Share

KABANATA 184

Author: Yenoh Smile
last update Huling Na-update: 2023-01-01 08:49:33

Nanghina si Trixie sa mga narinig. Napaupo siya sa sahig kahit pa namatay na ang tawag. Maling-mali na sinagot niya ang tawag at ang magsalita. Malamang na magagalit ang bata at malamang na iniisip nitong kabit siya ng Daddy nito. Paano kung malaman ni Levi na sinagot niya ang tawag? Tiyak na ipapasibak na talaga siya sa trabaho!

Nangilid ang mga luha niya. Nag-so-sorry pa man din ang anak nito. Sigurado ay masama na ang loob noon at baka magalit pa ng sobra kay Levi. Kinagat niya ang ibabang labi at mariing pumikit dahil sa mga naisip. Sumakit nga yata ang ulo niya dahil sa nangyari. Nanghihina ang mga kalamnan niya pero napamulat siya matapos maalalang nabanggit ng bata na patay na ang Mommy nito.

Napakurap siya habang ramdam ang pananakit sa puso niya. Pakiramdam niya ay pinupunit iyon sa sakit. Halos maghabol pa siya ng hininga. Noong tingin niya ay mawawalan nga siya ng hininga ay hinagilap niya ang mga damit at tuwalya bago tumakbo sa pinto. Pagkalabas niya at pagkasara sa kwart
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Ernesto Flores
next chapter
goodnovel comment avatar
Sherlene C Caffe Cheng
next chapter please
goodnovel comment avatar
Lynkyle Drick
haisst antqgal nmn mka alala ai kgigil
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 185

    Nanlisik ang mga mata ni Levi matapos marinig na banggitin ni Trixie ang pangalan ng asawa nito. Nagngitngit sa inis ang puso niya at hindi niya maintindihan kung bakit. Ang alam niya lang, gusto niyang pangalan lang niya ang bibigkasin nito lalo pa't siya ang magpapaligaya rito sa oras na iyon.Naningkit ang tingin niya noong masalubong ang mga maamo nitong mga mata. Kita niya ang kaba roon."S-ir," may kabang bigkas nito.Maliit siyang ngumisi nang mapanganib. Sa inis nga niya ay gusto na niyang ihiga ito sa malamig na sahig na iyon at angkinin. Lalong rumagasa ang init sa katawan niya matapos maisip na nasa ibabaw siya niyo at umuungol naman ito ng pangalan niya. Alam niyang hindi si Bea ang kaharap ngunit ang init na nararamdaman niya ay walang pinagka-iba sa tuwing si Bea ang kasama niya.Nagdududa na nga siya sa pagkatao nito ngunit hindi naman siya makahanap ng ebidensya. Sa ngayon, tuloy lang ang plano niya. Ang angkinin ito at dalhin sa Maynila. Wala siyang pakialam kahit pa

    Huling Na-update : 2023-01-01
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 186

    Ilang araw ding balisa si Trixie simula noong naganap sa swimming pool. Kahit na lamig na lamig siya noon ay hindi niya ginamit ang mga damit ni Levi. Tanging tuwalya lang ang ginamit niya. Nainis pa siya dahil may malisya ang tinging binigay sa kanya ng tatlong babaeng pumasok roon noon. Kung noong una ay pag-iwas lang ang ginagawa niya, ngayon ay literal na talagang ayaw na niyang makasalubong pa si Levi. Minsan nga ay nag-a-absent na siya at dinadahilan na walang mag-aalaga sa anak niya para lang hindi sila magtagpo ni Levi."Sigurado ka, papasok ka na ngayon?" tanong ni Aling Pasing sa kanya bago kuhanin si Austin sa mga bisig niya.Nagsinungaling kasi siya rito at sinabing lalagnatin siya kaya hindi siya pumasok kahapon pero ang totoo ay ayaw niya lang talaga. Kaya lang ay hindi naman pwede ang maraming absent at baka sibakin pa siya sa trabaho."Okay na po ako. Balikan ko po si Austin mamayang umaga sa inyo." Ngumiti siya ng pilit para lang pagtakpan ang pagsisinungaling niya.

    Huling Na-update : 2023-01-01
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 187

    Kulang ang salitang gulat para kay Trixie. Literal na hindi siya makahinga sa malalim na h*lik na iyon ni Levi sa kanya. Alam niyang wala na siyang kawala at hindi niya alam sa sarili niya kung bakit sa oras na iyon ay gusto niyang magpaubaya. Gusto niyang maalala kung ito ba talaga ang lalaki sa isip niya.Gaya ng gusto niya ay sinagot niya ang mga h*lik nito na kinatigil nito. Kung kailan sumagot siya ng h*lik at malasahan ang pinaghalong alak at mint ng sigarilyo sa bibig nito ay doon naman ito tumigil. Mariin siya nito muling tinitigan."Are you sure you want me to take you?" seryoso at hindi makapaniwalang tanong nito.Napalunok siya. Akala ba niya ay gusto siya nitong angkinin? Pero bakit tinatanong pa siya? O baka naman sinusubukan lang siya noong mga nakalipas na araw kung easy to get ba siya.Sa mga naisip ay umatras siya at biglang nahiya. Nang dahil sa mga naalala niya noon ay nagpatangay naman siya kahit alam niyang mali. Binalak niyang umalis, na tumayo mula sa pagkakaluh

    Huling Na-update : 2023-01-02
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 188

    Literal na nalulunod sa h*lik si Trixie. Ni hindi siya humindi noong dalhin siya sa banyo ni Levi at malalim na h*likan sa ilalim ng shower. Sinabayan niya ang galaw ng mga labi nito at inangkla ang mga kamay sa batok nito. Mas dinikit lang niya ang sarili rito noong patayin nito ang shower at hawakan ang bewang niya gamit ang malapad nitong palad. Ang isang palad nito ay nakatukod sa pader pangsuporta sa kanilang dalawa."Hm," mahinang halinghing na kumawala sa mga labi niya matapos maramdamang dinikit siya nito sa pader.Halos masabunot niya ito noong kagatin nito ang ibabang labi niya. Napatigil siya sa pagh*lik at nahuli itong titig na titig sa kanya. Napalunok siya at hindi makapagsalita bagkus ay napaawang lang ang mga labi niya noong maramdamang i-angkla nito ang isa niyang binti sa mismong bewang nito at idiin ang sarili sa kanya."Ah!" Napasinghap siya't naisandal ang ulo sa pader.Ramdam niya rin ang mabigat nitong paghinga at malamang na nararamdaman din ang init na nararam

    Huling Na-update : 2023-01-02
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 189

    "Ako si Trixie!" pamimilit niya sa lalaking kausap.Ngumisi ito, "Are you sure, Miss? Rao has been married to Trixie for a long time now. They had a civil wedding, but right now, they had a church wedding—""Nagsisinungaling ka! Ako si Trixie!" halos mangiyak-ngiyak niya pang tinuro ang sarili niya.Mababaliw talaga siya sa sinasabi nitong Trixie ang bagong asawa ni Raul. Paano mangyayari iyon kung siya nga si Trixie? Nagsinungaling ba ang asawa niya sa kanya? Na ano, siya ba ang kabit? Pinatulan siya dahil Trixie din ang pangalan niya?Mabigat na bumuntong hininga ang lalaki. Ang kaninang matapang nitong ekspresyon ay tila napalitan ng pagka-awa."I think you are lost," bulong pa nito ngunit narinig niya.Lakas loob siyang lumapit rito at hinawakan ang braso nito. Hindi naman ito pumalag ngunit nagsalubong ang mga kilay nito."Paano si Eli? Si Austin? Paano ang mga anak namin ngayon kung nagpakasal siya sa i-ba?"Naisip niyang hindi nga babalik si Raul sa kanila pero hindi pumasok sa

    Huling Na-update : 2023-01-03
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 190

    "Akala ko ba magtatagal ka sa resort? Bakit ka nagyayang umuwi?" nalilitong tanong ni Joselito kay Levi matapos nilang makabalik sa Maynila. Ngayon nga ay nasa opisina sila ng dating kumpanya nila Bea. Nasa harap na upuan si Joselito habang siya ay nakaupo naman sa swivel chair. Dito siya dumiretso imbis na sa mansyon. "I need to settle things with my daughter. Tapos na rin naman ang pag-aasikaso ng negosyo roon," malamig niyang sagot sa kaibigan.Mas importante sa kanyang makausap si Cyprus ngayon. Itatama niya pa ang pag-iisip nitong may babae siya. Ilang araw na rin niyang sinubukan na kausapin ang anak ngunit ayaw nitong kunin ang cellphone."Is that really the reason? O nagi-guilty kang may kinama kang may asawa—""Shut it, Joselito! She wanted that as well!" gigil ngunit mahina niyang bigkas.Isa rin iyon sa dahilan niya. Nagi-guilty rin siya na habang may nangyayari sa kanila ni Trixie ay walang ibang pumapasok sa isip niya kun'di si Bea. Ang bawat haplos niya rito at bawat d

    Huling Na-update : 2023-01-04
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 191

    "Trixie! Room 302, palinis ulit," utos ni Miss Norma sa kanya.Kung dati ay kakabahan siya na magpunta roon dahil alam niyang si Levi ang naroon, ngayon ay hindi na. Totoo naman kasing hindi na ito bumalik. Minsan nga ay kapag may bagong guest sa room 302 ay lagi niyang naiisip na si Levi iyon pero lagi rin naman siyang nadidismaya."Pakibilisan na lang, Trixie. May darating na guest mamaya at iyang kwarto na iyan ang gusto niya," paalala pa ni Miss Norma.Agad din naman siyang tumalima. Hindi na rin naman siya aasa na si Levi iyon, isa pa, ang pagpunta niya sa Maynila ang dapat na asikasuhin niya. Literal na hindi na rin kasi nagparamdam si Raul sa kanya. Mabuti nga't mabait si Aling Pasing kahit nabalitaan nitong nagpakasal na si Raul sa iba ay tinutulungan pa rin siya kay Austin. Nagalit pa nga ito sa nalaman at halos isumpa si Raul sa pang-iiwan sa kanya."Isang buwan pa tapos ay makakapunta ka na ng Maynila," bulong niya sa sarili habang naglilinis ng kwarto na iyon.Iipunin niya

    Huling Na-update : 2023-01-07
  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 192

    Nanlaki ang mga mata ni Trixie habang nakalapat pa rin sa mga labi niya ang mga labi ni Levi. Hindi niya alam kung paano ito itutulak. Ayaw niyang magpadala sa ginagawa nito. Ayaw niyang bandang huli ay siya na naman ang maiwan sa ere."Hmp!"Pumiglas siya ngunit ito rin naman mismo ang lumayo sa kanya. Kita pa niya kung paanong pumasada sa ibabang labi nito ang sariling dila. Pagkaraan ay malalim na tumingin sa kanya at pilyong ngumisi."Miss me?" mayabang na tanong nito.Napanganga siya at hindi ito makapaniwalang tiningnan. Akala ba nito nakaka-miss talaga ito? Akala ba nito ay ganoon siya karupok na basta na lang pupwedeng balik-balikan?!Binigyan niya ito ng dismayadong tingin bago umiling."Hindi po kita na-miss, Sir. Hindi ko nga po kayo gustong makita," may katapangan niyang bigkas dahil iyon naman talaga ang gusto niyang isampal rito.Kita niya ang pagtalim ng tingin nito sa kanya. Nanlamig man siya at kinabahan ay pinilit niyang itulak ito palayo sa katawan niya. Hindi naman

    Huling Na-update : 2023-01-14

Pinakabagong kabanata

  • Isang Gabing Pagsasalo   WAKAS

    "This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 236

    Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 235

    Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 234

    Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 233

    "Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 232

    "I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 231

    "Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 230

    Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No

  • Isang Gabing Pagsasalo   KABANATA 229

    "What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan

DMCA.com Protection Status