Home / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Rain on Your Parade : Chapter 41 - Chapter 50

75 Chapters

Chapter 41: Custody

Panay ang pagkagat ni Zein sa kaniyang pag-ibabang labi. Kailangan niyang pigilan ang pag-iyak. Parang pinipiga ang puso niya sa tanawin ng kaniyang mag-ama. Nakaupo lang sa gilid ng kama ang binata kung saan natutulog si Pita. Panay ang magaan at maingat nitong paghaplos sa buhok ng anak para hindi magising. Hindi alam ni Zein kung anong balak ni Amos. Basta nang dalhin niya ito sa kuwarto ng anak nila, tahimik lang itong umiyak habang pinagmamasdan ang tulog na si Pita. Akala niya pa nga, gigisingin nito ang bata pero hindi nito ginawa. “Amos…” Malamig ang tinging ipinukol sa kaniya ni Amos. “Don't talk. My daughter is still asleep.” Parang bahagyang tumalon ang puso ni Zein. Nag-aalala pa siya noon kung paano sasabihin kay Amos ang lahat pero ngayon, alam na nito. Hindi nito tinanggi si Pita. Kahit hindi pa nito nakikita ang bata, kahit hindi pa nito pina-DNA ang anak nila, ramdam na ramdam niya agad ang pagmamahal at panghihinayang nito. Dahan-dahan siyang tumalikod. Bubuksan
last updateLast Updated : 2022-09-08
Read more

Chapter 42: Parusa

Warning: Mature Content Kanina pang wala sa sarili si Amos. Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil sa mga problema niya. Kaya nang dumating ang hapon, dumaan siya sa bahay ng mga magulang niya. Pakiramdam niya, sasabog na naman siya kung hindi niya malabas lahat ng hinanakit niya. “You’re here! What brings you here, Amos?” tanong ng kaniyang ina habang pababa ng hagdan. Tumayo agad si Amos at sinalubong ito ng yakap. “Mommy…” “What happened to you?” Bakas ang pag-aalala sa boses ng ginang. Inalalayan siya nitong makaupo. “Bakit? Anong problema mo?” Napalunok si Amos. “I have… a daughter with Zein.” “Oh my goodness! You got her pregnant?” Umiling si Amos. “She hid my daughter.” Bigla na lang tumayo ang kaniyang ina. “Where is she? I need to see my apo!” “Mommy!” Hinawakan ni Amos ang kamay ni Amy para mapaupo ulit ito. “I will introduce you to her soon but for now, let me handle her first.” Bakas ang pagtataka sa mukha ng ginang. “What?” “G-galit sa akin ang anak ko
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 43: Sorry

Panay ang pagtulo ng mga luha ni Zein habang katabi ang anak sa kama nila. Kahit anong pigil niya, talagang umaalpas ang emosyon niya. Paulit-ulit lang kasing naglalaro ang nangyari sa kanila ni Amos. Parang binaboy ni Amos ang katawan niya. Daig niya pa ang babaeng bayaran dahil sa nangyari. Marahas siya nitong pinarusahan at talagang epektibo iyon dahil sobrang nasaktan siya. Pero tanga lang yata talaga si Zein. Kahit nagawan siya ni Amos ng pagkakamali, mahal niya pa rin ang binata. Kahit pinaramdam nitong wala siyang kuwentang babae, hindi pa rin nagbago ang damdamin niya dito. Tinanggap niya na lang basta iyon. Kinalimutan niya na lang. Galit lang si Amos kaya nito nagawa iyon sa kaniya. Iyon ang mga ideyang kinukumbinsi ni Zein sa utak niya. Kailangan nilang maging maayos dalawa para kay Pita. Kailangan niya itong tulungan para makasundo nito ang anak nila. Mahihirapan siya kung magtatanim siya ng galit sa binata dahil lang sa ginawa nito. KINABUKASAN, hapon nang makapunta
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 44: Sorry Thea

Sa loob ng isang linggong nanirahan ang mag-ina ni Amos sa kaniyang bahay, naging maingay at masaya ang mga nagdaang araw sa kaniya. Pinilit niyang gumising pa nang mas maaga para magluto ng breakfast. Okay lang na ma-late siya basta maihatid niya si Pita sa school. Kapag naman uuwi ito, hinahatid niya ito sa shop ni Zein saka ulit siya babalik sa trabaho. Katatapos lang maghain ni Amos ng breakfast nang pumasok na sa dining area ang mag-ina niya. Napangiti siya habang hinihintay makalapit si Zein buhat ang inaantok pa nilang anak. “Good morning, Pita!” masayang bati niya sa anak. Para namang nawala ang antok ni Pita at nagpumilit bumaba mula sa pagkabuhat ni Zein. Nagningning ang mga matang pinagmasdan niya ang kaniyang mag-inang nakatayo sa harap niya. “Good morning, Zein…” Tipid na ngumiti si Zein. “Good morning. May gustong sabihin sa’yo si Pita.” Mabilis siyang bumaling sa anak. “What’s that, my little princess?” Ngumuso si Pita at papalit-palit ang tingin sa kanila ni Zein
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 45: Still Have You

“Mommy!” Napangiti si Zein nang patakbong lumapit sa kaniya si Pita. Katatapos lang nito sa school. Yumakap ang bata sa mga hita niya. Kinuha niya naman agad ang bag nito at nilagay sa backseat. “Hungry na ba ang baby ko?” tanong ni Zein habang inaayos ang seatbelt ng anak. “Opo! Mommy, puwede pong mag-wish si Pita ng tempura?” Natawa si Zein at tumango. Dali-dali siyang pumunta sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan niya. Siya ang sumundo muna sa anak niya dahil abala si Amos sa trabaho. Gusto kasi ng binatang tapusin lahat ng trabaho para walang iistorbo dito kinabukasan. Nangako kasi ito sa anak nilang ipapasyal sa amusement park. Mabuti na lang, naisipang mag-half day ni Zein. Wala naman silang masyadong customer kaya iniwan niya na muna kay Nika ang trabaho. Pagkarating sa mall, agad niyang dinala ang anak niya sa Japanese restaurant. Doon na lang sila kumain ng tanghalian. Habang kumakain, panay ang kuwento sa kaniya ni Pita kung anong mga nangyari rito sa scho
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 46: Mag-ina

Bumuntong-hininga si Amos nang madatnan si Thea na nakaupo sa isang sulok ng condo niya at umiiyak. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga. Bumigat ang kalooban niya sa bawat pagtangis nito. Ilang sandali pa, niyakap niya ito—baka sakaling mapagaan niya ang loob kahit papaano. “I’m sorry, Thea.” Mas lalo lang umiyak si Thea at gumanti ng mahigpit na yakap sa kaniya. Hinayaan niya na lang ang babae. Girlfriend niya ito pero palagi niya na lang itong nasasaktan. Nang medyo kumalma si Thea, iginaya niya ito paupo sa sofa sa may sala. Habang pinagmamasdan niya ang mukha nito, awa lang ang nararamdaman niya. “Y-you have a daughter?” garalgal ang tinig na tanong ni Thea sa kaniya. “Yes.” Huminga nang malalim si Amos. “Nito ko lang din nalaman. I’m sorry if I didn't tell you earlier. I was… busy with Pita. Aside from that, I know you’re busy with your upcoming show. I know, you’ll get distracted once you discover about my daughter.” Napansin ni Amos ang pamamaga ng mga mata ni Thea kaya
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 47: Noon Hanggang Ngayon

“Ang hirap ninyong hanaping mag-ina!” Natawa na lang si Zein sa sigaw na iyon ni Lester sa kaniya. Wala itong duty. Sakto namang namamasyal pa silang dalawa ni Pita sa amusement park kaya pinasunod niya na lang. Miss na raw kasi nito ang bata. Mabilis na nilapitan ni Lester si Pita at kiniliti. Tawa naman nang tawa ang anak niya. “Anong rides na nasakyan ng batang ’yan?” Nakangiting umiling si Pita. “Wala po! Nag-play lang po kami ni Mommy ’tapos nakakuha po ako ng isang dolphin na manika at isang kokak na manika!” Napangiti na lang si Zein. Iyon dapat ang gawin niya. Dapat magsaya siya dahil kasama niya naman ang anak niya. Mabuti na lang, kasama nila si Lester. At least, mawawala sa isip ng bata ang pagkatampo sa ama. Papunta pa lang kasi sila ni Pita, bakas na bakas na ang lungkot nito dahil sa hindi pagsama ni Amos. Hapon nang mapagod na si Pita. Nagpahinga na lang sila habang kumakain ng ice cream. Tumawag pa nga si Amos. Akala niya, buong maghapon ang binata kasama si Thea.
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 48: Destroy

Kahit may hang-over si Amos, kahit umiikot ang paningin niya, kahit parang pinukpok ng martilyo ang ulo niya, hindi sapat na rason iyon para palagpasin niya ang pagkakataon. Nasa mga bisig niya si Zein—ang babaeng mahal niya. Nakasabog sa braso niya ang buhok nito. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito at parang batang natutulog. Natatawang inalis ni Amos ang tumulong laway ni Zein gamit ang dulo ng shirt niya. “Ang dugyot naman ng mahal ko.” Dinampian niya ito ng halik sa noo at mas lalong kinabig ang dalaga palapit. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi niya. Ayaw niya nang matapos iyon. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na hatid ni Zein sa kaniya. Pipikit na sana si Amos nang bigla na lang kinurot ni Zein ang nipple niya. Agad siyang napalayo sa dalaga at gulat na gulat na tumingin dito. “Z-zein…” Masama ang tingin sa kaniya ni Zein. “Dugyot ako? Sapakin kaya kita? Lumayo ka nga sa akin. Bad breath ka. Amoy-alak ka!” Nanlaki ang mga mata ni Amos. Matapos ng mainit nilang kompr
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 49: Maghiwalay

Sinamahan ko si Thea sa pagpapa-check up. She needs me now. I’m sorry. Darling, babawi ako. I love you. I’ll always update you. Huwag ka sanang magselos. :( Tipid na ngumiti si Zein nang matanggap ang message ni Amos. Hindi siya magsisinungaling sa sarili niya. Naninibugho siya dahil lahat ng libreng oras ng binata, napupunta na lang palagi kay Thea. Ayaw niya lang talagang magreklamo. Ayaw niyang makadagdag pa sa mga isipin ni Amos. Alam niya kasing nakokonsensiya pa rin ito kaya nagkaganoon ang dalaga. Handa naman siyang umintindi. Para rin naman sa kanila iyon. Ayaw niyang may dalahing mabigat si Amos habang magkasama sila. Hahayaan niya munang linisin ng lalaki ang sariling konsensiya para tuluyan na silang maging masaya. Bumalik na lang sa pagtatrabaho si Zein. Inabala niya ang sarili niya sa photoshop. Nasa baking class naman ang anak niya. Sa gabi niya pa susunduin ang bata dahil dinidiretsong uwi ng Lola Amy nito si Pita sa mansyon. Natawa na nga lang siya isang beses nang
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 50: Try Me

Nanikip ang dibdib ni Amos dahil sa tuloy-tuloy na pag-iyak. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa pagluha pero sinikap niya pa rin magmaneho. Kailangan niyang kausapin si Zein. Hindi niya puwedeng hayaang galit ito sa kaniya. Hindi niya hahayaang makipaghiwalay ang dalaga sa kaniya. Pagkarating pa lang sa bahay niya, bumungad sa kaniya ang Yaya Tasing niya. “Anong nangyari, Amos? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Bakit umiiyak ka?” “Si… Zein po?” garalgal ang tinig na tanong niya. “Umakyat. Nagtaka nga ako. Bakit umiiyak—” Hindi niya na nakuhang tapusin ang sinasabi ng yaya niya. Mabilis siyang umakyat. Habol ang hiningang tinakbo niya ang kuwarto nila ni Zein. “Ate, p-puwede bang diyan muna kami ni Pita? Please, kailangan naming umalis dito.” Parang may pumunit sa dibdib ni Amos. Aalis si Zein at isasama ang anak niya. Iiwan siya ng mag-ina niya. “Nasa school si Pita, ate. Susunduin ko na lang.” Abala si Zein sa pag-iimpake ng gamit. “Thank you talaga.” Pinatay ni Zein ang tawag
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status