Isla Malinao, Catanduanes Naglalakad-lakad ako dito sa dalampasigan para manguha ng mga shell hindi kalayuan sa bahay namin ng may makita ako na parang may bagay na nasa aplaya kaya tinungo ko ito kaagad, nagulat ako ng makita ko na hindi bagay kundi tao na walang buhay ang nakita ko kaya nahintakutan ako na napaatras. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil ngayon lang ito nangyari, kusa kong inilibot ang paningin ko sa paligid baka may mga tao na nandito pero wala naman. Si nanay ay nasa bahay at nagluluto ng tanghalian namin at gusto kong tumakbo palayo dahil natakot ako pero nanaig ang kuryosidad ko at lumapit sa taong nakadapa. Lumapit ako dito at napalunok ako ng makita ko na isang lalake pala ito na wala ng buhay naalala ko ang tinuro sa akin ni nanay kung paano malalaman kung buhay ba ang isang tao o hindi na katulad ng ginawa niya kay lola ng makita na lang namin na wala na itong buhay. Inilapit ko ang kamay ko sa bandang leeg ng lalake at kinapa ang pulso nito pero
Last Updated : 2022-07-28 Read more