Ang bata naman ay nangingilid ang luha habang nanghihingi ng sorry, "Pasensya na po kung nadumihan ang damit mo. Hihingi lang po sana ako ng pambili ng pagkain." Patuloy pa din sa pagluha ang bata. Napangisi naman ang babae. "Pera, para sa pagkain mo? Anong akala mo sa akin bangko para humingi ng pera sa akin." Namumula na ang braso ng bata dahil humigpit pa lalo ang pagkakahawak ng babae. Mabilis na lumapit si Adira sa kanila. "Anong ginagawa mo sa bata?" Tiningnan naman siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Puwede bang huwag kang maki-alam dito." Galit nitong saad. Napataas naman ang kilay niya sa ugali ng kaharap niya. "Bakit hindi mo muna bitawan ang braso ng bata? Nakikita mo naman na namumula na ang braso niya sa pagkakahawak mo." Nakakunot na ang noo niya. Binitawan nga ng babae ang braso ng bata, pero tinulak naman nito, kaya napa-upo ang bata at hinala ni Adira ay masakit 'yon. Nagsalubong na ang kilay niya sa ginawa ng babae. Tinabi niya muna ang plastik na hawak niya
Samantala pagbalik ni Adira sa harap ng mall kung saan niya iniwan si Prince Dylan ay nagtaka siya sa itsura nito. Lumapit si Adira kay Prince Dylan habang nakakunot ang noo. "Bakit pawisan ka, mainit ba?" tanong niya. Pinunasan naman ni Dylan ang pawis nito sa noo gamit ang likod ng kamay. "Sabi mo kasi ay dito ako maghintay, kaya tingnan mo pawisan na ako. Bakit hindi mo naisip na sabihin na sa loob na lang ako ng gusali na 'to maghintay para malamig?" Tila sinisisi pa ni Prince Dylan si Adira. Tumaas naman ang kilay niya. "Bakit hindi ka pumasok? Makikita naman kita sa loob dahil malinaw naman ang pader ng mall, basta makita kita ay okay lang." Masama ang loob na tinalikuran ni Prince Dylan si Adira at nauna ng lumakad pabalik ng ospital. Habang si Adira ay napataas na lang ang dalawang kilay sa ginawa ng prinsipe. "Grabe!" Sinusundan niya ng tingin si Dylan habang nakakunot ang noo. "Konting pawis lang ay naiirita na siya, palibhasa sanay sa lamig dahil sa bansa niya." Napai
Tamad niya naman itong tiningnan. "Kaya isa o dalawang pagkain lang ang puwede mong kainin dito. Maliwanag ba?" Tumango na lang si Prince Dylan at nag-umpisa na silang maglakad at tumingin-tingin sa paligid. Huminto si Prince Dylan sa nagtitinda ng ice cream, kaya naman pati si Adira ay napahinto at mukhang alam na niya ang kasunod. Lumapit na siya sa tindero at bumili, pero habang naghihintay sila dahil ang daming nakapila ay napakunot ang noo ni Adira. "Kuya! Single ka ba?" tanong ng isang babae kay Prince Dylan. Nakangiti lang si Prince Dylan sa kanila. "Ang gwapo, sis." Habang ang isang babae ay tinutulak-tulak ang isang kasamahan dahil sa kilig. Napataas ang kilay niya. "Hindi ko alam kung high school o college na ang mga babae na 'to, pero kung makadikit kay Dylan akala mo hindi mga babae." Lumapit si Adira at huminto sa likod ni Prince Dylan. Sumilip siya sa mga babae. "Excuse me?" Napakunot naman ang noo ng isang babae na nagtanong kung single ba si Dylan. "Yes?" matar
Napakunot naman ang noo niya sa ginawang pagtitig ni Dylan sa kanya. "May problema ba?" Muling itong tumingin sa kanya at bahagyang lumapit. Unti-unti namang kumukunot ang noo niya habang palapit ito. "Anong ginagawa mo?" "Puwede bang—" "Puwede bang ano?" Medyo kinakabahan siya sa itsura nito. Pero nagulat siya ng kuhanin nito ang cup na marami pang laman na fries at lumayo na sa kanya. "Bakit mo kinuha 'yan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti ito na hindi na makita ang mata. "Sa akin na lang 'to, binibini. Masarap kasi, at saka ang tagal mong kainin, kaya baka busog ka na." "Mabagal lang akong kumain, pero hindi pa ako busog!" "Kumain ka na lang pagbalik natin ng ospital. Hindi ko na ito makakain pagbalik natin sa Stalwart Castle, wala naman ganitong hinahain sa hapag-kainan doon." Napailing na lang siya at hinayaan itong ubusin ang fries niya. Ilang saglit pa ay inaya niya na itong bumalik sa ospital. "Halika na bumalik na tayo, baka mas lalo tayong gabihin sa daan."
"Kung mayroon man akong pinuntahan na malayong lugar sa bansa namin ay hindi naman ako kaagad pinababalik ni ama sa palasyo. Minsan nga ay ilang araw ako sa taniman ng aming magsasaka at doon na nagpapalipas ng gabi, pero ngayon lang niya ako pinasundo?" "Baka mahalaga ang sasabihin sayo ng iyong ama. Ihahatid na lang kita sa airport." Tila hindi mapakali si Prince Dylan. "Paano ka? Hindi ka talaga sasama sa akin?" Nakakunot ang noo nito at may pag-aalala sa mukha ng prinsipe. "Ang paalam ko kay Heneral Agustin ay tatlong araw ako dito at nasama ka na din sa tatlong araw na 'yon, pero mukhang may biglaan na nangyayari sa palasyo kaya kailangan ka na doon." "Pero—" Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Prince Dylan dahil nagsalita muli si Adira. "Babalik pa naman ako mahal na prinsipe, mauuna ka lang sa akin ng isang araw, okay." Umiwas ng tingin si Prince Dylan at tumahimik na lang. Ilang oras ang nakalipas ng tumawag ulit si Simon at sinabing nakalapag na ang eroplano. "Halika
"Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni ina?" At tuluyan na siyang umalis sa harap ng pinto ng kwarto, pero bago pa man siya makarating sa kanyang kwarto ay napansin niya ang isang kwarto na may bantay na dalawang kawal na wala naman dati. Susubukan niya sanang pumasok sa loob ng kwarto, pero hinarang siya ng kawal. "Paumanhin mahal na prinsipe, pero hindi kayo maaaring pumasok sa loob," saad ng kawal. Napakunot naman ng noo niya. "At bakit hindi ako puwedeng pumasok?" "Utos ng mahal na reyna na walang ibang papasok kung hindi siya lang kahit ikaw pa mahal na prinsipe ay bawal pumasok sa loob." "Ano ang meron sa loob at kailangan pang bantayan?" "Hindi din namin alam. Pinapunta lang kami dito at pinagbantay. Walang nabanggit ang mahal na reyna kung bakit kailangan namin bantayan ang kwarto na ito." Tumitig lang si Prince Franco sa pinto ng kwarto bago umalis na naguguluhan. "May iba akong nararamdaman sa mga tao dito ngayon sa palasyo," sa isip niya at tuluyan na siyang pumasok sa kan
Lumipas ang oras at sumapit na ang gabi. Sakay na din ng sasakyan si Prince Dylan at naglalakbay na sila papunta sa Paradise Castle.Pagbaba ni Prince Dylan ng sasakyan ay dinig na dinig niya ang mga tao sa loob ng palasyo dahil sa tingin niya ay maraming dumalo sa isang malaking pagsasalo-salo. Lahat ng palasyo sa kanilang bansa ay sadyang malapit sa Paradise Castle, kaya ganon na lang ang dami ng bisita sa loob kahit hindi pa nakakapasok si Prince Dylan ng tuluyan.Halos lahat ng maharlika ay nasa loob at nagkakasiyahan umiinom ng wine habang nakatayo at hinihintay sina King Felip at Queen Alice. Nang tuluyan ng nakapasok si Prince Dylan ay pumunta siya sa puwesto kung saan medyo madilim at walang masyadong mga tao. Ayaw niyang makapukaw ng atensyon lalo pa't bisita lang din naman siya.Ilang saglit na paghihintay ay nagpakita na sila King Felip, Queen Alice at ang anak nilang si Prince Franco, pero gaya pa din ng dati hindi siya muling nagsuot ng kasuotan na pang prinsipe, kaya ang
Lumingon siya kay Prince Damon at tumingin dito na bahagyang ngumiti. "Sabi mo ay matigas ang puso mo sa ibang tao. Ako naman ay may malambot na puso para sa iba, kung kaya mong manakit, ako naman ay hindi ko kaya." Tumingin siya sa kalangitan. "Ako nga ang prinsipe na pinakamahina sa lahat, ngunit may dahilan naman ako kung bakit. Oo, kailangan kong matutong lumaban, pero kailangan ko ding paganahin ang puso ko para maintindihan muna kung bakit mayroong digmaan na magaganap at malaman ang dahilan para sa ganon mabigyan ko ng solusyon sa paraan na walang masasaktan. Kung hindi naman madaan sa ganong solusyon saka palang ako hahawak ng espada at haharap sa kalaban." Nakatitig lang si Prince Damon sa mukha ni Prince Dylan na nakatingin sa kalangitan. Bahagya itong napangiti bago nagbaba ng tingin. "Kung doon ka magiging panatag ay hindi na kita kokontrahin pa, ngunit huwag mong masyadong pairalin ang puso mo dahil minsan hindi mo nalalaman na ang kakampi pala ay iyo din palang kalaban."
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo