All Chapters of The Lady Gangster's Mission For The Prince: Chapter 11 - Chapter 20

99 Chapters

11 - Ang Pagbabalik Sa Palasyo

Sa sandali na nakauwi na si Adira sa kanyang bahay ay nag-empake na rin siya agad ng mga damit at mga ilang gamit katulad ng panloob na kasuotan at dalawang gloves, lagi rin siyang may suot na itim na gloves sa tuwing may misyon siya, hindi niya lang naisuot sa misyon kay Mr. Torres dahil hindi bagay sa suot niya at ang pinaka-mahalaga sa lahat ang dalawang wooden stick niya, kaya maging ito ay nakalagay sa loob ng malaking bag. Tiningnan niya ulit kung may kulang at ng okay naman na ay lumabas ulit siya ng kwarto para kumain.Sumapit ang gabi ay maaga rin natulog si Adira at halos ilang oras lang din ang magiging tulog niya dahil madaling araw ang flight niya na kailangan pang sumakay ng taxi bago makapunta sa airport.Kinabukasan ang mag-ama na si King Stephen at Prince Dylan ay kumakain na ng kanilang almusal, ngunit si Adira ay wala pa dahil limang oras ang kailangan hintayin bago lumapag ang eroplano sa bansa nila Dylan, 4 am na rin naka-alis ang eroplano sakay si Adira.Habang ku
last updateLast Updated : 2022-08-20
Read more

12 - Ordinaryong Kasuotan

Lumapit siya at tumigil sa tabi ng sofa kung saan nakahiga si Dylan habang pinagmamasdan niya itong matulog ay napakunot ang noo niya. "Ganito ba talaga ang mga maharlika, wala man lang kahit anong pores kahit ang mga labi ay mapupula?" Habang nakatitig sa mukha ng prinsipe ay napansin niyang gumalaw na ang talukap ng mata nito habang nakapikit hudyat na gising na ito. Unti-unting minulat ni Prince Dylan ang mata at saktong si Adira ang nakita niya, kaya ngayon ay walang umiwas o kumurap sa kanilang dalawa. Sa isip ni Prince Dylan, "Hanggang sa panaginip nandito pa rin itong babae na 'to?" Tumaas ang kilay ni Adira habang nakatitig ito kay Prince Dylan, pero unti-unting namumulat ng malaki ang mata ng prinsipe ng lumapit na si Adira habang nakahiga siya. Ngayon ay isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Napalunok ang prinsipe sa hindi malamang dahilan, pero biglang sumakit ang noo nito dahil pinitik pala ni Adira, at sa sobrang kaba ay hindi na napansin iyon ng prinsi
last updateLast Updated : 2022-08-23
Read more

13 - Unang Araw Ng Pagsasanay Ng Prinsipe

Si Adira ay naglalakad na sa pasilyo nang nakita niya si Heneral Agustin. Nilapitan siya agad nito. "Sumama ka muna sa akin may ipapakita sayo ang hari." Naglakad ito muli habang nagtataka siyang sumunod dito. Nang oras na nakapasok na siya sa opisina ng hari ay umupo kaagad siya kaharap nito. Napansin niya rin na may hawak itong papel at nakatitig rito. Bumuntong-hininga ito at tumingin sa kanya sa pagod na mga mata. "Basahin mo." Inabot niya ang papel at binasa gamit ang mga mata . "Tumatakbo ang oras at napapalitan ng araw ang buwan. Ang buhay ng isang maharlika ay nalalapit na ang katapusan, kaya hangga't hindi ito nangyayari ay sumunod ka sa isang kahilingan." Napakunot ang noo niya sa paraan ng sulat na may tinatago pang ibang kahulugan. Habang hawak niya ang sulat ay nagsalita si King Stephen. "Isa lang 'yan sa dami ng naipadala sa aking sulat ng hindi pa kilalang tao. May konting kaba na sa aking dibdib dahil mas lalong lumalalim ang mga ibig iparating ng mga sulat." "Pa
last updateLast Updated : 2022-09-02
Read more

14 - Kaalaman Sa Pag-gamit Ng Armas

Paglabas niya ng palasyo ay hihintayin na lang niya ang prinsipe sa bandang likuran dahil naroon ang lugar kung saan puwedeng magsanay at may mga iba't-ibang armas na ginagamit sa pakikipaglaban at habang hinihintay niya ito ay lumapit siya sa mga armas na naroon. Nakita niya ang isang espada at magaan niyang pinadaan ang kamay niya sa hawakan nito. "Hindi pa ako nakakahawak ng espada, pero gagamitin ko ito kung paano ko gamitin ang dalawang kahoy ko. Magka-iba ang anyo, pero na sa aking kamay ang lahat ng puwede nitong magawa kahit first time ko lang itong gagamitin." Kinuha niya ito at inalis sa cover nito na isang manipis na stainless. Kuminang pa ito ng tumama ang sinag ng araw sa mismong talim ng espada. "Isang maling paggamit nito tiyak na kawawa ang kaharap ko lalo na yung parating. " Lumipat ang tingin niya sa prinsipe na masama pa rin ang itsura ng mukha. Huminto ito sa harap niya, pero sa ibang direksyon nakatingin. Ngumisi siya. "Masama pa rin ang loob mo, buhay ka pa nama
last updateLast Updated : 2022-09-05
Read more

15 - Kasintahan, Maaari Nga Ba?

Samantala nakita ng hari ang naganap na labanan ng dalawa habang na sa tuktok ito ng palasyo at tinitingnan sila sa ibaba. "Mahusay siyang humawak ng espada," sambit ni Heneral Agustin. Tumango-tango naman ang hari habang nakatingin kay Adira na sinusuri ang ibang armas. "Hindi ako nagkamali na siya ang kinuha ko. Umpisa pa lang ng kanilang pagsasanay, pero masasabi ko ng may matututunan na agad si Dylan sa kanya lalo pa't hindi ito nasisindak sa anumang sabihin ng prinsipe." Mukhang napahanga din ni Adira si Heneral Agustin. "Pero nakapagtataka pa rin. Hindi ko alam kung mayroon siyang ginagamit sa kanyang bansa na armas, pero nakakabilib ang ginawa niya kanina lalo na nung inangat niya ang espada at tumigil ito malapit sa leeg ng prinsipe at kung may nagtangka na gumalaw isa sa kanila ay tiyak kong masusugatan si Prince Dylan." Tinitigan ng hari ng mabuti ang binibini sa ibaba. "Mukhang hindi ordinaryong tao lang ang kinuha ko Agustin. May kaya siyang gawin na nakakabilib at hind
last updateLast Updated : 2022-09-08
Read more

16 - Bantay Sa Pagkain

Kalmado itong tumitig sa kanya at hinintay ang sagot nito, pero ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lamang si Dylan sa kanya, kaya pinitik na niya ang noo nito na kaagad naman itong natauhan. "Ang sakit!" d***g ni Dylan. "Ang tagal mo kasing sumagot." Umingos lang ito. "Kahit pa mahal na mahal ko siya ay kailangan ko siyang kalimutan at iwan." Napa-isip siya, "Wala siyang kalayaan kung ganon nga ang mangyayari." Tumingin muli siya kay Dylan. "Hahayaan mong mangyari 'yon?" Tumango ito. "Kaya ngayon pa lang ay hindi na ako sumubok pang makipag-usap o bigyan ng pansin ang ibang prinsesa rito sa aming bansa para na rin hindi ako makasakit ng damdamin ng iba kung sakaling umibig ako, dahil kailangan ko rin pala siyang iwan." Ilang beses siyang tumango habang nakatingin sa ibang direksyon, pero paglingon niya kay Dylan ay nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?" Umiwas ito ng tingin at tinalikuran siya. "Ibabalik ko na ang espada kong ginamit. Maiwan na kita." Mabilis na lumakad si
last updateLast Updated : 2022-09-14
Read more

17 - Panibagong Prinsipe

ILANG araw din silang hindi nakapag-ensayo dahil may biglaan na pinuntahan si Prince Dylan para bisitahin ang nasasakupan nila na malayo sa palasyo, at ngayong araw lang ito nakabalik. Sumapit ang hapon, pero si Adira ay na sa kanyang kwarto lang at tila may iniisip. Hindi rin nagtagal ay lumabas rin siya ng kwarto at pumunta sa tuktok ng palasyo. Sumilip niya sa ibaba, pero napakunot ang noo niya ng makita ang prinsipe na hawak ang espada. "Kanina lang siya nakabalik, pero bakit mukhang nag-eensayo siyang mag-isa?" Nakita niya na ginagawa nito ang tinuro niya nung nakaraan na araw bago pa ito nagkaroon ng biglaan na lakad. Pinagmasdan niya lang si Dylan at sinuri ang mga galaw nito. Habang nakatingin lang si Adira sa Prinsipe. Si Prince Dylan naman ay inaalala ang mga tinuro sa kanya ni Adira. Iwinasiwas ni Dylan ang espada ng dahan-dahan, pero nakakalimutan niya ang ibang tinuro ni Adira sa kanya. Kahit pagod ay sinubukan niya pa ring mag-ensayo ngayon para hindi naman siya magin
last updateLast Updated : 2022-09-16
Read more

18 - Laban Sa Pagitan Ng Prinsipe At Isang Gangster

Napangiti naman ito na pinagtaka niya. "Sa tingin ko ay hindi mo ako kilala." "Hindi, at wala akong balak na kilalanin ka," saad niya sa matapang na boses. Napatango-tango ito. "Isa rin akong prinsipe kagaya ni Prince Dylan, ngunit sa ibang palasyo nga lang." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Prinsipe? Bakit ang ugali mo ay hindi pang isang prinsipe sa ginawa mo ngayon na panggugulo rito!?" Tumingin ito sa likuran niya kaya napalingon din siya. Nakita niyang nakatayo na si Dylan, pero napansin niya na hirap nitong itapak ang kaliwang paa, bahagya kasi itong nakatingkayad. "Lampa talaga," saad niya sa isip. "Magkaibigan kami ni Prince Dylan, gano'n lang talaga kami bumati sa isa't-isa. " Ngumiti ito ng malaki at masasabi niya ding may ipagmamalaki ito lalo na sa mukha huwag na lang isama ang ugali. "Sigurado kang kaibigan mo si Prince Dylan?" "Oo." Napangisi siya at biglang nawala rin. "Sinong niloloko mo dito ang isang tulad ko? Puwes hindi mo ako malilinlang." Nagulat nama
last updateLast Updated : 2022-09-17
Read more

19 - Ang Tapang Ng Isang Prinsipe

Nang sa oras na nakalapit na ang hari sa kanila ay nag-alala ito ng makita si Prince Dylan na nahihirapan dahil sa kaliwang paa nito. "Anong nangyari?" tanong ng hari at tumingin kay Adira at Prince Damon. "Nawalan ng balanse kaya ang kaliwang paa niya ay na sprain," saad ni Adira. Nagtataka ang hari na tumingin kay Prince Dylan. "Ano ang ginawa niya? Ang alam ko ay dumating siya kanina at nagpapahinga." Samantala si Adira ay nakahalukipkip ang mga braso habang pinakikinggan ang hari, pero nanatili siya sa tabi ni Prince Dylan. Napatingin si Adira sa prinsipe sa kanilang harapan na kalmado lang at parang walang ginawang kasalanan kaya natamo ni Dylan ang sprain sa paa. "Nakita ko na nagsasanay siyang mag-isa na wala ako," biglang saad niya. Nalilito namang tumingin ang hari sa kanya. "Bakit naman niya gagawin iyon?" Lumipat ang kanyang tingin kay Dylan na ngayon ay tahimik lang at nakahawak sa kaliwang paa nito. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-ensayo mag-isa dahil ang al
last updateLast Updated : 2022-09-18
Read more

20 - Pagdududa Ni Adira

Lumapit siya at tinanong si Dylan "Nasaan ang hari at si Heneral Agustin, bakit ikaw lang ang narito?" Umangat ang ulo nito at tiningnan siya. "Si Heneral Agustin ay umalis at doon siya dumaan sa likuran ng palasyo para sunduin ang manggagamot, si ama naman ay pumunta ng kusina para utusan ang mga katulong na maghanda ng pagkain." Napapikit ito, mukhang malala ang natamo nitong pilay. "Masakit?" tanong niya. Tiningnan naman siya nito ng masama. "Nakikita mo naman na nasasaktan ako. Bakit itatanong mo pa?!" Napapikit naman ang mata niya ng ilang beses. "Bakit galit ka tinatanong ka lang naman?" "Halata naman na masakit!" "Hindi ko kasi makita kung nasasaktan ka talaga." Isang galit na tingin ang binigay nito sa kanya. Umupo siya sa tabi nito. "Dylan, magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon?" Unti-unti namang kumukunot ang noo ni Dylan. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon!" "Hindi may kulang ka, lalo na sa pangalan ko." "Ano?"
last updateLast Updated : 2022-09-19
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status