“Let’s all welcome, the successor of Reolonda Group of Companies, a successful entrepreneur and a pastry chef, Mr. Amostacio Reolonda,” anunsiyo ng main host na si Thea. Huminga nang malalim si Amos bago umakyat sa stage. Nagpalakpakan ang audience sa studio habang tinatahak niya ang daan papunta sa mini kitchen na sinet ng staff ng show. Ngumiti siya sa harap ng camera katulad ng sinabi sa kaniya kanina. “Good day, I am Chef Amos. Makakasama ninyo ako tuwing umaga. Dito, I'll teach you anything about baking. Halina at samahan ninyo ako.” Mas lalo niya pang nilawakan ang ngiti at pinaglaruan ang rolling pin. “For today, tuturuan ko kayo kung paano mag-bake ng simple muffin.” Nagsimula na si Amos mag-bake. Hindi siya celebrity pero ang dami palaging pumupunta sa show kung saan siya kabilang. Palaging sinisigaw ang pangalan niya kaya nalaman niyang siya ang sinusuportahan ng mga ito. Ayaw ni Amos sa atensiyon ng mga tao. Matagal na may nag-offer sa kaniya na maging celebrity chef pe
Last Updated : 2022-09-06 Read more