Napabuga siya ng hangin. "Paano ka makakapag-ensayo kung dalawang linggo kang makukulong sa kwarto mo. Kung hindi ka nag-ensayo mag-isa, sana ay hindi mo natamo 'yan." Nakita niya kung paano nag-iba ang emosyon sa mukha ni Dylan. "May gusto kasi akong patunayan." "Ano?" tanong niya. "Alam kong mahina ako lalo na sa pakikipaglaban, kaya nag-ensayo akong mag-isa at ginamit ang tinuro mo sa akin bago pa ako umalis ulit sa palasyo. Aaminin ko, wala talaga akong silbi sa paghawak ng mga armas, pero nag-iisa lang akong anak ng aking ama, kaya kailangan kong malaman ang lahat." Humalukipkip siya at seryosong sinagot ang mga sinasabi ni Dylan. "Hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo kung alam mong hindi mo pa kaya, puwede kang mapahamak kung iisipin mo lagi na kailangan mong matuto kaagad dahil sa napapahiya ka." "Ilang taon na rin binibini, ang ibang prinsipe na pinagtatawanan lang ako dahil sobrang hina ko sa lahat." Tumingala ito at inaalala ang nakaraan. Simula na naman ng palig
Last Updated : 2022-10-05 Read more