Share

Inima Luna
Inima Luna
Author: Seirinsky

Prologue

Nagising ako na mag-isa na lang sa kama nakita ko na nakabukas na ang mga bintana ng kwarto namin ni Heart.

Bumangon ako at tiningnan ko ang orasan seven-thirty pa lang ng umaga pero maagang gumising ang asawa ko.

Linggo ngayon at naalala ko nga pala na nandito na ang mga anak namin kaya napangiti ako.

Tatlong linggo rin silang magkakapatid na nasa Italy sa lolo at lola nila dahil bakasyon at para na rin magkaroon kami ng quality time ng asawa ko at wala kaming sinayang na sandali ng asawa ko.

Napailing ako sa mga naiisip ko at napatawa kung makikita ako ni Heart ay tiyak na mamumula na naman ang mga pisngi niya.

Naligo na ako at ng matapos ako ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina nasa bungad pa lang ako ay naririnig ko na ang maingay at nagtatawanan na mga bata kaya napangiti ako at sinilip sila.

Ang panganay namin ay katulong ng kanyang ina sa paghahanda ng agahan, ang kambal at ang bunso naman namin ay nasa lamesa at nagtatawanan sa pinag-uusapan nila.

Apat na pala ang anak namin ang panganay namin ay nag-iisang babae at tatlong makukulit na lalake ang sumunod.

"Daddy good morning." Nakita ako ng panganay ko kaya napangiti ako at tuluyan ng pumasok sa hapag-kainan.

"Good morning princess, my queen." Bati ko sa panganay ko at hinalikan siya sa noo at sa asawa ko na namumula na naman ang mga pisngi hinalikan ko siya at napaungol ang mga bata dahil sa ginawa ko.

"Daddy no PDA please." Reklamo ng isa sa kambal kaya natawa na lang ako.

Habang nag-aagahan kami ay nakatingin lang ako sa masaya naming pamilya hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para bigyan ako ng diyos ng ganito kasayang pamilya.

Kahit maraming pinagdaanan ang pamilyang ito na minsan lang namin na pinangarap ni Heart ay ito at natupad rin at dobleng biyaya pa ang binigay niya sa amin.

"Wala na akong mahihiling pa Raphael ito na natupad na natin ang mga pangarap natin." Napatingin ako sa asawa ko na buong pagmamahal na pinagmamasdan ang mga anak namin.

"Wala na ang tanging gagawin na lang natin ay habang mga bata pa sila ay palakihin natin silang mabubuting tao at suportahan sa lahat ng oras." Sabi ko sa kanya hinalikan ko ng mariin ang kamay niya at nakisali sa usapan ng mga anak namin.

Pero may sasabihin kami na dadagdag sa kasiyahan namin.

My wife is pregnant again and this is again the happiest day of our life.

"Mga anak may sasabihin pala kami ng daddy niyo." Napatingin sa amin ang mga anak namin kaya napatango sila.

Nang sabihin namin na magkakaroon ulit sila ng kapatid ay walang katapusan na kaligyahan ang nakita namin sa mga mata nila at pareho kaming napaiyak ni Heart dahil sa napakasarap na pakiramdam na ito.

Pero paano nga pala kami nagsimula?

Paano kaming napunta sa ganitong sitwasyon halos ikamatay ko ang araw na akala ko hindi ko na ulit pa na makakasama ng babaeng pinakamamahal ko.

At magsisimula ang kwento namin sa isang pambihirang pagkakataon at ang pagtatagpo ng landas namin ni Heart...

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan ko nandito ako ngayon sa harap ng condo ng fiance ko dalawang linggo na lang at ikakasal na kami sobrang saya ko na sa wakas ay mapapasa akin na siya at makakasama ko na s'yang bumuo ng pangarap kong pamilya.

Napangiti ako dahil alam kong hindi niya alam na bumalik ako dito sa Manila ng mas maaga taliwas sa sinabi ko sa kanya.

Gusto ko lang siyang i-surprise pero bago ako nagpunta dito ay bumili muna ako sa flower shop kanina ng white-roses symbolise of purity, my Lira, is still virgin sa loob ng dalawang taon naming magkasintahan ay ni minsan hindi ko pa siya nagagalaw dahil gusto ko na malinis siyang iharap sa tahanan ng diyos gaya ng tradisyon ng aming angkan mula pa sa aming mga ninuno sa bayan ng Albay.

Tanging halik lamang ang aming pinagsasaluhan at kuntento na ako roon.

Lira is sweet, kind and beautiful woman nakilala ko siya noon sa isang event, i suddenly feel the attraction to her that time hanggang sa ako ang gumawa ng paraan para makilala ko pa siya ng lubusan at doon ay unti-unti akong nakapasok sa buhay niya linigawan ko siya ng tatlong buwan kahit yon ang kauna-unahan kong panliligaw sa isang babae salamat sa lolo ko na nagturo sa akin ng tamang panliligaw sa isang babae, nang sagutin niya ako ay wala akong kasingsaya dahil mahal na mahal ko siya and after two years na magkasintahan ay four months ago ay inaya ko na siyang magpakasal na sinagot niya ng 'Yes' kaya sobrang saya ko.

Kahit na ganito ang itsura ko ay minahal pa rin niya ako at alam ko na siya na talaga ang babaeng para sa akin.

Lumapit ako sa harap ng receptionist at ngumiti sa babae pero para siyang nakakita ng multo dahil nanlalaki ang mata niya at parang takot na ipinagtaka ko kaya nakaramdam ako ng konting kaba pero huminga lang ako ng malalim.

"Miss pupunta ako sa unit ng Ma'm Lira mo, may problema ba?" Kilala ko ang mga staff dito gayon rin sila sa akin dahil ang condominium na ito ay isa lamang sa mga pagmamay-ari ng pamilya ko.

"Sir! hindi po namin alam na makakabalik kayo ng maaga." Kinakabahan n'yang turan kinutuban ako na may parang gusto siyang sabihin kaya seryoso ko siyang tiningnan.

"Nandyaan ba si Lira?" Tanong ko kaya agad siyang tumango ng mabilis.

"Sorry po Sir, kung ano man ang makita at malaman niyo natakot lang kami magsumbong sa inyo." Nakayuko niyang turan at halatang takot na takot hindi ko ito pinansin kaya nagmadali akong pumasok ng elevator at nanginginig ang kamay ko na pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Lira, hindi ko alam pero ayaw kong mag-asume pero baka kung ano lang ang sinabi ng receptionist kanina.

Nang lumabas ako sa elevator ay nagmadali akong pumunta sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang unit ni Lira, sa nanginginig kong mga kamay ay isin-wipe ko ang card na dala ko at bumukas ito pero sa bungad pa lang ay nakarinig na ako ng sigawan kaya napahakbang ako papunta sa kusina kung saan rinig ko ang away ng dalawang taong hindi ko akalain na magagawa akong traydurin.

"Ang sabi mo hihiwalayan mo siya Lira! tapos ngayon magpapakasal ka sa kanya at ngayon ko lang nalaman ha!" Galit ang boses na may paghampas pa sa bar counter ng lalaki.

"Wag mo na akong awayin honey pwede ba gagawin ko lang iyon dahil mapera siya at magagamit ko ang kayamanan niya para sa atin maniwala ka hindi ko kailanman minahal ang nerd na iyon at saka ang pangit niya hindi ko iyon magugustuhan nagtatyaga lang ako dahil sa mga luho ko na hindi mo maibigay!" Napakuyom ako ng kamao ko ng marinig ko mismo iyon kaya Lira.

"Siguraduhin mo lang iyan kundi mawawala ako sayo pati ang anak natin hindi mo na makikita!" Sigaw ng lalaki.

Nanlaki ang ulo ko at pati ang puso ko ay parang piniga sa sobrang sakit nagawa kong hubarin ang salamin ko at hinilot ang sentido ko napapikit ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, ang babaeng minahal ko ng sobra at ang itinuring kong kapatid at matalik kong kaibigan ay matagal na akong tinatraydor nabitawan ko ang bouque ng bulaklak at kasama ng susi ng kotse ko dahilan para magkaroon ng ingay kaya nagmadali silang pumunta sa kinaroroonan ko.

"Oh my god love!" Kunwaring gulat ng babae kasunod ang lalaking gulat na gulat rin.

