Malapit na siya sa warehouse na tinutuluyan niya ng may naaninag siyang isang bulto ng tao sa malaking pintuan ng warehouse at sa paglapit niya pa rito ay si Simon pala 'yon at mukhang hinihintay siya. Huminto siya sa tapat ni Simon at hindi muna siya umalis sa pagkaka-upo sa motor. "Madaling araw na bakit nandiyan ka pa?" tanong niya. Lumapit ito sa kanya at tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw nilang dalawa. "May gustong maka-usap ka," saad ni Simon. Napakunot naman ang noo niya. "Sino?" "Si Mrs. Torres." "Bakit daw?" Nagkibit-balikat lang ito. "Ewan ko kung bakit, pero tumawag siya kanina habang ginagawa mo ang mission mo." Kinuha nito ang isang maliit na papel sa bulsa ng pantalon nito at binigay sa kanya. "Diyan kayo magtatagpo, wala naman siyang nabanggit kung para saan. Ang sabi lang ay gusto ka lang niyang makita." Itinupi niya ang papel at hinawakan muli ang manibela ng motor niya at pina-andar. "Sige pupunta ako." At tuluyan ng umalis sa harap ni Simon para iparada
Napangiti siya sa tapang nito para sa kanyang anak. "Kung ganon good luck sa inyong dalawa ng anak mo, pero sana sa pagkikita nating muli ay buo na kayong pamilya." Napansin niya na may kinuha si Carina sa bag nito na isang bank check at inilagay sa ibabaw ng mesa malapit sa kanya. "Ito ang payment ko sa ginawa mo, hindi ko ito binigay sa kausap kong lalaki na kasama mo dahil gusto rin kitang makita." Kinuha niya ang bank check at tiningnan ang nakasulat na halaga, pero napakunot ang noo niya sa halagang nakasulat. "Nagkamali ka ata ng inilagay na halaga rito. Hindi ganitong halaga ang bayad sa mga mission ko lalo pa't mas madali ang ginawa ko para sayo?" "Huwag kang mag-alala tama ang amount na nakasulat diyan. May nangyari naman dahil umuwi siya sa bahay na hindi naman niya ginagawa simula ng ikinasal kami. " Nagkibit-balikat na lang siya. "Kung ganun, maraming salamat dito. " Inilagay niya na ang bank check sa bulsa ng jacket niya. Biglang may kumatok sa transparent na pader ku
Sa sandali na nakauwi na si Adira sa kanyang bahay ay nag-empake na rin siya agad ng mga damit at mga ilang gamit katulad ng panloob na kasuotan at dalawang gloves, lagi rin siyang may suot na itim na gloves sa tuwing may misyon siya, hindi niya lang naisuot sa misyon kay Mr. Torres dahil hindi bagay sa suot niya at ang pinaka-mahalaga sa lahat ang dalawang wooden stick niya, kaya maging ito ay nakalagay sa loob ng malaking bag. Tiningnan niya ulit kung may kulang at ng okay naman na ay lumabas ulit siya ng kwarto para kumain.Sumapit ang gabi ay maaga rin natulog si Adira at halos ilang oras lang din ang magiging tulog niya dahil madaling araw ang flight niya na kailangan pang sumakay ng taxi bago makapunta sa airport.Kinabukasan ang mag-ama na si King Stephen at Prince Dylan ay kumakain na ng kanilang almusal, ngunit si Adira ay wala pa dahil limang oras ang kailangan hintayin bago lumapag ang eroplano sa bansa nila Dylan, 4 am na rin naka-alis ang eroplano sakay si Adira.Habang ku
Lumapit siya at tumigil sa tabi ng sofa kung saan nakahiga si Dylan habang pinagmamasdan niya itong matulog ay napakunot ang noo niya. "Ganito ba talaga ang mga maharlika, wala man lang kahit anong pores kahit ang mga labi ay mapupula?" Habang nakatitig sa mukha ng prinsipe ay napansin niyang gumalaw na ang talukap ng mata nito habang nakapikit hudyat na gising na ito. Unti-unting minulat ni Prince Dylan ang mata at saktong si Adira ang nakita niya, kaya ngayon ay walang umiwas o kumurap sa kanilang dalawa. Sa isip ni Prince Dylan, "Hanggang sa panaginip nandito pa rin itong babae na 'to?" Tumaas ang kilay ni Adira habang nakatitig ito kay Prince Dylan, pero unti-unting namumulat ng malaki ang mata ng prinsipe ng lumapit na si Adira habang nakahiga siya. Ngayon ay isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Napalunok ang prinsipe sa hindi malamang dahilan, pero biglang sumakit ang noo nito dahil pinitik pala ni Adira, at sa sobrang kaba ay hindi na napansin iyon ng prinsi
Si Adira ay naglalakad na sa pasilyo nang nakita niya si Heneral Agustin. Nilapitan siya agad nito. "Sumama ka muna sa akin may ipapakita sayo ang hari." Naglakad ito muli habang nagtataka siyang sumunod dito. Nang oras na nakapasok na siya sa opisina ng hari ay umupo kaagad siya kaharap nito. Napansin niya rin na may hawak itong papel at nakatitig rito. Bumuntong-hininga ito at tumingin sa kanya sa pagod na mga mata. "Basahin mo." Inabot niya ang papel at binasa gamit ang mga mata . "Tumatakbo ang oras at napapalitan ng araw ang buwan. Ang buhay ng isang maharlika ay nalalapit na ang katapusan, kaya hangga't hindi ito nangyayari ay sumunod ka sa isang kahilingan." Napakunot ang noo niya sa paraan ng sulat na may tinatago pang ibang kahulugan. Habang hawak niya ang sulat ay nagsalita si King Stephen. "Isa lang 'yan sa dami ng naipadala sa aking sulat ng hindi pa kilalang tao. May konting kaba na sa aking dibdib dahil mas lalong lumalalim ang mga ibig iparating ng mga sulat." "Pa
Paglabas niya ng palasyo ay hihintayin na lang niya ang prinsipe sa bandang likuran dahil naroon ang lugar kung saan puwedeng magsanay at may mga iba't-ibang armas na ginagamit sa pakikipaglaban at habang hinihintay niya ito ay lumapit siya sa mga armas na naroon. Nakita niya ang isang espada at magaan niyang pinadaan ang kamay niya sa hawakan nito. "Hindi pa ako nakakahawak ng espada, pero gagamitin ko ito kung paano ko gamitin ang dalawang kahoy ko. Magka-iba ang anyo, pero na sa aking kamay ang lahat ng puwede nitong magawa kahit first time ko lang itong gagamitin." Kinuha niya ito at inalis sa cover nito na isang manipis na stainless. Kuminang pa ito ng tumama ang sinag ng araw sa mismong talim ng espada. "Isang maling paggamit nito tiyak na kawawa ang kaharap ko lalo na yung parating. " Lumipat ang tingin niya sa prinsipe na masama pa rin ang itsura ng mukha. Huminto ito sa harap niya, pero sa ibang direksyon nakatingin. Ngumisi siya. "Masama pa rin ang loob mo, buhay ka pa nama
Samantala nakita ng hari ang naganap na labanan ng dalawa habang na sa tuktok ito ng palasyo at tinitingnan sila sa ibaba. "Mahusay siyang humawak ng espada," sambit ni Heneral Agustin. Tumango-tango naman ang hari habang nakatingin kay Adira na sinusuri ang ibang armas. "Hindi ako nagkamali na siya ang kinuha ko. Umpisa pa lang ng kanilang pagsasanay, pero masasabi ko ng may matututunan na agad si Dylan sa kanya lalo pa't hindi ito nasisindak sa anumang sabihin ng prinsipe." Mukhang napahanga din ni Adira si Heneral Agustin. "Pero nakapagtataka pa rin. Hindi ko alam kung mayroon siyang ginagamit sa kanyang bansa na armas, pero nakakabilib ang ginawa niya kanina lalo na nung inangat niya ang espada at tumigil ito malapit sa leeg ng prinsipe at kung may nagtangka na gumalaw isa sa kanila ay tiyak kong masusugatan si Prince Dylan." Tinitigan ng hari ng mabuti ang binibini sa ibaba. "Mukhang hindi ordinaryong tao lang ang kinuha ko Agustin. May kaya siyang gawin na nakakabilib at hind
Kalmado itong tumitig sa kanya at hinintay ang sagot nito, pero ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lamang si Dylan sa kanya, kaya pinitik na niya ang noo nito na kaagad naman itong natauhan. "Ang sakit!" d***g ni Dylan. "Ang tagal mo kasing sumagot." Umingos lang ito. "Kahit pa mahal na mahal ko siya ay kailangan ko siyang kalimutan at iwan." Napa-isip siya, "Wala siyang kalayaan kung ganon nga ang mangyayari." Tumingin muli siya kay Dylan. "Hahayaan mong mangyari 'yon?" Tumango ito. "Kaya ngayon pa lang ay hindi na ako sumubok pang makipag-usap o bigyan ng pansin ang ibang prinsesa rito sa aming bansa para na rin hindi ako makasakit ng damdamin ng iba kung sakaling umibig ako, dahil kailangan ko rin pala siyang iwan." Ilang beses siyang tumango habang nakatingin sa ibang direksyon, pero paglingon niya kay Dylan ay nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?" Umiwas ito ng tingin at tinalikuran siya. "Ibabalik ko na ang espada kong ginamit. Maiwan na kita." Mabilis na lumakad si
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo