Home / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Rain on Your Parade : Chapter 51 - Chapter 60

75 Chapters

Chapter 51: Nagtiwala

Mahapdi ang mga sugat ni Zein sa braso. Nagamot na iyon pero nandoon pa rin ang alaala. Lumaki siyang matapang at malakas pero nang sugurin siya ni Thea, wala siyang nagawa. Alam niya rin naman kasi sa sarili niyang kasalanan niya. Tama naman talaga ang dalaga. Inagaw niya si Amos mula rito. Mas lalong niyakap ni Zein ang anak at pumikit. Kahit may naramdaman siyang pumasok sa kuwarto niya, hindi na siya nag-abalang kumilos. Ilang sandali pa, naramdaman niya ang init ng isang katawang yumakap sa kaniya. “Darling, I’m sorry…” Iminulat ni Zein ang mga mata. “K-kay Thea ka dapat mag-sorry, inagaw naman talaga kita mula sa kaniya.” Naramdaman niya ang marahas na paghinga ni Amos sa batok niya. “Don’t think about that. You’re the only woman who I love like this. I’m sorry I was late. I should protect you. I don’t want anyone hurt you. Gaganti ako sa kahit na sinong manakit sa’yo at sa anak ko, kahit sa sarili ko pa, Zein.” Pinisil ni Zein ang kamay ni Amos na nakayakap sa bawyang niya.
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 52: Gone

Pinagmasdan ni Amos ang hinanda niyang almusal para sa mag-ina niya. Mahina siyang napatawa. Mukhang marami yata siyang naihanda kaya pinaglagay niya sa lunch box sina Zein at Pita. Napaisip pa siyang dapat pala niyang gawin iyon para hindi na bumili sa labas ang fianceé niya kapag nasa trabaho nito. Maingat niyang nilagay sa paper bag ang mga tupperware. Maaga pa kaya umakyat muna siya para tingnan kung gising na ang mag-ina niya. Napangiti siya nang makitang magkayakap ang dalawa sa kama. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang mukha ng anak at hinalikan sa noo. Nang dumako ang paningin niya kay Zein, hindi niya naiwasan ang kirot sa dibdib niya. Hindi na alam ni Amos ang gagawin. Nang malaman niyang buntis si Thea, kahit ilang beses niyang itanggi, alam niyang hindi pa siya sigurado dahil hanggang mga oras na iyon, hindi niya maalala ang nangyari noong gabing iyon. Nang makita niya ang sakit sa mga mata at ang pag-iyak ni Zein dahil sa katotohanang iyon, dob
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 53: Hindi Kilala

“Zein!” Tinigil ni Zein ang pagwawalis sa sala nang marinig ang sigaw na iyon ni Sammy. Dinaig pa ang mga tandang na panabong ng kapitbahay nila kung makasigaw. Hingal na hingal na pumasok ang binata at may inabot sa kaniyang papel. “Ano ’to?” “Sumali ka, Zein!” Tawag sa Kantahan Narito ang mga eligible sumali: ✓ 18 – 30 years old ✓ May magandang boses ✓ Kayang tumugtog ng instrument. Para sa iba pang detalye, tumawag lamang sa numerong ito: 123 - 456 - 789 “Sumali ka. Narinig ko kanina sa barangay, malaki raw ang premyo diyan. Higit sa bente mil din daw.” Kinagat ni Zein ang pang-ibabang labi. Malaki-laki rin iyon. Makatutulong iyon sa gastusin nila sa bahay at sa pagpapagamot ni Aling Ige. “Kaya lang… paano kapag humingi gaya ng birth certificate? Alam mo namang hindi ko alam ang buo kong pangalan.” Ngumisi nang nakakaloko si Sammy at inakbayan siya. “Chicks ko ’yong isang magsasagawa ng screening sa audition. Ako ang bahala. I got ya.” Natawa si Zein at napailing. A
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 54: Coming Back

Hingal na hingal si Amos nang magising siya nang umagang iyon. Palagi na lang ganoon ang paraan ng paggising niya. Palagi na lang bumibisita sa bangungot niya si Zein simula nang mawala ito. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang gamot sa bed side table. Nang makainom, unti-unti siyang kumalma. Huminga siya nang malalim at tumingin sa oras. Three thirty pa lang ng umaga. Gusto niya man ulit matulog, alam niyang hindi niya na magagawa iyon. Dalawang taon na ang lumipas pero ganoon na ang naging daloy ng buhay niya. Hindi siya kasama sa pagkasunog at paglubog ng barko pero parang laging humihingi ng sakloko si Zein. Galit siguro sa kaniya ang babaeng minamahal niya dahil wala siyang nagawa para iligtas ito. Hindi niya namalayang tumulo ang mga luha niya. “Z-zein…” Dalawang taon nang patay si Zein pero hindi niya pa rin matanggap. Ayaw niyang maniwala kahit araw-araw siyang pumupunta sa puntod ng dalaga. Parang laging pilit na binubuo ng imahinasyon niyang nagbakasyon lang ito gaya ng h
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 55: Estranghero

“Ang mga natawag na number, sila ang nakapasa sa screening.” Napatalon si Zein sa tuwa. Niyakap niya si Sammy. Kung hindi dahil sa binata, hindi siya makakalusot ng hindi kompleto ang requirements niya. “Salamat talaga, Sammy!” Kumawala siya sa yakap pero nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang hitsura ni Sammy. Panay kasi ang iwas nito ng tingin. “Okay ka lang ba?” “O-oo naman!” Inakbayan siya ni Sammy at pabiro siyang sinakal gamit ang braso. “Ililibre kita.” Tinapik niya ang kamay nito. “Too early for celebration.” Pinakawalan naman siya ni Sammy at matamis na ngumiti sa kaniya. “May dala naman akong pera. Sige na, minsan lang naman. Ililibre kita sa bagong bukas na gotto house sa bayan.” Tumango na lang si Zein. Mapilit si Sammy. Kapag sa kaniya, palagi itong galante kaya nga, nahihiya na siya. Wala naman siyang magawa kasi talagang napakakulit ng binata. Naglakad na lang sila papunta sa night market. Inabot na sila ng gabi sa bayan dahil sa audition. Mabuti na lang,
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 56: Panaginip

Kumunot ang noo ni Amos nang makita si Thea sa harap ng bahay niya. Ilang beses niya nang sinabi sa dalagang tigilan na siya pero patuloy pa rin ito sa pagpunta. Wala na itong maasahan sa kaniya. Ipapasok niya na sana sa gate ang kotse niya pero mabilis na humarang si Thea. Walang ibang nagawa si Amos kundi ang bumaba at kausapin ang dalaga. “What are you doing here again?” malamig na tanong ni Amos kay Thea. Matamis na ngumiti ang dalaga. “I made a dinner for us.” Bumuntong-hininga si Amos. “No, thank you. You should leave. Parating na mamaya ang anak ko. Ayaw kong makita ka niya.” Nawala ang ngiti ni Thea. “But we are… okay now! She calls me tita.” “Because I said so. Ayaw kong magtanim ng galit ang anak ko kahit kanino dahil masyado pa siyang bata. Napatawad na kita, Thea. Huwag mo akong sagarin.” “But Amos…” “Leave,” matigas niyang utos. Walang nagawa si Thea kundi ang magmaktol paalis sa harap ng sasakyan niya. “Bakit hindi mo makalimutan ang babaeng ’yon? She’s dead—”
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Chapter 57: Hindi Maalala

Hindi makatulog si Zein sa banig na hinihigaan niya. Hindi kasi niya makalimutan ang binatang nakita niya sa beach resort. Hindi niya rin alam kung bakit parang ang sakit-sakit sa dibdib nang makita niyang lasing na lasing ang lalaki. Tumayo si Zein at dumungaw na lang sa bintana. Mula sa maliit na kubo, rinig na rinig niya ang alon ng dagat. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang singsing na suot. “Wala ba akong pamilya?” mahinang tanong ni Zein sa sarili. Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya. Kahit gusto niyang bumalik, hindi niya magawa dahil wala naman siyang maalala. Kahit buong pangalan niya, hindi niya alam. Kung hindi siya ang hahanapin ng hinihintay niya, siya na lang ang maghahanap pero saan siya magsisimula? Bukod doon, wala siyang pera. Nahihiya pa nga siya dahil malaki ang nagastos ng pamilyang kumupkop sa kaniya. Ang ibang pinangbayad sa pagpapagamot niya, nilakad pa ni Sammy sa munispyo sa bayan. Pumunta na lang siya sa likod-bahay para magsaing. Tutal, mada
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more

