Pinatigas niya ang itsura at kinuyom ang mga nanginginig na kamay."Tapos na tayo di ba? Napag-usapan na 'to. Please, palayain mo na ako at hayaan na maging masaya," pakiusap niya rito.Ngayon niya dinadasal na sana ay katukin na siya ni Ava at kunin doon. Iba ang awra ni Miggy, mas nakakaba kaysa noong umakyat ito sa balkonahe ng mansyon at guluhin siya patungkol sa kambal."Ayaw mo na talaga sa akin?" nanlulumong tanong nito.Nag-angat ito ng tingin at halos mapasinghap siya sa sobrang pula ng mga mata nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa pag-iyak, puyat, o ano."Akala ko ba okay na tayo, M-iggy? Please, huwag mo namang sirain ang espesyal na araw na ito—"Naiwang nakaawang ang mga labi niya noong maglabas ito ng baril. Nahulog yata ang puso niya noong galit siya nitong tingnan. Lumapit ito at hindi siya makakilos noong hawakan nito ang braso niya."Hindi ko mapapayagan 'to, Bea. Dapat akin ka lang!" gigil na bigkas nito.Nangilid ang luha niya. Hindi alam kung ano'ng isasagot. Hi
"Is she still not ready?" naiinip na tanong ni Don Alex.Halos mahina nang mapamura si Levi. Kanina pa sa villa si Bea at hanggang ngayon ay hindi pa dumarating. Kalat na ang dilim sa paligid, wala na ang araw ngunit wala pa rin ang bride niya. Nasira na ang plano niyang bigyan ito ng memorableng kasal."She's still preparing, maybe," hindi siguradong sagot niya.Mali yatang binigla niya basta si Bea. Dapat pala ay sinabihan niya ito kanina. Ngayon tuloy ay pati siya ay nagdadalawang isip kung sisiputin siya nito o hindi."Did she back out already?" nag-aalalang tanong ni Vin sa kanya ngunit si Joselito ang sumagot."Napagtanto na siguro ni Bea na ayaw na sa'yo. Baka biglang tumakas, nagpatulong kay Ava na magtago—""Shut up, Joselito!" mahina at gigil na sambit ni Vin.Umigting ang panga niya at akmang sasagutin ang kaibigan ngunit natigil matapos lumapit ni Blaze. Salubong ang kilay nito at tila naiinip na rin."Hayaan mo na kasi akong sunduin siya sa Villa. Hindi ko naman siya aaga
Naging sunod-sunod ang pag-iyak mula sa karagatan. Wala rin silang sinayang na oras at kumuha ng mga bangkang de motor at tumawag ng rescue.Umabot din ang pangyayari sa mga naghihintay sa venue lalo na sa kambal na ayaw sanang ipaalam ni Levi. Mabuti na lang at nandoon ang Lolo niya para pakalmahin ang kambal."I will take the lead, hurry up!" utos niya sa mga kaibigan at kasama. Ayaw niyang magsayang ng oras. Dalawang buhay ang kailangan nilang isalba. Alam niyang minuto lang masayang ay siguradong mawawala sa kanya si Bea at ang magiging baby nila."Flashlight, please," dinig niyang utos ni Vin.Nagkalat ang ilaw ng flashlight sa paligid, pilit hinahanap ang boses ng pag-iyak na bigla na lamang tumigil. Limang bangka sila at lahat ay alerto. Maging siya ay tinatalasan ang paningin at pandinig. Ayaw niyang bumalik sa dalampasigan na walang Bea na ligtas."Gusto bang lunurin ng salarin si Bea at dinala sa dagat?" litong tanong ni Joselito."Probably, not. Baka gusto niyang dalhin sa
"Tay, gumigising na siya!" sigaw ng isang batang babaeng tinig na pumukaw sa atensyon niya.Halos masilaw-silaw pa siya sa liwanag ng dilaw na ilaw na tumatama sa mga mata niya. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang katawan at ang katigasan ng higaan na kinahihigaan niya."Huwag kang maingay, Eli. Kailangan niyang magpahinga," bigkas ng isang baritonong boses.Hindi pamilyar sa kanya ang mga boses na iyon at ni hindi niya alam kung nasaan siya."Paano natin malalaman kung taga saan siya kung hindi siya kakausapin?" litong tanong ng bata.Napatitig siya bigla sa bubong na kung saan kita niya ang bahagyang pangangalawang ng yero. Sandali siyang natigilan. Pilit niyang iniisip ang sinabi ng bata ngunit hindi niya alam kung tiga-saan nga ba siya."Eli, kapag magaling na siya, doon natin kakausapin," mapagpasensyang paliwanag ng lalaki sa bata.Napakurap siya dahil doon. May sakit ba siya o ano? Bumigat ang paghinga niya at tila nanuyo ang lalamunan niya."T-ubig," mahinang bigkas niya, ni
Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Hindi niya alam pero hindi siya mapalagay. Isang linggo na siyang magaling at nakalalabas na sa bahay pero takot pa rin siyang makihalubilo. Sa baybay dagat sila nakatira kung saan iilan lang ang mga kapitbahay nila. Pangingisda rin ang kinabubuhay roon at ganoon din ang trabaho ng asawa niya raw.Muli lamang bumigat ang pakiramdam niya. Mabait naman ang asawa niya at malambing ang anak niyang si Eli ngunit hindi niya mahanap sa sarili niya ang saya. Pakiramdam niya ay may kulang at marahil ay dahil sa wala pa rin siyang maalala."Raul, gusto mo ba ay isama ko sa palengke iyang asawa mong si Trixie para naman malibang?" dinig niyang tanong ng Ginang sa lalaking may bitbit na lambat at papalapit sa kanya.Napakurap siya matapos matantong ang asawa niya iyon. Hanggang ngayon ay hindi niya talaga lubos maisip na asawa niya iyon. May itsura ito, mabait, at laging seryoso pero tingin niya, malabong magustuhan niya ito kaya't nagtataka siy
"Beatrix?" mahinang usal niya sa pangalan.Pamilyar para sa kanya ang pangalan na iyon. Pakiramdam niya ay narinig na niya iyon o dahil sa katunog iyon ng pangalan niyang Trixie?Napapikit siya noong maramdaman ang sandaling pananakit ng ulo niya. Napahawak siya roon at ka-muntikan pang bumagsak kung wala lang nakapigil sa bewang niya."Are you alright?" mahinang bulong sa kanyang tainga.Napamulat siya ng mga mata at agad na nilingon ang lalaking nakahawak sa bewang niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nanghinayang siya na si Raul iyon imbis na dapat ay matuwa siya dahil asawa niya ang may hawak sa bewang niya. Tila ba iba ang inaasahan niyang makikita sa likod niya.Napatikhim siya at agad na umayos ng tayo. Pilit din siyang ngumiti rito upang mawala ang pagkunot ng noo nito."Uhm, ayos lang ako. Bakit ka ba nandito?" hindi niya napigilan ang pagiging mataray sa boses niya na kinakibot ng labi nito."Dinalhan kita ng pagkain pero mukhang hindi ka okay. Isasama na lang
"Ah? Trixie Torio po ang pangalan ko, Ma'am. Mama po ako ni Eli," paliwanag niya sa guro na nagugulat pa rin."Hindi ikaw si Beatrix?" muling tanong nito.Umiling siya dahilan upang mapakurap ito. Sinulyapan ang cellphone at hinarap sa kanya."Medyo, kamukha mo," mahinang usal ng guro.Napatitig siya sa larawan. Isang magandang babae ang naroon at nakasuot ng corporate attire. Malabong siya iyon dahil sa dagat ang bahay nila ni Raul. Oo at hawig niya ang babae pero tingin niya ay mayaman iyon. Lumipad ang mga mata niya sa headline ng balita at halos magulat siya matapos mabasang iyon din pala ang pinaghahanap kahapon pero ngayon ay dineklara ng patay."Nalunod siya sa dagat?" mahinang tanong niya sa guro.Napabuntong hininga ito at tinago ang cellphone sa bulsa ng uniporme nito."Oo, sa araw mismo ng kasal niya. Nalaman ko lang din kahapon dahil nandiyan ang dapat na asawa niya. Sayang at may dalawang anak pa man din yata siyang naghihintay sa kanya," malungkot na kwento ng guro.Nara
Bumalik siya sa kahoy na bahay nila na puno ng luha ang mga pisngi niya. Pero noong masalubong ang kunot-noong itsura ni Raul ay agad niyang pinunasan ang mga luha niya."Did you cry?" nag-aalalang tanong nito sa kanya."Huh? W-ala. Na-miss ko lang ang pamilya ko."Nagbago bigla ang itsura nito dahil sa sagot niya. Tumalim ang mga mata nito at napirmi ang mga labi."Walang dapat na ika-miss sa kanila. They are having a good life while we are kind of suffering here," hinanakit nito.Doon tuluyang umatras ang mga luha niya. Napakurap at inintindi ang sinabi nito.Buhay pa ang pamilya niya? Kung ganoon kaninong pamilya ang nasa puntod?"H-indi ba talaga sila pwedeng bisitahin?" maingat niyang tanong."Kalimutan mo na sila. Hindi ka rin nila gugustuhing makita," malamig nitong bigkas.Kinuyom niya ang mga kamay. Pakiramdam niya talaga ay may mali sa paligid niya pero hindi niya malaman kung ano."Lumuwas tayo ng Maynila—""Wala tayong pamasahe. Isa pa, mas importante ang check up mo. Sa s
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan