Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Tumatalim na ang tingin sa kanya ni Calvin sa hindi pagsagot. Natataranta na siya lalo pa't paiyak na rin si Eli."Eli, tahan na please," pagmamakaawa niya rito."Mama, uwi na po tayo. Sama natin si Daddy Raul. Ayoko na kay Mommy Trixie! Di niya ako l-ove," sumbong nito.Napangiwi siya pero naawa rin dito. Hindi ito ganoon noong kasama niya."Baka naman makulit ka kaya nasasabihan ka ng Mommy mo," maingat niyang sermon dito."Hindi, Mama. Hindi ako bad. Ikaw lang Mama ko, di ko siya Mommy!" muling ngawa nito kaya't napangiwi na siya nang tuluyan."Excuse me. Mommy ko iyang niyayakap mo!" sigaw ni Cyprus na kinalaki ng mga mata niya. Ni hindi niya napaghandaan ang paghila nito kay Eli palayo sa kanya."Cyprus, huwag. Don't be harsh on her, Baby."Alam niyang mag-aaway ang dalawa kapag hindi niya napigilan. Ayaw naman niyang magkagulo lalo pa't siya lang ang matandang kasama ng mga ito."Bitiwan mo ko, na-miss ko Ma
Huling Na-update : 2023-02-12 Magbasa pa