Share

4 - Ang Paalala Sa Prinsipe

Author: acire_berry
last update Last Updated: 2022-08-06 03:29:43

Kumunot ang noo nito. "Teka, sino ka? Anong ginagawa mo rito sa palasyo. Isa kang espiya! Heneral hulihin mo ang babae na 'to, ngayon din!" Ngunit si Heneral Agustin ay nakatayo lang sa likod ng prinsipe at hindi kumikilos.

Nagtaka ang prinsipe dahil hindi pa rin gumagalaw si Heneral Agustin. "Heneral bakit hindi ka pa kumilos at hulihin siya?"

Nag-alinlangan naman itong ngumiti sa prinsipe. "Pasensya na kamahalan hindi ko maaaring gawin ang pinag-uutos mo."

"Bakit?" Sabay tingin kay Adira na nakangisi na ngayon, kaya naman lubos siyang naguluhan sa nangyayari.

"Kailangan na nating pumunta muli sa opisina ng iyong ama Prince Dylan."

"Bakit anong kailangan nating gawin ulit doon?"

"Sumama ka na lang sa akin, ikaw rin binibini."

Hindi makapaniwala na tumingin si Prince Dylan kay Adira. "Bakit kasama pa siya?"

Hindi siya sinagot ng heneral at nag-umpisa ng lumakad.

"Lumakad ka na sayang ang oras ko at nagmamadali ako."

"Sino ka ba at anong ginagawa mo dito?"

Tiningnan niya ito ng seryoso. "Sumunod ka na sa heneral para malaman mo kung sino ako. Ang dami mo pang sinasabi. Hindi porke't prinsipe ka ay hindi ka na susunod sa sinabi ng heneral lalo pa't ang dami mong tanong."

"Sino ka para sabihin ang mga salita na 'yan?!"

Napangisi siya. "Malalaman mo nga pag pumunta ka ng opisina ng ama mo, pero mukhang may desisyon na ako at tiyak kong hindi mo magugustuhan 'yon." Lumakad na siya at iniwan itong nagtataka, pero ilang saglit pa ay sumunod na ito at sabay rin silang umupo sa mga upuan sa tabi ng lamesa.

Hindi pa man lubos na nakaka-upo si Prince Dylan ay nagtatanong na kaagad ito. "Ama, sino ba siya hindi ko gusto ang ugali niyang pinakita sa akin kanina. May atraso pa siya sa akin, sinira niya ang halaman ko!"

Napataas naman ang kilay niya. "Hindi ko sinasadya, kung makapagsalita ka ay parang sinadya kong matabig ang paso at malaglag sa ibaba."

Isang galit na itsura ang pinakita nito sa kanya. "Kung wala ka doon sana buhay pa ang halaman ko!"

"Magtanim ka ulit, problema ba 'yon."

Natigilan lang ang dalawa ng may kalakasan na hinampas ng hari ang lamesa. "Tama na 'yan!"

"Pero ama—"

"Sasabihin ko kung bakit siya narito kaya makinig ka Dylan, kailangan niyo ring magkasundo na dalawa." Tumingin ito sa kanya. "Mayroon ka na bang desisyon?"

Tumango siya. "Tinatanggap ko."

Napangiti ang hari na pinagtaka ni Prince Dylan. "Para saan 'yon ama?"

"Siya nga pala ang magtuturo sayo sa pagsasanay na humawak ng espada at iba pa, para ilabas na din ang mga katangian ng isang prinsipe na kayang humarap kahit ikaw na lang ang kalaban nilang lahat."

Kumunot ang noo nito at parang hinuhusgahan siya. "Hindi ko maintindihan. Anong magagawa niya sa pagtuturo sa akin? Babae siya at mukhang hindi rin alam kung paano lumaban." Pagmamalaki pa nito.

Napangiti siya ng lihim, pero ang kanyang ama ang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ng prinsipe tungkol sa kanya.

"Masyado pang maaga para sabihin 'yan anak, hindi mo alam kung sino siya, kaya huwag mo munang husgahan ang nakilala mo pa lang ngayon dahil baka magsisi ka kung bakit siya ang napili kong turuan ka."

Tumingin ang prinsipe sa kanya, kaya tinaasan niya ito ng isang kilay. "Bakit ba parang nagmamadali kayong matuto akong lumaban? Tahimik naman ang paligid at wala naman tayong kaaway."

Napatingin naman ang hari kay Heneral Agustin. "Hindi mo hawak ang panahon anak, mas mabuting matuto ka na ngayon pa lang para hindi ikaw ang umuwing talunan sa oras na may biglaan na giyera o kaaway ka man na makasalubong."

May inilabas na dokumento ang hari at ibinigay sa Adira. "Pirmahan mo ang dokumento para sa iyong passport magpapagawa ako ng valid para hindi ka mahirapan na umuwi at bumalik dito. Bukas, bago ka umalis ay na sa kamay mo na ang passport."

Sa isip niya, "Iba talaga ang nagagawa pag may kapangyarihan." Napailing na lang siya at pinirmahan na ang dokumento.

Habang si Prince Dylan ay nakamasid lang at naguguluhan sa nangyayari. "Ibig sabihin galing pa siya ng ibang bansa?" biglang tanong nito.

Napahinto ang lahat. "Oo."

"Gaano ba kalakas at kahusay ang babaeng narito sa aming harapan. Bakit ganon na lang ang bilib ng aking ama sa kanya?" saad sa isipan ni Prince Dylan.

Pagkatapos pirmahan ni Adira ang dokumento ay nagsalita muli si King Stephen.

"Maaari bang magpakilala kayo sa isa't-isa?"

Napatingin siya sa prinsipe na mukhang ayaw ang ideya ng ama nito, kaya hindi rin siya nagsalita. "Dylan, magpakilala ka sa kanya ng matapos na tayo."

Nakita niyang pilit pinipigilan ng prinsipe na hindi makagawa ng eksena dahil mukhang buong pagkatao niya ang ayaw nito. "Ako nga pala si Prince Dylan, nag-iisang anak ni King Stephen, ang hari ng Stalwart Castle."

Siya naman ay umayos at nagbigay na rin ng galang para magpakilala. "Adira, galing ng ibang bansa — at ako ang kinatatakutan sa mundo ng mga gangster."

Tiningnan siya nito ng halos magdikit na ang mga kilay. "Gangster,ano 'yon?"

"Mga taong nakikipag patayan sa sino man na bumangga sa kanila. May ilan na walang puso na pumapatay na parang hindi tao ang kinukuhanan nila ng buhay."

Bigla itong tumingin sa kanyang ama. "Ama anong klaseng tao ang kinuha mo, bakit isang gangster pa?" Makikita sa mata ng prinsipe ang pagkabahala.

Samantalangsi Adira ay tumatawa na ng malakas sa kanyang isipan. "Hindi lang pala lampa ang anak mo King Stephen, duwag rin pala siya. " Isang galit na mata ang nakasalubong ng mata niya. "Huwag kang mag-alala mahal na prinsipe. Iingatan kita at hindi ka magkakaroon ng kahit ano pang galos kahit pa may ugali akong pag hindi sumusunod sa gusto ko ay—" Huminto siya sa pagsasalita at tinitigan ang prinsipe na hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. "Isang hindi mo makakalimutan na parusa ang makukuha mo mula sa akin. Wala ka na rin magagawa dahil tinanggap ko na ang misyon. Lumuhod ka man sa iyong ama, hindi ko na babawiin ang desisyon ko."

Nakipagmatigasan ito ng tingin, pero umiwas na rin siya. "Kaya sa oras ng pagsasanay ay kailangan ay maging alerto ka dahil magagamit mo 'yon sa pakikipaglaban. Hindi puwedeng na sa likod mo na ang kalaban ay nakatayo ka pa rin at hinihintay na mamatay na lang sa gitna ng labanan." Tumingin muli siya sa prinsipe at ngumiti ng maliit.

Pero ang epekto ng maliit na ngiti na 'yon sa prinsipe ay masyadong malakas na pinagtaka nito dahil sa pagbilis ng tibok ng puso niya.

Related chapters

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   5 - Damit Ng Isang Reyna

    Kinabukasan maagang nagising si Adira, pero ang oras ng flight niya ay tanghali pa. Napagtanto din niya na hindi pa siya naliligo. Habang nilalakbay niya ang pasilyo palabas ay nakita niya ang prinsipe na nakatingin lang sa malayo. "Ang aga rin pala nilang nagigising." Lumapit siya sa likod ng prinsipe. "Magandang umaga, Prince Dylan!" Nabigla naman ito at bahagyang nagulat ng biglang kumunot ang noo nito. "Bakit narito ka pa, 'di ba dapat ay umalis ka na sa palasyo ko?" "Palasyo ng ama mo, prinsipe ka pa lang hindi pa hari, kaya hindi mo pa pagmamay-ari ang palasyo ni King Stephen." Tumalikod na lang ito sa kanya at hindi na nagsalita nasaktan ata sa sinabi niya. Tiningnan niya ang sapatos nitong makinis pa sa sapatos niyang suot na may putik pa, ang pants nitong parang ilang beses dinaanan ng plantsa, ang pang itaas nitong pang prinsipe talaga na may mga nakasabit sa gawing balikat at sa harapan na may tela na nakatahi mismo sa pang itaas na suot nito. Umangat ang paningin niya

    Last Updated : 2022-08-06
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   6 - Misyon Sa Kanyang Bansa

    Halos dalawang oras na hindi lumabas ng kwarto si Adira at sa paglabas niya ay nakabihis na siya at papunta na ng opisina ng hari para kuhanin ang passport niya. Pagbukas niya pa lang ng pinto ay nakakunot na ang noo ni Dylan. "Wala ka sa bansa mo, bakit bigla ka na lang pumasok rito ng walang pahintulot?" "Pasensya na mahal na prinsipe maiiwan na ako ng eroplano pag ginawa ko pa 'yon." Sabay ngisi niya, pero nagsalita na naman ito. "Basa pa ang buhok mo. Bakit naka ayos at tali na 'yan?" Tumingin naman siya kay King Stephen na nagtataka rin sa anak nito. "Ang dami mong nakikita prinsipe, pero ang sagot ko ay hindi ako naglulugay ng buhok kahit pa basa pa ay tinatali ko na. Nasagot ko na po ba ng maayos ang tanong mo?" Masama ang loob nitong tumingin na lang sa ibang direksyon. "Puwede ko na bang makuha ang passport ko malapit na ang flight ko, kailangan naroon na ako bago pa mag-alas dose ng tanghali at mayroon na lang akong 1 hour at 30 minutes." "Ito na ang passport mo mag-i

    Last Updated : 2022-08-10
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   7 - Mrs. Torres

    Nang nakapasok na siya sa loob ng bar ay sobrang ingay, mausok, amoy alak at maraming naglalandian sa mga gilid na hindi masyadong natatamaan ng liwanag ng ilaw. Sinubukan niyang makalagpas sa mga taong nagsasayaw sa gitna hanggang sa makarating siya sa isang madilim na puwesto na malaya siyang makikita ang mga tao. Pasimple niyang nilibot ang mga mata niya sa paligid dahil may mga nagkalat na bouncer malapit sa kanya na mukhang nagmamasid rin sa paligid. "High class nga ang bar na 'to masyadong mahigpit. Paano ako makakapunta sa kwarto kung nasaan si Mr. Torres?" Nakita niya ang isang pasilyo na may kadiliman dahil sa sobrang hina ng mga ilaw na nakakabit sa ibaba na nakadikit sa pader malapit sa sahig. Ang naka-braid niyang buhok ay inilagay niya sa kaliwa niyang balikat para may dahilan siyang tumingin sa pasilyo na 'yon, pero napansin niya na may CCTV sa itaas. "Mukhang may kailangan akong lusutan o linlangin bago ako makapunta sa kwarto." Mabuti na lang walang nagtangka na lumap

    Last Updated : 2022-08-11
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   8 - Ang Pagmamahal Ng Asawa

    "Pasensya na, may kailangan pa kasi akong gawin at hindi na puwedeng ipagpabukas." Tumingin siya kay Mr. Torres na ang pangalan ay Sebastian base sa narinig niya sa babae na ang pangalan ay Diane. "Sa pagkaka-alam ko mayroon ka ng asawa, pero bakit kasama mo itong babae na 'to?" Sabay turo niya kay Diane. Napalunok si Sebastian. "P-paano mo nalaman na may asawa ako?" "At anak," biglang saad niya na nagpatigil kay Sebastian. "May anak ka na at asawa, pero bakit narito ka sa lugar na 'to at nagtataksil sa asawa mo para lang sa babae na 'to?" Tinaasan niya pa ng kilay si Diane. "Mukhang nakalimutan mo ng may anak at asawa ka? Unfair naman kung ikaw lang ang masaya." Tumayo siya at pumunta sa likod ni Sebastian. "Wala ka bang konsensya?" Padaskol na humarap ito sa kanya. "Ang babaeng ito ang mahal ko at hindi ang asawa ko ngayon. Isa siyang sinungaling at kinuha ang loob ng mama ko para maikasal lang kami!" "Talaga? Ang alam ko ikaw ang kusang humanap sa kanila at sinubukang kuhanin

    Last Updated : 2022-08-13
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   9 - Hiling Na Makita

    Malapit na siya sa warehouse na tinutuluyan niya ng may naaninag siyang isang bulto ng tao sa malaking pintuan ng warehouse at sa paglapit niya pa rito ay si Simon pala 'yon at mukhang hinihintay siya. Huminto siya sa tapat ni Simon at hindi muna siya umalis sa pagkaka-upo sa motor. "Madaling araw na bakit nandiyan ka pa?" tanong niya. Lumapit ito sa kanya at tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw nilang dalawa. "May gustong maka-usap ka," saad ni Simon. Napakunot naman ang noo niya. "Sino?" "Si Mrs. Torres." "Bakit daw?" Nagkibit-balikat lang ito. "Ewan ko kung bakit, pero tumawag siya kanina habang ginagawa mo ang mission mo." Kinuha nito ang isang maliit na papel sa bulsa ng pantalon nito at binigay sa kanya. "Diyan kayo magtatagpo, wala naman siyang nabanggit kung para saan. Ang sabi lang ay gusto ka lang niyang makita." Itinupi niya ang papel at hinawakan muli ang manibela ng motor niya at pina-andar. "Sige pupunta ako." At tuluyan ng umalis sa harap ni Simon para iparada

    Last Updated : 2022-08-15
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   10 - Masinsinan Na Pag-uusap

    Napangiti siya sa tapang nito para sa kanyang anak. "Kung ganon good luck sa inyong dalawa ng anak mo, pero sana sa pagkikita nating muli ay buo na kayong pamilya." Napansin niya na may kinuha si Carina sa bag nito na isang bank check at inilagay sa ibabaw ng mesa malapit sa kanya. "Ito ang payment ko sa ginawa mo, hindi ko ito binigay sa kausap kong lalaki na kasama mo dahil gusto rin kitang makita." Kinuha niya ang bank check at tiningnan ang nakasulat na halaga, pero napakunot ang noo niya sa halagang nakasulat. "Nagkamali ka ata ng inilagay na halaga rito. Hindi ganitong halaga ang bayad sa mga mission ko lalo pa't mas madali ang ginawa ko para sayo?" "Huwag kang mag-alala tama ang amount na nakasulat diyan. May nangyari naman dahil umuwi siya sa bahay na hindi naman niya ginagawa simula ng ikinasal kami. " Nagkibit-balikat na lang siya. "Kung ganun, maraming salamat dito. " Inilagay niya na ang bank check sa bulsa ng jacket niya. Biglang may kumatok sa transparent na pader ku

    Last Updated : 2022-08-17
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   11 - Ang Pagbabalik Sa Palasyo

    Sa sandali na nakauwi na si Adira sa kanyang bahay ay nag-empake na rin siya agad ng mga damit at mga ilang gamit katulad ng panloob na kasuotan at dalawang gloves, lagi rin siyang may suot na itim na gloves sa tuwing may misyon siya, hindi niya lang naisuot sa misyon kay Mr. Torres dahil hindi bagay sa suot niya at ang pinaka-mahalaga sa lahat ang dalawang wooden stick niya, kaya maging ito ay nakalagay sa loob ng malaking bag. Tiningnan niya ulit kung may kulang at ng okay naman na ay lumabas ulit siya ng kwarto para kumain.Sumapit ang gabi ay maaga rin natulog si Adira at halos ilang oras lang din ang magiging tulog niya dahil madaling araw ang flight niya na kailangan pang sumakay ng taxi bago makapunta sa airport.Kinabukasan ang mag-ama na si King Stephen at Prince Dylan ay kumakain na ng kanilang almusal, ngunit si Adira ay wala pa dahil limang oras ang kailangan hintayin bago lumapag ang eroplano sa bansa nila Dylan, 4 am na rin naka-alis ang eroplano sakay si Adira.Habang ku

    Last Updated : 2022-08-20
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   12 - Ordinaryong Kasuotan

    Lumapit siya at tumigil sa tabi ng sofa kung saan nakahiga si Dylan habang pinagmamasdan niya itong matulog ay napakunot ang noo niya. "Ganito ba talaga ang mga maharlika, wala man lang kahit anong pores kahit ang mga labi ay mapupula?" Habang nakatitig sa mukha ng prinsipe ay napansin niyang gumalaw na ang talukap ng mata nito habang nakapikit hudyat na gising na ito. Unti-unting minulat ni Prince Dylan ang mata at saktong si Adira ang nakita niya, kaya ngayon ay walang umiwas o kumurap sa kanilang dalawa. Sa isip ni Prince Dylan, "Hanggang sa panaginip nandito pa rin itong babae na 'to?" Tumaas ang kilay ni Adira habang nakatitig ito kay Prince Dylan, pero unti-unting namumulat ng malaki ang mata ng prinsipe ng lumapit na si Adira habang nakahiga siya. Ngayon ay isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Napalunok ang prinsipe sa hindi malamang dahilan, pero biglang sumakit ang noo nito dahil pinitik pala ni Adira, at sa sobrang kaba ay hindi na napansin iyon ng prinsi

    Last Updated : 2022-08-23

Latest chapter

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   EPILOGUE

    Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   98 - Bago Ang Lahat Ng Rebelasyon

    Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   97 - Ang Totoong Prinsesa

    Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   96 - Si Adira Na Naguguluhan

    "Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   95 - Ang Biglaang Digmaan

    Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   94 - Ang Katotohanan Sa Mga Sulat

    Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   93 - Alam Ni Prince Damon Na Nagtatago Si Adira

    Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   92 - Ang Labanan Sa Pagitan Ni Adira At King Felip

    "Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   91 - Ang Paghingi Ng Pabor Ni King Felip

    Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo

DMCA.com Protection Status