"Lumayas kayo bago pa mandilim ang paningin ko at mapatay ko kayong dalawa!" Nanginginig ang boses kong sabi. "Maniwala kayo kaya kong gawin yan ngayon mismo!" Mahinahon ko ulit na turan sa kanila nagtitimpi akong napatingala ayaw ko ng magsalita dahil baka hindi ako makapagpigil.

"Love makinig ka muna sa akin magpapaliwanag ako." Nagawa pa niyang magdrama habang umiiyak kaya tumingin ako ng buong pait sa kanya ang babaeng minahal ko ng buong puso ay nagawa akong paglaruan at saktan.

Bakit nga ba hindi ako nakinig sa mga sinasabi ng iba, tama nga sila wag magpapabiktima sa babaeng may maamong mukha dahil nasa loob ang kulo ng mga ito kaya pala ayaw sa kanya ni mama at lola dahil nakita nila ang baho ng ugali ng babaeng ito.

"Alis! Bago ko pa kayo mapatay!" Hiyaw ko nagmadali silang lumabas ng unit tumungo ako sa intercom at tumawag ng guard at sinabing palabasin ang dalawang iyon walang gamit na dadalhin ang kotse ay hindi nila pwedeng dalhin dahil lahat ng pag-aari ng babaeng iyon ay sa akin nanggaling.

Napaupo ako at sapo ang ulo ko habang humagulhol at saka napahiyaw sa sakit ng kalooban, nerd pala at pangit uh!.

Oo dahil sa makapal kong salamin at sa baduy kong pananamit para itago ko ang totoong itsura at sarili ko para makakita ng babaeng walang pakialam sa itsura basta mahal niya ito ng lubos at may malinis at busilak na puso isang bagay na naging pagkakamali ko kay Lira dahil akala ko siya na ang babaeng iyon pero napakalaking pagkakamali ang nagawa ko.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok sa pinto hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom napakamiserable ko ngayon matapos kong malaman ang panggagago sa akin ng dati kong fiance at ng lalaking itinuring kong kaibigan kaya ito hindi ko pa rin matangap ang ginawa nila hindi ko pa rin matangap at sana panaginip lang ang lahat.

Noong nakaraang linggo ay pumunta pa talaga dito sa aming bahay ang babaeng iyon pero bago yon ay nasabi kona kina mama at lola ang nalaman ko nagalit sila at tama sila na sabay nagsalita. 'I told you so' pero inunawa nila ako at sinabihan na hindi para sa akin ang katulad niyang babae buti nalang daw ay hindi pa kami ikinasal ng malaman ko.

Nang magpunta ang babaeng iyon dito ay hinarap ko siya wala na ang piluka kong buhok at makapal na salamin at ang brace ko wala na ang pangit na lalaking linoko niya kundi ang lalaking gwapo at may pangmodelong tindig halata ang gulat niya, pero nandoon ang bakas ng panghihinayang na ikina-singasing ko, sina mama at lola ay pinatikim siya ng kambal na sampal hinayaan ko sila at muling bumalik sa kwarto ko wala na akong narinig mula roon.

"Anak tumigil ka na diyan sa kakamukmok at kakainom, seriously hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin dahil sa walang kwentang babaeng iyon!" Lumapit sa akin si mama at inagaw ang alak sa kamay ko at ipinatong sa mesita sa sulok at saka binuksan ang kurtina sa bintana ng kwarto ko.

"What do you want Mom. Hindi dahil doon kaya ako naglalasing ang ego ko ang nasaktan bilang isang lalaki." Puno ng suklam kong turan lumapit muli sa akin si mama at saka ako hinawakan sa pisngi ko at hinaplos ito.

"Anak tama na move on na hindi siya ang babae para sayo at nagpapasalamat ako dahil nalaman mo agad iyon may tamang babae na nakatadhana para sayo so get up maligo ka at maglibang maglayag ka sa karagatan anak para makalimutan mo ang mga nangyari nasa Davao ang kuya mo nagpapasundo iyon gamitin mo daw ang yate papunta doon." Nakinig lang ako kay mama at tumango pupunta ako ng davao tama sa karagatan ako maglalayag para makapagmove on.

At ipinangako ko sa sarili ko na hindi na muling magtitiwala sa mga babae.

Pero ang pangakong ito ay kinain ko rin dahil sa isang anghel na nakilala ko ang babaeng magpapabago ng buhay ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status