"She's Bea?" hindi makapaghintay na tanong ni Levi kay Vin."Apparently, Trixie Torio is the youngest daughter of the Dela Vega family, which owns yachts and cruise ships. She married Rao Xavier Torio secretly," pagbibigay impormasyon ni Vin sa kanya.Nagsalubong ang kilay niya. Kung mayaman ito ay paanong nandito na ito at nagtatrabaho sa hotel?"How come she is here?" naibulalas niyang tanong."Baka kasi dahil sikreto lang silang nagpakasal ng asawa niya?" patanong din na sagot ni Vin.Napabuga siya nang marahas na hangin. Ayaw pa ring tanggapin ng utak niya na hindi iyon si Bea."Thanks, Vin. Sorry at naistorbo pa kita," hingi niya na lang ng paumanhin.Nagpaalam ito sa kanya at pinatay rin ang tawag. Pagharap naman niya kay Joselito ay nanliliit ang tingin nito sa kanya."Alam ko namang hindi ka pa naka-mo-move on at mahirap talagang kalimutan ang taong mahal mo, pero kung buhay man si Bea, sana ay matagal na siyang nakita o bumalik sa'yo," sinserong bigkas nito.Napaiwas siya ng
Huling Na-update : 2022-12-20 Magbasa pa