Semua Bab The Lady Gangster's Mission For The Prince: Bab 1 - Bab 10

99 Bab

1 - Kidnapped

Halos 12:00am ay tahimik na ang lugar kung nasaan ang warehouse ni Adira nang may mga taong dahan-dahan na lumapit sa bahay niya at pasimpleng humanap ng daan para makapasok sa loob. Maswerte ang mga misteryosong lalaki dahil may isang malaking bintana ang warehouse na sira at kasya ang isang tao sa butas nito, pero kailangan gumamit ng hagdan para makapunta sa bintana na 'yon. Gumawa ng paraan ang mga lalaking nakasuot ng mask na itim, nakita nilang may mga tambak na mga gamit sa bahay sa gawing likuran ng warehouse kaya 'yon na lang ang ginamit nila, kaya napagtagumpayan nilang makapasok sa loob ng dahan-dahan na hindi sila makalikha ng ingay sa loob, maswerte sila dahil pagod si Adira kaya hindi nito naramdaman na may nakapasok na ng bahay niya. Nagsimula na ang mga lalaki na hanapin si Adira at hindi naman nagtagal ay nakita na ng isang lalaki ang hinahanap nila na tulog na tulog at hindi talaga naramdaman na may tao malapit sa kanya. Isang panyo ang nilagyan nila ng gamot na kula
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-31
Baca selengkapnya

2 - Alok Na Misyon

"Ang plano niya ay kidnapin ka raw namin dahil hindi ka humaharap sa mga kliyente mo. Pero gusto kitang makausap ng personal kaya pumayag ako. Gamot ang nagpahimbing sayo ng tulog na inilagay sa isang panyo at tinukop sa iyong ilong habang natutulog ka, nagkaroon ng oras ang mga kumuha sayo na dalhin ka rito gamit ang eroplano. Naglakbay kayo ng limang oras para madala ka rito ng mga taong inutusan ng kasama mo na ang pangalan ay Simon. Si Heneral Agustin ang kumuha sayo ng lihim sa isang lugar. Pagkatapos niyong dumating dito ay hindi na maaari pang makita ng mga tao na 'yon kung saan ka dadalhin." Napakuyom ang kamao niya sa nalaman. "Gaano ba kahalaga ang alok mong misyon para lang madala ako rito?" Lumungkot naman ang mga mata nito. "Mahalaga pa sa buhay ko, ang aking anak, kaya kailangan kita para sa misyon na gusto kong gawin mo." "Anong klase ng misyon?" "Ang maging tagapagbantay, sanayin ang prinsipe na lumaban at lihim na magmasid sa paligid kahit saan man siya pumunta, ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-04
Baca selengkapnya

3 - Pagkikita Ng Gangster at ng Prinsipe

KINABUKASAN ay pauwi na si Prince Dylan galing sa kabilang parte ng lugar kung saan nakatira ang mga mababang uri na mga tao. Ang tanging ikinabubuhay lang ay ang pagtatanim ng gulay. Dinalaw niya ang mga ito at tiningnan kung maayos pa ba ang kabuhayan ng mga tao roon. Malapit na ang prinsipe kasama ng ilang kawal sa palasyo sakay ng kabayo. Nang nakarating sila sa tapat ng palasyo ay bumaba na siya at ang kawal na lang ang kumuha sa kabayo nito papunta sa kwadra. Pumasok siya sa loob at agad naman siyang binati ng mga kawal na nakabantay sa malaking pintuan, yumuko ang mga ito ng sabay-sabay, pero pagpasok pa lang niya ng palasyo ay sinalubong na kaagad siya ni Heneral Agustin. "Magandang umaga prinsipe, maayos naman ba ang naging paglalakbay mo?" "Oo, pero kailangan ko munang magpahinga at napagod ako sa paglalakbay." Aalis na sana ito ng pinigilan siya ng heneral. "Ngunit bago 'yon, pinapatawag ka ng hari. Alam kong pagod ka na ngunit importante ang sasabihin ng iyong ama." N
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-04
Baca selengkapnya

4 - Ang Paalala Sa Prinsipe

Kumunot ang noo nito. "Teka, sino ka? Anong ginagawa mo rito sa palasyo. Isa kang espiya! Heneral hulihin mo ang babae na 'to, ngayon din!" Ngunit si Heneral Agustin ay nakatayo lang sa likod ng prinsipe at hindi kumikilos. Nagtaka ang prinsipe dahil hindi pa rin gumagalaw si Heneral Agustin. "Heneral bakit hindi ka pa kumilos at hulihin siya?" Nag-alinlangan naman itong ngumiti sa prinsipe. "Pasensya na kamahalan hindi ko maaaring gawin ang pinag-uutos mo." "Bakit?" Sabay tingin kay Adira na nakangisi na ngayon, kaya naman lubos siyang naguluhan sa nangyayari. "Kailangan na nating pumunta muli sa opisina ng iyong ama Prince Dylan." "Bakit anong kailangan nating gawin ulit doon?" "Sumama ka na lang sa akin, ikaw rin binibini." Hindi makapaniwala na tumingin si Prince Dylan kay Adira. "Bakit kasama pa siya?" Hindi siya sinagot ng heneral at nag-umpisa ng lumakad. "Lumakad ka na sayang ang oras ko at nagmamadali ako." "Sino ka ba at anong ginagawa mo dito?" Tiningnan niya it
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-06
Baca selengkapnya

5 - Damit Ng Isang Reyna

Kinabukasan maagang nagising si Adira, pero ang oras ng flight niya ay tanghali pa. Napagtanto din niya na hindi pa siya naliligo. Habang nilalakbay niya ang pasilyo palabas ay nakita niya ang prinsipe na nakatingin lang sa malayo. "Ang aga rin pala nilang nagigising." Lumapit siya sa likod ng prinsipe. "Magandang umaga, Prince Dylan!" Nabigla naman ito at bahagyang nagulat ng biglang kumunot ang noo nito. "Bakit narito ka pa, 'di ba dapat ay umalis ka na sa palasyo ko?" "Palasyo ng ama mo, prinsipe ka pa lang hindi pa hari, kaya hindi mo pa pagmamay-ari ang palasyo ni King Stephen." Tumalikod na lang ito sa kanya at hindi na nagsalita nasaktan ata sa sinabi niya. Tiningnan niya ang sapatos nitong makinis pa sa sapatos niyang suot na may putik pa, ang pants nitong parang ilang beses dinaanan ng plantsa, ang pang itaas nitong pang prinsipe talaga na may mga nakasabit sa gawing balikat at sa harapan na may tela na nakatahi mismo sa pang itaas na suot nito. Umangat ang paningin niya
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-06
Baca selengkapnya

6 - Misyon Sa Kanyang Bansa

Halos dalawang oras na hindi lumabas ng kwarto si Adira at sa paglabas niya ay nakabihis na siya at papunta na ng opisina ng hari para kuhanin ang passport niya. Pagbukas niya pa lang ng pinto ay nakakunot na ang noo ni Dylan. "Wala ka sa bansa mo, bakit bigla ka na lang pumasok rito ng walang pahintulot?" "Pasensya na mahal na prinsipe maiiwan na ako ng eroplano pag ginawa ko pa 'yon." Sabay ngisi niya, pero nagsalita na naman ito. "Basa pa ang buhok mo. Bakit naka ayos at tali na 'yan?" Tumingin naman siya kay King Stephen na nagtataka rin sa anak nito. "Ang dami mong nakikita prinsipe, pero ang sagot ko ay hindi ako naglulugay ng buhok kahit pa basa pa ay tinatali ko na. Nasagot ko na po ba ng maayos ang tanong mo?" Masama ang loob nitong tumingin na lang sa ibang direksyon. "Puwede ko na bang makuha ang passport ko malapit na ang flight ko, kailangan naroon na ako bago pa mag-alas dose ng tanghali at mayroon na lang akong 1 hour at 30 minutes." "Ito na ang passport mo mag-i
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-10
Baca selengkapnya

7 - Mrs. Torres

Nang nakapasok na siya sa loob ng bar ay sobrang ingay, mausok, amoy alak at maraming naglalandian sa mga gilid na hindi masyadong natatamaan ng liwanag ng ilaw. Sinubukan niyang makalagpas sa mga taong nagsasayaw sa gitna hanggang sa makarating siya sa isang madilim na puwesto na malaya siyang makikita ang mga tao. Pasimple niyang nilibot ang mga mata niya sa paligid dahil may mga nagkalat na bouncer malapit sa kanya na mukhang nagmamasid rin sa paligid. "High class nga ang bar na 'to masyadong mahigpit. Paano ako makakapunta sa kwarto kung nasaan si Mr. Torres?" Nakita niya ang isang pasilyo na may kadiliman dahil sa sobrang hina ng mga ilaw na nakakabit sa ibaba na nakadikit sa pader malapit sa sahig. Ang naka-braid niyang buhok ay inilagay niya sa kaliwa niyang balikat para may dahilan siyang tumingin sa pasilyo na 'yon, pero napansin niya na may CCTV sa itaas. "Mukhang may kailangan akong lusutan o linlangin bago ako makapunta sa kwarto." Mabuti na lang walang nagtangka na lumap
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-11
Baca selengkapnya

8 - Ang Pagmamahal Ng Asawa

"Pasensya na, may kailangan pa kasi akong gawin at hindi na puwedeng ipagpabukas." Tumingin siya kay Mr. Torres na ang pangalan ay Sebastian base sa narinig niya sa babae na ang pangalan ay Diane. "Sa pagkaka-alam ko mayroon ka ng asawa, pero bakit kasama mo itong babae na 'to?" Sabay turo niya kay Diane. Napalunok si Sebastian. "P-paano mo nalaman na may asawa ako?" "At anak," biglang saad niya na nagpatigil kay Sebastian. "May anak ka na at asawa, pero bakit narito ka sa lugar na 'to at nagtataksil sa asawa mo para lang sa babae na 'to?" Tinaasan niya pa ng kilay si Diane. "Mukhang nakalimutan mo ng may anak at asawa ka? Unfair naman kung ikaw lang ang masaya." Tumayo siya at pumunta sa likod ni Sebastian. "Wala ka bang konsensya?" Padaskol na humarap ito sa kanya. "Ang babaeng ito ang mahal ko at hindi ang asawa ko ngayon. Isa siyang sinungaling at kinuha ang loob ng mama ko para maikasal lang kami!" "Talaga? Ang alam ko ikaw ang kusang humanap sa kanila at sinubukang kuhanin
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-13
Baca selengkapnya

9 - Hiling Na Makita

Malapit na siya sa warehouse na tinutuluyan niya ng may naaninag siyang isang bulto ng tao sa malaking pintuan ng warehouse at sa paglapit niya pa rito ay si Simon pala 'yon at mukhang hinihintay siya. Huminto siya sa tapat ni Simon at hindi muna siya umalis sa pagkaka-upo sa motor. "Madaling araw na bakit nandiyan ka pa?" tanong niya. Lumapit ito sa kanya at tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw nilang dalawa. "May gustong maka-usap ka," saad ni Simon. Napakunot naman ang noo niya. "Sino?" "Si Mrs. Torres." "Bakit daw?" Nagkibit-balikat lang ito. "Ewan ko kung bakit, pero tumawag siya kanina habang ginagawa mo ang mission mo." Kinuha nito ang isang maliit na papel sa bulsa ng pantalon nito at binigay sa kanya. "Diyan kayo magtatagpo, wala naman siyang nabanggit kung para saan. Ang sabi lang ay gusto ka lang niyang makita." Itinupi niya ang papel at hinawakan muli ang manibela ng motor niya at pina-andar. "Sige pupunta ako." At tuluyan ng umalis sa harap ni Simon para iparada
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-15
Baca selengkapnya

10 - Masinsinan Na Pag-uusap

Napangiti siya sa tapang nito para sa kanyang anak. "Kung ganon good luck sa inyong dalawa ng anak mo, pero sana sa pagkikita nating muli ay buo na kayong pamilya." Napansin niya na may kinuha si Carina sa bag nito na isang bank check at inilagay sa ibabaw ng mesa malapit sa kanya. "Ito ang payment ko sa ginawa mo, hindi ko ito binigay sa kausap kong lalaki na kasama mo dahil gusto rin kitang makita." Kinuha niya ang bank check at tiningnan ang nakasulat na halaga, pero napakunot ang noo niya sa halagang nakasulat. "Nagkamali ka ata ng inilagay na halaga rito. Hindi ganitong halaga ang bayad sa mga mission ko lalo pa't mas madali ang ginawa ko para sayo?" "Huwag kang mag-alala tama ang amount na nakasulat diyan. May nangyari naman dahil umuwi siya sa bahay na hindi naman niya ginagawa simula ng ikinasal kami. " Nagkibit-balikat na lang siya. "Kung ganun, maraming salamat dito. " Inilagay niya na ang bank check sa bulsa ng jacket niya. Biglang may kumatok sa transparent na pader ku
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-08-17
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
10
DMCA.com Protection Status