Home / Romance / Isang Gabing Pagsasalo / Chapter 181 - Chapter 190

All Chapters of Isang Gabing Pagsasalo: Chapter 181 - Chapter 190

237 Chapters

KABANATA 181

Literal na ngumisi si Levi noong walang magawa si Trixie matapos niyang talikuran ito habang bitbit ang anak nitong lalaki. Kapit na kapit sa kanya ang bata at hindi niya alam kung bakit hindi siya naiirita. Ni minsan ay hindi pa siya nag-alaga ng ganitong edad na bata. Malalaki na ang kambal noong makilala niya kaya't hindi niya rin alam kung paano ba alagaan ang batang dalawang taon pa lang yata. Talagang nilakihan niya ang mga hakbang para hindi siya mahabol ni Trixie at mabawi pa ang bata. Kagat-kagat na nga niya ang ibabang labi sa pagpipigil na kumawala ang mahina niyang pagtawa noong makarating sa may swimming pool ng resort. Natanaw niya pa roon si Astrom at Joselito na nag-uusap ngunit parehong napatingin sa kanya."Alam ko namang miss mo na ang mga anak mo pero huwag ka namang mang-kidnap ng bata, Archie," sermon bigla sa kanya ni Joselito.Kinunot niya ang noo bago umupo sa isa pang upuan at inayos niya sa kanyang kandungan ang bata."I am doing a charity job. Tinutulungan
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more

KABANATA 182

Hindi makangiti si Trixie habang palayo sa resort. Dapat talaga ay hinabol niya kanina si Levi at hindi hinayaan ang anak niya rito. Nanlumo tuloy siya na malaman na umiyak si Austin. "Sorry, Baby. Hindi ka na iiwan ni Mama sa lalaking iyon," bulong niya sa anak.Tahimik lang ito at humilig sa balikat niya hanggang sa makauwi sila. Noong makarating sa bahay ay lalo lang siyang nainis sa sarili matapos makita ang maga nitong mga mata. Hindi na lang siya papasok sa trabaho kung walang mag-aalaga kay Austin!Mabuti na lang sa mga sumunod na araw ay si Aling Pasing na mismo ang kumukuha kay Austin para alagaan ito kapag oras na ng trabaho niya. Sinigurado niya rin na hindi niya makasasalubong sa resort si Levi. Siya na mismo ang iiwas para hindi na magka-aberya pa.Ilang araw na ganoon. Kapag natatanaw niyang malapit lang ang lalaki ay liliko siya ng daan kahit pa iba dapat ang daanan niya. Pinagdadasal niya nga na sana ay umalis na ang mga ito at bumalik na sa kung saang lupalop man nan
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more

KABANATA 183

Abot - abot na naman ang kaba ni Trixie. Hindi siya dumiretso sa kwarto ni Levi. Mas pinili niyang puntahan ito sa itaas kung nasaan ang swimming pool. Ilang beses niya ngang pinisil ang mga kamay niya upang mawala ang kaba niya. Gusto niya kasing pagsabihan ito na tigilan siya. Alam niyang sinasadya nito ang mga utos sa kanya, ang hindi niya lang alam ay kung bakit.Paglabas sa elevator at pagbukas sa pinto kung nasaan ang swimming pool ay talagang niyakap siya ng malamig na hangin. Patay ang lahat ng ilaw at wala siyang marinig na tunog ng tubig o senyales na may lumalangoy roon."Sir Levi," mahinang pagtawag niya.Kinakabahan pa siyang humakbang at hinanap ang switch ng ilaw. Sinarado niya ang pinto ngunit hindi ni-lock. Nanghahaba pa ang leeg niya kakatanaw sa malaking square na swimming pool. Tahimik ang tubig at maging ang paligid."Sir Levi!" may kalakasan na niyang sigaw.Kinabahan siya dahil baka nagtatago lang ito at bigla na lang siyang itulak sa tubig pero halos tumalon an
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more

KABANATA 184

Nanghina si Trixie sa mga narinig. Napaupo siya sa sahig kahit pa namatay na ang tawag. Maling-mali na sinagot niya ang tawag at ang magsalita. Malamang na magagalit ang bata at malamang na iniisip nitong kabit siya ng Daddy nito. Paano kung malaman ni Levi na sinagot niya ang tawag? Tiyak na ipapasibak na talaga siya sa trabaho!Nangilid ang mga luha niya. Nag-so-sorry pa man din ang anak nito. Sigurado ay masama na ang loob noon at baka magalit pa ng sobra kay Levi. Kinagat niya ang ibabang labi at mariing pumikit dahil sa mga naisip. Sumakit nga yata ang ulo niya dahil sa nangyari. Nanghihina ang mga kalamnan niya pero napamulat siya matapos maalalang nabanggit ng bata na patay na ang Mommy nito.Napakurap siya habang ramdam ang pananakit sa puso niya. Pakiramdam niya ay pinupunit iyon sa sakit. Halos maghabol pa siya ng hininga. Noong tingin niya ay mawawalan nga siya ng hininga ay hinagilap niya ang mga damit at tuwalya bago tumakbo sa pinto. Pagkalabas niya at pagkasara sa kwart
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more

KABANATA 185

Nanlisik ang mga mata ni Levi matapos marinig na banggitin ni Trixie ang pangalan ng asawa nito. Nagngitngit sa inis ang puso niya at hindi niya maintindihan kung bakit. Ang alam niya lang, gusto niyang pangalan lang niya ang bibigkasin nito lalo pa't siya ang magpapaligaya rito sa oras na iyon.Naningkit ang tingin niya noong masalubong ang mga maamo nitong mga mata. Kita niya ang kaba roon."S-ir," may kabang bigkas nito.Maliit siyang ngumisi nang mapanganib. Sa inis nga niya ay gusto na niyang ihiga ito sa malamig na sahig na iyon at angkinin. Lalong rumagasa ang init sa katawan niya matapos maisip na nasa ibabaw siya niyo at umuungol naman ito ng pangalan niya. Alam niyang hindi si Bea ang kaharap ngunit ang init na nararamdaman niya ay walang pinagka-iba sa tuwing si Bea ang kasama niya.Nagdududa na nga siya sa pagkatao nito ngunit hindi naman siya makahanap ng ebidensya. Sa ngayon, tuloy lang ang plano niya. Ang angkinin ito at dalhin sa Maynila. Wala siyang pakialam kahit pa
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more

KABANATA 186

Ilang araw ding balisa si Trixie simula noong naganap sa swimming pool. Kahit na lamig na lamig siya noon ay hindi niya ginamit ang mga damit ni Levi. Tanging tuwalya lang ang ginamit niya. Nainis pa siya dahil may malisya ang tinging binigay sa kanya ng tatlong babaeng pumasok roon noon. Kung noong una ay pag-iwas lang ang ginagawa niya, ngayon ay literal na talagang ayaw na niyang makasalubong pa si Levi. Minsan nga ay nag-a-absent na siya at dinadahilan na walang mag-aalaga sa anak niya para lang hindi sila magtagpo ni Levi."Sigurado ka, papasok ka na ngayon?" tanong ni Aling Pasing sa kanya bago kuhanin si Austin sa mga bisig niya.Nagsinungaling kasi siya rito at sinabing lalagnatin siya kaya hindi siya pumasok kahapon pero ang totoo ay ayaw niya lang talaga. Kaya lang ay hindi naman pwede ang maraming absent at baka sibakin pa siya sa trabaho."Okay na po ako. Balikan ko po si Austin mamayang umaga sa inyo." Ngumiti siya ng pilit para lang pagtakpan ang pagsisinungaling niya.
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more

KABANATA 187

Kulang ang salitang gulat para kay Trixie. Literal na hindi siya makahinga sa malalim na h*lik na iyon ni Levi sa kanya. Alam niyang wala na siyang kawala at hindi niya alam sa sarili niya kung bakit sa oras na iyon ay gusto niyang magpaubaya. Gusto niyang maalala kung ito ba talaga ang lalaki sa isip niya.Gaya ng gusto niya ay sinagot niya ang mga h*lik nito na kinatigil nito. Kung kailan sumagot siya ng h*lik at malasahan ang pinaghalong alak at mint ng sigarilyo sa bibig nito ay doon naman ito tumigil. Mariin siya nito muling tinitigan."Are you sure you want me to take you?" seryoso at hindi makapaniwalang tanong nito.Napalunok siya. Akala ba niya ay gusto siya nitong angkinin? Pero bakit tinatanong pa siya? O baka naman sinusubukan lang siya noong mga nakalipas na araw kung easy to get ba siya.Sa mga naisip ay umatras siya at biglang nahiya. Nang dahil sa mga naalala niya noon ay nagpatangay naman siya kahit alam niyang mali. Binalak niyang umalis, na tumayo mula sa pagkakaluh
last updateLast Updated : 2023-01-02
Read more

KABANATA 188

Literal na nalulunod sa h*lik si Trixie. Ni hindi siya humindi noong dalhin siya sa banyo ni Levi at malalim na h*likan sa ilalim ng shower. Sinabayan niya ang galaw ng mga labi nito at inangkla ang mga kamay sa batok nito. Mas dinikit lang niya ang sarili rito noong patayin nito ang shower at hawakan ang bewang niya gamit ang malapad nitong palad. Ang isang palad nito ay nakatukod sa pader pangsuporta sa kanilang dalawa."Hm," mahinang halinghing na kumawala sa mga labi niya matapos maramdamang dinikit siya nito sa pader.Halos masabunot niya ito noong kagatin nito ang ibabang labi niya. Napatigil siya sa pagh*lik at nahuli itong titig na titig sa kanya. Napalunok siya at hindi makapagsalita bagkus ay napaawang lang ang mga labi niya noong maramdamang i-angkla nito ang isa niyang binti sa mismong bewang nito at idiin ang sarili sa kanya."Ah!" Napasinghap siya't naisandal ang ulo sa pader.Ramdam niya rin ang mabigat nitong paghinga at malamang na nararamdaman din ang init na nararam
last updateLast Updated : 2023-01-02
Read more

KABANATA 189

"Ako si Trixie!" pamimilit niya sa lalaking kausap.Ngumisi ito, "Are you sure, Miss? Rao has been married to Trixie for a long time now. They had a civil wedding, but right now, they had a church wedding—""Nagsisinungaling ka! Ako si Trixie!" halos mangiyak-ngiyak niya pang tinuro ang sarili niya.Mababaliw talaga siya sa sinasabi nitong Trixie ang bagong asawa ni Raul. Paano mangyayari iyon kung siya nga si Trixie? Nagsinungaling ba ang asawa niya sa kanya? Na ano, siya ba ang kabit? Pinatulan siya dahil Trixie din ang pangalan niya?Mabigat na bumuntong hininga ang lalaki. Ang kaninang matapang nitong ekspresyon ay tila napalitan ng pagka-awa."I think you are lost," bulong pa nito ngunit narinig niya.Lakas loob siyang lumapit rito at hinawakan ang braso nito. Hindi naman ito pumalag ngunit nagsalubong ang mga kilay nito."Paano si Eli? Si Austin? Paano ang mga anak namin ngayon kung nagpakasal siya sa i-ba?"Naisip niyang hindi nga babalik si Raul sa kanila pero hindi pumasok sa
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more

KABANATA 190

"Akala ko ba magtatagal ka sa resort? Bakit ka nagyayang umuwi?" nalilitong tanong ni Joselito kay Levi matapos nilang makabalik sa Maynila. Ngayon nga ay nasa opisina sila ng dating kumpanya nila Bea. Nasa harap na upuan si Joselito habang siya ay nakaupo naman sa swivel chair. Dito siya dumiretso imbis na sa mansyon. "I need to settle things with my daughter. Tapos na rin naman ang pag-aasikaso ng negosyo roon," malamig niyang sagot sa kaibigan.Mas importante sa kanyang makausap si Cyprus ngayon. Itatama niya pa ang pag-iisip nitong may babae siya. Ilang araw na rin niyang sinubukan na kausapin ang anak ngunit ayaw nitong kunin ang cellphone."Is that really the reason? O nagi-guilty kang may kinama kang may asawa—""Shut it, Joselito! She wanted that as well!" gigil ngunit mahina niyang bigkas.Isa rin iyon sa dahilan niya. Nagi-guilty rin siya na habang may nangyayari sa kanila ni Trixie ay walang ibang pumapasok sa isip niya kun'di si Bea. Ang bawat haplos niya rito at bawat d
last updateLast Updated : 2023-01-04
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
24
DMCA.com Protection Status