Hinatid ko pa sila ng tingin bago nagpasyang pumasok sa loob ng kotse. Walang imik kong binuhay ang sasakyan at pinaandar. Habang nasa biyahe kami ay panaka-naka akong tumitingin sa rear mirror para silipin ang dalawa sa likod. Napapaiwas ako ng tingin kapag nakikita ko ang ginagawang panglalambing ni Crystal kay Lucien. Habang ang lalaki naman ay tipid lang ngumingiti. Nag-uusap din sila pero mas maraming kwento ang babae. Habang tumatagal hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman habang kasama ko silang dalawa, Parang may tumutusok sa aking dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Dang! Ano ba Scarlett focus! Huminga ako ng malalim bago nag focus sa pagdadrive. Hindi na ako nag aksayang sulyapan ang dalawa sa likod. Naririnig ko na lang ang hagikgik ni Crystal. Seryosong seryoso ako sa pagmamaneho ng maalala ko kung saan ba namin ihahatid si Crystal? Hindi ko natanong kanina. Tatanungin ko na lang ngayon, tsk. Tumingin ako sa rear mirror at akmang magtatanong ng sumak
KINABUKASAN Maaga akong nagising para mag-asikaso at makakain. Nakatulugan kona lang pala ang pag iisip. Pati pagkain ng hapunan ay hindi ko na nagawa. Buti na lang pala kahit papaano nakakain ako ng konti noong naghihintay ako kela Lucien kagabi. Mabilis akong naligo at nag-ayos tapos dumiretso sa kusina para mag-umagahan. Gusto ko ring umiwas sa mga tanong at pabor ni Sir Aidan. At higit sa lahat ayoko sila makasabay kumain. Sa dami ng mga nangyari kahapon akala ko sa backseat uupo si Lucien pero sa passenger seat pa rin ito umupo. Blangko lang ang mukha nito habang busy sa kanyang ipad, hindi katulad kahapon na ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nag focus na lang sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa kompanya, nakabuntot lang ako sa lalaki. Mas ok na ganito siya kesa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Didiretso na sana ako sa waiting area para doon maghintay ng biglang huminto si Lucien sa paglalakad patungo sa
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, hinintay ko na matapos mag-usap ang mag-ama. Nag-iisip din ako kung anong sasabihin ko mamaya kay Lucien. Gustong gusto ko sapakin ang sarili dahil sa bumigay ako. Sigurado iba na ang tumatakbo sa isip ni Lucien, Mas lalo ko lang pinahirapan ang mga sarili namin. Sumandal ako sa pinto at malungkot na yumuko. Ito ‘yung ayoko mangyari at maramdaman kaya pilit kong tinatago ang totoo kong nararamdaman. Denedeny ko at pilit tinatanggi pero dahil sa isang halik bumigay ako. Now what? mas lalo ko lang pinalala ang lahat. Mas lalo lang akong mahihirapan na makaalis. Nag-angat ako ng tingin ng marinig kong papalapit na si Lucien. Umayos ako ng tayo at hinanda ang sarili. At katulad ng dati kailangan ko magmatigas. Kailangan umarte na parang walang nangyari. “Here's your cellphone.” Sambit niya. Marahan ko namang kinuha ‘yon saka binalik sa aking bulsa. “L-labas na ako S-sir.” Turan ko saka akmang bubuksan na ang pinto ng mabilis n
SALUBONG ang mga kilay ng sumakay ako ng sasakyan at pinaandar ito. Hindi ko pinansin ang lalaking katabi. Hindi pa rin mawala-wala ang inis ko dahil sa nangyari kanina. Pati ‘yung pagkain na napakasarap hindi ko naubos dahil nawalan ako ng gana. Pinabalot ko na lang tapos inutusan ko ang isang tauhan ko na ibigay sa mga batang hindi pa kumakain kesa masayang, ang dami pa naman at masasarap. Nung una ay ayaw pa ng babaeng nag asikaso sa akin pero pinilit ko talaga siya na ibalot ang natira kong pagkain. Ang iba kasi hindi ko nagalaw. Napahiya kaya ako kanina, grabe yung pagkasamid ko sa tubig. Nabasa din ang suot kong pants dahil tumapon ‘yung iniinom ko. “Are you mad at me?” Basag ni Lucien sa katahimikan namin. Hindi ako kumibo at sa daan lang nakatingin. “Ever since I came out of the VIP room earlier, you haven't looked at me, and your eyebrows were furrowed. Are you mad because of the food I had prepared?” Mahinahon niyang tanong ulit. Ramdam ko din ang ting
“Si Gunner at Blade sugatan! Na-engkwentro nila ang tauhan nila Salvador.” “What?! Saan? kamusta silang dalawa?” Nag-aalalang tanong ko. “Ngayon ay nasa ER sila dito sa headquarters dahil malala ang naging lagay nila. I need your help dahil nabanggit sa akin ni Gunner bago siya mawalan ng malay na may transaksyon sila Ishida sa superclub bistro sa QC. Let’s go there. I’m sorry kung naabala kita ngayon, Pero ikaw lang ang maasahan ko ngayon para maipaghiganti sila Gunner. At baka sakaling nandoon din si Salvador. Ito na ang pagkakataon natin.” D*mn it. Biglang nabuhay ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ni Salvador at Ishida. “Where are the others?” Sambit ko habang tumatayo at dumiretso sa kabinet para kumuha ng damit at makapag palit. “Sapphire is not here pero tinawagan ko na siya, on the way na siya dito, Si Thunder pabalik na rin dito at sasama sa atin.” “No, ‘wag mo ng pabalikin dyan si Thunder. Padiretsuhin mo na dito. Kailangan may magbabantay pa rin kay Lucien.
Continuation... “It’s make sense, kaya nakakagulat at nakakapagtaka na nakaharap nila Gunner ang tauhan nila Salvador ng ganon ganon at sa mismong misyon pa nila.” Seryosong sambit naman ni Sapphire. “Sila ang inuna at siguradong may isusunod sila sa atin.” Muling turan ni Night. “Kaya kailangan natin mag-doble ingat. Kumikilos na sila.” Seryoso kong anas. “Yeah,” sabay nilang sagot. Hindi kaya ‘yung ina-akala kong mga nakamasid sa amin kanina sa restaurant ay isa doon ay mga tauhan ni Salvador? Ramdam ko kasing hindi iisa ang nagmamasid sa amin kanina. Tatlo o apa’t ‘yon. Akala ko mga mata lang ni Sir Aidan ‘yun hindi pala, May tao na rin pala si Salvador na nagmamatyag. Tsk, Masyado akong nagiging pabaya. “At isa pa pala, tingin ko rin ang mga nakaharap nila Gunner at Blade ay hindi basta basta. Marurunong din ang mga ito. Natumbasan nila ang galing ng dalawa.” Muling turan ko. “Iyan din ang naiisip ko kanina, Red. Kung sakali na mga tauhan lang nila Salvador an
SCARLETT “Sigurado ba kayong dalawa lang ang pupunta doon? Masyadong delikado ang gusto niyo mangyari.” Seryosong sabi ni Boss habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Night. Nandito kami sa meeting room at nag-uusap usap. Nasabi na rin namin kay boss ang mga pinag-usapan namin kanina noong nasa labas kami ng ER. “Mas ok ng kami lang ni Night ang pumunta Boss, Iniiwasan namin na may masaktan pa ulit. Hindi na ako makakapayag na maulit ang nangyari kela Gunner.” Seryosong saad ko habang nakatingin sa mata ni Boss. “Isa pa baka makahalata sila kapag marami tayo Boss, Pupunta kami doon para tignan kung nandoon sila Ishida, Baka may makuha din kaming impormasyon kung saan sila naglulungga..pero ang pinaka pakay namin doon ay ang mga tarantadong nambugbog kela Gunner.” Singit na turan ni Night. Bumuntong hininga si Boss, saka seryosong nagsalita. “Alam kong galit kayo dahil sa nangyari kela Gunner, pero ‘wag kayong magpadalos-dalos ng desisyon. Alalahanin niyo bigatin ang
Nangunot ang noo ko at nagtaka. “Thunder? What are you doing here?” Tanong ko na siyang kinagulat namam nito. “Anak ng! Bakit naman nang-gugulat Sir?” Gulat na sabi nito saka humarap sa akin. “I'm asking you, what are you doing here at this time of night?” Seryoso kong tanong. Bigla akong nagduda dahil nandito ito ngayon. Alanganin naman itong tumingin sa akin habang kakamot kamot sa kanyang batok. “E, kasi. ano Sir ‘e..Uh, kasi—” “What? Diretsahin mo ako Thunder, hindi ‘yung pinag-iintay mo ako. Anong ginagawa mo dito?” “Sorry Sir, Napag-utusan kasi akong bantayan kayo ngayon.” Maingat niyang sagot. What?! Sh*t, don’t tell me umalis na naman si Louise? Iniwan na naman niya ako ng walang paalam? “Where is Louise?” Malamig kong tanong. Nag-iba na ang hilatsa ng aking mukha. “Pasensya na Sir, pero hindi kasi pwede sabihin kung nasaan siya.” Nag-aalangan niyang sagot. “So, wala nga dito si Louise? Umalis nga siya?” Dahan dahan naman itong tumango. D*mn it! A