Samantala habang nag-uusap si Prince Dylan at Princess Francesca, ay hindi sinasadyang napatingin si Prince Dylan kung saan nakaupo si Prince Franco at Adira. Bahagya pang napakunot ang noo niya sa tagpong 'yon at nagtagal ang tingin niya sa dalawa. Naalis lamang ang pokus niya sa dalawa ng magsalita ang prinsesa."Prince Dylan, nakikinig ka ba? Kanina pa kita tinatanong, pero hindi mo naman ako sinasagot." May konting iritasyon sa boses ng prinsesa.Pumikit ng ilang beses si Prince Dylan at alanganin na ngumiti sa prinsesa. "Pasensya na Princess Francesca, may nakita lamang ako, kaya hindi ko nadinig ang iyong sinasabi."Kumunot naman ang noo ni Princess Francesca. "Ano naman 'yon?"Umiling lang si Prince Dylan at tinanong na lang ulit ang katanungan ng prinsesa. "Maaari bang ulitin mo ang tanong mo?""Kung mayroon kayong ginto sa palasyo niyo?"Nagtaka naman si Prince Dylan sa tanong ng prinsesa, pero sinagot din niya. "Kung ginto ang pag-uusapan ay mayroon, dahil 'yon ang gamit nam
Lumuhod si Prince Dylan at may kaba na makikita sa kanyang mukha. "Anong nangyari?""H-hindi ko alam kung bakit bumagsak na lang siya," sagot ni Prince Franco.Tumayo muli si Prince Dylan at tumingin sa mga kawal. "Buhatin niyo na siya at tayo ay babalik na ng palasyo!" "Masusunod mahal na prinsipe. " Maingat na binuhat ng dalawang kawal si Adira at sumunod kaagad si Prince Dylan kasama na si Princess Francesca.Susunod na din sana agad si Prince Franco ng nakita niya ang espada ni Adira sa lupa. Kukuhanin na sana niya ito, pero napatigil siya at kumunot ang noo sa nakita. "Bakit dalawa ang palaso na nandito?" nagtataka niyang saad dahil nasaksihan din niya kung paano bumulusok ang isang piraso ng palaso papunta sa puwesto nila Prince Dylan, pero bakit nakita niyang naging dalawa ito ngayon.Ang palaso na hinarang ng espada ni Adira ay magkatabi, pero ang isang palaso ay may limang hakbang ng paa ang layo. Wala namang kawal ang may dala ng palaso dahil mga espada ang gamit nila kanin
Napaisip ang heneral na baka sa sinasabi ni Prince Dylan tungkol sa pagliligtas nito sa kanila. Hindi din niya alam kung bakit sobrang takot naman ang naramdaman ni Adira gayong sobrang tapang nito at walang kinatatakutan na laban."At isa pa, tanggalin niyo muna ang manipis na bakal sa kanyang katawan para hindi na din ito makadagdag sa bigat ng dibdib niya. Mas lalo siyang mahihirapan na huminga. Ang payo ko ay magpahinga muna siya at huwag munang gumawa ng mga pisikal na gawain niya dahil baka mas lalong malala ang mangyari sa susunod." "Kung 'yon ang dapat na gawin ay masusunod.""Iiwanan ko na siya at pupuntahan ko pa ang hari." Tumango lang ang heneral at pinabantayan muna si Adira sa isang kawal.Samantala si Prince Dylan ay hindi sa silid niya tumuloy, sa silid ni Adira. Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay diretso higa sa kama at pinikit ang mga mata.Habang papunta si heneral sa kwarto ni Adira ay nagtaka siya kung bakit bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan si
Bago pa man tuluyan na magmulat ang mata ni Adira ay dumating na ang heneral at sa pagdilat niya muli ng mata ay si Heneral Agustin ang una niyang nakita."Binibini, kumusta okay ka na ba?"Bumangon siya at napahawak sa ulo. "A-ano ba ang nangyari?" "Hindi mo matandaan kung bakit ka nawalan ng malay?"Kumunot ang noo niya at inalala ang mga nangyari kanina. Napapikit siya ng maalala ang ginawa niya kanina. "Naalala ko na.""Kung ganon ano ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay?"Hinawi niya ang buhok niya at sinabi ang nangyari kanina. "Ang huli kong naalala ay nagtagumpay akong harangin ang palaso na papunta sa prinsipe kanina. "Bumuntong-hininga ang heneral. "Bakit nawalan ka ng malay kung ganon?"Kumabog ng mabilis ang puso niya sa tanong ng heneral, kaya naman nagbigay na lang siya ng maling impormasyon kung bakit siya nawalan ng malay. "Siguro ay dahil sa sobrang kaba na baka hindi ko maharang agad ang palaso." Peke na ngumiti pa siya sa heneral."Ganon ba, pero hindi nga b
Bumuntong-hininga si King Cyrus. "Dahil nakarating din sa kanila na hindi mo kayang pamahalaan ang inyong palasyo, sapagkat hindi mo kayang lumaban.""Nagsanay ako para sa sinasabi mong hindi ako marunong lumaban. Natuto akong humawak ng espada at mga ibang armas kung sakali na kailangan ng bumaba sa trono ng aking ama."Sumagot ang isang hari katabi ni King Cyrus. "Hindi sapat ang mga iyon prinsipe, kaya hindi ikaw ang papalit sa iyong ama bilang hari ng inyong palasyo."Napahampas naman sa lamesa si Prince Dylan habang may galit sa kanyang mga mata. "At sino ang dapat na umupo bilang hari ng palasyo namin, kayo na may sariling mga palasyo, sabihin niyo!" Nag-iigting ang mga panga niya. Makikita na din sa mga mata nito ang bahagyang pamumula ng mga ugat dahil sa galit."Wala kang magagwa dahil mas mataas kami sa iyo. Hari kami at isang prinsipe ka pa lamang. Nakakalimutan mo na din ata na pag ganitong sitwasyon ay makiki-alam na ang ibang palasyo lalo na kung walang mas mahusay na pa
Humakbang ang mga paa niya palapit sa gawing ulunan ng hari. Napansin niya din na may mga tasa na pang tsaa ang nakalagay sa isang maliit na table malapit sa higaan."Hindi na ba kinukuha ito ng mga katulong dito? Halos limang tasa ang nandito, huwag nilang sabihin na pagkatapos hugasan ay dito dadalhin ang tasa, nakakapagtaka naman ata?"Napalingon siya ng biglang bumukas ang pinto, kaya naman mabilis siyang nagtago sa ilalim ng higaan ng hari. Base sa nakita niya sa sapin sa paa ng pumasok ay pang babae ito. Huminto ito sa tabi ng lamesa at dinig na dinig niya ang pagtama ng mga tasa, ibig sabihin ay inaayos ito o kukuhanin na, pero sa direksyon ng paa nito ngayon ay lalapit ito sa higaan ng hari.Nakiramdam siyang mabuti, pero napakunot ang noo niya ng magsalita ito. "Patawad mahal na hari."Naguluhan siya sa sinabi ng babae at sa boses nito na kilalang-kilala niya kung kanino iyon. Sa isang katulong na laging nakatitig sa kanya at hindi niya mawari kung ano ang pinapahiwatig. Muli
Tumango si Prince Dylan. "Oo." "Bakit pumayag ka na ganon ang mangyari? Hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo tungkol sa sinasabi nila sayo." "Wala na kong magagawa kung meron silang kasunduan, at isa pa sinabi na din ng iyong ama na hayaan ko na lang muna dahil pansamantala lang naman iyon." "K-kasama si ama na pumunta dito?""Oo."Tumahimik na lang si Prince Damon, at habang wala ng nagsalita sa kanilang dalawa, si Adira naman ay nakamasid lang kay Prince Damon mismo."Anong meron at may konting bahid ng pag-aalala ang mukha ni Prince Damon kanina ng pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagpunta ng mga hari dito?" Naningkit ang mata niya. "Dapat masaya siya sa nangyayari kay Dylan ngayon dahil isa din naman siya sa taong pinamumukha kay Dylan na mahina siya."Aayusin sana niya ang armor suit niya, pero naalala niya na may hawak nga pala siyang tasa na muntik ng malaglag. Napapikit siya dahil muntik niya na din mahawakan ang bunganga ng tasa na may kakaiba na parang langis. Ti
"Talaga? Kaya pala nakakapanibago ang paligid lalo na ni Prince Dylan dahil wala na pala ang binibini dito." Ngumiti lang ng bahagya ang heneral. "Lumabas na tayo." Naunang lumabas si Heneral Agustin at susunod na sana si Prince Damon ng lumingon siya kay Adira at tumitig sa mata nito. Bahagyang nanlaki ang mata ni Adira dahil hindi niya inaasahan na lilingon pa ito sa gawi niya, at sa mismong mata pa niya nakatitig ang mata nito. Inalis na ng prinsipe ang pagkakatitig sa mata ko niya, pero pinadaanan naman siya nito ng tingin mula paa hanggang ulo at muling tumitig na naman sa kanya. Pumaling ang ulo nito sa kaliwa, pagkatapos ay agad na ding lumabas ng kwarto. Napabuga ng hangin si Adira dahil pakiramdam niya ay alam nito kung sino ang nasa harap nito o masyado lang siyang kinabahan na baka mahuli agad siya, lalo pa kung si Prince Damon na isa sa pinaghihinalaan niya. Lumabas na din siya ng kwarto at sinarado ang pinto. Hindi na siya sumunod sa kanila dahil may pagkakataon na siy