"Trixie! Room 302, palinis ulit," utos ni Miss Norma sa kanya.Kung dati ay kakabahan siya na magpunta roon dahil alam niyang si Levi ang naroon, ngayon ay hindi na. Totoo naman kasing hindi na ito bumalik. Minsan nga ay kapag may bagong guest sa room 302 ay lagi niyang naiisip na si Levi iyon pero lagi rin naman siyang nadidismaya."Pakibilisan na lang, Trixie. May darating na guest mamaya at iyang kwarto na iyan ang gusto niya," paalala pa ni Miss Norma.Agad din naman siyang tumalima. Hindi na rin naman siya aasa na si Levi iyon, isa pa, ang pagpunta niya sa Maynila ang dapat na asikasuhin niya. Literal na hindi na rin kasi nagparamdam si Raul sa kanya. Mabuti nga't mabait si Aling Pasing kahit nabalitaan nitong nagpakasal na si Raul sa iba ay tinutulungan pa rin siya kay Austin. Nagalit pa nga ito sa nalaman at halos isumpa si Raul sa pang-iiwan sa kanya."Isang buwan pa tapos ay makakapunta ka na ng Maynila," bulong niya sa sarili habang naglilinis ng kwarto na iyon.Iipunin niya
Last Updated : 2023-01-07 Read more