Patuloy na nagwala si Calvin. Sinugod pa nito si Levi at sinuntok-suntok gamit ang mga kamay. Hindi niya tuloy alam kung dapat na ba siyang lumapit para pigilan ang anak nito."Susmaryosep! Ma'am Bea, tawagin mo si Calvin. Hindi iyan titigil. Si Don Alex lang ang nakakapagpatigil sa kanya," kinakabahang pakiusap ni Manang Lisa.Namawis bigla ang noo niya. Kaya niya bang pigilan ito? Linunok niya ang kaba at lumapit sa mga ito. Nagtama pa ang paningin nila ni Levi at nakita niya ang pag-asa sa mga iyon.Pilit nitong hinawakan ang mga kamay ni Calvin, "Stop that, Calvin. My surprise is here—""No! You stop, Daddy! Stop coming home here! We don't need you here—""Stop that, Calvin! Respect your father!" hindi niya napigilang malakas na isigaw.Bigla itong tumigil at lumingon sa kanya. Namimilog ang mga mata na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung nagulat itong nandoon siya o mas nagulat itong sumigaw siya.Huminga siya nang malalim bago mas lumapit at hinawakan ang braso nito upang m
Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Tumatalim na ang tingin sa kanya ni Calvin sa hindi pagsagot. Natataranta na siya lalo pa't paiyak na rin si Eli."Eli, tahan na please," pagmamakaawa niya rito."Mama, uwi na po tayo. Sama natin si Daddy Raul. Ayoko na kay Mommy Trixie! Di niya ako l-ove," sumbong nito.Napangiwi siya pero naawa rin dito. Hindi ito ganoon noong kasama niya."Baka naman makulit ka kaya nasasabihan ka ng Mommy mo," maingat niyang sermon dito."Hindi, Mama. Hindi ako bad. Ikaw lang Mama ko, di ko siya Mommy!" muling ngawa nito kaya't napangiwi na siya nang tuluyan."Excuse me. Mommy ko iyang niyayakap mo!" sigaw ni Cyprus na kinalaki ng mga mata niya. Ni hindi niya napaghandaan ang paghila nito kay Eli palayo sa kanya."Cyprus, huwag. Don't be harsh on her, Baby."Alam niyang mag-aaway ang dalawa kapag hindi niya napigilan. Ayaw naman niyang magkagulo lalo pa't siya lang ang matandang kasama ng mga ito."Bitiwan mo ko, na-miss ko Ma
"F*ck! Are you sick?"Ilang beses iyong tinanong sa kanya ni Levi noong makabalik sila sa mansyon. Dumiretso na nga sa mga kwarto nila si Calvin at Cyprus pero heto sila at nasa sala pa."Hindi nga."Lumiko siya pero nagulat matapos kunin ni Manang Lisa si Austin sa mga bisig niya. Hindi siya nakaprotesta matapos hawakan ni Levi ang siko niya at dalhin siya sa likod ng mansyon. Sa may swimming pool area sila nakarating."Now, tell me. Ano'ng sakit mo? Because f*ck! I'm willing to find the best doctor and hospital just to cure you!" Napakurap siya sa litanya nito. Idagdag pa ang desidido nitong mga mata at pangang umiigting. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Napalunok siya ng wala sa oras. Naisip niya tuloy kung nakamamatay ba ang amnesia?"Hindi naman malala. Sakit lang sa ulo," mahinang sagot niya.Nagtaka siya noong umawang ang mga labi nito at lumuwang ang hawak sa siko niya. Sandali siyang napaisip ngunit napailing siya matapos matanto ang sinabi."Hindi ako baliw ah!" pagtata
Literal na napanganga siya sa tanong na iyon ni Levi. Sinasabi ba nitong siya si Bea?"Ano? Ako si Bea?" gulat na tanong niya pagharap niya rito.Seryoso ito at halatang hindi nagbibiro pero hindi siya naniniwala. Malabong siya si Bea.Akmang bubuka ang mga labi nito pero inunahan na niya."Alam ko namang miss mo na ang asawa mo pero please lang, huwag ka namang magsinungaling sa akin. Huwag mo ring sabihing ako siya para lang punan iyang pangungulila mo. Hindi kasi nakatutuwa," walang ngiting litanya niya.Pumirmi ang mga labi nito at imbis na magsalita pa ay agad itong tumayo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig sa kanya pero hindi niya babawiin iyon. Mas hindi niya gusto na gusto siya nitong maniwala na siya si Bea.Napaupo siya sa kama, "Saan ka pupunta?""I need a f*cking drink," balewalang sagot nito.Ramdam niyang bumigat ang puso niya. Nalungkot na hindi man lang siya nito sinuyo o nag-sorry sa ginawa. Kahit pa gustong-gusto niya na kunin ang role ni Bea ay hindi naman n
"What did you say? Sinong naaalala mo?" malamig na tanong ni Levi kay Trixie.Kumuyom ang kamao niya. Sa daming tao na pwede nitong maalala ay bakit si Sandoval ba?"S-i Miggy Sandoval ang asawa ko. Gusto ko nang umuwi sa kanya." Napayuko ito at tila alangan pa na sabihin iyon."F*ck!" malutong niyang mura at kung hindi niya lang napigilan ay baka nasuntok na niya ang kama.Dismayado siya sa narinig at gusto na lang bugbugin si Sandoval. Hindi siya nakatiis at umalis doon. Ayaw niyang makapagbitaw pa ng masamang salita. At kahit dis-oras na ng gabi ay lumabas siya para magbiyahe papunta kay Joselito."I need a f*cking cold drink!" inis niyang bulalas habang mabilis na pinapagana ang sasakyan.Wala pang kalahating oras ay nasa tapat na siya ng bahay ni Joselito. Gigil niyang pinindot ang doorbell at noong walang marinig mula sa loob ay ilang beses niyang sinipa ang mataas na gate nito."Joselito! Fucking open this door!" pagwawala niya."Tss. Need a friend?"Napalingon siya sa nagsalit
"Where to start? She doesn't know the place, bro," ani Joselito na sumakay sa sasakyan niya.Hindi siya nagsalita at agad lang pinagana ang sasakyan. Galit ang tingin niya sa daan. Pinaharurot niya ang sasakyan para lang makarating sa mansyon at mahanap si Bea."Sh*t! Dapat pala kay Vin ako sumakay," reklamo ni Joselito."F*ck, edi sakyan mo si Vin!" naiinis niyang singhal dito."Ah? G*go, hindi si Vin! Sa sasakyan niya kasi dapat!" pagtatama nito.Napailing siya at hindi ito pinansin. Tinalasan niya rin ang mga mata at baka nasa kalsada lang si Bea pero bigo siya. Ni anino nito ay hindi niya nakita.Gigil niyang hinampas ang manibela na muntikan ng kinatalon ni Joselito."Sh*t! Kung magpapakamatay ka, ibaba mo muna ako, Alcantara," may kabang bigkas nito.Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi na nga ito nakatutulong ay ang ingay pa!"Sa daan ka tumingin!" sigaw pa nito."Keep your mouth shut at baka ibangga ko 'tong sasakyan," banta niya rito."Sh*t! Mananahimik na ako, Archie!"Hindi n
Ilang beses na luminga sa loob ng condo unit si Trixie. Sa isang high-end condominium siya dinala ng lalaking nakasalubong niya sa daan. Actually, hindi nakasalubong eh, pumara ito sa harap niya at gulat na gulat matapos siyang makita. Ang daldal pa nito pero wala naman siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Nagpakilala pa itong si Hunter.Agad siyang umayos ng upo sa sofa at inayos si Austin sa kandungan niya noong makitang paparating na si Hunter na may bitbit na baso ng juice at slice ng cake sa platito. Pinaskil nito ang ngiti matapos mailapag sa mesa ang bitbit."Nathan would be very happy to see you. She misses you so much, and of course, the twins as well," kwento muli nito.Kumunot ang noo niya, "Sino si Nathan?"Umawang ang mga labi nito. Napakurap pagkaraan ay napakamot sa batok nito."You forgot about my son? I mean, it's okay, but I didn't expect that," sagot nito.Nanatili siyang nakatitig dito. Hindi niya talaga maalala ang sinasabi nito.Mabigat itong bumuntong hinin
"Mali ka—""Hindi ako mali, Bea. Tama ang sinabi ko. Ikaw si Beatrix Del Rosario. Totoo namang naging asawa mo si Miggy pero nangaliwa siya at pinagpalit ka sa pinsan mo dahil hindi kayo magka-anak. Alam ko ang buong kwento mo," ani Blaze na hindi binitiwan ang mga balikat niya.Gusto na niyang maiyak. Kanina pa niya pinaglalaban na hindi siya si Bea pero lahat ng sinasabi nito ay may basehan."Ano pa ang gusto mong malaman? Tinulungan kita pero tinulungan mo rin ako sa mga magulang ko. Ako ang kasama mo noong nanganak ka sa kambal sa ibang bansa. Iyang bunso mo." Tinuro nito si Austin, "Hindi mo ba nakikita kung gaano niya kamukha si Levi? Wake up! Ikaw si Bea at nasa tamang pamilya ka ngayon! Tama lang na kay Levi ka!" gigil na pagpapaintindi nito.Napayuko siya at hindi mapigilang maglandas ang mga luha niya. Humihigpit na rin ang yakap niya kay Austin. Sobrang sakit na ng puso niya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay napakababa niya at walang kwentang tao dahil hindi niya nakil
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan