Nang na ayos na ni Adira ang higaan niya ay tumingin muli siya kay Prince Dylan. "Wala ka bang balak lumabas? Baka hinahanap ka na ni King Stephen dahil may bisita kayo ngayon." Sumandal lang sa pader si Dylan. "At saka baka mamaya paghinalaan pa tayong dalawa dito. Alalahanin mo kwarto ito ng babae at isa kang prinsipe. " Ilang saglit pa nga lang ay may tumatawag na sa labas, si Heneral Agustin. "Binibini, nakita mo ba ang prinsipe!" sigaw nito mula sa labas ng pintuan ng kwarto. Mabilis naman siyang lumapit sa pintuan at tiningnan si Dylan na parang balewala lang sa prinsipe na makita siya dito ni Heneral Agustin. Binuksan niya ang pinto at sumilip lang sa siwang. "Hindi mo ba siya nakita, heneral?" tanong niya. "Kanina ko pa nga hinahanap, pero kahit saang parte ng palasyo ay wala siya. Paalis na sila King Cyrus gusto sana ni King Stephen na makapagpaalam siya." Lumikot ang mga mata niya. "Tutulong na din ako sa paghahanap at pag nakita ko siya ay papupuntahin ko kaagad kung
Kinabukasan nga ay nagawan ng paraan ni Heneral Agustin ang pagbabalik ni Adira sa kanyang bansa gamit ang private plane ng hari. Hindi muna pina-alam ni Heneral Agustin sa hari ang ginawa niya dahil nagpapahinga ito sa matinding trangkaso.Pagbaba ng eroplano at dumaan sa airport ay mabilis siyang sumakay ng taxi at nagpatuloy sa bahay ni Simon. Saktong pagbaba ay tumakbo kaagad siya sa bahay ni Simon, pero hindi niya na nakita ito.Kumunot ang noo ni Adira ng may anino siyang nakita sa labas ng bahay ni Simon, pero ng lumabas siya ay wala namang tao. Dahan-dahan siyang umikot sa labas ng bahay at ng may nakita siyang isang tao na balot na balot ang katawan ay kaagad niya itong sinundan. Nang malapit na siya sa tao na 'yon ay inabot niya ang hood ng jacket nito, pero nabigla siya ng makita niya ang mukha nito. "P-prince Dylan?"Napapikit si Prince Dylan at dahan-dahan na humarap kay Adira na nakuha pang iangat ang kamay at nahihiyang kumaway."Paano ka napunta dito?" "Gamit ang eropl
Samantala nagtataka talaga si Adira kung bakit ang tahimik sa loob ng lumang warehouse. Wala din siyang napapansin na mayroon nakatago sa ibang tambak na basura na nandoon. Pero nagulat siya ng gumalaw ang mga basura at pinalibutan siya. Ang basura pala na nandoon ay mga tao na nag-anyong basura kaya hindi agad ito napansin ni Adira. Umiikot ang katawan niya dahil madami ang nakapaligid sa kanya ngayon, at sa hinala niya ang lahat ay kapwa niya gangster na nakalaban niya noon. "Long time no see, Adira. Panahon na para maningil kami." Napangisi siya, "Ang alam ko ay kayo ang may utang. Bakit ako ang sinisingil niyo ngayon?" Puno ng galit itong naglabas ng isang baseball bat. "Ang yabang mo talaga. Umpisahan na natin ng magka-alamanan na." Nakiramdam si Adira sa bawat ikot ng katawan niya dahil may posibilidad na may umatake sa likuran niya. Nang may naramdaman siyang may tumatakbo ay agad siyang humarap sa tao na 'yon at sinubukan niyang harangin ang bawat paghampas ng kahoy nito.
Tumingin si Adira sa kasama ni Timothy na nasa gilid lang. "Alalayan mo na siya pauwi. Palalampasin ko ang ginawa niyo sa kasama ko, pero sa susunod na gawin niyo ulit ito—" Tumitig siya sa mata ng katabi ni Timothy. "Ang amo mo ang una kong babawian ng buhay." Nagmamadali namang lumapit ang kasama ni Timothy at inalalayan ito. "P-pasensya...hindi na ito mauulit." Halos ang mukha nito ay takot na takot kay Adira. "Tulungan mo ang amo mong makabalik sa dati niyang pag-uugali na walang halong inggit noong nag-uumpisa pa lang kayo. Siguro naman ay matagal ka na niyang tauhan?" Tumango ito. "Ako ang kasama niya bago pa man maitayo ang business niya." "Kung ganon ikaw ang susi kung paano siya makababalik sa dati. Ipaalala mo sa kanya ang bawat paghihirap niyo noon para lang tumagal ang business niyo hanggang ngayon. Hindi mawawala ang kompetisyon sa isang kompanya. Ang mahalaga ay handa siyang sumugal kahit pa hindi niya alam ang magiging resulta." Ngumiti siya dito ng bahagya. "Maniw
Tumingin naman si Dylan kay Adira. "Simon," tawag niya. Napalingon naman ito kaagad at bahagyang nagtaka, pero kalaunan ay nagsalita din. "Dumating ka pala." Kumunot ang noo niya. "Anong akala mo sa akin hindi darating? Kahit pa nasa ilalim ako ng lupa darating ako basta kailangan mo ng tulong," masungit niyang saad. Napangiti naman si Simon. "Ang layo kasi Adira, at saka ang hirap ng ginawa mo lalo pa at kailangan gumamit ng eroplano para lang makabalik dito." "Huwag mo ng isipin kung paano ko nagawang makabalik dito ng mabilis. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Okay na ako medyo nanghihina dahil sa natamo kong sugat, pero the rest ay okay lang." "Mabuti kung ganon." Napakunot ang noo niya at tiningnan si Dylan na nanunuod lang sa kanila ni Simon. "Dylan, ano ang sabi ng doctor?" "Kailangan niyang manatili dito ng dalawa o tatlong araw bago umuwi dahil mas mabuti daw iyon para maghilom agad ang mga sugat niya." Bumaling naman ng tingin si Simon kay Dylan. "Sino siya, Adira?" "S
Umupo si Adira sa upuan dahil medyo nanghina ang tuhod niya at mukhang napansin 'yon ni Dylan. "Okay ka lang?" Umupo na din ito sa tabi niya. "Pagod lang siguro." "Sigurado ka?" Tumango lang siya at tumingin sa kalangitan. Ilang segundo lang ay nagsalita muli si Prince Dylan. "Akala ko nung una ay siya ang ama mo." Napatingin naman siya kay Dylan, pero sa kalangitan ito nakatingin. "Hindi. Kasamahan ko lang siya sa mga misyon." "Nasaan na ang mga magulang mo?" Sa tanong ni Prince Dylan ay lumungkot ang mga mata ni Adira habang nakatingin sa lupa. "Wala na." Kumunot ang noo ni Dylan. "Paanong wala na?" Napabuntong-hininga naman siya. "Kinuha na sila sa amin. Pumanaw sila ilang taon na din ang nakakalipas." Nakatitig lang si Prince Dylan kay Adira at nakikita niya kung gaano kalungkot ang mga mata ng binibini. "Pasensya na, binibini. Sa tanong ko." "Okay lang masyado ka kasing curious, kaya mo natanong." Napangisi siya ng bahagya at mukhang nainis ito. "Seryoso ako sa ta
Si Adira at Prince Dylan ay sa sofa natulog sa kwarto ni Simon. Hindi na bumalik pa si Adira sa isang kwarto dahil okay naman na siya. Ilang saglit pa ay nagising si Adira dahil nag-iingay na ang tiyan niya. Bumangon siya at hinawakan ang tiyan habang pumipikit-pikit pa ang mata na mukhang inaantok pa. "Hindi nga pala kami kumain kagabi. " Tumingin siya kung nasaan si Dylan at tulog pa din ito. "Kailangan kong lumabas at bumili ng pagkain. " Nakita niya si Simon na gising na din. "Simon, lalabas lang ako sandali. Punta lang akong supermarket para bumili ng pagkain namin ni Dylan. Hindi puwedeng kainin namin ang para sayo na ibinibigay ng ospital." Tumango naman si Simon. Habang inaayos na ni Adira ang buhok niya ay nagising si Prince Dylan at mukhang nagtataka dahil nag-aayos si Adira. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa bagong gising na boses. "Dito ka lang may bibilhin lang ako sa labas." Mabilis na tumayo si Dylan at lumapit sa kanya. "Sasama ako." Kumunot naman ang noo niya
Ang bata naman ay nangingilid ang luha habang nanghihingi ng sorry, "Pasensya na po kung nadumihan ang damit mo. Hihingi lang po sana ako ng pambili ng pagkain." Patuloy pa din sa pagluha ang bata. Napangisi naman ang babae. "Pera, para sa pagkain mo? Anong akala mo sa akin bangko para humingi ng pera sa akin." Namumula na ang braso ng bata dahil humigpit pa lalo ang pagkakahawak ng babae. Mabilis na lumapit si Adira sa kanila. "Anong ginagawa mo sa bata?" Tiningnan naman siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Puwede bang huwag kang maki-alam dito." Galit nitong saad. Napataas naman ang kilay niya sa ugali ng kaharap niya. "Bakit hindi mo muna bitawan ang braso ng bata? Nakikita mo naman na namumula na ang braso niya sa pagkakahawak mo." Nakakunot na ang noo niya. Binitawan nga ng babae ang braso ng bata, pero tinulak naman nito, kaya napa-upo ang bata at hinala ni Adira ay masakit 'yon. Nagsalubong na ang kilay niya sa ginawa ng babae. Tinabi niya muna ang plastik na hawak niya
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo