The Blind Billionaire's Fake Girlfriend
Isang performer sa bar si Sienna—sumasayaw upang aliwin ang mga lalaki, ngunit hanggang doon lamang ang hangganan ng kanyang trabaho. Wala nang iba. Kontento na sana siya sa buhay na nakasanayan, hanggang sa isang gabi, bigla siyang dukutin ng mga lalaking hindi niya kilala at dalhin sa isang napakalaking mansyon.
Doon niya makikilala si Red Montemayor—isang bilyonaryong malamig, dominante, at may lihim na kapansanan. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig at talas ng pananalita, bulag si Red dahil sa isang aksidente. Inaalok niya si Sienna ng isang kakaibang trabaho: ang maging pekeng girlfriend niya.
Ang lahat ng ito ay bahagi ng plano ni Red laban sa babaeng minsan niyang minahal—si Cassandra, ang ex-girlfriend na nagtaksil sa kanya. Ang sakit na idinulot ng pagtataksil ay nais niyang ipalasap pabalik, doble sa sakit na kanyang naranasan.
Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at mga damdaming unti-unting nabubuo, masusubok ang puso nina Sienna at Red. Paano kung may biglang sumulpot pa na isang lalaki—magiging kakampi ba siya o magiging kaaway?
Habang tumatagal ang pananatili ni Sienna sa piling ni Red, unti-unting mabubunyag ang mga sikreto na mas makakapanakit sa puso ng binata.
Ang pekeng relasyon ba’y mauuwi sa totoong pag-ibig, o magiging tulay lamang ang isa upang magbalik ang dating pag-ibig?