Napangiti naman ito na pinagtaka niya. "Sa tingin ko ay hindi mo ako kilala." "Hindi, at wala akong balak na kilalanin ka," saad niya sa matapang na boses. Napatango-tango ito. "Isa rin akong prinsipe kagaya ni Prince Dylan, ngunit sa ibang palasyo nga lang." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Prinsipe? Bakit ang ugali mo ay hindi pang isang prinsipe sa ginawa mo ngayon na panggugulo rito!?" Tumingin ito sa likuran niya kaya napalingon din siya. Nakita niyang nakatayo na si Dylan, pero napansin niya na hirap nitong itapak ang kaliwang paa, bahagya kasi itong nakatingkayad. "Lampa talaga," saad niya sa isip. "Magkaibigan kami ni Prince Dylan, gano'n lang talaga kami bumati sa isa't-isa. " Ngumiti ito ng malaki at masasabi niya ding may ipagmamalaki ito lalo na sa mukha huwag na lang isama ang ugali. "Sigurado kang kaibigan mo si Prince Dylan?" "Oo." Napangisi siya at biglang nawala rin. "Sinong niloloko mo dito ang isang tulad ko? Puwes hindi mo ako malilinlang." Nagulat nama
Nang sa oras na nakalapit na ang hari sa kanila ay nag-alala ito ng makita si Prince Dylan na nahihirapan dahil sa kaliwang paa nito. "Anong nangyari?" tanong ng hari at tumingin kay Adira at Prince Damon. "Nawalan ng balanse kaya ang kaliwang paa niya ay na sprain," saad ni Adira. Nagtataka ang hari na tumingin kay Prince Dylan. "Ano ang ginawa niya? Ang alam ko ay dumating siya kanina at nagpapahinga." Samantala si Adira ay nakahalukipkip ang mga braso habang pinakikinggan ang hari, pero nanatili siya sa tabi ni Prince Dylan. Napatingin si Adira sa prinsipe sa kanilang harapan na kalmado lang at parang walang ginawang kasalanan kaya natamo ni Dylan ang sprain sa paa. "Nakita ko na nagsasanay siyang mag-isa na wala ako," biglang saad niya. Nalilito namang tumingin ang hari sa kanya. "Bakit naman niya gagawin iyon?" Lumipat ang kanyang tingin kay Dylan na ngayon ay tahimik lang at nakahawak sa kaliwang paa nito. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-ensayo mag-isa dahil ang al
Lumapit siya at tinanong si Dylan "Nasaan ang hari at si Heneral Agustin, bakit ikaw lang ang narito?" Umangat ang ulo nito at tiningnan siya. "Si Heneral Agustin ay umalis at doon siya dumaan sa likuran ng palasyo para sunduin ang manggagamot, si ama naman ay pumunta ng kusina para utusan ang mga katulong na maghanda ng pagkain." Napapikit ito, mukhang malala ang natamo nitong pilay. "Masakit?" tanong niya. Tiningnan naman siya nito ng masama. "Nakikita mo naman na nasasaktan ako. Bakit itatanong mo pa?!" Napapikit naman ang mata niya ng ilang beses. "Bakit galit ka tinatanong ka lang naman?" "Halata naman na masakit!" "Hindi ko kasi makita kung nasasaktan ka talaga." Isang galit na tingin ang binigay nito sa kanya. Umupo siya sa tabi nito. "Dylan, magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon?" Unti-unti namang kumukunot ang noo ni Dylan. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon!" "Hindi may kulang ka, lalo na sa pangalan ko." "Ano?"
Pagpasok pa lang nila sa kwarto ni Dylan ay agad na ibinaba ito sa kama at dahan-dahan na tinaas ang kanyang kaliwang paa. "Maiwan ko muna kayo rito. Kailangan ko lang sabihin sa hari na narito na ang manggagamot. " Tumango lang si Prince Dylan at agad na ring lumabas si Heneral Agustin. Naiwan naman ang doctor at si Adira kasama ang prinsipe. Habang sinusuri ng doctor ang paa ni Dylan ay umupo naman si Adira sa upuan sa gilid ng kama na may kalayuan. Pinagmamasdan niya lang kung paano masaktan si Dylan habang pilit na ginagalaw ng doctor ang paa nito. Lumingon ito sa kanya at napakunot ang noo dahil ngumisi siya, kaya nanlilisik na naman ang mata nito sa kanya. Binuka niya ang bibig ng walang boses at ang sinasabi niya ay, "Lampa." Tumagilid pa ang ulo ni Dylan at sinusubukan sigurong alamin kung ano ang sinasabi niya ng walang boses. Nakita niya na patapos na ang ginagawa ng doctor kaya tinigilan na niya si Dylan. Pasalamat ito dahil inalis niya ang atensyon nito sa masakit nitong
Napabuga siya ng hangin. "Paano ka makakapag-ensayo kung dalawang linggo kang makukulong sa kwarto mo. Kung hindi ka nag-ensayo mag-isa, sana ay hindi mo natamo 'yan." Nakita niya kung paano nag-iba ang emosyon sa mukha ni Dylan. "May gusto kasi akong patunayan." "Ano?" tanong niya. "Alam kong mahina ako lalo na sa pakikipaglaban, kaya nag-ensayo akong mag-isa at ginamit ang tinuro mo sa akin bago pa ako umalis ulit sa palasyo. Aaminin ko, wala talaga akong silbi sa paghawak ng mga armas, pero nag-iisa lang akong anak ng aking ama, kaya kailangan kong malaman ang lahat." Humalukipkip siya at seryosong sinagot ang mga sinasabi ni Dylan. "Hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo kung alam mong hindi mo pa kaya, puwede kang mapahamak kung iisipin mo lagi na kailangan mong matuto kaagad dahil sa napapahiya ka." "Ilang taon na rin binibini, ang ibang prinsipe na pinagtatawanan lang ako dahil sobrang hina ko sa lahat." Tumingala ito at inaalala ang nakaraan. Simula na naman ng palig
Paglabas ni Adira sa kwarto ni Prince Dylan ay hindi muna siya lumakad paalis. "Magagawa ko 'yon kung tutulungan mo rin ako," bulong niya bago tuluyang umalis sa harap ng pintuan. Habang naglalakad siya ay madadaan niya ang parte kung saan kumakain sila King Stephen. Bumagal ang paglalakad niya at huminto sandali sa pader na hindi siya makikita. "Iparating mo sa iyong ama ang aking pasasalamat para sa prutas na dinala mo rito." Dinig ni Adira na saad ni King Stephen. "Makakarating po sa kanya ang iyong pasasalamat, King Stephen." Hindi na nasundan pa ang pag-uusap ng dalawa. Naramdaman ni Adira na may parating, kaya nagkunwari siyang magdadaan lang ng oras na 'yon. Lumabas sila King Stephen kasunod si Prince Damon. Kumunot ang noo ng hari at nagtataka kung bakit naroon siya. "Adira, bakit narito ka? Sino ang kasama ng prinsipe sa kwarto niya?" "Nagpapahinga na ang prinsipe kaya lumabas na ako." "Nakakain na ba siya?" "Oo." Tumingin si King Stephen kay Prince Damon. "Kung
Napangiti ng maliit ang misteryosong tao dahil bahagyang nakita ang labi nito. "Kung ganon ay makaka-alis ka na. Magkita na lang ulit tayo sa susunod na linggo." Agad namang umalis ang babae at naiwan ang kahina-hinalang tao. Bago pa man umalis ay tumingin muna ito sa palasyo ng Stalwart Castle na kita kung nasaan siya, saka ito mabilis na umalis. Samantala habang nakapikit si Adira ay may narinig siyang ingay mula sa labas na parang tumatakbo ng mabilis. Napabangon siya kaagad at lumabas. Nakita niya ang ibang kawal na nagmamadali sa paglalakad papunta sa kwarto ng prinsipe. Naalerto naman siya at sumunod sa mga ito, pero pagpasok niya pa lang at muntik pang madapa ay nakita niya ang ilang kawal na natigilan. Nagtaka siya, kaya sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin ang mga mata nila, pero lalo pa siyang nagtaka sa nakita niyang kalagayan ng prinsipe. "Hindi mo naman sinabi mahal na prinsipe na diyan mo gustong humiga?" Si Dylan kasi ay na sa ibaba na ng kanyang higaan. Sa mis
Dahan-dahan namang tumango si Heneral Agustin. "Kung 'yon ang kailangan gawin kahit walang utos mula sa hari ay magtatalaga ako ng mga kawal sa bawat puwedeng pasukan ng tao." "Mabuti kung ganon, pero kailangan ko munang bumalik sa kwarto ng prinsipe dahil lumabas ako ng hindi nagpapaalam. Tiyak akong nagulat siya sa ginawa ko." Lumakad na siya pabalik sa loob papunta sa kwarto ng prinsipe. Habang naglalakad siya pabalik sa kwarto ay napahinto siya. "May kawal pala sa labas mismo ng gate, pero bakit hindi nila alam kung sino ang naglalagay ng sulat sa mismong tabi ng tarangkahan ng palasyo?" Napa-iling siya, saka na lang niya iisipin ang nangyari ngayon dahil kailangan niya munang bantayan si Dylan. Pumasok siya sa loob ng kwarto at nakita niya na nakatingin lang si Dylan sa beranda at sa kurtina na sinasayaw ng hangin. Napalingon ito sa kanya at napakunot ang noo. "Anong nangyari at nagmamadali kang lumabas?" Naglikot na ang mga mata niya sa tanong nito. "May ginawa lang ako sa lab
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo