Home / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Rain on Your Parade : Chapter 61 - Chapter 70

75 Chapters

Chapter 61: Take You Back

Ang lakas ng tibok ng puso ni Zein. Siya na ang sunod na kalahok. Noong una, wala naman siyang naramdamang kaba. Nang mga oras lang na iyon siya tinamaan ng ganoong damdamin dahil alam niyang isa sa mga nanonood si Amos. Hindi niya mapaliwanag pero kakaiba talaga ang epekto sa kaniya ng binata. “Para sa huling kalahok, narito na si Zein Reolonda!” Kinagat ni Zein ang pang-ibabang labi. Dapat hindi na siya manibago sa apelyido niya pero napapapitlag pa rin siya kapag naririnig ang apelyido ng asawa niya. Hindi siya sanay. Parang hindi niya iyon nakagawiang gamitin man lang. Umakyat si Zein sa entablado dala ang kaniyang gitara. Tiningnan niya ang mga manonood. Ang iba, galing pa sa ibang sitio. Tumingin siya sa mga hurado. May mga nakasimangot sa mga ito pero mayroon namang mga nakangiti. Napatingin si Zein kay Amos na nasa gitna ng mga tao. Titig na titig ito sa kaniya na para siyang tinutunaw. Hindi nakangiti ang binata pero kita niya sa mga mata nito ang saya na hindi niya alam k
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more

Chapter 62: Thank You

Katatapos lang magluto ni Amos sa lower deck ng yate. Madali niyang tinapos ang pagluluto sa tanghalian nila ni Zein. Umalis kasi ang dalaga sa kitchen. Baka mainip ang dalaga at biglang magbago ang isip. Umakyat si Amos sa upper deck. Nakahinga nang maluwag si Amos nang madatnan si Zein malapit sa railing. Nakatanaw ito sa dagat at mukhang malalim ang iniisip. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito mula sa likuran. Napapitlag ang babae. Alam niya namang naiilang pa sa kaniya ito pero gagawin niya ang lahat para maging muling komportable sa kaniya si Zein. “Are you hungry? Let’s eat,” paanyaya niya rito. Bumuntong-hininga si Zein. “Amos?” “Hmm?” Inilapat ni Amos ang pisngi sa buhok ng dalaga. “Can you tell me how did we meet?” Tipid na napangiti si Amos nang sabay niyang maramdaman ang saya at lungkot. Umusbong ang saya sa kaniya dahil sa wakas, unti-unting binuksan ni Zein ang sarili sa mayroon silang dalawa noon subalit may lungkot pa rin. Hindi niya maiwasang mal
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more

Chapter 63: Magkukusa

Huminga nang malalim si Zein habang pinagmamasdan ang hitsura mula sa salamin. Nakataas ang mahaba niyang buhok at nasa ayos. Kitang-kita ang batok, leeg, collar bone at kaunting cleavage niya dahil tube type ang suot niya. Lumutang ang ganda niya dahil sa make-up na nilagay ng make up artist na kinuha ni Amos para sa kaniya. Kita ang hita niya dahil sa slit ng black and white evening dress niya. “Mommy!” Napangiti si Zein nang lumapit sa kaniya ang anak niya. Naka-ball gown ito na kulay puti at kinulot ang dulo ng buhok. May maliit na butterfly clip ito sa gilid ng ulo. “You look pretty, anak.” Bahagyang tumalon ang anak ni Zein at niyakap siya sa baywang niya. “You look pretty too, Mommy!” Hindi pa buo ang mga alaala ni Zein pero ang pag-aalaga at pagmamahal, walang pagdadalawang-isip na ibinigay niya kay Pita. Kahit kinalimutan ng isip niya ang anak niya, nagkusa naman ang instinct niya bilang ina. Isa pa, bago matulog palagi siyang kinukuwentuhan ni Amos tungkol kay Pita at
last updateLast Updated : 2022-09-16
Read more

Chapter 64: Buong-buo

Mabilis na bumangon si Amos nang magising ang diwa niya nang umagang iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang mag-ina niya sa kaniyang tabi. Marahan siyang humiga ulit at tinitigan ang pamilya niya. Hindi niya kailangang magmadali. Sa lunes pa naman ang simula ng pagpasok niya sa opisina. May isang araw pa siya para sa mga ito kaya inaya niya kagabi ang dalawang mamasyal pero mas gusto ni Zein na sa bahay na lang sila at mag-swimming. ‘Kung niloko niya naman nga ako, magkukusa na agad akong iwan siya.’ Huminga nang malalim si Amos at hinaplos ang mukha ni Zein. Paulit-ulit niyang naisip ang mga binitiwan nitong salita kay Zelda. Umusbong ang takot sa dibdib niya. Hindi niya naman ito niloko pero… labis niya itong sinaktan noon at sapat na rason na iyon para iwan siya ng babae. Alam niyang masakit sa bahagi ni Zein na hindi makaalala. Masama na yata talaga siya. Palagi niyang hiniling na sana hindi nito maalala lahat. Handa naman siyang gumawa ng mga bagong alaala—’yong mas
last updateLast Updated : 2022-09-20
Read more

Chapter 65: Believe Me

“Mommy!” Natawa si Zein nang patakbong lumapit sa kaniya si Pita. Napailing na lang siya at inalalayan itong sumakay sa likod ng kotse. Pawisang-pawisan ang bata kaya doon niya na lang pinalitan ng shirt. “How’s school, baby?” “It's good, Mommy! I know how to add numbers!” Sinuklay ni Zein ang buhok ni Pita. Nakatirintas pa iyon kanina pero sobrang gulo na. Sinikop niya na lang ang buhok nito pataas. “Kuya Nelson, sa building po tayo kung saan nagtatrabaho si Amos.” Napangiti si Kuya Nelson. “Bibisitahin ninyo si Sir Amos, ma’am? “Opo. Magdadala po kami ni Pita ng lunch sa daddy niya. Subsob po kasi sa trabaho these past few days. We… want to surprise him.” Naiintindihan ni Zein kung abala sa trabaho si Amos. Ito ang namamahala sa kompanya kaya responsibilidad nito ang lahat ng empleyado. Iyon nga lang, hindi niya maiwasang mag-alala. Gabing-gabi na ito kung umuwi at kapag umaga naman, laging nagmamadaling umalis. Pinagluluto niya na lang ito at pinaghahanda ng susuotin para
last updateLast Updated : 2022-09-23
Read more

Chapter 66: Sorry

Warning: Mature Content Parang sasabog ang dibdib ni Amos sa sobrang pagmamahal para kay Zein. Hindi niya na alam kung saan pa ilulugar ang lahat ng iyon. Si Zein lang ang babaeng minahal niya nang ganoon, hindi si Zelda at mas lalong hindi si Thea. “Amos…” Bumaba ang mga halik ni Amos sa dibdib ni Zein at pinaglaruan ng dila ang mga tuktok niyon. Gustong-gusto niya ang reaksiyon ng dalaga. Gustong-gusto niya kapag sinasabunutan siya nito sa tuwing ginagawa niya iyon. Pakiramdam niya, kaya niyang pasiyahin pa sa ibang aspeto si Zein. “Amos!” tili ni Zein nang binuhat niya ito at marahang ihiga sa kama. Pinagmasdan muna ni Amos ang kahubdan ni Zein bago pumatong sa dalaga. Gusto niyang alalahanin ang bawat bahagi nito. Muli niyang hinalikan nang buong puso si Zein sa mga labi nito. “Ah…” Napangisi si Amos sa halinghing na iyon. Nilaro niya ang hiyas ni Zein dahilan para hindi ito mapakali sa ibabaw ng kama. Tumunghay siya at tiningnan ang bawat reaksiyong gumuhit sa mukha nito
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

Chapter 67: Lalaking may Manok

Pangarap lang ni Amos noong magkaroon ng masayang pamilya—katulad ng pamilyang pinaranas sa kaniya ng mga magulang niya. Ang kaso, hindi niya inakalang pagdadaanan niya ang lahat ng iyon. Nang minahal niya si Zein, nasira lahat ng plano niya sa buhay. Kung tutuusin, hindi maganda ang dulot ni Zein sa kaniya. Palagi na lang siya nasasaktan. Muntik na siyang mabaliw. Muntik na niyang bawiin ang sariling buhay para lang makasama itong muli. Palagi siyang nagmamakaawang huwag siya nitong iwan. Palagi na lang siya ang talo pero wala. Mahal na mahal talaga ni Amos si Zein. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang pagtingin niya para sa babae. “I love you so much, Zein.” Mas hinigpitan niya ang yakap sa babae at hinalikan ito sa noo. Payapa ang kalooban ni Amos kapag nakikitang mahimbing na natutulog ito sa kaniyang tabi. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Pakiramdam niya kasi, aalis na naman si Zein. Baka iwan na naman siya ng babae. Nang imulat ni Amos kahapon ang mga mata ni
last updateLast Updated : 2022-09-26
Read more

Chapter 68: Nakaraan

Natawa si Zein nang itinapat ni Sammy ang kamay sa sumisirit na fountain. Mabilis niya itong hinila mula roon at hinampas sa balikat. Alam niyang probinsiyano ang lalaki pero alam niya rin na hindi naman ito ignorante sa mga ganoong bagay. Trip lang talaga nitong patawanin siya, kahit mapahiya pa ito sa harap ng maraming tao. “Kapag nahuli tayo ng guard, paaalisin tayo sa mall.” Ngumuso si Sammy at inayos ang bag sa balikat. “Aysus, ipabili mo ’to sa asawa mo. Mayaman naman ’yon, e.” Napailing na lang si Zein at hinila si Sammy sa loob ng isang Japanese restaurant. Ini-order niya ang lahat ng klase ng pagkain. Natutuwa siyang makita ang curiosity sa mukha ni Sammy sa mga pagkaing bago sa mga mata nito. Kumakain sila ng tanghalian pero nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang makita ang isang lamesa malapit sa kanila. May grupo ng mga lalaki kasi doon at lahat naka-hoodie at naka-shades. Tinanaw niya ang isang lalaki dahil pamilyar sa kaniya ang porma ng katawan nito pero sabay-sabay
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more

Chapter 69: Hindi Niya na Alam

Katatapos lang ng mainit na tagpo sa pagitan nina Amos at Zein nang magtanong sa kaniya ang dalaga nang saglit niyang ikina-estatwa. Sa daming maaalala nito, bakit iyon pa? Ayaw niyang maalala nito iyon. Malaki ang naging kasalanan niya sa babae noon. Humigpit ang hawak ni Zein sa kumot na nakatakip sa katawan niya. “Amos, I r-remember something. We had… s*x but you were… rough with me. I was crying because you… hurt me. H-hindi malinaw sa akin lahat pero… p-pakiramdam ko, you m-mistreated me.” Mabilis niyang sinapo ang mukha ng dalaga. “Z-zein…” “Tama ako, ’di ba? Nangyari sa atin iyon. You didn’t make love to me that time? I didn't remember love in your kisses and touches. You were mad.” Hinawakan ni Amos ang mga kamay ni Zein at hinalikan nang paulit-ulit. Nakatihaya ang dalaga sa kama, nakatulala sa kisame ng silid nila habang siya, panay ang paghingi ng tawad dito. Pinalambing niya ang boses sa pinakamalambing na magagawa niya. Ayaw niyang makahanap na naman ito ng rason para
last updateLast Updated : 2022-10-01
Read more

Chapter 70: No Hope

Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy
last updateLast Updated : 2022-10-03
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status