Home / Romance / Isang Gabing Pagsasalo / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of Isang Gabing Pagsasalo: Chapter 161 - Chapter 170

237 Chapters

KABANATA 161

Gusto talagang sumabog sa galit ni Levi sa oras iyon. Gusto na niyang hatakin paalis si Bea sa kwarto na iyon at pagalitan pero pinigil niya ang sarili. Mabuti na nga lang at naglagay ng CCTV si Vin sa kwarto na nirentahan ni Blaze at nahuli ang mga ito."Nagsinungaling? Macho dancer lang—"Pumirmi ang mga labi niya, "It's still a f*cking man!"Kita niyang napapikit si Bea kaya't pinirmi niya na lang ang mga labi. Ayaw niyang mas magalit dito. Nasapo niya ang noo, namewang, at hinarap ang lalaking sinuntok ngunit nangunot ang noo niya matapos makitang si Hunter iyon. Wala na itong mascara pero nakangiwi, dinaramdam ang pisngi nitong sinuntok niya."F*ck you, Alcantara!" sigaw nito sa kanya."What the h*ck are you doing here, Mangangaso?" mariing tanong niya.Nawala ang atensyon nila rito noong humalakhak ang lalaking nasa harap ni Ava. Mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya matapos matunugang boses iyon ni Joselito."Sabi ko na nga ba! Ikaw 'to, G*go!" asik ni Ava bago ito nag-walk
last updateLast Updated : 2022-12-08
Read more

KABANATA 162

Hindi talaga binaba ni Bea ang kilay niya hangga't hindi nakakaalis si Levi. Gusto na nga niyang mangisi matapos itong tumayo sa kama, kamot-kamot ang batok at nakasimangot."Do I really need to go?" muling tanong nito.Humalukipkip siya, "Malamang. Bukod sa naiinis pa ako sa'yo. Alam mo naman na bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal—""Tss. That's not true," pagtutol nito.Pinaningkitan niya ito ng tingin, "Kahit pa totoo o hindi, mas magandang maniwala na lang para safe—Levi, ano ba! Bitiwan mo nga ako!"Sigaw lang ang nagawa niya noong marahan siya nitong binuhat. Gusto niyang magpumiglas ngunit natatakot siyang mahulog at baka pa mapaano ang baby niya."Don't believe in those, Baby," bulong nito bago siya marahang hiniga sa kama.Maliit niya itong kinurot sa tagiliran ngunit kinulong lang siya nito sa matigas nitong mga braso."We'll just sleep," paninigurado nito.Pinakiramdam niya kung may gagawin ito ngunit h*lik lang sa sentido niya at mahigpit na yakap sa kanya ang
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more

KABANATA 163

Pinatigas niya ang itsura at kinuyom ang mga nanginginig na kamay."Tapos na tayo di ba? Napag-usapan na 'to. Please, palayain mo na ako at hayaan na maging masaya," pakiusap niya rito.Ngayon niya dinadasal na sana ay katukin na siya ni Ava at kunin doon. Iba ang awra ni Miggy, mas nakakaba kaysa noong umakyat ito sa balkonahe ng mansyon at guluhin siya patungkol sa kambal."Ayaw mo na talaga sa akin?" nanlulumong tanong nito.Nag-angat ito ng tingin at halos mapasinghap siya sa sobrang pula ng mga mata nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa pag-iyak, puyat, o ano."Akala ko ba okay na tayo, M-iggy? Please, huwag mo namang sirain ang espesyal na araw na ito—"Naiwang nakaawang ang mga labi niya noong maglabas ito ng baril. Nahulog yata ang puso niya noong galit siya nitong tingnan. Lumapit ito at hindi siya makakilos noong hawakan nito ang braso niya."Hindi ko mapapayagan 'to, Bea. Dapat akin ka lang!" gigil na bigkas nito.Nangilid ang luha niya. Hindi alam kung ano'ng isasagot. Hi
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more

