"Hindi niyo po kilala si Blaze?" pag-uulit na tanong ni Minerva aa kanya na tila pa impossibleng hindi niya kilala si Blaze.Umawang ang mga labi niya at pilit hinalungkat sa isip niya kung may sinabi ba si Levi kung sino si Blaze ngunit wala siyang maalala. Namawis na ang noo niya lalo na't naisip niya ang mga patakaran ni Levi, bawal nga pa lang may makaalam na hindi siya si Bea."It's Blaze Ocampo, your bestfriend," madiing bulong ni Levi na bigla na lamang sumulpot sa likod niya.Nagulat pa siya sa presensya nito pero tumikhim siya at ngumiti kay Minerva na umiwas ng tingin sa kanila. Nailang yata ito lalo pa't hinapit ni Levi ang bewang niya. Mabuti nga at may suot itong damit kun'di ay siya pa ang mahihiya."Oh, si Blaze, kayo na pala," bawi niya para lang hindi magtaka si Minerva."Sinagot mo iyon?" kunwaring asar pa niya rito na kinapula ng mga pisngi nito."Lalaki naman po pala siya," mahinang sagot nito.Umangat ang gilid ng labi niya at magsasalita pa sana kun'di lang kinuh
Last Updated : 2023-02-02 Read more