Share

CHAPTER 3

Author: CoronLass
last update Huling Na-update: 2022-07-26 10:21:05

"Makalabas na nga lang muna para makalanghap ng sariwang hangin."

Naglakad lang ako hanggang sa marating ko ang isang cottage kung saan walang tao, nasa harap ito ng resort at malapit sa dalampasigan.

Kakaunti lang ang mga tao na naglalakad at naka-upo sa tabi ng dagat ngayon, hindi ko rin nakita si Blue sa paligid.

Agad akong umupo sa upuang gawa sa kawayan at nag-selfie. Siguro mga nakakalimang click na ako nang maisipan kong tignan ang mga pictures ko.

"Ay, ang pangit ko naman dito. Ang chaka haha!" mahina pero natatawa kong sambit.

Ipinusisyon ko na ang cellphone ko para mag-selfie ulit nang bigla kong nakita ang isang lalaki na nasa likuran ko sa pamamagitan ng cellphone camera ko.

Nag-wacky pose pa talaga siya. Ang cute.

Imbes na ituloy ang pagsisi-selfie ay ibinaba ko nalang agad ang cellphone ko at hindi muna nagsalita. Kunwaring hindi ko siya napapansin dahil nag-i-scroll ako sa cellphone ko.

"What's wrong? Let's just take a picture together," kalmado niyang sambit.

Umupo rin siya sa kawayang upuan na inuupuan ko at kalahating metro lang ang layo niya sa akin. Pero hindi pa rin ako nagsalita at nasa cellphone ko pa rin ang atensiyon ko.

"Okay. Fine. Gusto kitang makilala." Matapos kong marinig ang sinabi niya ay tinignan ko siya nang deretso.

"Ayan, nakakatuwa kapag nagpi-Filipino ka." Hinihintay ko lang talaga siyang magsalita gamit ang language natin, puro kasi English eh.

Tumingin siya sa akin na para bang naguguluhan. Kumunot pa ang noo niya. "Anong nakakatuwa?" tanong niya.

"Wala-wala. Gusto ko lang na mag-Filipino ka kapag kausap mo ako. Hirap kasi ako umintindi ng English eh." Baka mamaya pinagti-trip-an niya lang ako sa pag-e-English niya. Baka sinusubukan niya lang ang skills ko.

"Hirap? Hindi naman halata e. Kanina nga nag-English ka rin."

"Trying hard na ako nun. Baka kasi mapahiya ako kaya push na push na iyong English ko kanina. Nakakahiya kaya na hindi ko man lang sasagutin gamit ng English ang isang sikat na manunulat."

Matapos niyang marinig ang huling sinabi ko tungkol sa sikat na manunulat ay iniwas niya na ang tingin sa akin. Para bang bigla siyang nahiya. "Hindi naman ako sikat."

Iniwas ko nalang din ang tingin ko at pinagmasdan ang asul na asul na dagat dahil sa tindi ng sikat ng araw. "Ang galing mo kaya magsulat at marami ring ang nag-a-admire sa'yo!"

"Salamat sa compli—" Biglang siyang natigilan at naging dahilan iyon para mapatingin ako sa kaniya bigla. Pinutol niya talaga siguro ang sasabihin niya. "Salamat sa papuri," nakangiting sambit niya.

"Walang anuman. Ba't ka pala nandito ha? Tanghaling tapat oh. Siguro stalker kita!" Bahagya akong tumawa matapos kong magsalita. Pero pang-Maria Clara ang pagtawa ko, takip-bibig para hindi nakaka-turn off.

"Hindi ah. Bigla lang kitang nakitang kinukuhanan ng litrato ang sarili mo kaya minabuti ko nang lapitan ka tutal hindi natapos ang pag-uusap natin kanina." Bigla naman akong nahiya dahil talagang pinangatawanan niya na ang pagpi-Filipino niya. Ultimo ang salitang pagsisi-selfie ay hindi na niya binanggit bagkus ay sinabi niya ito gamit ang Filipino.

"Biro lang. Oy, okay lang na mag-English ka. Ako na lang ang mag-a-adjust." Nakatingin pa rin ako sa kaniya dahil inaabangan ko talaga ang magiging sagot niya.

Bigla siyang lumapit sa akin at tinignan ako nang deretso. "Ayos lang kahit na mag-Filipino ako tuwing kausap kita."

"Huwag mo nga akong titigan dahil baka matunaw ako kahit hindi ako yelo haha." Agad naman siyang tumingin sa dagat bago tipid na ngumiti.

"Bakit Coron ang napili mo?" tanong niya bigla.

"Pangarap ko kasi talaga na makapunta rito noon palang. First travel ko 'to mag-isa." Napangiti ako matapos kong magsalita. Marami pa akong gustong i-kuwento sa kaniya pero nahihiya pa ako kaya isang-tanong-isang-sagot muna. "E, ikaw?"

"Kinailangan lang."

"Ba't naman nandito ka pa?" Dami ko ring tanong, ano?

"Para makapag-isip ng mga puwede ko pang idagdag sa tinatapos kong nobela. Tahimik kasi rito."

"Sabagay, tama ka. Tahimik nga rito saka sobrang ganda."

"Kasing-ganda mo," pangiti-ngiti niyang sambit.

"Bolero ka rin pala."

"Ikaw naman lagi mo nalang yata iniisip na biro ang mga sinasabi ko. Maganda ka naman talaga."

"Hindi naman haha. Pero buti nalang hindi ka muna bumalik sa Manila dahil kung bumalik ka roon ay baka hindi kita nakilala."

"Siguro pinagtagpo tayo." Nagpakawala pa siya ng isang ngiti matapos niyang magsalita.

"Pero hindi itinadhana," pabirong sambit ko. Sa kanta ko lang naman napulot iyon.

"Mais ka," tipid niyang sambit. Hindi siguro siya marunong mag-take ng joke haha.

"Hindi ako mais, corny lang haha." Pangiti-ngiti pa ako pero parang hindi niya napansin ang sinabi ko.

"May sasabihin ako." Hindi niya nga pinansin ang sinabi ko. Hays, ang feeling close ko kasi eh.

"Ano iyon," mahina kong tanong. Nai-ilang na ako makipag-usap sa kaniya, feeling ko ang seryoso niyang tao eh.

"Sasagutin ko lang iyong tanong mo kanina dahil baka iniisip mo talaga na stalker ako o kung anuman." Saglit siyang sumulyap sa akin bago tumingin sa account niya.

"Nakita ko kasi sa bio mo na nasa Queen Coron Resort ka kaya naisipan ko nalang na makipag-meet na sa'yo kasi chance na rin naman iyon. Mukhang tuwang-tuwa ka talaga sa nobela ko kaya natuwa rin ako at naisipan ko na magpakita sa'yo." Ang engot ko sa part na nasa bio ko nga pala ang information na nasa Queen Coron Resort ako. Wala share ko lang iyon.

"Kaninang umaga, matagal na akong nakatingin sa iyo mula sa malayo kaso may kausap ka sa telepono mo kaya hindi na muna ako lumapit. Hindi rin ako sobrang sigurado kanina na ikaw iyon. Pero nilapitan nalang din kita dahil ang tagal mo na ring nakatayo sa dalampasigan." Dahil sa mga sinabi niya ay nalinawan na ako. Sa wakas.

"Ano ba iyan. Akala ko pa naman may stalker na ako," sambit ko bago mahinang humalakhak. Pero peke ang halakhak na iyon. Nakakahiya kaya sa kaniya tapos kung anu-ano pa ang naisip.

"Ayos lang iyan," sambit niya bago bahagyang tumawa. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil tumawa siya, nagi-guilty lang talaga ako dahil sa pagiging assuming ko.

"Tama. Ano kaya ang magandang gawin bukas?" Hindi naman para sa kaniya ang tanong na iyon. Para iyon sa hangin, baka sakaling may mai-suggest siya na puwedeng puntahan haha.

Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "Maglilibot-libot ako sa bayan bukas, gusto mo sumama?"

Hindi ko naman inaasahan ang sinabi niya kaya medyo natulala ako saglit habang nakatingin sa kaniya, habang nakatingin kami sa mukha ng isa't-isa. "Isasama mo ako? Legit ba iyan?" may pag-aalangan kong tanong sa kaniya.

"Kung gusto mo lang naman." Nakatingin pa rin siya sa ice este sa akin!

"Sige! Gusto ko rin malibot ang bayan eh!" Tila biglang tumaas ang energy ko roon sa sinabi niya ah!

"Bukas, magkita nalang tayo rito. Ika-pito ng umaga," nakangiting sambit niya bago tuluyang tumayo mula sa pagkaka-upo niya sa upuang kawayan.

Nakakailang hakbang na siya nang nagsalita ako, "Blue?" Nilingon niya naman ako kaya lumapit ako sa kaniya. Inilahad ko ang kanang kamay ko para makipagkamay sa kaniya "Friends?" tanong ko.

Tinitigan niya muna ang kamay ko bago ito inabot. Ngumiti siya bago sumagot, "Magkaibigan." Ilang segundo niya ring hinawakan ang kamay ko at pagkatapos ay tuluyang nang umalis.

"Akala ko hindi mo tatanggapin ang pakikipagkaibigan ko," sambit ko nang masigurong nakalayo na siya at hindi na niya maririnig ang mga sinasabi ko. Ang lambot ng palad niya!

"Ang guwapo niya kaso baka taken na. Kaya friendship lang, self. Friendship lang dapat." Umupo nalang ulit ako sa upuang kawayan at nag-selfie nang buong puso.

Isasama niya ako!

Kaugnay na kabanata

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 4

    "Handa ka na ba, binibini?" Kararating niya lang dito sa cottage at oo, hindi siya late katulad kahapon ng umaga haha. "Naku, naging makata ka naman yata bigla!" mapang-asar na sambit ko habang sinisigurado ko kung nadala ko ba ang camera ko. "Kaya kong maging makata kapag kausap ka, binibini." Hindi ko alam kung pinagti-trip-an niya ba ako o kung ano. Kinikilabutan ako sa tuwing binabanggit niya ang salitang binibini, pero okay na rin kasi at least nagpi-Filipino siya. "Salamat sa pag-a-adjust para sa akin. Maganda lang talaga ako pero mahina ako sa English," seryosong sambit ko para mapaniwala ko siya kahit papaano. "Ayos lang basta ang mahalaga ay magka-intindihan tayo.""Tama.""Tara na, ayon na si Mang Driel oh." Itinuro niya sa akin ang isang bangkerong lulan ng isang kulay asul na bangka na nag-aantay na sa amin. "Tara na! Excited na ako waaa!" sambit ko bago tumakbo patungo sa bangka ni Mang Driel. Iniwan ko si Blue roon na tila nagulat sa ikinilos ko. E, excited ako eh.

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 5

    Sumakay kami sa tricyle pero malapit lang din pala ang pupuntahan namin. Nandito kami ngayon sa Coron Plaza habang pinapanood ang mga batang naghahabulan, kaniya-kaniya sila ng laro at talagang mababakas sa mga mukha nila na sobrang enjoy na enjoy sila sa paglalaro. Simple lang ang Christmas Tree nila rito, mga pamaypay na gawa sa dahon ng anahaw ang nakasabit dito at mayroon ding mga dekorasyong poinsettia na gawa sa tela. Sigurado akong maganda itong pagmasdan kapag gabi kaso nasa kabilang dagat ang Queen Coron Resort kaya hindi ko rin makikitang umilaw ito. "Natutunaw na iyong sorbetes mo oh. Tulala ka yata." Naramdaman ko na rin naman kanina na dumampi na ang tunaw na ice cream sa kanang kamay ko. Hindi ko lang pinansin dahil tinititigan ko pa ang Christmas tree. "Hala, oo nga!" sambit ko at kunwaring nagulat pa. Ito kasi ang unang beses na hindi ko makakasama sila mommy at daddy sa Christmas at New Year's eve kaya ganoon nalang ako kung makatitig sa Christmas Tree kanina. "A

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 6

    Nakatunganga pa ako at patingin-tingin sa kalsada matapos naming makatawid nang biglang may humawak sa kanang kamay ko. "Tara na sa loob," mahina niyang sambit. Akala ko nauna na siya. Naaliw kasi ako sa mga tricycle na may iba't-ibang kulay na nasa kalsada kaya hindi ko na napansin si Blue kani-kanina lang. Ang engot ko talaga."Bakit mo pa ako binalikan? Susunod naman ako sa'yo." Pero na-appreciate ko talaga na binalikan niya pa ako. "Baka kasi mawala ka kapag hindi kita binalikan." Naku, hindi naman ako mawawala dahil hindi naman kalakihan itong lugar. "Asus, malabong mangyari iyan. Pero tara na nga sa loob." Ako na ang naunang naglakad habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Para tuloy kaming couple na nagho-holding hands nito. Hays, ayos na ako sa ganito. Puwede niya ngang hawakan nalang forever ang kamay ko. Charot!"Upo na tayo rito," sambit niya nang marating na namin ang pinaka-unang upuan sa harap ng altar. "Sige." Umupo na ako at saktong binitawan niya na rin ang k

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 7

    Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang mga pagkain at talagang nakakatakam! Act normal pa rin kahit gustong-gusto ko na kamayin ang mga iyon! Nakakahiya namang magmukhang isip-bata sa harap niya. "Kumain na tayo." Ang hudyat niya talaga na iyon ang hinihintay ko! Sa wakas matitikman ko na talaga kayo! More foods to come! More foods to eat with you... "Supar eksayted na ako!" sambit ko bago tusukin ang isang pirasong siomai bago isinawsaw sa kalamansi at toyo. "Huwaw! Ang sarap!" Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil ang sarap pala talaga ng siomai! "Ito kaya masarap din?" mahinang tanong ko habang nakaturo ang barbeque stick na hawak ko sa kikiam. Alam kong nakikinig at tinitignan lang ako ni Blue na tila ba pinipigilan lang na matawa sa ka-elyenan ko. "Masarap iyang kikiam. Tikman mo na." Hindi pa siya kumakain, para bang natutuwa pa siyang panoorin kung paano ako kumain. Naku, hindi pa naman ako pino kung kumilos. "Ikaw, kumain ka na rin. Huwag mo na akong pansinin." Tinus

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 8

    "May mga natutunan ako sa iyo, iba talaga kapag manunulat ang nakakausap ko." Malumanay lang ang pagkakasabi ko kahit ang totoo ay talagang hangang-hanga na ako sa kaniya... sa lahat ng tungkol sa kaniya. Ang labis na galak sa aking puso ay gustong-gustong kumawala mula sa aking dibdib pero hindi ko ito hinayang maisatinig nang maayos. Kailangan ko pa ring magmukhang hindi sobrang aliw na aliw sa bawat salitang binibitawan niya at sa bawat kilos na ipinapakita niya. Hindi niya puwedeng maramdaman na may nararamdaman na akong paghanga sa kaniya kahit na hindi ko pa siya lubusang nakikilala. Pakiramdam ko ang rupok ko. Hindi tama pero bigla ko nalang kasing naramdaman. "Tara na?" tanong ko habang nagpipigil na titigan siya. Matitigan ko lang siya ay mapapangiti na talaga ako, parang auto-smile pagdating sa kaniya. "Magpatunaw muna tayo rito. Mukhang kakaunti na rin naman ang dumarating na bibili sa kainang ito. Alis lang tayo kapag may mangangailangan na ng puwestong ito. Pero sa nga

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 9

    "Hindi naman ako magaling talaga. Hanggang ngayon inaaral ko pa rin ang mga bagay-bagay sa pagsusulat." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita bago pilit na ngumiti. "May rason kung bakit ako nagsusulat. May rason kung bakit ako nagsulat.""Talaga?! Ano? Magkuwento ka naman! Dali. Alam mo bang gusto ko talagang malaman ang rason na iyon. Magkaibigan na rin naman tayo kaya baka puwede mo na ikuwento sa akin! Makikinig ako, promise. Tapos baka makapag-advice pa ako sa iyo!" Ang mga sinambit ko ay puno ng pagkamangha at pag-u-usisa na tila ba hindi ko na naisip na baka hindi kanais-nais ang rason na tinutukoy niya. Tila nakalimutan ko rin na hindi lang kami ang tao sa loob ng kainan. Lumapat nalang bigla ang palad ko sa aking mga labi na tila ba pinipilit ko itong takpan. May mga tao ring nakatitig sa akin. Ang ingay ko kasi! Nakakahiya ang bibig ko. "Sorry, nabigla lang," pagbawi ko sa mga salitang binitiwan ko matapos kong tanggalin ang kanang kamay ko na pinangtakip ko sa bibig ko. P

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 10

    "Ah... Iyon ba? Hindi ko alam eh. Tara nalang siguro," nahihiya niyang turan at nauna nang naglakad. Hindi niya siguro alam na ang sweet niya kaya. Sabagay, baka iba ang interpretation ko sa salitang sweet at iba rin ang kaniya. "Tara!" mahina pero may galak kong sambit. Sumunod nalang ako sa kaniya hanggang sa sinabayan niya rin ako sa paglalakad. Ang awkward din pala minsan kapag ganito ang eksena. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awkwardness. Malamang dahil ito sa paghanga ko sa kaniya. Pakiramdam ko ayaw kong ma-turn off siya sa akin sa tuwing kikilos ako. Normal lang ito. Alam kong normal lang ito. Hindi rin naman pala malayo ang Lualhati Park mula sa plasa. Malawak ito at may mga upuan din na puwedeng gawing tambayan. Sa pagkakaalam ko, mga puno ng balete ang nasa bandang kanan ng park. Hindi iyong mga balete na creepy ang datingan dahil katamtaman palang ang laki at taas ng mga ito. May mga halaman din na puti ang kulay ng bulaklak sa paligid na puwedeng-puwendeng maging

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 11

    "Anong ibig mong sabihin na naiintindihan mo ako?" Ano ba talaga ang iniisip ng lalaking ito? Nasanay pa naman ako kay Benny na walang patumpik-tumpik kong magsalita. Ratatat iyong bakletang iyon eh. Pero bago pa man siya makasagot ay may narinig akong dalawang lalaking nag-u-usap na dumaan sa gilid namin na edad trese siguro. Pareho silang mukhang masaya dahil todo sila ngiti sa isa't isa. "Ang astig talaga dito sa boulevard, p're!" sabi ng medyo payat pero matangkad. "Lualhati Park ito, tongeks!" saad naman ng medyo pandak pero mataba. "Timang ka pala e. Halos lahat ng tao sa Coron boulevard ang tawag sa lugar na 'to.""Ay, ewan sa'yo..."Hindi ko napigilang pakinggan ang usapan nila pero agad din bumalik ang atensiyon ko kay Blue nang magsimula na siyang magsalita. "Ikaw na mismo ang nagsabi na medyo mahina ka sa Ingles. Bilang kaya ko naman na gumawa ng paraan para mas maintindihan mo ako ay susubukan kong ibigay ang makakaya ko para magkaintindihan tayong dalawa. Bukas din a

    Huling Na-update : 2022-09-11

Pinakabagong kabanata

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 48

    "Kagabi lang kami nakapag-usap ni Chasi magmula nang dumating ako sa resort. Sa pagkakaalam ko 11:40 na kagabi. Iniiwasan niya talaga ako kahit na wala naman kaming problemang dalawa. Madalas siyang wala kapag hinahanap ko siya sa bahay niya tapos mababalitaan ko nalang minsan na kung saan-saan na siya pumupunta. Nalaman ko rin na madalas niyang sundan si Blue kahit saan. May minsan nga na inakala kong may gusto siya kay Blue pero wala pala. May longtime boyfriend siya na sure akong mahal na mahal niya. Gusto niya lang talaga na magkabalikan kami ni Blue na dapat sana ay hindi niya pinu-problema. Sinundan niya kayo ni Flakes kahapon ng umaga sa Mt. Tapyas at sinundan ko rin siya dahil nagdududa na ako sa mga ikinikilos niya. Pero hindi niya ako pinansin kahit pa nilapitan ko siya. Nag-walk out siya ilang minuto matapos niyong makaalis. Hindi ko alam kung saan siya nagsusu-suot dahil hindi ko na siya sinundan pa. I respected her privacy that time. Hanggang sa itinadhana na rin siguro n

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 47

    Bigla nalang itinuon ni Chasi ang paningin niya sa mga buhangin at halatang hindi niya ako magawang tignan sa mga mata. "Because you were an eyesore when you were around Blue... before. I just wanted to bring them back together!" matapang niyang sabi bago itinuro si Blue at Sajie. Magkakakilala sila."Pero hindi ako mang-a-agaw, Chasi. Hindi ako mang-a-agaw," may diin at inis kong sabi. Hindi ko siya pinagdudahan pero siya pala ang may masamang balak sa akin. Totoo ba talaga na minsan ang inaakala mong kaibigan ay kaaway pala? Hindi pa rin siya makatingin sa akin dahil siguro sa sobrang hiya. "I know. But I was dying to see them together again and you could be a hindrance. I was a witness of their relationship since the beginning until their break up. Sajie is my bestfriend and I want her to be happy in Blue's arms again. Getting rid of you became the quick answer to erase a potential third wheel for their come back. You are undeniably gorgeous. Any man will easily fall for you. You

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 46

    Binigyan nila ako ng time na mag-ayos muna ng sarili kaya umalis muna sila. Hihintayin nalang daw nila ako sa isa sa mga cottage sa harap ng resort. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya agad na akong naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na rin ako ng damit. Para mabilis ko silang mapuntahan ay hindi na ako nag-order ng pagkain. Dumaan nalang ako sa mini store ng resort para bumili ng biscuits at bottled water. Oo, kumakain ako habang naglalakad papunta sa cottage. Alam kong hindi tamang kumain habang naglalakad pero gusto ko na talagang malaman kung ano ang sasabihin nila. Hindi na ako makapaghintay. Agad ko silang natanaw matapos kong makalabas sa resort. Sa dagat sila nakaharap kaya hindi nila ako nakita kaagad. Naka-akbay si Blue kay Sajie at parang nag-u-usap sila. Ang sweet nilang tignan. "Hi, guys. Nandito na ako," sabi ko sa kanila nang makarating na ako sa cottage. Umayos naman sila ng upo at tumigil na si Blue sa pag-akbay sa kaniya. "Hi, Cat. Maupo ka," saad ni Sajie b

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 45

    Saglit ko muna siyang tinitigan bago ako ngumiti. Nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin. "You may sit, Sajie.""Thank you," sambit niya bago siya umupo sa silyang nasa kabila ng aking mesa. Magkaharap kami at kitang-kitang namin ang mukha ng isa't isa."Bakit nandito ka?" nakangiti kong tanong at tinignan siya nang deretso. "Gusto mo bang kumain? O-order ako," dagdag ko pa."Gusto kong mag-sorry sa iyo," nahihiya niyang sabi. Napaka-inosente niya pa ring tignan pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. Wala naman siyang ginawang masama sa akin, hindi ba?"What do you mean?" Gustong-gusto ko na talagang malaman ang dahilan kung bakit siya nagso-sorry pero sinisikap ko pa ring maging kalmado at huwag mag-isip ng kung anu-ano."Excuse me po. Puwede ko na po bang kunin ang mga plato? Para po mas maayos kayong makapag-usap," saad ni Anghelita na nakalapit na pala sa amin."Sure," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "Thank you."Wala munang nagsalita sa amin ni Saj

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 44

    Wala kaming sinayang na oras ni Anghelita at ang bawat paghakbang namin ay talagang mabilis dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasa function hall ba siya. Mabilis lang naming narating ang lugar kaya agad akong pumasok habang nakasunod lang si Anghelita sa akin. Maraming tao at halos lahat ng upuan ay occupied na. Marami ang napasinghap nang makita nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. "Dude, she's a beautiful b*tch!""Bro, she really is! Why so hot, miss?""Sis, may nanalo na. Grand entrance ang loka oh," rinig kong sabi ng isang babae. "Baka ganda lang ang mayroon iyan, 'te."Mas hindi ko pinansin ang mga salitang narinig ko pero hindi ko maipagkakailang may iilang tumatak talaga sa isip ko. Hindi lang ganda ang mayroon ako pero wala akong dapat patunayan sa mga tumatahol na tao. Nakakailang hakbang palang ako nang biglang mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkanta ng isang lalaking singer sa stage habang halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Halos nakuha niya

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 43

    Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang hindi ko makita ni anino ni Flakes sa loob ng restaurant. Nakaramdam ako ng panlulumo dahil saktong alas-dose na pero wala pa siya. May usapan kami. Saglit palang akong nahiwalay sa kaniya pero parang na-miss ko siya. Parang ang weird sa pakiramdam na gusto ko na siyang makita agad. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nadismaya ako nang hindi ko siya nadatnan na naghihintay sa akin. Para akong teenager na first time makaka-date ang crush niya kaso hindi siya sinipot kahit may usapan pa sila. Saglit akong nag-compose ng greetings para kay mommy, daddy, at Benny. Nang ma-click ko na ang send button ay napabuntong-hininga nalang ako. "Merry Christmas, guys. I miss you," bulong ko. Bagsak ang balikat na umupo ako sa isang upuan para hintayin si Flakes. Baka may importanteng ginawa lang kaya hindi nakapunta kaagad. Masiyado pang maaga para sabihing in-Indian niya ako. Hindi niya girlfriend ang naghihintay sa kaniya sa pagbalik namin sa res

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 42

    CASANTHA'S POVHindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil kasama ko siya. Nagpaalam naman ako kay Kino na sasamahan ko muna si Blue habang wala pa si Flakes. Hindi ko nga alam kung saan nagsuot ang lalaking iyon. At ang tagal na niyang wala. Puro naman corny jokes ang pinagsasabi ni Blue kaya halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Medyo napapalakas na nga minsan ang pagtawa ko dahil ang hirap magpigil ng tawa. "... Pero seryoso na. May dinukot talaga kayong tao sa Lualhati Park?" Bahagya namang humina ang tawa niya hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa pagtawa. "Oo. Bakit mo naman biglang natanong?""Nakaraan kasi may nagtangka sa buhay ko. Muntik na akong masaksak ng patalim. Muntik na malagay sa alanganin ang buhay ko," seryoso kong sabi. "Wala kaming masamang intensiyon sa taong dinukot namin kaya huwag mo na isipin iyon. Masaya na ang taong iyon ngayon," mahinahong paliwanag niya. "Masaya akong masaya na siya," nakanngiting sabi ko kahit medyo madilim sa

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 41

    Flakes' Point of ViewShe met me days ago but I knew her for several years. I could not help it. How could I resist such a simpleng suplada like her? I found everything about her perfect. I promised to myself that I would not make her cry the first day I saw her. I also wanted her to be safe and breathing. But I lied when I told her that I already had a girlfriend. "Cutie? What's up? Are you still with me?" C.C. said sarcastically while rolling her eyes. After all, she only wanted one thing to happen and it seemed that she was out of her mind. "I heard you saved her. Well, na-impress ako. I believe na ginawa mo 'yon dahil ikaw ang tatapos sa kaniya, right?"And there, I was not able to utter a word. I could not afford to be the reason for Cat's misfortune. The primary plan was to make her fall in love with me. I agreed because I thought it was just an easy job. But when I found out that it was Cat, it frightened me. But it was too late to back off. I knew her real name. Casantha Ma

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 40

    "Sinong sila? Wala ka ba talagang balak na sagutin ang mga tanong ko? I asked you twice, Cat." Bakas sa boses niya ang pagkainis pero halata ring nagtitimpi siya dahil baka magkaproblema na naman kami. "Sorry.""What's bothering you? Tell me.""Baba na tayo sa bundok na ito," suhestiyon ko. "Tsk. You didn't answer my question again.""Sasagutin ko habang naglalakad tayo pababa." "Okay."Bago namin tuluyang iwan ang lugar ay saglit ko munang pinasadahan ng tingin ang dalawang babaeng galing din sa Queen Coron Resort. Si Chasi hindi kami nililingon dahil pini-picture-an niya ang dagat samantalang nahuli ko namang sumusulyap sa amin si Sajie. Medyo magkalayo ang kinaroroonan nila pero pansin kong napansin nila ang isa't isa dahil may ilang segundong nagtama ang mga mata nila. Kapansin-pansin naman talaga silang dalawa dahil si Chasi nakasuot ng outfit na pure pink at matingkad talaga na pink iyon. Si Sajie naman may innocent face. Simple manamit pero litaw ang ganda. Higit sa lahat, a

DMCA.com Protection Status