Her Point of View.Nililipad ng hangin ang aking buhok pero hindi ko alintana iyon. Naupo ako sa damuhan habang nakatitig lang sa puntod na ito. Tinanggal ko ang mga naglaglagang mga dahon galing sa puno na nagiging dahilan kaya natatabunan ang lapida. I smiled sweetly. Kailan ba ang huling beses na napangiti ako ng ganito? Hindi ko na maalala. Sa dinami rami ng nangyari sa buhay ko, parang nakalimutan ko na ang ngumiti. Pero ngayon, hindi ko mapigilan ang matuwa at maging masaya."Alam kong wala pa akong karapatang sumaya ngayon pero hindi ko kayang itago ang tuwa sa isiping malapit na akong makapaghiganti."Usal ko habang nakangiting nakatitig sa lapida. Punong puno ako ng poot, galit at paghihiganti. Gustuhin ko mang kalimutan na ang nangyari pero maging sa pagtulog ko ay sinusundan ako ng poot at galit na nararamdaman ko.Oo nga, mahaba na ang narating ko. Naging maganda ang buhay ko pero wala ni isa sa pamilya ko ang pwede kong pag-alayan ng lahat ng achievements ko. Kungsabagay,
Magbasa pa