Hindi mapuknit ang ngiti ko habang nakatingin kay Raphael habang ibinababa ang mga pasalubong niya mula sa bangka.Kasama niya ang dalawang lalake na ipinakilala niya sa amin kanina ni nanay si Kuya Adrian at si Kuya Miko na mga pinsan pala niya.Kanina pa rin sila nagbubulungan na hindi ko alam kung para saan namula ako ng maalala ko ang ginawa ko kanina kaya nahihiya ako sa kanila hanggang ngayon.At isa pa mga ibang lenggwahe ang mga pinaguusapan nila, english yata ang tawag dito dahil halos hindi ko maintindihan ang sinasabi nila."Napakarami naman ng mga ito hijo pang limang buwan na yata iyan." Sabi ni nanay na hindi makapaniwala sa mga nakikita namin na mga pagkain."Kulang pa po iyan bumili ako ng maraming tubig na inumin nasa yate pa yong iba para hindi kayo kumukuha sa talon ng inumin na tubig." Sabi ni Raphael na binubuhat na ang galon ng tubig."Pasensya na kayo dito sa pinsan namin at nagpa grocery ng ganito karami." Natatawa na turan ni Kuya Adrian kaya napangiti ako sak
Hindi ako makapaniwala na makakabalik ang alaala ko ng maaga at ang una kong naisip ay tumawag sa pinsan ko dahil ito lang ang tanging tao na mapagkakatiwalaan ko.Nagpaalam ako kay Heart at sa nanay niya para pumunta ng bayan nakita ko kung gaano kalungkot si Heart pero nangako ako na babalik ako.Sakay ang bangka ni Nana Nely ay pumunta ako ng pinaka bayan at dito naghanap ako ng telepono buti na lang ay natatandaan ko pa ang personal na numero ni Adrian kaya agad ko itong dinial.Nakailang ring lang ay taranta ang boses sa kabilang linya na sumagot at nabosesan niya agad ako at halos hindi ito makapaniwala na buhay ako matapos ang ilang buwan kong pagkawala.Sinabi ko sa kanya kung na saan ako eksaktong lugar at agad itong pupunta sa akin at kasama niya ang isa pa naming kaibigan at isang abogado din katulad ng pinsan ko.Hindi makapaniwala ang dalawa na makita ako alam ko na ginamit ni Miko ang pribado niyang eroplano para makarating agad dito at ito pa ang nag-drive nito."Marami
Nakatingin lang ako dito sa nakaharang na salamin sa loob kung na saan si nanay na hindi pa gumigising.Sabi ni Raphael ay kailangan ilagay si nanay sa loob nito para maobserbahan ng mga doktor kaya kahit hindi ko maintindihan yong iba na sinabi niya ay tumango na lang ako.Ang mahalaga ay ligtas si nanay at may tiwala ako sa mga doktor na tumitingin sa kanya kaya magkakasya na lang ako dito na panoorin siya."Heart halika na." Napatingin ako kay Raphael kaya napatango ako."Uuwi na po tayo?" Tanong ko sa kanya kaya tumango lang siya at inakay ako papasok ng elevator natandaan ko ang pangalan bg kwartong ito na tinuro sa akin ni Raphael."Oo kailangan natin na bumalik sa isla." Sagot niya kaya tumango lang ako. Naalala ko si Alyssa ayaw nito na magkahiwalay kami noong namili kami pero kailangan na niyang unuwi kaya nalungkot ako."Si Alyssa kailan ko ulit siya makikita?" Tanong ko kay Raphael kaya napatingin siya sa akin habang nagda-drive ng kotse. "Bibisita siya ano man na oras kay
Wala akong imik kanina pa dahil nahihiya ako sa mga magulang ni Raphael na nakatingin sa akin ngayon at katabi ko si Raphael na hawak ng mahigpit ang mga kamay ko."She is the daughter of the woman you help with Raphael?" Nagsalita ang ina ni Raphael at ingles na naman."Mom can you talk in tagalog instead?" Turan naman ni Raphael na humigpit ang hawak sa kamay ko."Oh pasensya na hindi ka ba nakakaintindi ng ingles hija?" Baling sa akin ng babae kaya magalang akong tumango."Ano ang pangalan mo hija?" Tanong niya sa akin."Heart Serenety po." Magalang ko na sagot at napatango lang siya at tumingin kay Raphael."Son can we for awhile?" Sabi nito na tinitigan muna ako bago tumayo at nauna ng lumabas ng bahay."Pasensya ka na sa asawa ko hija ganun lang talaga ang ugali niya." Sabi sa akin ng ama ni Raphael, magkamukha silang mag-ama parehong gwapo at may pagka-istrikto ang buska ng mukha parang nakakatakot kung magalit."Okay lang po." Mahina ko na turan."Ako si Enrique at ang pangala
Halos pangapusan ako ng hininga ng bitiwan ni Raphael ang mga labi ko at napatingala na lang.Nandito na kami sa higaan at nakahiga na nagulat na lang ako ng bigla akong halikan ni Raphael kaya wala na akong nagawa at tinugon na lang ang halik niya."Baby ayos ka lang?" Tanong ni Raphael kaya napatingin ako sa kanya."Ayos lang ako." Nakangiti kong turan sa kanya kaya hinalikan niya ako sa noo."Gusto mo mamasyal tayo bukas sa talon?" Tanong niya kaya nagulat ako ng banggitin niya ang lugar na iyon."Natagpuan lang namin nina Adrian kahapon ng nangangahoy kami hindi ako makapaniwala na may ganun na kagandang lugar dito sa isla." Sabi niya kaya napangiti ako iyon ang lugar sa gitna ng isla bukod pa sa batis na malapit lang dito.Apat na beses pa lang akong nakakarating doon dahil may kalayuan iyon."Tulog na tayo." Niyakap na niya ako kaya pumikit na lang ako.Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos ng damit na bihisan at nagbaon kami ng kanin at de-lata.Nagdala rin ng bingwit si Raphael
Pinunasan ko ang basang katawan ni Heart dahil sa pawis habang pinapatakan ko ng mumunting halik ang kanyang mukha.I own her more than once and i don't feel any guilty in it. I feel so alive and content because the girl i love is already mine, mine alone.Linalagnat siya dahil marahil sa ginawa ko sa kanya nakaramdam ako ng kaunting guilty dahil may sakit siya ngayon.Matapos ko siyang bihisan at ayusin ang kumot sa katawan niya ay lumabas ako ng kwarto palabas ng bahay at naabutan ko si Adrian at Miko na nakaupo dito sa upuang kahoy at nagkakape.Mag-aala singko pa lang pala ng umaga umupo ako at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito at humithit."Raphael ano ang balak mo kay Serenety ang bata pa niya." Biglang turan ni Adrian kaya napatingin ako sa kanya."Pakakasalan ko siya natural at bibigyan ng palasyo sa islang ito." Wala sa loob kong turan sa kanya kaya napailing lang ito kahit si Miko ay napailing lang rin."Hindi mo siya pwedeng ikulong habang buhay dito kaila
Napatango ako sa doktor na tumitingin kay Nanay Nely at napatingin dito na hanggang ngayon ay natutulog pa rin."Tatapatin na kita Raphael maliit na lang ang tyansa na mabuhay ang pasyente ako na mismo at ang mga kasama ko ang magsasabi na hayaan na natin siyang magpahinga." Malungkot nito na turan kaya napahawak ako sa ulo ko nz biglang sumakit dahil sa masamang balitang ito.Mag-aapat na buwan na rin ang nakakaraan mula ng ma ospital ang ina ni Heart at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa kanya.Ilang beses na rin na pumunta dito si Heart at nakikiusap na magising na ang kanyang ina pero hindi pa rin ito nagigising.At kanina nga habang nasa opisina ako ay tumawag ang doktor at nagkaroon ng pang-apat na atake si Nanay Nely.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Heart ang kalagayan ngayon ng kanyang ina."Pagod na pagod na si Nanay Nely baka makabubuti na palayain na natin siya." Sabi ulit ng doktor kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.Binig
Napangiti ako ng makita ko si nanay na nakaupo dito sa balkonahe ng bahay namin kaya tinabihan ko siya."Nay bakit ka po nandito?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin."Mainit kasi sa labas kaya umupo muna ako dito." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko kaya napangiti lang ako.Pero mayamaya pa ay tumayo siya kaya napatingin ako dito at tumayo rin."Saan ka po pupunta nay?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang ito sa paglakad kaya sinundan ko na lang siya pero patungo siya sa dagat kaya kinabahan ako."Nay!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin kaya napilitan ako na sundan siya kahit may kalaliman na ang dagat sumigaw ako at pilit siyang inaabot pero hindi ko magawa."Nanay!" Isang mainit na bisig ang yumakap sa akin habang iyak ako ng iyak kaya dito ako natauhan."God Heart akala ko hindi na kita magigising." Nanginginig na turan ni Raphael kaya napaiyak ako lalo.Nanginginig pa ako ng abutin ko kay Raphael ang gatas na tinimpla