KABANATA 164

"Is she still not ready?" naiinip na tanong ni Don Alex.Halos mahina nang mapamura si Levi. Kanina pa sa villa si Bea at hanggang ngayon ay hindi pa dumarating. Kalat na ang dilim sa paligid, wala na ang araw ngunit wala pa rin ang bride niya. Nasira na ang plano niyang bigyan ito ng memorableng kasal."She's still preparing, maybe," hindi siguradong sagot niya.Mali yatang binigla niya basta si Bea. Dapat pala ay sinabihan niya ito kanina. Ngayon tuloy ay pati siya ay nagdadalawang isip kung sisiputin siya nito o hindi."Did she back out already?" nag-aalalang tanong ni Vin sa kanya ngunit si Joselito ang sumagot."Napagtanto na siguro ni Bea na ayaw na sa'yo. Baka biglang tumakas, nagpatulong kay Ava na magtago—""Shut up, Joselito!" mahina at gigil na sambit ni Vin.Umigting ang panga niya at akmang sasagutin ang kaibigan ngunit natigil matapos lumapit ni Blaze. Salubong ang kilay nito at tila naiinip na rin."Hayaan mo na kasi akong sunduin siya sa Villa. Hindi ko naman siya aaga
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

KABANATA 165

Naging sunod-sunod ang pag-iyak mula sa karagatan. Wala rin silang sinayang na oras at kumuha ng mga bangkang de motor at tumawag ng rescue.Umabot din ang pangyayari sa mga naghihintay sa venue lalo na sa kambal na ayaw sanang ipaalam ni Levi. Mabuti na lang at nandoon ang Lolo niya para pakalmahin ang kambal."I will take the lead, hurry up!" utos niya sa mga kaibigan at kasama. Ayaw niyang magsayang ng oras. Dalawang buhay ang kailangan nilang isalba. Alam niyang minuto lang masayang ay siguradong mawawala sa kanya si Bea at ang magiging baby nila."Flashlight, please," dinig niyang utos ni Vin.Nagkalat ang ilaw ng flashlight sa paligid, pilit hinahanap ang boses ng pag-iyak na bigla na lamang tumigil. Limang bangka sila at lahat ay alerto. Maging siya ay tinatalasan ang paningin at pandinig. Ayaw niyang bumalik sa dalampasigan na walang Bea na ligtas."Gusto bang lunurin ng salarin si Bea at dinala sa dagat?" litong tanong ni Joselito."Probably, not. Baka gusto niyang dalhin sa
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more

KABANATA 166

"Tay, gumigising na siya!" sigaw ng isang batang babaeng tinig na pumukaw sa atensyon niya.Halos masilaw-silaw pa siya sa liwanag ng dilaw na ilaw na tumatama sa mga mata niya. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang katawan at ang katigasan ng higaan na kinahihigaan niya."Huwag kang maingay, Eli. Kailangan niyang magpahinga," bigkas ng isang baritonong boses.Hindi pamilyar sa kanya ang mga boses na iyon at ni hindi niya alam kung nasaan siya."Paano natin malalaman kung taga saan siya kung hindi siya kakausapin?" litong tanong ng bata.Napatitig siya bigla sa bubong na kung saan kita niya ang bahagyang pangangalawang ng yero. Sandali siyang natigilan. Pilit niyang iniisip ang sinabi ng bata ngunit hindi niya alam kung tiga-saan nga ba siya."Eli, kapag magaling na siya, doon natin kakausapin," mapagpasensyang paliwanag ng lalaki sa bata.Napakurap siya dahil doon. May sakit ba siya o ano? Bumigat ang paghinga niya at tila nanuyo ang lalamunan niya."T-ubig," mahinang bigkas niya, ni
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more

KABANATA 167

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Hindi niya alam pero hindi siya mapalagay. Isang linggo na siyang magaling at nakalalabas na sa bahay pero takot pa rin siyang makihalubilo. Sa baybay dagat sila nakatira kung saan iilan lang ang mga kapitbahay nila. Pangingisda rin ang kinabubuhay roon at ganoon din ang trabaho ng asawa niya raw.Muli lamang bumigat ang pakiramdam niya. Mabait naman ang asawa niya at malambing ang anak niyang si Eli ngunit hindi niya mahanap sa sarili niya ang saya. Pakiramdam niya ay may kulang at marahil ay dahil sa wala pa rin siyang maalala."Raul, gusto mo ba ay isama ko sa palengke iyang asawa mong si Trixie para naman malibang?" dinig niyang tanong ng Ginang sa lalaking may bitbit na lambat at papalapit sa kanya.Napakurap siya matapos matantong ang asawa niya iyon. Hanggang ngayon ay hindi niya talaga lubos maisip na asawa niya iyon. May itsura ito, mabait, at laging seryoso pero tingin niya, malabong magustuhan niya ito kaya't nagtataka siy
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more

KABANATA 168

"Beatrix?" mahinang usal niya sa pangalan.Pamilyar para sa kanya ang pangalan na iyon. Pakiramdam niya ay narinig na niya iyon o dahil sa katunog iyon ng pangalan niyang Trixie?Napapikit siya noong maramdaman ang sandaling pananakit ng ulo niya. Napahawak siya roon at ka-muntikan pang bumagsak kung wala lang nakapigil sa bewang niya."Are you alright?" mahinang bulong sa kanyang tainga.Napamulat siya ng mga mata at agad na nilingon ang lalaking nakahawak sa bewang niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nanghinayang siya na si Raul iyon imbis na dapat ay matuwa siya dahil asawa niya ang may hawak sa bewang niya. Tila ba iba ang inaasahan niyang makikita sa likod niya.Napatikhim siya at agad na umayos ng tayo. Pilit din siyang ngumiti rito upang mawala ang pagkunot ng noo nito."Uhm, ayos lang ako. Bakit ka ba nandito?" hindi niya napigilan ang pagiging mataray sa boses niya na kinakibot ng labi nito."Dinalhan kita ng pagkain pero mukhang hindi ka okay. Isasama na lang
last updateLast Updated : 2022-12-16
Read more

KABANATA 169

"Ah? Trixie Torio po ang pangalan ko, Ma'am. Mama po ako ni Eli," paliwanag niya sa guro na nagugulat pa rin."Hindi ikaw si Beatrix?" muling tanong nito.Umiling siya dahilan upang mapakurap ito. Sinulyapan ang cellphone at hinarap sa kanya."Medyo, kamukha mo," mahinang usal ng guro.Napatitig siya sa larawan. Isang magandang babae ang naroon at nakasuot ng corporate attire. Malabong siya iyon dahil sa dagat ang bahay nila ni Raul. Oo at hawig niya ang babae pero tingin niya ay mayaman iyon. Lumipad ang mga mata niya sa headline ng balita at halos magulat siya matapos mabasang iyon din pala ang pinaghahanap kahapon pero ngayon ay dineklara ng patay."Nalunod siya sa dagat?" mahinang tanong niya sa guro.Napabuntong hininga ito at tinago ang cellphone sa bulsa ng uniporme nito."Oo, sa araw mismo ng kasal niya. Nalaman ko lang din kahapon dahil nandiyan ang dapat na asawa niya. Sayang at may dalawang anak pa man din yata siyang naghihintay sa kanya," malungkot na kwento ng guro.Nara
last updateLast Updated : 2022-12-17
Read more

KABANATA 170

Bumalik siya sa kahoy na bahay nila na puno ng luha ang mga pisngi niya. Pero noong masalubong ang kunot-noong itsura ni Raul ay agad niyang pinunasan ang mga luha niya."Did you cry?" nag-aalalang tanong nito sa kanya."Huh? W-ala. Na-miss ko lang ang pamilya ko."Nagbago bigla ang itsura nito dahil sa sagot niya. Tumalim ang mga mata nito at napirmi ang mga labi."Walang dapat na ika-miss sa kanila. They are having a good life while we are kind of suffering here," hinanakit nito.Doon tuluyang umatras ang mga luha niya. Napakurap at inintindi ang sinabi nito.Buhay pa ang pamilya niya? Kung ganoon kaninong pamilya ang nasa puntod?"H-indi ba talaga sila pwedeng bisitahin?" maingat niyang tanong."Kalimutan mo na sila. Hindi ka rin nila gugustuhing makita," malamig nitong bigkas.Kinuyom niya ang mga kamay. Pakiramdam niya talaga ay may mali sa paligid niya pero hindi niya malaman kung ano."Lumuwas tayo ng Maynila—""Wala tayong pamasahe. Isa pa, mas importante ang check up mo. Sa s
last updateLast Updated : 2022-12-17
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
24
DMCA.com Protection Status