Habang si Prince Dylan naman ay may sinusupil na ngiti at bago pa man makita iyon ni Adira ay naging seryoso siya muli ng biglang tumingin sa kanya si Adira. "Kailangan ko na bang sumabay sa inyo na kumain ngayong tanghalian?" "Oo." "Puwede ka ng mauna doon, susunod na lang ako." "Sumunod ka na agad." Tiningnan niya ito ng masama. Pero tumalikod na ito at mabilis na umalis. "Mainam pa ata na wala siyang halong dugo na hindi isang maharlika dahil mas lalong umiigsi ang pasensya ko." Sinarado niya ang pinto ng kwarto at tumungo na din sa hapag-kainan. Pagpasok niya pa lang ay napansin niya kaagad na wala si King Stephen. "Nasaan ang hari?" tanong niya kaagad kay Dylan. "Nasa kanyang kwarto. Nagpadala na lang ng pagkain sa katulong." "Bakit daw?" "Masama ang pakiramdam dahil hindi sapat ang naging tulog niya." Sa isip niya, "Agad-agad naman na kami lang ang magkasamang kakain ngayon." Hindi niya alam kung saan siya uupo kaya nagtanong na siya kay Dylan. "Saan ako puwedeng
Napailing siya at maliit na ngumiti. "Walang basehan ang lahat mahal na prinsipe. Kaya kang dayain ng tingin lang. Minsan nga katabi mo na pala ang kalaban hindi mo pa alam dahil sa galing nilang manlinlang. Pandama ang kailangan mo sa lahat, tumitig ka man sa mata ng kalaban, pero dapat ay alerto ang katawan mo pag may binalak na siyang gawin kahit nakapikit ka pa." Napangiwi naman si Dylan na pinagtaka niya. "Ang hirap naman ng ganon. Mahirap na nga ang nakadilat ang mga mata. Paano pa kaya ang nakapikit? Hindi ko alam kung may makagagawa no'n." Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Subukan natin kung may makagagawa nga ba talaga ng gano'n." "Paano?" "Ako ang gagawa habang nakapikit o kaya lagyan ng tela ang aking mata ng maka-siguro ka na hindi ako mandadaya." Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Dylan. "Nahihibang ka na ba," may diin ang salita nito at alam niyang iniisip nito na kung nababaliw na ba siya. "Hindi, kaya pumunit ka na ng tela sa laylayan ng damit mo o kaya
Samantala ang kanina pang nanonood na si Heneral Agustin ay seryosong nakatingin kay Adira ngayon. "Ang galing niya kahit nakapiring ang mga mata, ngunit nakakapagtaka din dahil sa galing niyang gumamit ng pandama at kung paano niya harangin ang bawat tira ni Prince Dylan. " Nakita din nito ang ginawa ng prinsipe. "Mukhang may nabihag din ang binibini. Hindi ko na lang sasabihin ang pangalan, pero isa siyang prinsipe," saad ni Heneral Agustin sa sarili at lumakad na paalis. Habang inaayos ni Adira ang buhok niya ay nagsalita si Prince Dylan. "Ang pangako mo kailangan mong tuparin." "Pangako?" Nanlaki naman ang mata ni Dylan na tumingin sa kanya. "S-sinabi mo kanina na puwede akong humiling basta sundin kita!" "Hindi mo naman ako nasugatan." "Anong...basta ang usapan ay usapan wala ng bawian." Napabuntong-hininga na lang siya. "Ano naman ang kahilingan mo?" May sinusupil na ngiti naman si Dylan. "Bukas hindi ganyan na klase na damit ang suot mo." Nagtaka naman siya at napa
Dahan-dahan na humarap ang lalaki sa kanya. Nakatitig lamang ito sa mga mata niya at tila nagtataka dahil sa pagkunot ng noo nito. "Inuulit ko sino ka?" madiin niyang pagkakasabi. Pero hindi pa rin ito nagsasalita at nakatitig lang sa kanya. Base sa suot nito ay pang ordinaryo lang katulad ng mga sinusuot ng katulong o alipin dito sa palasyo. "Wala ka bang balak na magsalita. Bakit napadpad ka dito lalo na sa lagayan ng armas ng palasyo na 'to?"Umiwas na ito ng tingin sa kanya at humarap sa kabilang direksyon. "Paumanhin, pero ako ay lubos na kinain ng kuryosidad kaya napadpad ako rito." "Paano ka nakapasok?"Muli itong tumingin sa kanya. "Hindi ba't may tarangkahan ang palasyo na 'to. Iyon lang ang ginamit ko para makapasok." Tila nagtaka pa ito sa tanong niya.Napapikit siya, pero hindi niya hinayaan na lumabas ang pagka-inis niya sa sagot nito. "Ang ibig kong sabihin ay paano ka nakapasok dito gayong mahigpit ang pagbabantay ng mga kawal sa labas?" "Ang kawal ay hinayaan lang na
Nakatitig lang si Prince Franco kay Adira na nakatingin lang sa lupa. "Anong dapat gawin kung hindi mo na makita ang hinahanap mo?" tanong ng prinsipe. Tumingala siya sa langit at pumikit. "May tamang oras, araw, o panahon, pero hindi ibig sabihin ay makikita ko na agad ulit ang hinahanap ko. Maaaring makita ko o puwede ding hindi ko na matagpuan pa, sa sobra ng tagal ng araw na lumilipas." "Hindi ka ba susuko sa paghahanap gayong sira naman na ang hinahanap mo?" Maliit siyang ngumiti. "Mahalaga ang bagay na 'yon. Hindi ko man makita ngayon baka pag lumipas ang araw ay bigla ko na lang makita ng hindi ko inaasahan." Saka siya tumingin sa prinsipe. Napa-iwas ng tingin si Prince Franco na pinagtaka niya, pero ilang sandali pa ay tumingin ito sa kanya at dahan-dahan na lumapit. Nilahad nito ang kamay na ang ibig sabihin ay kunin niya para siya ay tumayo na. Nakatingin lang siya sandali sa kamay nito, pero inabot din niya. Ang pag-abot ng kamay ni Adira sa kamay ni Prince Franco ay
Napatigil siya sa paglalakad. "Teka!" Lumingon siya kung saan sila nagsalubong nila King Stephen. "Ibig sabihin nakaharap ko ang "The King of Sword" na sinasabi ng heneral?" Napapikit siya at muling naglakad. "Sa sobrang bigla ko sa nakilala ko ay hindi ko na naalala ang kwento sa akin ni Heneral Agustin. " Napailing siya at tuluyan ng nakapasok ng kusina. Samantala sa labas ay na sa tabi na ng sasakyan sila Queen Alice at handa ng umalis. Nakatayo lang silang lahat at nakatingin sa mag-ama na si King Stephen at Prince Dylan. "Kami ay aalis na, King Stephen," paalam ni King Felip. "Nawa'y maging maganda ang inyong paglalakbay," nakangiting sambit ni King Stephen. Pumasok na sa loob ng sasakyan sina King Felip at Queen Alice. Naiwan naman si Prince Franco na nakatayo pa din at nakaharap sa mag-ama. "Nagagalak ako King Stephen na nasa mabuti kayong kalagayan ngayong nagkita na tayong muli. Sa muli nating pagkikita, King Stephen." Lumipat ang tingin nito kay Prince Dylan. "At sayo di
Ilang saglit pa ay nasa lugar na sila ng pagdarausan ng kompetisyon. Naramdaman ni Adira na bumabagal na ang pagtakbo ng kabayo, kaya naman unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at nakita niya ang mga tao na hindi naman masyadong malayo sa kanila. "Narito na tayo." Napansin na ni Adira ang puwesto niya na nakayakap sa braso ni Prince Dylan at ang kamay nito na nakayakap sa bewang niya. Agad nama niyang inalis ang pagkakayakap niya. "Baka gusto mong alisin ang kamay mo sa bewang ko." Dahan-dahan namang inalis ni Dylan ang kamay nito. "Ang init pa din ng ulo mo. Hindi ka ba magpapasalamat na inalalayan kita para hindi ka mahulog habang tumatakbo ng mabilis ang kabayo?" "Hindi mo kaagad kasi ako sinabihan na tatakbo na pala ng mabilis ang kabayo pag hinampas ng hawak mo. Tapos ngayon ay gusto mo akong magpasalamat dahil sa nagawa mo akong alalayan sa mabilis na pagtakbo ng kabayo. Sana ay sinabi mo ang balak mo para nakapag-handa ako." Tila wala namang paki-alam si Dylan sa
Hindi siya sumagot. Nagsalita si Prince Franco. "Prince Damon, muli tayo ulit nagkita. Ilang taon na rin ang huli." "Prince Franco ikaw pala 'yan. Sa tagal ng panahon ay nakalimutan ko na ang iyong mukha ng huli kitang makita." Maliit naman na ngumiti si Prince Franco. "Hindi din kita masisisi dahil hindi din ako dumadalo sa lahat ng okasyon ng bawat palasyo." Tumango lang si Prince Damon at bumaling ng tingin kay Prince Dylan na kanina pa tahimik. "Magandang umaga sayo, Prince Dylan." "Magandang umaga," sagot lang ni Prince Dylan. Lumakad palapit si Prince Damon kay Prince Dylan. Napaatras si Adira kaya mas lalo siyang nadikit kay Prince Franco. "Siguro naman ay may alam ka na ngayon," saad ni Prince Damon habang nakatitig sa mata ni Prince Dylan. "Meron na siyang alam." Si Adira ang sumagot para sa prinsipe ng Stalwart Castle. Napakunot naman ang ni Prince Damon. "Binibini, hindi ikaw ang kausap ko. Bakit ikaw ang sumasagot para kay Prince Dylan?" "Gusto lang, bakit?" Nakit
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo