Semua Bab Ang Crush Kong Writer : Bab 1 - Bab 10

48 Bab

CHAPTER 1

Casantha's Point of View"Benny! Makikipag-meet ako ngayon sa isang manunulat!" Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi ma-excite dahil makikipagkita na sa akin si Mr. Blueguy. "Hoy, g*ga! Baka mamaya mapahamak ka sa ginagawa mo! Wala pa naman ako diyan para i-save ka in case!" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Benedicto. Oo, Benedicto ang real name ng kaibigan kong binabae. "Grabe naman 'to. Safe naman dito sa resort saka pagkakataon ko na 'to para makakilala ng isang sikat na writer!" "Sikat? Gaano kasikat, girl?""Mayroon lang naman siyang 2 million followers, 'day!""Well, famous nga. Pero hindi pa rin tayo nakakasigurado kong safe iyang tao na iyan.""Ano ka ba! Safe ako rito sa resort saka may pepper spray ako rito sa bag dahil feeling ko mysterious ang lalaking iyon.""Ano? Lalaki siya?" Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na lalaki ang imi-meet ko. "Oo, lalaki. Siya si Mr. Blueguy waaa!""Naku, ate girl! Mag-ingat ka talaga. Baka mamaya rapist iyan.""Ikaw, kun
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-26
Baca selengkapnya

CHAPTER 2

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nakipagkita sa akin si Blue. Bigla kasing may tumawag sa kaniya na isang staff ng resort kaya ayon hindi niya nasabi ang sasabihin niya. "Ba't ba ako nagba-backread? Wala namang espesyal sa convo namin ni Blue ah." Kinakausap ko na naman ang sarili ko. [Flashback]"Benny! Nasa Coron na ako!" masayang bungad ko sa kaibigan ko. Through phone call lang kami nag-u-usap since may mga time na bumabagal ang internet connection dito sa resort kung saan ako nag-i-stay. "Wow, nice iyan! Biruin mo iyon nakapunta ka na sa Coron. Dati pangarap at bukambibig mo lang iyan pero ngayon nandiyan ka na!" "Sinuwerte lang na pinayagan, 'day!""Suwerte mo talaga, girl! "Oy, ta-try ko pala magbasa sa sikat na reading platform na usong-uso pa rin hanggang ngayon!""Ano? Ano ka teenager? HAHAHA!""E, hindi ko kasi naranasang magbasa roon dati eh. Pinagbawal nila daddy at mommy.""Basta piliin mo lang ang mga babasahin mo. Nagbasa rin ako roon noong high sch
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-26
Baca selengkapnya

CHAPTER 3

"Makalabas na nga lang muna para makalanghap ng sariwang hangin." Naglakad lang ako hanggang sa marating ko ang isang cottage kung saan walang tao, nasa harap ito ng resort at malapit sa dalampasigan. Kakaunti lang ang mga tao na naglalakad at naka-upo sa tabi ng dagat ngayon, hindi ko rin nakita si Blue sa paligid. Agad akong umupo sa upuang gawa sa kawayan at nag-selfie. Siguro mga nakakalimang click na ako nang maisipan kong tignan ang mga pictures ko. "Ay, ang pangit ko naman dito. Ang chaka haha!" mahina pero natatawa kong sambit. Ipinusisyon ko na ang cellphone ko para mag-selfie ulit nang bigla kong nakita ang isang lalaki na nasa likuran ko sa pamamagitan ng cellphone camera ko. Nag-wacky pose pa talaga siya. Ang cute. Imbes na ituloy ang pagsisi-selfie ay ibinaba ko nalang agad ang cellphone ko at hindi muna nagsalita. Kunwaring hindi ko siya napapansin dahil nag-i-scroll ako sa cellphone ko. "What's wrong? Let's just take a picture together," kalmado niyang sambit.
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-26
Baca selengkapnya

CHAPTER 4

"Handa ka na ba, binibini?" Kararating niya lang dito sa cottage at oo, hindi siya late katulad kahapon ng umaga haha. "Naku, naging makata ka naman yata bigla!" mapang-asar na sambit ko habang sinisigurado ko kung nadala ko ba ang camera ko. "Kaya kong maging makata kapag kausap ka, binibini." Hindi ko alam kung pinagti-trip-an niya ba ako o kung ano. Kinikilabutan ako sa tuwing binabanggit niya ang salitang binibini, pero okay na rin kasi at least nagpi-Filipino siya. "Salamat sa pag-a-adjust para sa akin. Maganda lang talaga ako pero mahina ako sa English," seryosong sambit ko para mapaniwala ko siya kahit papaano. "Ayos lang basta ang mahalaga ay magka-intindihan tayo.""Tama.""Tara na, ayon na si Mang Driel oh." Itinuro niya sa akin ang isang bangkerong lulan ng isang kulay asul na bangka na nag-aantay na sa amin. "Tara na! Excited na ako waaa!" sambit ko bago tumakbo patungo sa bangka ni Mang Driel. Iniwan ko si Blue roon na tila nagulat sa ikinilos ko. E, excited ako eh.
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-26
Baca selengkapnya

CHAPTER 5

Sumakay kami sa tricyle pero malapit lang din pala ang pupuntahan namin. Nandito kami ngayon sa Coron Plaza habang pinapanood ang mga batang naghahabulan, kaniya-kaniya sila ng laro at talagang mababakas sa mga mukha nila na sobrang enjoy na enjoy sila sa paglalaro. Simple lang ang Christmas Tree nila rito, mga pamaypay na gawa sa dahon ng anahaw ang nakasabit dito at mayroon ding mga dekorasyong poinsettia na gawa sa tela. Sigurado akong maganda itong pagmasdan kapag gabi kaso nasa kabilang dagat ang Queen Coron Resort kaya hindi ko rin makikitang umilaw ito. "Natutunaw na iyong sorbetes mo oh. Tulala ka yata." Naramdaman ko na rin naman kanina na dumampi na ang tunaw na ice cream sa kanang kamay ko. Hindi ko lang pinansin dahil tinititigan ko pa ang Christmas tree. "Hala, oo nga!" sambit ko at kunwaring nagulat pa. Ito kasi ang unang beses na hindi ko makakasama sila mommy at daddy sa Christmas at New Year's eve kaya ganoon nalang ako kung makatitig sa Christmas Tree kanina. "A
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-26
Baca selengkapnya

CHAPTER 6

Nakatunganga pa ako at patingin-tingin sa kalsada matapos naming makatawid nang biglang may humawak sa kanang kamay ko. "Tara na sa loob," mahina niyang sambit. Akala ko nauna na siya. Naaliw kasi ako sa mga tricycle na may iba't-ibang kulay na nasa kalsada kaya hindi ko na napansin si Blue kani-kanina lang. Ang engot ko talaga."Bakit mo pa ako binalikan? Susunod naman ako sa'yo." Pero na-appreciate ko talaga na binalikan niya pa ako. "Baka kasi mawala ka kapag hindi kita binalikan." Naku, hindi naman ako mawawala dahil hindi naman kalakihan itong lugar. "Asus, malabong mangyari iyan. Pero tara na nga sa loob." Ako na ang naunang naglakad habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Para tuloy kaming couple na nagho-holding hands nito. Hays, ayos na ako sa ganito. Puwede niya ngang hawakan nalang forever ang kamay ko. Charot!"Upo na tayo rito," sambit niya nang marating na namin ang pinaka-unang upuan sa harap ng altar. "Sige." Umupo na ako at saktong binitawan niya na rin ang k
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-09-11
Baca selengkapnya

CHAPTER 7

Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang mga pagkain at talagang nakakatakam! Act normal pa rin kahit gustong-gusto ko na kamayin ang mga iyon! Nakakahiya namang magmukhang isip-bata sa harap niya. "Kumain na tayo." Ang hudyat niya talaga na iyon ang hinihintay ko! Sa wakas matitikman ko na talaga kayo! More foods to come! More foods to eat with you... "Supar eksayted na ako!" sambit ko bago tusukin ang isang pirasong siomai bago isinawsaw sa kalamansi at toyo. "Huwaw! Ang sarap!" Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil ang sarap pala talaga ng siomai! "Ito kaya masarap din?" mahinang tanong ko habang nakaturo ang barbeque stick na hawak ko sa kikiam. Alam kong nakikinig at tinitignan lang ako ni Blue na tila ba pinipigilan lang na matawa sa ka-elyenan ko. "Masarap iyang kikiam. Tikman mo na." Hindi pa siya kumakain, para bang natutuwa pa siyang panoorin kung paano ako kumain. Naku, hindi pa naman ako pino kung kumilos. "Ikaw, kumain ka na rin. Huwag mo na akong pansinin." Tinus
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-09-11
Baca selengkapnya

CHAPTER 8

"May mga natutunan ako sa iyo, iba talaga kapag manunulat ang nakakausap ko." Malumanay lang ang pagkakasabi ko kahit ang totoo ay talagang hangang-hanga na ako sa kaniya... sa lahat ng tungkol sa kaniya. Ang labis na galak sa aking puso ay gustong-gustong kumawala mula sa aking dibdib pero hindi ko ito hinayang maisatinig nang maayos. Kailangan ko pa ring magmukhang hindi sobrang aliw na aliw sa bawat salitang binibitawan niya at sa bawat kilos na ipinapakita niya. Hindi niya puwedeng maramdaman na may nararamdaman na akong paghanga sa kaniya kahit na hindi ko pa siya lubusang nakikilala. Pakiramdam ko ang rupok ko. Hindi tama pero bigla ko nalang kasing naramdaman. "Tara na?" tanong ko habang nagpipigil na titigan siya. Matitigan ko lang siya ay mapapangiti na talaga ako, parang auto-smile pagdating sa kaniya. "Magpatunaw muna tayo rito. Mukhang kakaunti na rin naman ang dumarating na bibili sa kainang ito. Alis lang tayo kapag may mangangailangan na ng puwestong ito. Pero sa nga
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-09-11
Baca selengkapnya

CHAPTER 9

"Hindi naman ako magaling talaga. Hanggang ngayon inaaral ko pa rin ang mga bagay-bagay sa pagsusulat." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita bago pilit na ngumiti. "May rason kung bakit ako nagsusulat. May rason kung bakit ako nagsulat.""Talaga?! Ano? Magkuwento ka naman! Dali. Alam mo bang gusto ko talagang malaman ang rason na iyon. Magkaibigan na rin naman tayo kaya baka puwede mo na ikuwento sa akin! Makikinig ako, promise. Tapos baka makapag-advice pa ako sa iyo!" Ang mga sinambit ko ay puno ng pagkamangha at pag-u-usisa na tila ba hindi ko na naisip na baka hindi kanais-nais ang rason na tinutukoy niya. Tila nakalimutan ko rin na hindi lang kami ang tao sa loob ng kainan. Lumapat nalang bigla ang palad ko sa aking mga labi na tila ba pinipilit ko itong takpan. May mga tao ring nakatitig sa akin. Ang ingay ko kasi! Nakakahiya ang bibig ko. "Sorry, nabigla lang," pagbawi ko sa mga salitang binitiwan ko matapos kong tanggalin ang kanang kamay ko na pinangtakip ko sa bibig ko. P
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-09-11
Baca selengkapnya

CHAPTER 10

"Ah... Iyon ba? Hindi ko alam eh. Tara nalang siguro," nahihiya niyang turan at nauna nang naglakad. Hindi niya siguro alam na ang sweet niya kaya. Sabagay, baka iba ang interpretation ko sa salitang sweet at iba rin ang kaniya. "Tara!" mahina pero may galak kong sambit. Sumunod nalang ako sa kaniya hanggang sa sinabayan niya rin ako sa paglalakad. Ang awkward din pala minsan kapag ganito ang eksena. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awkwardness. Malamang dahil ito sa paghanga ko sa kaniya. Pakiramdam ko ayaw kong ma-turn off siya sa akin sa tuwing kikilos ako. Normal lang ito. Alam kong normal lang ito. Hindi rin naman pala malayo ang Lualhati Park mula sa plasa. Malawak ito at may mga upuan din na puwedeng gawing tambayan. Sa pagkakaalam ko, mga puno ng balete ang nasa bandang kanan ng park. Hindi iyong mga balete na creepy ang datingan dahil katamtaman palang ang laki at taas ng mga ito. May mga halaman din na puti ang kulay ng bulaklak sa paligid na puwedeng-puwendeng maging
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-09-11
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
DMCA.com Protection Status