalaw ang mga lalaking nais maging bodyguard niya. Unang tingin pa lang, hindi na siya nasisiyahan sa nakikita.

“Ilan silang lahat?” tanong niya kay Julia.

“20 na lang po sila, ma’am. Halos kalahati na agad ang natanggal sa unang pagsubok,” sagot naman ng babae.

“Masyadong marami pa rin ang 20.”

Walang alinlangang tinanggal ni Laverna ang kaniyang itim na jacket na kung saan bungad na sa iba ang kaniyang kaputihan lalo na at sleeveless top pa ang suot niya. Tinali niya ang kaniyang mahaba at maitim na buhok bago naglakad patungo sa unang pares ng lalaki na nags-sparring.

Pinatigil niya ang isa sa kaniyang mga tauhan at pinatabi ito para siya na ang makipaglaban. Ngunit nang makita siya ng lalaki, tumigil ito at napangisi.

“Sorry, miss, pero hindi ako nananakit ng ba-”

Bago pa man niya matapos ang sinasabi, isang mabilis na roundhouse kick ang kaniyang natamo sa mukha mula kay Laverna.

“Failed,” saad ng dalaga bago siya naglakad patungo sa pangalawang pares.

Katulad noong nauna, minaliit siya ng lalaki bago nakatanggap ng isang malakas na suntok sa panga mula sa dalaga. Naging dahilan ito para mahimatay ang lalaking iyon.

“I have no need for a man who cannot even defeat me. You gotta do better than that,” Laverna announced before walking towards her next target.

The other competitors started to get a gist of what was going on so instead of speaking nonsense, they fought against her. However, half of them were already eliminated and left grunting in pain on the grassy ground. The moment she approached Nicholas, who looked down on her because of their great height difference, Laverna felt her body reacting on its own, warning her that the man before her was someone she had to look out for.

“What's your name?” she asked.

“Lance Martinez po, ma'am,” magalang na sagot ni Nicholas.

“Anong trabaho mo?”

“Ngayon po, ma'am, wala. Naga-apply pa lang po.”

“Hubad,” seryosong utos ni Laverna na siyang kinagulat ng lahat. Pati si Julia ay halos malaglag ang panga dahil sa narinig.

“P-Po?” utal na sambit ni Nicholas na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

“Ikaw ang magtatanggal sa t-shirt mo o ako?” sumbat ng dalaga nang nakataas ang isang kilay.

Hindi na muling nagsalita si Nicholas at sumunod na lang sa utos ni Laverna kahit hindi niya mawari ang dahilan. Ayaw man niya ang atensyong binibigay sa kaniya pero handa siyang tiisin ito basta lamang pumasa siya sa mga mata ng babaeng nasa harapan niya. Pagkatanggal niya ng kaniyang suot pang-itaas, maigi siyang tiningnan ni Laverna mula harap hanggang likod na tila ba sinusukat ang buong pagkatao niya. Hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng kaba dahil sa tingin ng dalaga ngunit nakakayanan naman niyang kontrolin ang emosyong iyon.

Nang makita ni Laverna ang ilang mga peklat sa likod nito, muli siyang nagsalita.

“What's your former job?”

“Isang sundalo po, ma'am.”

Laverna simply nodded as she walked in front of him. She motioned the other competitors to come closer and when they were all gathered up, she said, “The man who remains standing will be the one to take the position.”

Tumingin ang dalaga sa kaniyang relo. “You have 15 minutes to take down each other. And no killing. I am not in the mood to clean up such a mess.”

Pagkaalis na pagkaalis ni Laverna sa kaniyang kinatatayuan, nagsimulang maglaban-laban ang natitirang 10. Naupo na lang ang dalaga sa may tabi at pinanood ang nagaganap na bugbugan. Ilang minuto ang lumipas, isang babae ang lumapit sa kaniya.

“Really? Mukha ko talaga ang ginaya mo ngayon?” tanong ni Clarrisse, ang first cousin ni Laverna sa angkan ng kaniyang yumaong ina.

Isang tawa ang tugon ni Laverna sa kaniya nang tingalain niya ang pinsan niyang nakasimangot agad. “Bakit ka napunta rito?”

“Wala lang. Curious lang naman ako kung ano ang nangyayari sa ‘yo since… you know, Julius is not here anymore.”

Hindi na muling nagsalita si Laverna dahil ayaw niyang pag-usapan ang paksa na iyon. Tinuon na na lang niya ang atensyon kay Nicholas at hindi niya maiwasang ikumpara ito kay Julius. Halos magkapareho sila ng pangangatawan at kung gaano sila kagaling sa pakikipaglaban pero ang problema niya ay kung mapagkakatiwalaan niya ba ito. Makalipas ang sampung minuto, tanging si Nicholas na lang ang natitirang nakatayo at sinubukang habulin ang hininga niya habang tumutulo ang dugo sa gilid ng kaniyang labi.

Tumayo agad si Laverna at nilapitan ito. Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi bago niya nilahad ang kamay sa binata.

“Congratulations, Lance Martinez. You’re hired.”

“Maraming salamat po, ma’am!” Isang inosenteng ngiti naman ang ginanti ni Nicholas nang nakipagkamay ito sa dalaga. But behind his facade, this was already a great step towards his goal in pushing Laverna into the depths of hell.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status