Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pekeng baril at kunwaring hinihila ang gatilyo na agad namang nabahala si Sebastian at biglang tumayo, pero hindi niya inaasahan na mabilis itong tumakbo papunta sa kanila ni Carina at pilit inaagaw ang hawak niyang baril. Lumayo si Carina habang parehas sila ni Sebastian na nag-aagawan sa pekeng baril. Malakas ito kaya halos mamula na ang mga palad niya sa higpit ng pagkakahawak sa baril, pero sa huli nakuha pa din nito ang baril at tinutok sa kanya."H-hanggang diyan ka na lang," sa hinihingal na boses ni Sebastian.Mahina siyang tutawa. "Ano bang balak mong gawin gamitin 'yang hawak mong baril?""Oo, kung lalapit ka ulit sa amin ni Carina."Humalukipkip siya at seryosong tiningnan ang mga mata ni Sebastian. "Pero bago mo gamitin 'yan. May gusto lang akong malaman.""Ano?!""Mahal mo ba ang asawa mo?"Natigilan si Sebastian at pasimpleng tumingin sa gawi ni Carina. "Anong klaseng tanong 'yan?""Ano ba ang gusto mong marinig mula sa akin, kung magk
"Pero, bakit?"Napatingin si King Stephen sa gilid ng higaan niya kung saan nakatayo si Heneral Agustin."Hindi na maaari pang lumapit sayo si Prince Dylan dahil nakilala na niya ang kanyang magiging prinsesa. Dito sa amin ay hindi magandang tingnan kung merong binibini ang nasa paligid ng isang prinsipe na may nakatadhana ng prinsesa."Lumikot ang mga mata niya. "Prinsesa?" litong-lito siya sa sinasabi ng hari."Ang prinsesa ng Paradise Castle, natagpuan na siya at nagkita na sila ni Prince Dylan kagabi, kaya naman babaguhin ko ang nakasulat sa kontrata nating dalawa. Maaari kang makabalik sa palasyo, pero hindi mo na maaaring kausapin o lapitan ang aking anak. Tungkol naman sa kwarto mo, puwede ka pa ding doon tumuloy, pero hangga't maaari ay huwag kang lilikha ng ingay na ipagtataka ni Prince Dylan. Nagkaka-intindihan ba tayo, Adira?"Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Masusunod, King Stephen.""Mabuti kung ganon mag-ingat ka sa iyong paglalakbay pabalik dito." Ibinaba na ni Kin
Ilang sandali pang paghihintay ay nakasakay na nang sasakyan si Adira at pabalik na siya ng palasyo. Halos madaling araw na, kaya ang kanilang dinadaanan ay tahimik na, ang mga tao doon ay siguradong mga tulog pa. Huminto ang sasakyan sa labas ng gate ng palasyo dahil kung sakaling pumasok sila sa loob ng tarangkahan ay paniguradong may makakarinig na tao sa loob lalo na si Prince Dylan. Ang lahat naman ng tauhan sa palasyo ay alam ang plano ni King Stephen sa gagawin ni Adira na hindi pagpapakita sa prinsipe. Bumaba si Adira bago tinulak nang mga kawal papasok ang sasakyan sa loob ng tarangkahan. Si Heneral Agustin ay naghihintay na pala sa pinto ng palasyo, kaya naman lumapit na agad si Adira. Mabagal ang hakbang niya papalapit kay Heneral Agustin. "Tulog na ba ang prinsipe?" "Oo. Hinintay lamang kita para maka-sigurado na hindi ka niya makikita habang papunta ka ng iyong kwarto." "Pumasok na tayo sa loob, kailangan ko na din matulog maging ikaw heneral." Tumango si Heneral A
Nakita niya na nagpapatuloy pa din itong mag-ensayo kahit wala siya, pero napansin niya na ang dating maaliwalas na mukha ng prinsipe ay naging madilim at parang baliktad na ang pinapakita nilang dalawa. Si Adira na natutong magpakita ng ibang ekspresyon sa mukha simula ng nakilala niya ang prinsipe at laging naiinis sa mga sinasabi nito. Si Dylan naman ngayon ang hindi makikitaan ng saya sa kanyang mukha. "Alam ko ang dahilan kung bakit ganyan na ang itsura mo ngayon, ngunit mas mainam na taglay mo ang ganyan na awra para hindi ka na pinagtatawanan pa ng iba dahil mahina ka. Isa sa weapon na kailangan ay magpanggap na malakas kahit na sa likod noon ay isang takot at mahinang prinsipe," bulong niya. "Darating naman talaga ang araw na aalis na ako ng tuluyan dito pag tapos na ang misyon ko para sayo. " Nakatitig lamang siya sa mukha ni Dylan ng huminto ito, pero nanlaki ang mata niya ng lumingon ito sa mismong beranda kung nasaan siya, kaya mabilis siyang umupo.Samantala si Prince Dy
Napapikit si King Stephen dahil ang totoo ay nalimutan na niya na nasa panganib pa ang buhay ng kanyang anak dahil siguro sa nararamdaman niyang sakit ngayon na medyo lumalala. "Mabuti at nasabi mo ang tungkol doon, heneral. Sa totoo lang ay nalimutan ko na ang tungkol doon, kung hindi mo pa nasabi ay baka umalis ang prinsipe na walang kasamang kawal lalo pa at kasama niya na ang prinsesa ngayon.""Walang anuman mahal na hari. Ako na ang bahala sa lahat habang nagpapagaling kayo dito." Yumuko si Heneral Agustin. "Lalabas na ako ng kwarto at pupuntahan ang prinsipe."Hindi na nagsalita pa si King Stephen at hindi na nakarinig pa ng sagot si Heneral Agustin, kaya tuluyan na siyang lumabas.Naglalakad na ngayon papunta ng hapag-kainan si Heneral Agustin, pero bago siya makapasok ay natigilan siya at tumayo sa isang tabi na hindi makikita ni Prince Dylan. Nakita niya itong nakatulala habang kumakain na parang walang buhay."Masaya na sana siya, pero panandalian lang pala," mahinang saad n
Pagkalabas nila sa kwarto ni Adira ay agad na silang pumunta sa labas ng palasyo kung saan wala pa si Prince Dylan. Humanay si Adira sa kawal na kasama sa paglalakbay nila patungo sa palasyo nila Queen Alice.Samantala naglalakad na palabas ng palasyo si Prince Dylan kasama si Heneral Agustin habang seryosong-seryoso ang mukha nito. Nang tuluyan na siyang nakalabas ay pinagbuksan kaagad siya ng pinto ng kotse ni Heneral Agustin habang si Adira ay pinagmamasdan lang ang prinsipe sa loob ng sasakyan. Tanging ang mata lang ni Adira ang gumalaw para makita lang si Prince Dylan.Tumayo sa harap nila si Heneral Agustin at pina-alalahanan kung ano ang dapat nilang gawin, bago pa man sumakay ng sari-sarili nilang kabayo ang mga kawal. Tinitigan muna ni Heneral Agustin si Adira sa mata at tumango. Pagkatapos ay sumakay na din siya ng kabayo.Ilang saglit pa ay umandar na ang sasakyan at sumunod ang mga kawal na nasa likuran. May kabilisan ang takbo ng sasakyan na kaya namang habulin ng takbo n
Samantalang si Adira ay napakunot na din ang noo sa prinsipeng palapit sa kanya ngayon. "Bakit kaya siya palapit sa puwesto namin?" saad niya sa isipan.Huminto si Dylan sa mismong harapan niya at aaminin niyang nakadama siya ng kaba dahil hindi niya inaasahan na may ganitong pangyayari. Sinunod niya ang payo ng heneral, hindi siya tumingin mismo sa mga mata nito at tumayo ng tuwid."Bago ka bang kawal ng palasyo?" tanong ni Dylan.Napalunok siya ng ilang beses at hindi nagsalita. Bahagyang kumunot ang noo Dylan. "Uulitin ko, bagong kawal ka ba ng palasyo ng Stalwart Castle?"Hindi pa din siya sumagot sa tanong ni Dylan dahil sa boses niya na tiyak niyang makikilala nito. Mabuti na lang at may nagsalita na isang kawal."Paumanhin mahal na prinsipe, hindi siya nakakapagsalita." Napakunot naman ang noo ni Adira sa sinabi ng kawal.Nagtaka naman si Dylan at tumingin sa kawal na nagsalita. "Ibig sabihin hindi niya din maaaring sagutin ang tanong ko?""Ganon na nga mahal na prinsipe, nguni
Samantala habang nag-uusap si Prince Dylan at Princess Francesca, ay hindi sinasadyang napatingin si Prince Dylan kung saan nakaupo si Prince Franco at Adira. Bahagya pang napakunot ang noo niya sa tagpong 'yon at nagtagal ang tingin niya sa dalawa. Naalis lamang ang pokus niya sa dalawa ng magsalita ang prinsesa."Prince Dylan, nakikinig ka ba? Kanina pa kita tinatanong, pero hindi mo naman ako sinasagot." May konting iritasyon sa boses ng prinsesa.Pumikit ng ilang beses si Prince Dylan at alanganin na ngumiti sa prinsesa. "Pasensya na Princess Francesca, may nakita lamang ako, kaya hindi ko nadinig ang iyong sinasabi."Kumunot naman ang noo ni Princess Francesca. "Ano naman 'yon?"Umiling lang si Prince Dylan at tinanong na lang ulit ang katanungan ng prinsesa. "Maaari bang ulitin mo ang tanong mo?""Kung mayroon kayong ginto sa palasyo niyo?"Nagtaka naman si Prince Dylan sa tanong ng prinsesa, pero sinagot din niya. "Kung ginto ang pag-uusapan ay mayroon, dahil 'yon ang gamit nam
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo