Lahat ng Kabanata ng Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog) : Kabanata 91 - Kabanata 100

124 Kabanata

Chapter 80

PAGKASAKAY sa elevator ay agad akong sumandal. Hanggang kailan ba ako mag-titiis sa lahat ng ito? Sa dinami-rami ng misyon na nahawakan ko ito lang ang tumagal ng ganito at napaka-kumplikado. Sa una pa lang talaga mali na nakipag close ako sa mga Saavedra dahil sa kanila naging komplikado ang lahat, higit sa lahat masyado na akong na-attach sa kanila. Kasalanan ko rin dahil nagpabaya ako. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa floor kung nasaan ang opisina ni Lucien. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay napatigil din agad ako dahil isang komusyon ang bumungad sa akin. Akala ko matiwasay na ang aking pag-akyat pero mali pala ako. Parang mas sakit sa ulo ang aking nadatnan. Naabutan ko lang naman na nag-sasagutan si Lucien at Night habang awat-awat ni Thunder at Crystal. Jeez, ano na naman ba ang nangyari? Nawala lang ako saglit may ganito na agad. Nang mapansin kong mas lalong nag kakainitan si Night at Lucien ay mabilis na akong naglakad palapit sa mga it
last updateHuling Na-update : 2023-08-01
Magbasa pa

Chapter 81

SCARLETT PAGPASOK na pagpasok namin sa kanyang opisina ay sinarado niya agad ang pinto at nilock tapos dumiretso sa mahabang lamesa. Napatingin naman ako sa magkahawak naming kamay, Dang! Ang tibok ng puso ko. Scarlett Louise this is wrong! Dapat galit siya sa‘yo, Dapat hindi kayo nagpapansinan para walang maging problema. Piping saad ko sa aking isip. Napaangat ako ng tingin ng tumigil kami tapos seryosong humarap sa akin si Lucien. “Give me the food.” Wala sa sariling inabot ko ang hawak na pagkain sa kanya. Kinuha naman niya ito gamit ang isang kamay at nilapag sa lamesa. Muli akong napatingin sa kamay naming magkahawak pa rin. Wala ba siyang balak na binatawan ang kamay ko? Nakalimutan niya ata? Nang ibaling ko ang tingin sa kanya ay abala na ito sa paglalabas ng pagkain na binili ko gamit ang isang kamay. Dahil hindi na ako makatiis ay tumikhim ako at nagsalita. “Ahem, Sir ‘yung kamay ko baka pwede niyo ng bitawan? Ako na rin ang mag aayos ng pagkain.”
last updateHuling Na-update : 2024-06-01
Magbasa pa

Chapter 82

“Yes, Sir Aidan?” Oo ang ama ni Lucien na naman ang tumawag at alam ko na ang dahilan ng pag tawag nito. Inaasahan ko naman na pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. “Louise, magkasabay daw kayo kumain ni Lucien kanina? Ano ang pinag-usapan niyo?” Deretsong tanong nito. Jeez. Sabi na e! “Yes, Sir Aidan pasensya na ho kayo at wala akong nagawa kanina dahil nagpumilit ang anak niyo. Hindi naman ho kami masyado nag-usap kanina. Tinanong at kinamusta lang naman niya ang naging bakasyon ko. Iyon lang ho.” Seryoso kong sagot. “Good, nasaan ka ngayon? Still in the office ni Lucien?” Natigilan naman ako. Sh*t, alam na din pala niya. Napaka bilis dumating ng balita sa kanya. Ibig sabihin may mga mata siyang nakasubaybay sa bawat galaw ko. Huh! Bantay sarado din pala ako? Wow! “Yes Sir, Sinunod ko lang ang gusto ng anak niyo. Sabi niya ay uuwi na daw kami pag natapos ang meeting niya.” “I know, I know. Alam kong pina-cancel ni Lucien ang dalawang meeting niya. Iyan ang dahila
last updateHuling Na-update : 2024-06-01
Magbasa pa

Chapter 83

“We’re only friends,” Mahina niyang usal. Hindi naman ako kumibo. “Magkaibigan lang kami ni Crystal, mas naging malapit lang kami nitong mga nakalipas na araw dahil kay Dad.” Sambit pa ulit nito. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa inamin niya pero bigla naman pumasok sa isip ko ang mga pinag usapan namin ng kanyang ama. D*mn! “Pero hanggang doon na lang, hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay kay Crystal, So, whatever dad is doing, I hope he stops. I only see Crystal as a friend, nothing more.” Nang humarap siya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin, Mali ito dapat magkabalikan silang dalawa dahil iyon ang gusto ni Sir Aidan, Iyon ang gusto niyang ipagawa sa akin ang mapaglapit ang dalawa at maging okay. Kahit labag sa kalooban ko kailangan kong gawin dahil nangako ako. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin. “Let’s go Louise, hindi na ako babalik sa loob. Umuwi na tayo.” Turan niya pero hindi ako kumilos bagkus hinarap ko siya saka
last updateHuling Na-update : 2024-06-02
Magbasa pa

Chapter 84

Hinatid ko pa sila ng tingin bago nagpasyang pumasok sa loob ng kotse. Walang imik kong binuhay ang sasakyan at pinaandar. Habang nasa biyahe kami ay panaka-naka akong tumitingin sa rear mirror para silipin ang dalawa sa likod. Napapaiwas ako ng tingin kapag nakikita ko ang ginagawang panglalambing ni Crystal kay Lucien. Habang ang lalaki naman ay tipid lang ngumingiti. Nag-uusap din sila pero mas maraming kwento ang babae. Habang tumatagal hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman habang kasama ko silang dalawa, Parang may tumutusok sa aking dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Dang! Ano ba Scarlett focus! Huminga ako ng malalim bago nag focus sa pagdadrive. Hindi na ako nag aksayang sulyapan ang dalawa sa likod. Naririnig ko na lang ang hagikgik ni Crystal. Seryosong seryoso ako sa pagmamaneho ng maalala ko kung saan ba namin ihahatid si Crystal? Hindi ko natanong kanina. Tatanungin ko na lang ngayon, tsk. Tumingin ako sa rear mirror at akmang magtatanong ng sumak
last updateHuling Na-update : 2024-06-03
Magbasa pa

Chapter 85

KINABUKASAN Maaga akong nagising para mag-asikaso at makakain. Nakatulugan kona lang pala ang pag iisip. Pati pagkain ng hapunan ay hindi ko na nagawa. Buti na lang pala kahit papaano nakakain ako ng konti noong naghihintay ako kela Lucien kagabi. Mabilis akong naligo at nag-ayos tapos dumiretso sa kusina para mag-umagahan. Gusto ko ring umiwas sa mga tanong at pabor ni Sir Aidan. At higit sa lahat ayoko sila makasabay kumain. Sa dami ng mga nangyari kahapon akala ko sa backseat uupo si Lucien pero sa passenger seat pa rin ito umupo. Blangko lang ang mukha nito habang busy sa kanyang ipad, hindi katulad kahapon na ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nag focus na lang sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa kompanya, nakabuntot lang ako sa lalaki. Mas ok na ganito siya kesa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Didiretso na sana ako sa waiting area para doon maghintay ng biglang huminto si Lucien sa paglalakad patungo sa
last updateHuling Na-update : 2024-06-03
Magbasa pa

Chapter 86

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, hinintay ko na matapos mag-usap ang mag-ama. Nag-iisip din ako kung anong sasabihin ko mamaya kay Lucien. Gustong gusto ko sapakin ang sarili dahil sa bumigay ako. Sigurado iba na ang tumatakbo sa isip ni Lucien, Mas lalo ko lang pinahirapan ang mga sarili namin. Sumandal ako sa pinto at malungkot na yumuko. Ito ‘yung ayoko mangyari at maramdaman kaya pilit kong tinatago ang totoo kong nararamdaman. Denedeny ko at pilit tinatanggi pero dahil sa isang halik bumigay ako. Now what? mas lalo ko lang pinalala ang lahat. Mas lalo lang akong mahihirapan na makaalis. Nag-angat ako ng tingin ng marinig kong papalapit na si Lucien. Umayos ako ng tayo at hinanda ang sarili. At katulad ng dati kailangan ko magmatigas. Kailangan umarte na parang walang nangyari. “Here's your cellphone.” Sambit niya. Marahan ko namang kinuha ‘yon saka binalik sa aking bulsa. “L-labas na ako S-sir.” Turan ko saka akmang bubuksan na ang pinto ng mabilis n
last updateHuling Na-update : 2024-06-04
Magbasa pa

Chapter 87

SALUBONG ang mga kilay ng sumakay ako ng sasakyan at pinaandar ito. Hindi ko pinansin ang lalaking katabi. Hindi pa rin mawala-wala ang inis ko dahil sa nangyari kanina. Pati ‘yung pagkain na napakasarap hindi ko naubos dahil nawalan ako ng gana. Pinabalot ko na lang tapos inutusan ko ang isang tauhan ko na ibigay sa mga batang hindi pa kumakain kesa masayang, ang dami pa naman at masasarap. Nung una ay ayaw pa ng babaeng nag asikaso sa akin pero pinilit ko talaga siya na ibalot ang natira kong pagkain. Ang iba kasi hindi ko nagalaw. Napahiya kaya ako kanina, grabe yung pagkasamid ko sa tubig. Nabasa din ang suot kong pants dahil tumapon ‘yung iniinom ko. “Are you mad at me?” Basag ni Lucien sa katahimikan namin. Hindi ako kumibo at sa daan lang nakatingin. “Ever since I came out of the VIP room earlier, you haven't looked at me, and your eyebrows were furrowed. Are you mad because of the food I had prepared?” Mahinahon niyang tanong ulit. Ramdam ko din ang ting
last updateHuling Na-update : 2024-06-04
Magbasa pa

Chapter 88

“Si Gunner at Blade sugatan! Na-engkwentro nila ang tauhan nila Salvador.” “What?! Saan? kamusta silang dalawa?” Nag-aalalang tanong ko. “Ngayon ay nasa ER sila dito sa headquarters dahil malala ang naging lagay nila. I need your help dahil nabanggit sa akin ni Gunner bago siya mawalan ng malay na may transaksyon sila Ishida sa superclub bistro sa QC. Let’s go there. I’m sorry kung naabala kita ngayon, Pero ikaw lang ang maasahan ko ngayon para maipaghiganti sila Gunner. At baka sakaling nandoon din si Salvador. Ito na ang pagkakataon natin.” D*mn it. Biglang nabuhay ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ni Salvador at Ishida. “Where are the others?” Sambit ko habang tumatayo at dumiretso sa kabinet para kumuha ng damit at makapag palit. “Sapphire is not here pero tinawagan ko na siya, on the way na siya dito, Si Thunder pabalik na rin dito at sasama sa atin.” “No, ‘wag mo ng pabalikin dyan si Thunder. Padiretsuhin mo na dito. Kailangan may magbabantay pa rin kay Lucien.
last updateHuling Na-update : 2024-06-05
Magbasa pa

Chapter 89

Continuation... “It’s make sense, kaya nakakagulat at nakakapagtaka na nakaharap nila Gunner ang tauhan nila Salvador ng ganon ganon at sa mismong misyon pa nila.” Seryosong sambit naman ni Sapphire. “Sila ang inuna at siguradong may isusunod sila sa atin.” Muling turan ni Night. “Kaya kailangan natin mag-doble ingat. Kumikilos na sila.” Seryoso kong anas. “Yeah,” sabay nilang sagot. Hindi kaya ‘yung ina-akala kong mga nakamasid sa amin kanina sa restaurant ay isa doon ay mga tauhan ni Salvador? Ramdam ko kasing hindi iisa ang nagmamasid sa amin kanina. Tatlo o apa’t ‘yon. Akala ko mga mata lang ni Sir Aidan ‘yun hindi pala, May tao na rin pala si Salvador na nagmamatyag. Tsk, Masyado akong nagiging pabaya. “At isa pa pala, tingin ko rin ang mga nakaharap nila Gunner at Blade ay hindi basta basta. Marurunong din ang mga ito. Natumbasan nila ang galing ng dalawa.” Muling turan ko. “Iyan din ang naiisip ko kanina, Red. Kung sakali na mga tauhan lang nila Salvador an
last updateHuling Na-update : 2024-06-05
Magbasa pa
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status