Chapter 58: Thought

Alam ni Amos na sa pagkakataong iyon, hindi na panaginip si Zein. Buhay ang dalaga. Nayayakap niya ito at nararamdaman. Maraming gumulo sa isipan niya. Akala niya, patay na ito pero hindi niya muna inisip iyon. Ang mahalaga, buhay ito at muli nilang makakasama ni Pita. “B-bitiwan mo ako. H-hindi kita kilala...” “Ayoko.” Mas lalong humigpit ang yakap ni Amos. Ayaw niyang pakawalan si Zein. Baka sa oras na niluwagan niya ang hawak, mawala na naman ito sa kaniya. Hindi niya na hahayaang magkalayo pa sila. Kung galit pa rin ito sa kaniya, tatanggapin niya. Kung nagpapanggap lang itong hindi siya kilala, ayos lang dahil ipapaalala niya sa dalaga kung gaano niya ito kamahal hanggang sa sumuko ito. Kung pagtataguan ulit siya nito, hahanapin niya na ito lalo pa at alam niyang buhay naman pala ito. “Zein, u-umuwi na tayo, hmm? Miss na miss ka na namin. You want to pretend that you didn't know me? Okay… I’ll take that p-pero uwi na, ah? Sasama ka sa akin.” “H-hindi ako nagpapanggap. Let
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more

Chapter 59: Bakit

“Zein!” Dahan-dahang tumunghay si Zein nang marinig ang boses ni Sammy. Dala-dala nito ang mga gamit sa pangingisda. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya. Binitiwan nito ang mga gamit na hawak at bahagya siyang tinulak para makaalis sa poso. Hindi na tuloy siya makapagtungga para lagyan ng tubig ang mga nilalabhan niya. Pinameywangan ni Zein si Sammy. “Umalis ka diyan. Naglalaba ako!” “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yong magpahinga ka? Kagagaling mo lang sa ospital. Gusto mo bang mabinat kang babae ka?” Napairap si Zein at pilit na nakipag-agawan sa poso. “Sammy, dalawang araw na akong nagpapahinga. Hindi naman ako na-imbalido. Sumakit lang ang ulo ko.” Bumuntong-hininga si Sammy. “Ininom mo na ba ang gamot mo?” “Opo!” Pinagpatuloy niya ang paglalaba. “Sige na, kumain ka na roon sa loob. Saluhan mo na si Mang Domeng.” “Ako ang magbabanlaw at magsasampay, ah?!” pahabol pa ni Sammy. “Oo na!” Napangiti na lang si Zein habang nagkukusot ng mga damit. Magaling
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more

Chapter 60: Do Everything

Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw, agad nang bumangon si Amos mula sa higaan niya. Magaan ang pakiramdam niya habang nag-aayos ng sarili. Marahil dahil tinigilan niya na ang laging pag-inom ng alak. Walang hang over na palaging bungad sa kaniya. Isa pa, hindi na rin siya binabangungot katulad noon. Ang totoo pa nga niyan, hindi na gaanong mababaw ang tulog niya. Maingat na inahit ni Amos ang balbas at bigote niya sa harap ng salamin. Kailangan niyang maging presentable sa harap ni Zein. Kailangan niyang magpa-impress para magtiwala itong muli sa kaniya kahit wala pa itong naalala. Nang lumabas si Amos mula sa banyo, sakto namang tumawag sa cellphone niya ang doktor niya. “How are you? Balita ko, pina-extend mo raw ang vacation mo?” “Yeah…” Tinanaw ni Amos ang langit. Unti-unti nang sumisibol ang araw kaya napangiti siya. “Anyways, I need to tell you something pagbalik ko. I feel like… I don’t need your service anymore. I’m feeling better. Thank you for recommending your beach res
last updateLast Updated : 2022-09-10
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status