"Ah? Trixie Torio po ang pangalan ko, Ma'am. Mama po ako ni Eli," paliwanag niya sa guro na nagugulat pa rin."Hindi ikaw si Beatrix?" muling tanong nito.Umiling siya dahilan upang mapakurap ito. Sinulyapan ang cellphone at hinarap sa kanya."Medyo, kamukha mo," mahinang usal ng guro.Napatitig siya sa larawan. Isang magandang babae ang naroon at nakasuot ng corporate attire. Malabong siya iyon dahil sa dagat ang bahay nila ni Raul. Oo at hawig niya ang babae pero tingin niya ay mayaman iyon. Lumipad ang mga mata niya sa headline ng balita at halos magulat siya matapos mabasang iyon din pala ang pinaghahanap kahapon pero ngayon ay dineklara ng patay."Nalunod siya sa dagat?" mahinang tanong niya sa guro.Napabuntong hininga ito at tinago ang cellphone sa bulsa ng uniporme nito."Oo, sa araw mismo ng kasal niya. Nalaman ko lang din kahapon dahil nandiyan ang dapat na asawa niya. Sayang at may dalawang anak pa man din yata siyang naghihintay sa kanya," malungkot na kwento ng guro.Nara
Bumalik siya sa kahoy na bahay nila na puno ng luha ang mga pisngi niya. Pero noong masalubong ang kunot-noong itsura ni Raul ay agad niyang pinunasan ang mga luha niya."Did you cry?" nag-aalalang tanong nito sa kanya."Huh? W-ala. Na-miss ko lang ang pamilya ko."Nagbago bigla ang itsura nito dahil sa sagot niya. Tumalim ang mga mata nito at napirmi ang mga labi."Walang dapat na ika-miss sa kanila. They are having a good life while we are kind of suffering here," hinanakit nito.Doon tuluyang umatras ang mga luha niya. Napakurap at inintindi ang sinabi nito.Buhay pa ang pamilya niya? Kung ganoon kaninong pamilya ang nasa puntod?"H-indi ba talaga sila pwedeng bisitahin?" maingat niyang tanong."Kalimutan mo na sila. Hindi ka rin nila gugustuhing makita," malamig nitong bigkas.Kinuyom niya ang mga kamay. Pakiramdam niya talaga ay may mali sa paligid niya pero hindi niya malaman kung ano."Lumuwas tayo ng Maynila—""Wala tayong pamasahe. Isa pa, mas importante ang check up mo. Sa s
Bago pa man siya makalapit ay humarurot na paalis ang sasakyan nito. Nanghinayang siyang hindi niya ito nakita at nakausap. Sana sa susunod na check-up niya ay bumisita ito muli o di kaya ay makita niya kung saan.Bitbit ang panghihinayang na bumalik siya sa loob ng clinic. Hindi siya halos makapokus sa sinasabi ng doktor. Ang isip niya ay na kay Ava. Natapos na lang ang check up niya at dumating na si Raul ay wala pa rin yata siya sa sarili."Hintayin mo ko rito, bibilin ko lang itong mga vitamins mo," ani Raul bago siya iniwan sa loob ng tricycle.Umalis din ang driver at mukhang bumili ng inumin at candy.Napapikit siya at agad sumagi sa kanya ang ngiti ng isang babae habang nilalagyan ng kolorete ang mukha niya. Kung tama ang nasa utak niya, kinasal sila ni Raul sa resort. Hindi niya matandaan ang mismong seremonya ngunit malinaw na sa resort iyon. Ngunit habang limilinaw ang nasa isip niya ay siya ring pananakit ng ulo niya.Mahina siyang umungol sa sakit dahil doon. Sakto namang
Mas lalo lang siyang hindi pinatulog ng mga pinag-usapan nila. Hindi nga siya nakapasok sa palengke, mas pinili niyang magmasid sa dagat. Tanaw niya ang ilang mangingisda sa may kalayuan, wala roon si Raul. Malamang na nasa bandang gitnang dagat iyon kasama ang iba.Napabuntong hininga siya, sigurado siyang hindi siya naglalaro ng Archery. Pero ang sabi ni Raul ay favorite niya iyon at doon sila nagkakasundo. Posible rin ba na may tattoo itang Arrow at bow dahil paborito nilang dalawa?Napailing siya at tingin niya ay binibiyak muli ang ulo niya sa sakit. Sa tuwing pinipilit niyang makaalala ay lalong sumasakit ang ulo niya. Noong hindi na niya makayanan ay pumihit siya pabalik sa kahoy nilang bahay ngunit nasilaw siya matapos makita ang pagkinang ng gintong bagay.Napaatras siya at muling tiningnan kung saan iyon nanggagaling. Isang lalaking naka-business suit ang nakita niyang nakatayo sa harap ng bahay nila. Ang sinag na kulay ginto ay nanggagaling sa suot nitong relo. Halatang mam
AFTER TWO YEARS"Mama, si Austin tumakbo!" sigaw ni Eli na kinataranta niya.Taranta niyang pinatay ang kalan at lumabas. Natatakot siyang baka mapunta sa dagat ang bunso niyang si Austin ngunit natigilan siya matapos makitang buhat-buhat na ito ni Raul.Napalabi siya at hindi mapigilan ang ngumiti matapos marinig ang hagikhik ni Austin sa tuwing hah*likan ito sa pisngi ni Raul."Nakuha ni Tatay. Mama, isama natin mamalengke si Austin?" tanong muli ni Eli sa kanya.Sinulyapan niya ito at inayos ang magulong buhok nito bago ngumiti."Sure. Gusto mo ng apple?"Nagliwanag ang mga mata nito at agad na tumango. Excited pa itong tumakbo patungo rin kay Raul para ibalita ang plano nilang pagpunta sa palengke.Nakangiti siyang nakatanaw sa mag-a-ama niya. Akala niya talaga ay tuluyan ng malalaglag ang baby niya noon dahil sa pagiging makulit niya pero laking pasalamat niya at naitakbo siya agad ni Raul sa ospital. Pinagalitan pa siya nito at pinagsabihan na huwag ng alalahanin pa ang nakaraan
"Levi Alcantara?" pag-uulit niya sa pangalan ng guest nila.Nagtaka pa siya na maayos niyang nabigkas iyon at tila natural sa kanyang bigkasin ang pangalan ng lalaki."Levi," pag-uulit pa niya.Iyon nga lang ay nanlaki ang mga mata niya noong bahagya siyang higitin ni Miss Norma sa braso."Huwag kang maingay, Trixie. Baka mamaya ay may makarinig. Bawal ipagsabi ang pangalan ng mga guest," may kabang bulong nito sa kanya.Umawang ang mga labi niya at napatango. Malamang ay pinoprotektahan nila ang mga ito."Pero bakit niyo po sinabi sa akin ang pangalan niya?" nalilitong tanong niya."Kasi naman! Basta! Tahimik ka na lang na magpunta sa room 302 at palitan ang bedsheet at mga punda. Wala pa naman siguro iyon sa loob. Ni-reserve lang ang kwarto. Pero kung galing na roon ang guest, ano man ang makita mo ay hindi mo pwedeng ipagkalat," paalala nito sa kanya.Tumango-tango siya at isinaulo iyon. Iniwan din siya nito pero tinuro naman kung saan siya kukuha ng mga pamalit. Inulit-ulit niya p
"Tell me, why did you come here knowing that the guest is still here?!" madiin at naiinis pa rin na tanong ng lalaki sa kanya.Nangilabot siya at hindi makakilos sa kinauupuan niya. Ang boses nito ay nagpatindig sa mga balahibo niya. Ni hindi niya ito maharap upang humingi ng tawad. Naumid ang dila niya, nanlambot din ang mga binti niya at hindi na siya makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig."Who's your manager? At paano ka nakapasok dito? Sinong nagbigay sa'yo ng pahintulot?" malamig na tanong nito muli.Napayuko siya lalo. Ramdam na ramdam niya ang presensya nito sa bandang gilid niya. Pakiramdam niya nga ay hahaklitin nito ang braso niya."You're scaring her, Archie," ani ng boses ng lalaki na katulad noong nasa elevator kanina.Nahigit niya bigla ang hininga. Sana ay tulungan siya nito sa kaibigan nito. Natatakot siyang baka mawalan siya ng trabaho dahil sa nangyari."She should know what she is doing. I didn't even ask for a housekeeper, Joselito," malamig muling sagot nitong
Hindi sigurado ni Levi sa mga oras na iyon kung namamalikmata ba siya. Titig na titig siya sa babaeng kaharap at hindi siya nagkakamaling itsura ni Bea ang nakikita niya. Ang pinagtataka niya lang ay ang kabang nakikita niya rito at ang hindi pagkakakilanlan sa kanya."Sir, s-orry po! Narinig ko lang po ang pangalan ninyo—Sir!" gulat na bulalas nito noong haklitin niya ang braso nito.Umigting ang panga niya sa pagtitiis na huwag itong yakapin sa mga oras na iyon. Gusto niyang makasigurado na hindi siya nananaginip."Bea," halos manghina ang boses niya.Humigpit ang hawak niya sa braso nito at hindi umiwas ng tingin. Kaya lang ay hindi niya mabasa sa mga mata nito kung kilala ba siya nito."S-ino po si Bea?" nalilitong tanong nito.Natigilan siya at nabitiwan ang braso nito. Umawang ang mga labi niya at mas tinitigan ang mukha nito. Mukha itong nailang sa ginawa niya kaya't nagyuko."Sir, huwag niyo po akong titigan ng ganyan. May asawa po akong tao," magalang na babala nito.Mas lalo
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan