"Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni ina?" At tuluyan na siyang umalis sa harap ng pinto ng kwarto, pero bago pa man siya makarating sa kanyang kwarto ay napansin niya ang isang kwarto na may bantay na dalawang kawal na wala naman dati. Susubukan niya sanang pumasok sa loob ng kwarto, pero hinarang siya ng kawal. "Paumanhin mahal na prinsipe, pero hindi kayo maaaring pumasok sa loob," saad ng kawal. Napakunot naman ng noo niya. "At bakit hindi ako puwedeng pumasok?" "Utos ng mahal na reyna na walang ibang papasok kung hindi siya lang kahit ikaw pa mahal na prinsipe ay bawal pumasok sa loob." "Ano ang meron sa loob at kailangan pang bantayan?" "Hindi din namin alam. Pinapunta lang kami dito at pinagbantay. Walang nabanggit ang mahal na reyna kung bakit kailangan namin bantayan ang kwarto na ito." Tumitig lang si Prince Franco sa pinto ng kwarto bago umalis na naguguluhan. "May iba akong nararamdaman sa mga tao dito ngayon sa palasyo," sa isip niya at tuluyan na siyang pumasok sa kan
Lumipas ang oras at sumapit na ang gabi. Sakay na din ng sasakyan si Prince Dylan at naglalakbay na sila papunta sa Paradise Castle.Pagbaba ni Prince Dylan ng sasakyan ay dinig na dinig niya ang mga tao sa loob ng palasyo dahil sa tingin niya ay maraming dumalo sa isang malaking pagsasalo-salo. Lahat ng palasyo sa kanilang bansa ay sadyang malapit sa Paradise Castle, kaya ganon na lang ang dami ng bisita sa loob kahit hindi pa nakakapasok si Prince Dylan ng tuluyan.Halos lahat ng maharlika ay nasa loob at nagkakasiyahan umiinom ng wine habang nakatayo at hinihintay sina King Felip at Queen Alice. Nang tuluyan ng nakapasok si Prince Dylan ay pumunta siya sa puwesto kung saan medyo madilim at walang masyadong mga tao. Ayaw niyang makapukaw ng atensyon lalo pa't bisita lang din naman siya.Ilang saglit na paghihintay ay nagpakita na sila King Felip, Queen Alice at ang anak nilang si Prince Franco, pero gaya pa din ng dati hindi siya muling nagsuot ng kasuotan na pang prinsipe, kaya ang
Lumingon siya kay Prince Damon at tumingin dito na bahagyang ngumiti. "Sabi mo ay matigas ang puso mo sa ibang tao. Ako naman ay may malambot na puso para sa iba, kung kaya mong manakit, ako naman ay hindi ko kaya." Tumingin siya sa kalangitan. "Ako nga ang prinsipe na pinakamahina sa lahat, ngunit may dahilan naman ako kung bakit. Oo, kailangan kong matutong lumaban, pero kailangan ko ding paganahin ang puso ko para maintindihan muna kung bakit mayroong digmaan na magaganap at malaman ang dahilan para sa ganon mabigyan ko ng solusyon sa paraan na walang masasaktan. Kung hindi naman madaan sa ganong solusyon saka palang ako hahawak ng espada at haharap sa kalaban." Nakatitig lang si Prince Damon sa mukha ni Prince Dylan na nakatingin sa kalangitan. Bahagya itong napangiti bago nagbaba ng tingin. "Kung doon ka magiging panatag ay hindi na kita kokontrahin pa, ngunit huwag mong masyadong pairalin ang puso mo dahil minsan hindi mo nalalaman na ang kakampi pala ay iyo din palang kalaban."
Samantala si Carina ay nasa isang mall at mukhang namimili. May kasama itong isang katulong na buhat-buhat ang anak niya. Ilang saglit na pamamalagi sa loob ay lumabas na sila ng katulong at papunta na ng sasakyan na dala nila.Sa paglalakad patungo sa sasakyan ay doon na huminto ang itim na ban. Mabilis na nag-bukas ang pinto at mabilis na naipasok agad si Carina sa loob maging ang bata. Naiwan naman ang katulong nito sa parking lot."S-sino kayo anong kailangan niyo sa akin?!" Takot na takot na saad ni Carina habang nakatingin sa anak niya na hawak ng isang lalaki. "Akin na ang anak ko!" Sinubukan niyang kuhanin ngunit hindi siya nagtagumpay."Manahimik ka kung ayaw mong masaktan ang anak mo!"Lumuluha naman ang mata ni Carina habang nakatingin sa anak. Hindi naman ito umiiyak dahil tulog na ito ngayon. Nanatiling tahimik si Carina, pero minu-minuto niyang tinitingnan ang kanyang anak.Huminto ang itim na ban sa warehouse at pilit na ibinaba si Carina na hindi kasama ang kanyang anak
Habang hinihintay ni Adira si Sebastian sinubukan niyang kausapin si Carina, pero hindi siya umalis sa puwesto niya sa madilim na parte ng kwarto. "Sa tingin mo. Sino ang nag-utos para kuhanin ka at ang anak mo?" Diretso lang na nakatingin si Carina sa ibang direksyon. "Wala akong maisip kung sino ang walang puso na gagawin sa amin 'to ng anak ko." "Wala ka bang kaaway?" "Hindi ko ugaling makipag-away sa ibang tao kahit pa nasasaktan na nila ako." Napatigil saglit si Adira at tila nag-iisip ng susunod niyang tanong para kay Carina. "Ang asawa mo baka meron o kaya may iba siyang babae?" Nagkunwari siyang walang alam sa tanong niya. Bahagyang lumingon si Carina sa gawi niya. "Ano ang kinalaman ng ibang babae ng asawa ko sa nangyari sa amin ngayon? Ikaw ang mas makaka-alam kung sino dahil ikaw ang inutusan niya." Napatango-tango siya dahil tama naman ito. "Hindi ba kayo okay ng asawa mo?" Sinusubukan niyang makakuha ng sagot kay Carina dahil mukhang iba na ata ang gusto nitong man
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pekeng baril at kunwaring hinihila ang gatilyo na agad namang nabahala si Sebastian at biglang tumayo, pero hindi niya inaasahan na mabilis itong tumakbo papunta sa kanila ni Carina at pilit inaagaw ang hawak niyang baril. Lumayo si Carina habang parehas sila ni Sebastian na nag-aagawan sa pekeng baril. Malakas ito kaya halos mamula na ang mga palad niya sa higpit ng pagkakahawak sa baril, pero sa huli nakuha pa din nito ang baril at tinutok sa kanya."H-hanggang diyan ka na lang," sa hinihingal na boses ni Sebastian.Mahina siyang tutawa. "Ano bang balak mong gawin gamitin 'yang hawak mong baril?""Oo, kung lalapit ka ulit sa amin ni Carina."Humalukipkip siya at seryosong tiningnan ang mga mata ni Sebastian. "Pero bago mo gamitin 'yan. May gusto lang akong malaman.""Ano?!""Mahal mo ba ang asawa mo?"Natigilan si Sebastian at pasimpleng tumingin sa gawi ni Carina. "Anong klaseng tanong 'yan?""Ano ba ang gusto mong marinig mula sa akin, kung magk
"Pero, bakit?"Napatingin si King Stephen sa gilid ng higaan niya kung saan nakatayo si Heneral Agustin."Hindi na maaari pang lumapit sayo si Prince Dylan dahil nakilala na niya ang kanyang magiging prinsesa. Dito sa amin ay hindi magandang tingnan kung merong binibini ang nasa paligid ng isang prinsipe na may nakatadhana ng prinsesa."Lumikot ang mga mata niya. "Prinsesa?" litong-lito siya sa sinasabi ng hari."Ang prinsesa ng Paradise Castle, natagpuan na siya at nagkita na sila ni Prince Dylan kagabi, kaya naman babaguhin ko ang nakasulat sa kontrata nating dalawa. Maaari kang makabalik sa palasyo, pero hindi mo na maaaring kausapin o lapitan ang aking anak. Tungkol naman sa kwarto mo, puwede ka pa ding doon tumuloy, pero hangga't maaari ay huwag kang lilikha ng ingay na ipagtataka ni Prince Dylan. Nagkaka-intindihan ba tayo, Adira?"Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Masusunod, King Stephen.""Mabuti kung ganon mag-ingat ka sa iyong paglalakbay pabalik dito." Ibinaba na ni Kin
Ilang sandali pang paghihintay ay nakasakay na nang sasakyan si Adira at pabalik na siya ng palasyo. Halos madaling araw na, kaya ang kanilang dinadaanan ay tahimik na, ang mga tao doon ay siguradong mga tulog pa. Huminto ang sasakyan sa labas ng gate ng palasyo dahil kung sakaling pumasok sila sa loob ng tarangkahan ay paniguradong may makakarinig na tao sa loob lalo na si Prince Dylan. Ang lahat naman ng tauhan sa palasyo ay alam ang plano ni King Stephen sa gagawin ni Adira na hindi pagpapakita sa prinsipe. Bumaba si Adira bago tinulak nang mga kawal papasok ang sasakyan sa loob ng tarangkahan. Si Heneral Agustin ay naghihintay na pala sa pinto ng palasyo, kaya naman lumapit na agad si Adira. Mabagal ang hakbang niya papalapit kay Heneral Agustin. "Tulog na ba ang prinsipe?" "Oo. Hinintay lamang kita para maka-sigurado na hindi ka niya makikita habang papunta ka ng iyong kwarto." "Pumasok na tayo sa loob, kailangan ko na din matulog maging ikaw heneral." Tumango si Heneral A
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo