Napangiti ng maliit ang misteryosong tao dahil bahagyang nakita ang labi nito. "Kung ganon ay makaka-alis ka na. Magkita na lang ulit tayo sa susunod na linggo." Agad namang umalis ang babae at naiwan ang kahina-hinalang tao. Bago pa man umalis ay tumingin muna ito sa palasyo ng Stalwart Castle na kita kung nasaan siya, saka ito mabilis na umalis. Samantala habang nakapikit si Adira ay may narinig siyang ingay mula sa labas na parang tumatakbo ng mabilis. Napabangon siya kaagad at lumabas. Nakita niya ang ibang kawal na nagmamadali sa paglalakad papunta sa kwarto ng prinsipe. Naalerto naman siya at sumunod sa mga ito, pero pagpasok niya pa lang at muntik pang madapa ay nakita niya ang ilang kawal na natigilan. Nagtaka siya, kaya sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin ang mga mata nila, pero lalo pa siyang nagtaka sa nakita niyang kalagayan ng prinsipe. "Hindi mo naman sinabi mahal na prinsipe na diyan mo gustong humiga?" Si Dylan kasi ay na sa ibaba na ng kanyang higaan. Sa mis
Dahan-dahan namang tumango si Heneral Agustin. "Kung 'yon ang kailangan gawin kahit walang utos mula sa hari ay magtatalaga ako ng mga kawal sa bawat puwedeng pasukan ng tao." "Mabuti kung ganon, pero kailangan ko munang bumalik sa kwarto ng prinsipe dahil lumabas ako ng hindi nagpapaalam. Tiyak akong nagulat siya sa ginawa ko." Lumakad na siya pabalik sa loob papunta sa kwarto ng prinsipe. Habang naglalakad siya pabalik sa kwarto ay napahinto siya. "May kawal pala sa labas mismo ng gate, pero bakit hindi nila alam kung sino ang naglalagay ng sulat sa mismong tabi ng tarangkahan ng palasyo?" Napa-iling siya, saka na lang niya iisipin ang nangyari ngayon dahil kailangan niya munang bantayan si Dylan. Pumasok siya sa loob ng kwarto at nakita niya na nakatingin lang si Dylan sa beranda at sa kurtina na sinasayaw ng hangin. Napalingon ito sa kanya at napakunot ang noo. "Anong nangyari at nagmamadali kang lumabas?" Naglikot na ang mga mata niya sa tanong nito. "May ginawa lang ako sa lab
Masama niyang tiningnan si Dylan. "Ganito na talaga ako lalo pa't ang mga nakapaligid sa akin sa bansa ko ay mga mas masama pa ang ugali at kung magsalita ay mas masakit pa sa sinabi ko. Kaya sige na iiwan na kita dito. " Umalis na si Adira at naiwan si Prince Dylan sa loob ng banyo habang ang isang paa nito ay naka-angat. Nang nakalabas na siya hinawakan niya ang masakit niyang pisngi. "Bakit ba ang hilig nilang pisilin ang pisngi ko? Ang sakit!" Hinihimas niya ang pisngi niya habang hinihintay si Dylan sa labas ng banyo. Napatigil siya at humarap sa pinto ng banyo. "Ang galing hindi ko ito napansin. Pintuan pala ito na kakulay ng pader. Sa unang tingin ay aakalain na pader din ito, pero pag tinitigan ay mapapansin na isa nga itong pintuan na walang puwedeng hawakan na bukasan dahil tinutulak lang." Naghintay si Adira ng halos isang oras, pero hindi pa rin siya tinatawag ni Dylan, kaya kumatok na siya sa pintuan. "Mahal na prinsipe, buhay ka pa ba diyan?!" sigaw niya. Habang na
Dumiretso kaagad si Adira sa labas ng palasyo. "Saka ko na iisipin ang mga nakita ko ngayong araw. Sa ngayon kailangan ko munang subukan gumamit ng pana at palaso." Napabuntong-hininga na lang siya sa dami niyang kailangan din matututunan. Nang nasa lagayan na siya ng mga armas ay kinuha niya ang pana at palaso. Sinuri niya muna ang imahe nito bago siya nag-umpisa na mag-ensayo gamit ang mga ito. Samantala sa bansa ni Adira ay may mga grupo ng tao ang nagtipon-tipon sa isang malaking bodega. Ang mga itsura nila ay parang hindi gagawa ng maganda. Ang dalawa sa mga ito ay nakasuot ng tuxedo na mukhang may-ari ng isang kompanya, at ang mga kausap nito ay ang sinasabing gangsters. May isang lalaki na naka-upo sa isang lumang upuan at may isang lumang lamesa sa harap niya. "Narito na ba ang lahat ng mga gangster na gustong gumanti sa babaeng binansagan na reyna sa mundo ng gangster?" Tumango ang katabi nito na ang suot ay naka-tuxedo din. Napangiti naman ang lalaki. "Alam ko na ang laha
Lumipas ang oras, pero hindi talaga nabaon ni Prince Dylan ang palaso sa target. Halos magsugat na din ang kanan na kamay nito sa paghila ng tali at palaso. "Puwede bang tumigil na ako? Ang hirap hawakan ng palaso dahil sa maliliit na sugat ko sa kamay." Nakahalukipkip naman si Adira habang tinitingnan ang kanan na kamay ni Prince Dylan. Napabuntong-hininga siya at hinubad ang gloves niya sa kanang kamay. "O, isuot mo 'to. Makatira ka lang ng isa ay hihinto na tayo ngayong araw." Binato ni Adira ang gloves kay Prince Dylan. Napakunot ang noo nito ng nahawakan na ang guwantes na binato ni Adira. Lumipat ang tingin ni Dylan sa kanan na kamay ni Adira at mukhang napansin nito ang tatlong tuldok na itim sa ibabaw ng kamay niya. Napansin ata ni Adira na nakatingin si Dylan sa kanya kaya biglang tumaas na naman ang kilay. "May problema ba prinsipe. Bakit nakatingin ka sa kamay ko?" "Ano 'yang parang tatlong tuldok sa iyong kamay na hugis tatsulok?" Tumingin naman siya sa kamay niya.
Ilang minuto ang dumaan. Tahimik lang silang nakatingin sa target kung saan nakabaon pa rin ang palaso na ginamit ni Prince Dylan ng magtanong muli si Adira. "Heneral, tungkol sa prinsipe na dumalaw dito. Kaibigan ba talaga siya ni Prince Dylan?" Nagtataka naman na tumingin sa kanya si Heneral Agustin. "Bakit mo naman na tanong ang tungkol do'n?" Nagkibit-balikat siya. "Parang hindi ko gusto ang awra niya." Napangiti naman ito. "Hindi ako sigurado kung magkaibigan ang dalawa, pero ang ama nilang dalawa ay tunay na magkaibigan mula pa noong kabataan nila. Si Prince Damon at Prince Dylan ay madalang magkita, at kung mangyari man ay hindi ko naman nakikitang nag-uusap ang dalawa, kaya hindi ko masasagot kung magkaibigan nga ba sila." "Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pilay ang paa ni Prince Dylan nitong nakaraan na dalawang linggo." Natigilan naman ito at napakunot ang noo. "Hindi 'yan ang sinabi ni Prince Dylan. Ang akala ko ay namali lang siya ng tapak sa lupa habang nag-
Samantala sa Paradise Castle, kung saan naging paksa nila Adira kanina. Isang may edad ng babae ang nakaharap ngayon sa kalangitan habang na sa tuktok ito ng palasyo. Nakatitig lang siya sa ulap ng may magsalita mula sa likuran niya. "Aking reyna, ano at narito ka na naman?" Lumingon siya sa nagsalita at ito ay si King Felip na kanyang asawa. Ngumiti siya. "Nagpapahangin lamang ako rito." "Ganon ba, pero nakita mo ba ang ating anak na si Prince Franco?" Kumunot ang noo niya sa tanong ng kanyang hari. "Hindi ko pa siya nakikita mula kahapon." Makikita sa mukha ni King Felip ang pag-aalala. "Paano na lang kung mapahamak siya sa kanyang pag-alis ng palasyo ng walang paalam sa ating dalawa." Napabuntong-hininga si Queen Alice at hinawakan ang kamay ng kanyang hari. "Intindihin mo na lang. Matagal na rin niyang ginagawa ang ganito, kaya hindi mo din siya masisisi. Pero sana ay magkaroon man lang tayo ng oras para magkasama-samang tatlo ng matagal," malungkot na saad niya. "Alam mong
Habang si Prince Dylan naman ay may sinusupil na ngiti at bago pa man makita iyon ni Adira ay naging seryoso siya muli ng biglang tumingin sa kanya si Adira. "Kailangan ko na bang sumabay sa inyo na kumain ngayong tanghalian?" "Oo." "Puwede ka ng mauna doon, susunod na lang ako." "Sumunod ka na agad." Tiningnan niya ito ng masama. Pero tumalikod na ito at mabilis na umalis. "Mainam pa ata na wala siyang halong dugo na hindi isang maharlika dahil mas lalong umiigsi ang pasensya ko." Sinarado niya ang pinto ng kwarto at tumungo na din sa hapag-kainan. Pagpasok niya pa lang ay napansin niya kaagad na wala si King Stephen. "Nasaan ang hari?" tanong niya kaagad kay Dylan. "Nasa kanyang kwarto. Nagpadala na lang ng pagkain sa katulong." "Bakit daw?" "Masama ang pakiramdam dahil hindi sapat ang naging tulog niya." Sa isip niya, "Agad-agad naman na kami lang ang magkasamang kakain ngayon." Hindi niya alam kung saan siya uupo kaya nagtanong na siya kay Dylan. "Saan ako puwedeng
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo