Hindi na makangiti si Trixie. Hindi niya alam paano kukumbinsihin si Cyprus na huwag matulog doon. Pinipilit niya itong magpasundo na pero sumisimangot ito."Mommy, I won't leave you here. Kung magpapasundo po ako kay Lolo, isasama po kita. I'm sure Kuya Calvin wanted to see you too," paliwanag nito muli.Daig pa niya ang kumausap ng matanda. Hindi siya makahanap ng palusot. Buong maghapon na nga niya itong pinakikiusapan pero ayaw pa rin."May school ka pa bukas, kailangan ay nasa bahay ka," pagpapa-intindi niya rito.Umiling ito at inayos ang damit na pinili nito sa sariling damitan."A-absent po ako pero next week hindi na kase nandito ka na po!" masiglang sagot nito.Nasapo niya ang noo. Paano niya ipapaliwanag kay Levi na nandito si Cyprus? Hindi naman niya alam na agad niya itong makikita. Malinaw pa naman sa utak niya ang sinabi nitong hindi muna siya ipapakilala sa kambal."Mommy, can I borrow your phone? Tatawagan ko na po si Kuya para maihatid na siya rito. It is almost even
"So what, Daddy? I hate you! You hid Mommy!" matapang na sagot ni Cyprus kay Levi."Cyprus!" gulat na tawag niya rito ngunit galit lang din na tumingin sa kanya ang bata.Mabilis siyang lumapit sa mga ito at kahit matalim ang tingin ng mag-ama sa kanya ay kinuha pa rin niya si Austin na buhat-buhat ni Cyprus."Mommy, why are we staying here anyway? Can't we just leave him?" tukoy nito kay Levi.Natigilan siya at napalingon kay Levi. Umiigting na ang panga nito at alam niyang galit talaga ito sa mga oras na iyon. Ito ba ang iniiwasan nito na mangyari kaya't ayaw muna nitong ipakilala ang kambal? Kasalanan pa ba niya na sumulpot sa penthouse si Cyprus?"I don't like your words, Cyrpus," mariing bigkas ni Levi ngunit ang tingin nito ay nasa kanya."I don't like you either, Daddy!" muling sigaw ni Cyprus bago lumapit sa kanya at hinila-hila ang kamay niya."Let's go, Mommy. Bumalik na lang po tayo sa dati. Iyong tayo lang nila Kuya Calvin at walang Daddy. Promise, hindi na po kami maghaha
"How come Cyprus is here?" iyon agad ang tanong ni Levi sa kanya matapos nilang makabalik sa penthouse.Sa kwarto sila dumiretso, sa kama ang bagsak nila at sa ilalim nito ang bagsak niya. Doon nga lang din niya naalalang nangako siyang hahayaan niya ito sa gusto nitong gawin sa kanya."Hindi ko rin alam. Ang sabi niya ay hinatid siya ng Lolo niya rito dahil akala ay nandito ka," mahina niyang paliwanag."Is that so? And you didn't even inform me that she is here?" mariin nitong tanong.Umawang ang mga labi niya at napapikit matapos nitong ipinid ang mga kamay niya sa kama, sa magkabilaang gilid ng kanyang ulo."M-agagalit ka kapag sinabi ko," mabigat niyang sagot."The same thing happened. You could have at least informed me," gigil na bulong nito bago paghiwalayin ang mga hita niya.Gusto niyang sumagot at itanong na rin ang tungkol kay Austin ngunit daing kumawala sa mga labi niya."Ah-oh," daing niya noong magtagumpay itong makapasok sa loob niya.Akala niya kasi ay maitatago niya
Naiinis na binaba ni Levi ang hawak na cellphone. Sinulyapan niya pa si Trixie kung nagising ito ngunit nakapikit naman ang mga mata. Mabigat siyang huminga at pumikit nang mariin. Gigil siyang malaman kung sino ang tatay ni Austin. Ayaw niyang umasa ngunit malakas ang pakiramdam niya."Damn!" mahina niyang pagmumura.Dinig niyang umingit ito kaya't marahan niyang hinaplos nag buhok ito upang makabalik sa pagtulog. Pigil niya pa nga ang paghinga para lang hindi ito magising. Hindi niya kasi masusundo si Austin kung gising ito.Ang kamay niyang nasa buhok nito ay kusang bumaba sa balikat nito at hindi mapigilan na yakapin ito nang mahigpit. Pinagdadasal niya talaga sana ay ito na lang si Bea. Kamukha-kamukha ito ni Bea, ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit sila nito kilala."Whatever it is, you have to stay with me until I find my wife," bulong niya rito kahit pa hindi naman siya nito maririnig.Kailangan niya ang tulong nito para mapaamo ang kambal. Masama man na gamitin ito
Dumiin ang pagkakahawak ni Levi sa envelope. Ayaw niya naman talagang umasa pero ngayong nakasama na niya si Trixie ay malakas ang pakiramdam niya."Whatever you find out, do not treat her badly," paalala pa ni Vin sa kanya na akala mo naman ay sasaktan niya si Trixie kapag hindi ito si Bea.Hindi niya pinansin ang kaibigan. Halos manginig ang kamay niyang binuksan ang envelope at nilabas ang mga dokumento roon. Tinalasan niya ang mga mata at pag-intindi. Nauna niyang nakita ang DNA test ni Austin at ng sa kanya. Lumipad agad ang tingin niya sa resulta at halos mahulog ang puso niya matapos makita ang 99.9999999% roon."I knew it! He's mine!" malakas niyang bulalas ngunit hindi napigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Naghalo-halo ang emosyon niya. Masaya siya na anak niya si Austin. Masaya siya na buhay ito. Tama ang hinala niya! Tama ang pakiramdam niya sa bata!"Yes, Austin is yours. But what about Bea?" makahulugang tanong ni Vin.Pinigil niya ang luha at mabilis na tiningnan an
Gustong magdamdam ni Trixie. Paano siya mamimiss ni Levi samantalang kasama niya lang ito kanina? Mas lalo pa siyang nagduda noong hindi ito agad na sumagot sa kanya."Ok lang. Baka na-mi-miss mo na si Bea," tipid niyang bigkas.Tipid siyang ngumiti bago kinuha si Austin sa mga bisig nito. Para pagtakpan ang lungkot niya ay pinupog na lang niya ng h*lik ang anak."I miss you, Baby," bulong niya pa rito."Now you miss Austin while I am not allowed to miss you?" hinanakit ni Levi.Napatigil siya at napalingon dito. Nakatikwas ang kilay nito at mariin ang tingin. Napalunok siya. Talaga bang siya ang na-miss nito?"Anak ko si Austin, natural lang na ma-miss ko siya," katwiran niya."Anak ko rin—nevermind. I just miss you," sambit nito bago huminga nang malalim."Saan ka ba kasi nagpunta?" mahinahong tanong niya.Ayaw niyang magtunog demanding dahil wala naman siyang karapatan. Nagtatampo lang siya na basta na lang siya nito iniwan."Sinundo ko si Austin," tipid na sagot nito at napakamot
Patuloy na nagwala si Calvin. Sinugod pa nito si Levi at sinuntok-suntok gamit ang mga kamay. Hindi niya tuloy alam kung dapat na ba siyang lumapit para pigilan ang anak nito."Susmaryosep! Ma'am Bea, tawagin mo si Calvin. Hindi iyan titigil. Si Don Alex lang ang nakakapagpatigil sa kanya," kinakabahang pakiusap ni Manang Lisa.Namawis bigla ang noo niya. Kaya niya bang pigilan ito? Linunok niya ang kaba at lumapit sa mga ito. Nagtama pa ang paningin nila ni Levi at nakita niya ang pag-asa sa mga iyon.Pilit nitong hinawakan ang mga kamay ni Calvin, "Stop that, Calvin. My surprise is here—""No! You stop, Daddy! Stop coming home here! We don't need you here—""Stop that, Calvin! Respect your father!" hindi niya napigilang malakas na isigaw.Bigla itong tumigil at lumingon sa kanya. Namimilog ang mga mata na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung nagulat itong nandoon siya o mas nagulat itong sumigaw siya.Huminga siya nang malalim bago mas lumapit at hinawakan ang braso nito upang m
Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Tumatalim na ang tingin sa kanya ni Calvin sa hindi pagsagot. Natataranta na siya lalo pa't paiyak na rin si Eli."Eli, tahan na please," pagmamakaawa niya rito."Mama, uwi na po tayo. Sama natin si Daddy Raul. Ayoko na kay Mommy Trixie! Di niya ako l-ove," sumbong nito.Napangiwi siya pero naawa rin dito. Hindi ito ganoon noong kasama niya."Baka naman makulit ka kaya nasasabihan ka ng Mommy mo," maingat niyang sermon dito."Hindi, Mama. Hindi ako bad. Ikaw lang Mama ko, di ko siya Mommy!" muling ngawa nito kaya't napangiwi na siya nang tuluyan."Excuse me. Mommy ko iyang niyayakap mo!" sigaw ni Cyprus na kinalaki ng mga mata niya. Ni hindi niya napaghandaan ang paghila nito kay Eli palayo sa kanya."Cyprus, huwag. Don't be harsh on her, Baby."Alam niyang mag-aaway ang dalawa kapag hindi niya napigilan. Ayaw naman niyang magkagulo lalo pa't siya lang ang matandang kasama ng mga ito."Bitiwan mo ko, na-miss ko Ma
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan