All Chapters of The Lady Gangster's Mission For The Prince: Chapter 41 - Chapter 50

99 Chapters

41 - Paghinto Sa Mga Naka-Damit Na Itim

Kunot noo naman siyang tumingin kung saan nakatingin si Dylan, sa mismong harap na may kalayuan sa kanila. Ang bilang niya ay nasa limang tao, pero ang suot nila ay purong itim na hindi makikita ang mga mukha dahil sa mga taklob nila sa mga ulo. "Ang suot nila ay katulad ng nakita ko sa tarangkahan ng palasyo," saad niya sa isip. Hinanda niya ang sarili dahil wala siyang dalang armas. Mabuti na lang ang mga kawal ay meron maging si Dylan ay walang ding dala. "Anong gagawin natin?" "Sa ganitong pagkakataon ay lumalapit kami at kinakausap sila, lalo na kung gusto naming dumaan." "Kinakausap niyo lang paano kung bigla silang sumugod? Hindi ba noon ay hindi ka pa marunong gumamit ng espada at konti lang din naman ang kawal na nakabantay sayo sa tuwing lumalabas ka ng palasyo?" "Sa bansa namin ay ganito talaga ang nangyayari. Ayaw namin ng gulo lalo pa at sa labas ng palasyo, kaya ang ginagawa namin ay kinakausap sila ng mahinahon. Sumusunod naman sila, pero kakaiba ang mga humaran
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

42 - Prince Dylan Sa Kwarto Ni Adira

Halos lumubog na ang araw ng nakauwi na sila Adira sa palasyo. Makikita din sa mga mukha nila ang pagod sa paglalakbay pauwi. Nang pumasok na sila sa tarangkahan ng palasyo ay sinalubong kaagad sila ni Heneral Agustin. "Mabuti at nakauwi na kayo bago pa lumubog ang araw. Bakit natagalan ata kayo sa pag-uwi? Ang alam ko ay mga alas-dos lang ng hapon ay tapos na ang paligsahan." Bumaba na si Dylan maging si Adira sa kabayo. "May nakasalubong kaming mga misteryosong lalaki at hindi kami pinadaan sa malapit na daanan pauwi, kaya inabot na kami ng ganitong oras," paliwanag ni Dylan. "Sigurado gutom na kayo. Halina kayo sa loob." Lalakad na sana papasok ng palasyo si Heneral Agustin ng humarap ito muli sa dalawa. "Ano nga pala ang nangyari sa paligsahan?" Tumingin si Dylan kay Adira at dahan-dahan na umaangat ang labi nito dahil sa pag ngiti. "Hindi ka maniniwala, heneral. Ako ang nanalo sa paligsahan!" Tuwang-tuwa si Dylan na nagkwento kay Heneral Agustin habang na sa labas pa sila ng
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

43 - Ang Dalawang Kahoy Ni Adira

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Ang mga mata niyang naging alerto ng kumuha din ito ng armas, pero pana at palaso ang kinuha nito, kung saan magaling ang prinsipeng si Prince Damon. "Maglaro tayo ngayon, Prince Dylan. Subukan natin kung talagang mahusay ang pag-eensayo sayo ng binibini. Akin ang pana at palaso, sayo naman ang espada." Maliit pa itong ngumisi. Ang magkatitigan nilang mga mata ay parang may mga kuryenteng dumadaloy, pero napa-isip siya, "Mas madali akong masusugatan sa palaso dahil mas mabilis ang pagtira no'n. Kung hindi ko gagamitin ng mabuti ang espada ay tiyak akong sa katawan ko tatarak ang palaso niyang gagamitin." "Hindi patas kung pana at palaso ang sayo at ang akin ay espada." Tumawa ng mahina si Prince Damon, pero hindi tunog ng natutuwa. "Kung mahusay ka ng humawak ng espada ay madali na lang sayo na harangin ang bawat tira ko ng palaso at hindi mo din naman siguro hahayaan na sa katawan mo bumaon ang bawat tira ko." Nagdadalawang isip ma
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

4 - Ang Kuryosidad Ng Prinsipe

Tumitig siya sa mga mata nito, pero ang kalmado lang ng mata nito. "Tila sa tuwing nakikita mo siya ay gusto mo siyang masaktan. " Idinikit niya pa lalo ang kahoy sa leeg nito. "O baka naman gusto mo siyang mawala na dito sa mundo." Sumingkit ang mata niya dahil hindi ito agad sumagot. Habang na sa ganong puwesto ang dalawa ay lumapit si Prince Dylan. "Adira," mahina pero dinig na dinig niya. Hindi siya lumingon kay Dylan dahil ang atensyon niya ay na kay Prince Damon. "Ibaba mo na 'yan, Adira," ani ni Prince Dylan. Ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa payat na kahoy, pero ibinaba niya din agad. "Lumayo ka sa amin ngayon prinsipe, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kaya kong makipagbiruan, pero hindi sa ngayon at lalo na sa oras na 'to." Nagbaba naman ng tingin si Prince Damon. "Pasensya na." Lumakad paalis si Prince Damon at iniwan si Adira at si Prince Dylan. "Binibini, bakit mo naman ginawa iyon kay Prince Damon?" Unti-unting kumukunot ang noo niya sa sinabi nito.
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

45 - Isang Tawag Ang Natanggap

Nang na ayos na ni Adira ang higaan niya ay tumingin muli siya kay Prince Dylan. "Wala ka bang balak lumabas? Baka hinahanap ka na ni King Stephen dahil may bisita kayo ngayon." Sumandal lang sa pader si Dylan. "At saka baka mamaya paghinalaan pa tayong dalawa dito. Alalahanin mo kwarto ito ng babae at isa kang prinsipe. " Ilang saglit pa nga lang ay may tumatawag na sa labas, si Heneral Agustin. "Binibini, nakita mo ba ang prinsipe!" sigaw nito mula sa labas ng pintuan ng kwarto. Mabilis naman siyang lumapit sa pintuan at tiningnan si Dylan na parang balewala lang sa prinsipe na makita siya dito ni Heneral Agustin. Binuksan niya ang pinto at sumilip lang sa siwang. "Hindi mo ba siya nakita, heneral?" tanong niya. "Kanina ko pa nga hinahanap, pero kahit saang parte ng palasyo ay wala siya. Paalis na sila King Cyrus gusto sana ni King Stephen na makapagpaalam siya." Lumikot ang mga mata niya. "Tutulong na din ako sa paghahanap at pag nakita ko siya ay papupuntahin ko kaagad kung
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

46 - Ang Pagbabalik Ni Adira Sa Bansa Niya

Kinabukasan nga ay nagawan ng paraan ni Heneral Agustin ang pagbabalik ni Adira sa kanyang bansa gamit ang private plane ng hari. Hindi muna pina-alam ni Heneral Agustin sa hari ang ginawa niya dahil nagpapahinga ito sa matinding trangkaso.Pagbaba ng eroplano at dumaan sa airport ay mabilis siyang sumakay ng taxi at nagpatuloy sa bahay ni Simon. Saktong pagbaba ay tumakbo kaagad siya sa bahay ni Simon, pero hindi niya na nakita ito.Kumunot ang noo ni Adira ng may anino siyang nakita sa labas ng bahay ni Simon, pero ng lumabas siya ay wala namang tao. Dahan-dahan siyang umikot sa labas ng bahay at ng may nakita siyang isang tao na balot na balot ang katawan ay kaagad niya itong sinundan. Nang malapit na siya sa tao na 'yon ay inabot niya ang hood ng jacket nito, pero nabigla siya ng makita niya ang mukha nito. "P-prince Dylan?"Napapikit si Prince Dylan at dahan-dahan na humarap kay Adira na nakuha pang iangat ang kamay at nahihiyang kumaway."Paano ka napunta dito?" "Gamit ang eropl
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

47 - Laban Sa Kapwa Gangster

Samantala nagtataka talaga si Adira kung bakit ang tahimik sa loob ng lumang warehouse. Wala din siyang napapansin na mayroon nakatago sa ibang tambak na basura na nandoon. Pero nagulat siya ng gumalaw ang mga basura at pinalibutan siya. Ang basura pala na nandoon ay mga tao na nag-anyong basura kaya hindi agad ito napansin ni Adira. Umiikot ang katawan niya dahil madami ang nakapaligid sa kanya ngayon, at sa hinala niya ang lahat ay kapwa niya gangster na nakalaban niya noon. "Long time no see, Adira. Panahon na para maningil kami." Napangisi siya, "Ang alam ko ay kayo ang may utang. Bakit ako ang sinisingil niyo ngayon?" Puno ng galit itong naglabas ng isang baseball bat. "Ang yabang mo talaga. Umpisahan na natin ng magka-alamanan na." Nakiramdam si Adira sa bawat ikot ng katawan niya dahil may posibilidad na may umatake sa likuran niya. Nang may naramdaman siyang may tumatakbo ay agad siyang humarap sa tao na 'yon at sinubukan niyang harangin ang bawat paghampas ng kahoy nito.
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

48 - Pagtatanong Ni Prince Dylan

Tumingin si Adira sa kasama ni Timothy na nasa gilid lang. "Alalayan mo na siya pauwi. Palalampasin ko ang ginawa niyo sa kasama ko, pero sa susunod na gawin niyo ulit ito—" Tumitig siya sa mata ng katabi ni Timothy. "Ang amo mo ang una kong babawian ng buhay." Nagmamadali namang lumapit ang kasama ni Timothy at inalalayan ito. "P-pasensya...hindi na ito mauulit." Halos ang mukha nito ay takot na takot kay Adira. "Tulungan mo ang amo mong makabalik sa dati niyang pag-uugali na walang halong inggit noong nag-uumpisa pa lang kayo. Siguro naman ay matagal ka na niyang tauhan?" Tumango ito. "Ako ang kasama niya bago pa man maitayo ang business niya." "Kung ganon ikaw ang susi kung paano siya makababalik sa dati. Ipaalala mo sa kanya ang bawat paghihirap niyo noon para lang tumagal ang business niyo hanggang ngayon. Hindi mawawala ang kompetisyon sa isang kompanya. Ang mahalaga ay handa siyang sumugal kahit pa hindi niya alam ang magiging resulta." Ngumiti siya dito ng bahagya. "Maniw
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

49 - Pagkikita Ni Simon At Prince Dylan

Tumingin naman si Dylan kay Adira. "Simon," tawag niya. Napalingon naman ito kaagad at bahagyang nagtaka, pero kalaunan ay nagsalita din. "Dumating ka pala." Kumunot ang noo niya. "Anong akala mo sa akin hindi darating? Kahit pa nasa ilalim ako ng lupa darating ako basta kailangan mo ng tulong," masungit niyang saad. Napangiti naman si Simon. "Ang layo kasi Adira, at saka ang hirap ng ginawa mo lalo pa at kailangan gumamit ng eroplano para lang makabalik dito." "Huwag mo ng isipin kung paano ko nagawang makabalik dito ng mabilis. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Okay na ako medyo nanghihina dahil sa natamo kong sugat, pero the rest ay okay lang." "Mabuti kung ganon." Napakunot ang noo niya at tiningnan si Dylan na nanunuod lang sa kanila ni Simon. "Dylan, ano ang sabi ng doctor?" "Kailangan niyang manatili dito ng dalawa o tatlong araw bago umuwi dahil mas mabuti daw iyon para maghilom agad ang mga sugat niya." Bumaling naman ng tingin si Simon kay Dylan. "Sino siya, Adira?" "S
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

50 - Buhay Ng Isang Gangster

Umupo si Adira sa upuan dahil medyo nanghina ang tuhod niya at mukhang napansin 'yon ni Dylan. "Okay ka lang?" Umupo na din ito sa tabi niya. "Pagod lang siguro." "Sigurado ka?" Tumango lang siya at tumingin sa kalangitan. Ilang segundo lang ay nagsalita muli si Prince Dylan. "Akala ko nung una ay siya ang ama mo." Napatingin naman siya kay Dylan, pero sa kalangitan ito nakatingin. "Hindi. Kasamahan ko lang siya sa mga misyon." "Nasaan na ang mga magulang mo?" Sa tanong ni Prince Dylan ay lumungkot ang mga mata ni Adira habang nakatingin sa lupa. "Wala na." Kumunot ang noo ni Dylan. "Paanong wala na?" Napabuntong-hininga naman siya. "Kinuha na sila sa amin. Pumanaw sila ilang taon na din ang nakakalipas." Nakatitig lang si Prince Dylan kay Adira at nakikita niya kung gaano kalungkot ang mga mata ng binibini. "Pasensya na, binibini. Sa tanong ko." "Okay lang masyado ka kasing curious, kaya mo natanong." Napangisi siya ng bahagya at mukhang nainis ito. "Seryoso ako sa ta
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status