Share

CHAPTER 6

Author: CoronLass
last update Huling Na-update: 2022-09-11 14:11:06

Nakatunganga pa ako at patingin-tingin sa kalsada matapos naming makatawid nang biglang may humawak sa kanang kamay ko.

"Tara na sa loob," mahina niyang sambit. Akala ko nauna na siya. Naaliw kasi ako sa mga tricycle na may iba't-ibang kulay na nasa kalsada kaya hindi ko na napansin si Blue kani-kanina lang. Ang engot ko talaga.

"Bakit mo pa ako binalikan? Susunod naman ako sa'yo." Pero na-appreciate ko talaga na binalikan niya pa ako.

"Baka kasi mawala ka kapag hindi kita binalikan." Naku, hindi naman ako mawawala dahil hindi naman kalakihan itong lugar.

"Asus, malabong mangyari iyan. Pero tara na nga sa loob." Ako na ang naunang naglakad habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Para tuloy kaming couple na nagho-holding hands nito. Hays, ayos na ako sa ganito. Puwede niya ngang hawakan nalang forever ang kamay ko. Charot!

"Upo na tayo rito," sambit niya nang marating na namin ang pinaka-unang upuan sa harap ng altar.

"Sige." Umupo na ako at saktong binitawan niya na rin ang kamay ko. Tumabi rin siya sa akin at nagsimula ng manalangin.

Ipinikit ko na rin ang mga mata ko at nanalangin. Sobrang nagpapasalamat ako na nakilala ko si Blue kahit na kakakilala ko palang sa kaniya. Alam kong may mga taong pansamantala lang nating makakasama pero sana ay maging maayos ang pagkakaibigan namin ni Blue.

Ayaw kong dumating kami sa point na magiging perfect strangers kami pero open naman ako sa mga possibilities, kaya kung sakali man na magiging perfect strangSers kami ay tatanggapin ko nalang kahit masakit. Pero sana hindi mangyari iyon.

Matapos kong manalangin ay tinignan ko siya at doon ko lang napagtanto na hindi pa siya tapos manalangin.

Tinignan ko nalang siya habang nakapikit. "Sana ikaw na," sobrang mahinang bulong ko habang pinagmamasdan siya. Hindi niya naman narinig iyon dahil sobrang hina lang talaga.

Hinintay ko nalang siyang matapos at inikot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng simbahan.

Siguro romantic kapag dito ako ikakasal pero kahit saang simbahan naman ako ikasal ay ayos lang basta ang mahalaga ay ikasal ako sa taong mahal ko at mahal ako.

Ayon na nga, kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Siguro dahil hindi ko pa naranasang magkaroon ng kasintahan kaya naiisip ko na agad ang mga bagay-bagay. Kung paano kapag ganito, ano kaya kapag ganuniyong mga ganun ba.

Ang totoo niyan ay si Blue palang ang lalaking hindi ko kaanu-ano na nakahawak sa kamay ko. Si Benny lang naman ang lagi kong ka-holding hands pero hindi naman siya lalaki, HAHA! Na-miss ko tuloy ang bakletang iyon.

Wala kasi akong masiyadong close friends na babae dahil simula bata palang ay si Benny na ang kasa-kasama kong lumaki. Nangako kami na friends forever kaya hindi na talaga kami naghiwalay. Ayos din kahit na kami lang dalawa, mas naging solid pa nga ang pagkakaibigan namin dahil kilala na talaga namin ang isa't isa.

Napansin ko nalang na tumayo na si Blue mula sa pagkaka-upo kaya tumayo na rin ako kaagad. Bawal na maging shunga HAHA!

"Tapos ka na magdasal?" tanong ko sa kaniya.

"Oo. Nagugutom ka na ba?" Hindi pa naman ako nagugutom talaga pero parang gusto ko na rin kumain.

"Medyo," nahihiya kong sagot.

"May alam akong puwedeng puntahan para makakain tayo. Okay lang ba kung mga kikiam o kaya ay siomai? Mga ganung pagkain ba? O baka hindi ka kumakain, hanap nalang tayo ng iba–"

"Okay sa akin ang mga iyon. Saan ba iyon banda? Tara na!" Nauna na ako sa kaniya maglakad at sumunod naman siya.

Akala niya siguro hindi ako kumakain ng siomai. Pero tama siya, hindi ako kumakain kasi hindi pa ako nakakain nun HAHAHA! Pinagbabawal kasi nila daddy at mommy pero ngayon ay titikim na ako ng siomai yayyy!

"Okay lang ba na lakarin nalang natin?" nahihiyang tanong niya.

"Oo naman. Hindi ba't naglilibot nga tayo sa bayan?" Nginitian ko nalang siya bago ko siya sinundan papalabas ng simbahan.

Huminto lang siya nang tatawid na kami. "Akin na ang kamay mo."

"Ayaw ko nga," pabiro kong sabi. Pero tila kinikilig yata ang puso ng sanging yayyy!

Give me your hand uwu!

"Akin na para makatawid na tayo. Huwag ka nang makulit, Cat." Parang tumalon ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan na sinabi kong itawag niya sa akin. Shems! Ako ito si Cat na humahanga sa iyo!

"Hala, tinawag mo akong Cat! Ang cute!" Para na naman akong bata na tuwang-tuwa. Ang babaw ng kasiyahan e.

"Kaya tara na, akin ka na 'yong kamay mo." Inilahad niya na ang palad niya kaya wala na akong nagawa. Baka sabihin niya pa na ang choosy ko kapag hindi ko inabot ang kamay niya.

"Heto na ang puso este ang kamay ko pala hehe." Natawa na lang siya sa sinabi ko at pagkatapos ay tumawid na kami sa kalsada.

Nadaanan namin ang plasa habang naglalakad kami. Siyempre hindi na kami magkahawak kamay habang naglalakad patungo sa pupuntahan namin, kapag tatawid lang puwede saka kapag delikado. Kunting lakad-lakad lang hanggang sa marating namin ang lugar na tinutukoy niya.

"Anong gusto mo? Gusto mo ng siomai?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin ng deretso.

"Sige, siomai. Kikiam, siopao, fish ball, at squid ball na rin. Hindi pa kasi ako nakakatikim ng mga iyan." Nahihiya ako sa kaniya.

Feeling ko ang alien ko kasi hindi pa ako nakakain ng mga iyon. Alam ko lang ang pangalan pero hindi ko pa talaga natitikman.

"Sige, ako na ang bibili. Maupo ka na roon sa dulo." Itinuro niya sa akin ang lamesa na nasa dulong bahagi na nitong kainan na ito. Iyong nasa dulo nalang kasi ang bakante, marami palang kumakain dito.

"Sige." Nagtungo na ako sa lamesa na itinuro niya at saglit na naghintay sa kaniya.

Hindi naman siya natagalan sa pag-order at nakasunod din sa akin kaagad. Medyo maghihintay lang kami nang kaunti dahil ire-ready pa ang pagkain. Natatakam na talaga ako!

"Talaga bang hindi ka pa nakakain ng mga iyon? Baka bawal ang mga iyon sa'yo." He sounded so worried na naman. Bawal noon pero puwede naman sigurong tumikim ako ngayon, ngayon lang naman.

"Naku, hindi bawal sa akin ang mga iyon. Huwag kang mag-alala sa akin." Nginitian ko siya at napangiti nalang din siya. Sana naman nakumbinsi ko siyang okay lang talaga. Hindi naman siguro ako magkakasakit dahil kakain ako ng mga iyon.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 7

    Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang mga pagkain at talagang nakakatakam! Act normal pa rin kahit gustong-gusto ko na kamayin ang mga iyon! Nakakahiya namang magmukhang isip-bata sa harap niya. "Kumain na tayo." Ang hudyat niya talaga na iyon ang hinihintay ko! Sa wakas matitikman ko na talaga kayo! More foods to come! More foods to eat with you... "Supar eksayted na ako!" sambit ko bago tusukin ang isang pirasong siomai bago isinawsaw sa kalamansi at toyo. "Huwaw! Ang sarap!" Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil ang sarap pala talaga ng siomai! "Ito kaya masarap din?" mahinang tanong ko habang nakaturo ang barbeque stick na hawak ko sa kikiam. Alam kong nakikinig at tinitignan lang ako ni Blue na tila ba pinipigilan lang na matawa sa ka-elyenan ko. "Masarap iyang kikiam. Tikman mo na." Hindi pa siya kumakain, para bang natutuwa pa siyang panoorin kung paano ako kumain. Naku, hindi pa naman ako pino kung kumilos. "Ikaw, kumain ka na rin. Huwag mo na akong pansinin." Tinus

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 8

    "May mga natutunan ako sa iyo, iba talaga kapag manunulat ang nakakausap ko." Malumanay lang ang pagkakasabi ko kahit ang totoo ay talagang hangang-hanga na ako sa kaniya... sa lahat ng tungkol sa kaniya. Ang labis na galak sa aking puso ay gustong-gustong kumawala mula sa aking dibdib pero hindi ko ito hinayang maisatinig nang maayos. Kailangan ko pa ring magmukhang hindi sobrang aliw na aliw sa bawat salitang binibitawan niya at sa bawat kilos na ipinapakita niya. Hindi niya puwedeng maramdaman na may nararamdaman na akong paghanga sa kaniya kahit na hindi ko pa siya lubusang nakikilala. Pakiramdam ko ang rupok ko. Hindi tama pero bigla ko nalang kasing naramdaman. "Tara na?" tanong ko habang nagpipigil na titigan siya. Matitigan ko lang siya ay mapapangiti na talaga ako, parang auto-smile pagdating sa kaniya. "Magpatunaw muna tayo rito. Mukhang kakaunti na rin naman ang dumarating na bibili sa kainang ito. Alis lang tayo kapag may mangangailangan na ng puwestong ito. Pero sa nga

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 9

    "Hindi naman ako magaling talaga. Hanggang ngayon inaaral ko pa rin ang mga bagay-bagay sa pagsusulat." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita bago pilit na ngumiti. "May rason kung bakit ako nagsusulat. May rason kung bakit ako nagsulat.""Talaga?! Ano? Magkuwento ka naman! Dali. Alam mo bang gusto ko talagang malaman ang rason na iyon. Magkaibigan na rin naman tayo kaya baka puwede mo na ikuwento sa akin! Makikinig ako, promise. Tapos baka makapag-advice pa ako sa iyo!" Ang mga sinambit ko ay puno ng pagkamangha at pag-u-usisa na tila ba hindi ko na naisip na baka hindi kanais-nais ang rason na tinutukoy niya. Tila nakalimutan ko rin na hindi lang kami ang tao sa loob ng kainan. Lumapat nalang bigla ang palad ko sa aking mga labi na tila ba pinipilit ko itong takpan. May mga tao ring nakatitig sa akin. Ang ingay ko kasi! Nakakahiya ang bibig ko. "Sorry, nabigla lang," pagbawi ko sa mga salitang binitiwan ko matapos kong tanggalin ang kanang kamay ko na pinangtakip ko sa bibig ko. P

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 10

    "Ah... Iyon ba? Hindi ko alam eh. Tara nalang siguro," nahihiya niyang turan at nauna nang naglakad. Hindi niya siguro alam na ang sweet niya kaya. Sabagay, baka iba ang interpretation ko sa salitang sweet at iba rin ang kaniya. "Tara!" mahina pero may galak kong sambit. Sumunod nalang ako sa kaniya hanggang sa sinabayan niya rin ako sa paglalakad. Ang awkward din pala minsan kapag ganito ang eksena. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awkwardness. Malamang dahil ito sa paghanga ko sa kaniya. Pakiramdam ko ayaw kong ma-turn off siya sa akin sa tuwing kikilos ako. Normal lang ito. Alam kong normal lang ito. Hindi rin naman pala malayo ang Lualhati Park mula sa plasa. Malawak ito at may mga upuan din na puwedeng gawing tambayan. Sa pagkakaalam ko, mga puno ng balete ang nasa bandang kanan ng park. Hindi iyong mga balete na creepy ang datingan dahil katamtaman palang ang laki at taas ng mga ito. May mga halaman din na puti ang kulay ng bulaklak sa paligid na puwedeng-puwendeng maging

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 11

    "Anong ibig mong sabihin na naiintindihan mo ako?" Ano ba talaga ang iniisip ng lalaking ito? Nasanay pa naman ako kay Benny na walang patumpik-tumpik kong magsalita. Ratatat iyong bakletang iyon eh. Pero bago pa man siya makasagot ay may narinig akong dalawang lalaking nag-u-usap na dumaan sa gilid namin na edad trese siguro. Pareho silang mukhang masaya dahil todo sila ngiti sa isa't isa. "Ang astig talaga dito sa boulevard, p're!" sabi ng medyo payat pero matangkad. "Lualhati Park ito, tongeks!" saad naman ng medyo pandak pero mataba. "Timang ka pala e. Halos lahat ng tao sa Coron boulevard ang tawag sa lugar na 'to.""Ay, ewan sa'yo..."Hindi ko napigilang pakinggan ang usapan nila pero agad din bumalik ang atensiyon ko kay Blue nang magsimula na siyang magsalita. "Ikaw na mismo ang nagsabi na medyo mahina ka sa Ingles. Bilang kaya ko naman na gumawa ng paraan para mas maintindihan mo ako ay susubukan kong ibigay ang makakaya ko para magkaintindihan tayong dalawa. Bukas din a

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 12

    "Alam kong may tiwala ka sa akin. Hindi ka naman siguro sasama kung hindi ka nagtitiwala," dagdag pa niya na ikinangiti ko nalang. Akala ko nadama na niya na humahanga ako sa kaniya. "May pagdududa noong una pero mukha ka namang hindi gagawa ng masama kaya pinagkatiwalaan na kita kaagad," pagpapaliwanag ko bago tuluyang pinakawalan ang isang ngiti."Normal lang naman na magdu"Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang nag-ring ang cellphone niya na agad naman niyang kinuha mula sa bag niya. Biglang napuno ng pagtataka ang isipan ko kung sino ang tumatawag hanggang sa... "Bakit ho, Mang Driel?" wika ni Blue matapos sagutin ang tawag. There must be something. Tumango-tango lang si Blue habang nagsasalita si Mang Driel. Hindi naka-loud speaker kaya hindi ko rin gaanong maintindihan kung ano talaga ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rin intensiyon na makinig sa usapan nila kaya lumayo na muna ako matapos niyang sagutin ang tawag at nang matapos kong malaman na si Mang Driel

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 13

    "Hindi po kami magkasintahan, manong. Magkaibigan lang po kami," nakangiting paliwanag ko sa kaniya na tila naman nagulat sa mga sinabi ko. "Naku, akala ko pa naman kasintahan mo siya. Hayaan mo't doon naman na rin papunta iyon," biro niya kaya bahagyang napahagikgik ako. Si manong talaga oh. Si Blue naman ay pangiti-ngiti lang. "Mauna na ho kami, manong!" pagpapaalam ni Blue, dahilan para hindi na ako muling makasagot sa sinabi ni manong. "O sige. Mag-iingat kayong dalawa.""Kayo rin po!" sabay naming sabi ni Blue at nagsimula na lumakad papalayo kay manong. "Biruin mo iyon napagkamalan pa tayong magkasintahan," pabirong sabi ni Blue. Akala ko nainis siya kanina. "Kaya nga e. Teka... May girlfriend ka na ba?" lakas loob kong tanong. Mas better iyong aware ka sa relationship status ng taong nakakausap at nakakasama mo para hindi ka magsisi sa huli. Sa huli kung kailan nahulog ka na. "Oo... dati." Paligoy-ligoy naman kung sumagot. "Ah...""Ikaw?" Gulat akong napatingin sa kaniya

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 14

    Mabilis lang kaming nakarating sa resort at agad ding nagpaalam si Blue. Hindi niya nasabi ang dahilan kung bakit naging biglaan ang pagbalik namin dito. Hindi ko na rin naman siguro kailangang malaman kung ano man iyon. [BENNY IS CALLING]"Hello, 'day?" bungad ko sa kaniya. "Kumusta si Papa Blue?" Si Blue pa talaga ang kinamusta imbes na akong kaibigan. Takbo nga naman ng isip ni Benny oh. "Wow ha! Siya ang kaibigan mo, 'day?" "Hindi ah.""E... ano mo?""Baby ko siya, girl! Future husband! My love so sweet! My honeybunch, sugarplum, pumpy-umpy-umpkin... He's my sweetie pie. He's my cuppycake, gumdrop... snoogums-boogums, he's the apple of my eye!" Todo pigil naman akong matawa sa mga pinagsasabi niya. Sa nursery rhyme niya nakuha iyong honeybunch-honeybunch niyang iyon. "Tigilan-tigilan mo ako, 'day. Ako ang kaibigan mo ha. Baka lang nakakalimutan mo. Ako ang dapat kinakamusta rito. Kainis ka! Kukumustahan din pa naman sana kitang dyosa ka! Kaso huwag nalang pala. Nagbago na ang

    Huling Na-update : 2022-09-11

Pinakabagong kabanata

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 48

    "Kagabi lang kami nakapag-usap ni Chasi magmula nang dumating ako sa resort. Sa pagkakaalam ko 11:40 na kagabi. Iniiwasan niya talaga ako kahit na wala naman kaming problemang dalawa. Madalas siyang wala kapag hinahanap ko siya sa bahay niya tapos mababalitaan ko nalang minsan na kung saan-saan na siya pumupunta. Nalaman ko rin na madalas niyang sundan si Blue kahit saan. May minsan nga na inakala kong may gusto siya kay Blue pero wala pala. May longtime boyfriend siya na sure akong mahal na mahal niya. Gusto niya lang talaga na magkabalikan kami ni Blue na dapat sana ay hindi niya pinu-problema. Sinundan niya kayo ni Flakes kahapon ng umaga sa Mt. Tapyas at sinundan ko rin siya dahil nagdududa na ako sa mga ikinikilos niya. Pero hindi niya ako pinansin kahit pa nilapitan ko siya. Nag-walk out siya ilang minuto matapos niyong makaalis. Hindi ko alam kung saan siya nagsusu-suot dahil hindi ko na siya sinundan pa. I respected her privacy that time. Hanggang sa itinadhana na rin siguro n

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 47

    Bigla nalang itinuon ni Chasi ang paningin niya sa mga buhangin at halatang hindi niya ako magawang tignan sa mga mata. "Because you were an eyesore when you were around Blue... before. I just wanted to bring them back together!" matapang niyang sabi bago itinuro si Blue at Sajie. Magkakakilala sila."Pero hindi ako mang-a-agaw, Chasi. Hindi ako mang-a-agaw," may diin at inis kong sabi. Hindi ko siya pinagdudahan pero siya pala ang may masamang balak sa akin. Totoo ba talaga na minsan ang inaakala mong kaibigan ay kaaway pala? Hindi pa rin siya makatingin sa akin dahil siguro sa sobrang hiya. "I know. But I was dying to see them together again and you could be a hindrance. I was a witness of their relationship since the beginning until their break up. Sajie is my bestfriend and I want her to be happy in Blue's arms again. Getting rid of you became the quick answer to erase a potential third wheel for their come back. You are undeniably gorgeous. Any man will easily fall for you. You

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 46

    Binigyan nila ako ng time na mag-ayos muna ng sarili kaya umalis muna sila. Hihintayin nalang daw nila ako sa isa sa mga cottage sa harap ng resort. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya agad na akong naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na rin ako ng damit. Para mabilis ko silang mapuntahan ay hindi na ako nag-order ng pagkain. Dumaan nalang ako sa mini store ng resort para bumili ng biscuits at bottled water. Oo, kumakain ako habang naglalakad papunta sa cottage. Alam kong hindi tamang kumain habang naglalakad pero gusto ko na talagang malaman kung ano ang sasabihin nila. Hindi na ako makapaghintay. Agad ko silang natanaw matapos kong makalabas sa resort. Sa dagat sila nakaharap kaya hindi nila ako nakita kaagad. Naka-akbay si Blue kay Sajie at parang nag-u-usap sila. Ang sweet nilang tignan. "Hi, guys. Nandito na ako," sabi ko sa kanila nang makarating na ako sa cottage. Umayos naman sila ng upo at tumigil na si Blue sa pag-akbay sa kaniya. "Hi, Cat. Maupo ka," saad ni Sajie b

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 45

    Saglit ko muna siyang tinitigan bago ako ngumiti. Nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin. "You may sit, Sajie.""Thank you," sambit niya bago siya umupo sa silyang nasa kabila ng aking mesa. Magkaharap kami at kitang-kitang namin ang mukha ng isa't isa."Bakit nandito ka?" nakangiti kong tanong at tinignan siya nang deretso. "Gusto mo bang kumain? O-order ako," dagdag ko pa."Gusto kong mag-sorry sa iyo," nahihiya niyang sabi. Napaka-inosente niya pa ring tignan pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. Wala naman siyang ginawang masama sa akin, hindi ba?"What do you mean?" Gustong-gusto ko na talagang malaman ang dahilan kung bakit siya nagso-sorry pero sinisikap ko pa ring maging kalmado at huwag mag-isip ng kung anu-ano."Excuse me po. Puwede ko na po bang kunin ang mga plato? Para po mas maayos kayong makapag-usap," saad ni Anghelita na nakalapit na pala sa amin."Sure," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "Thank you."Wala munang nagsalita sa amin ni Saj

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 44

    Wala kaming sinayang na oras ni Anghelita at ang bawat paghakbang namin ay talagang mabilis dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasa function hall ba siya. Mabilis lang naming narating ang lugar kaya agad akong pumasok habang nakasunod lang si Anghelita sa akin. Maraming tao at halos lahat ng upuan ay occupied na. Marami ang napasinghap nang makita nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. "Dude, she's a beautiful b*tch!""Bro, she really is! Why so hot, miss?""Sis, may nanalo na. Grand entrance ang loka oh," rinig kong sabi ng isang babae. "Baka ganda lang ang mayroon iyan, 'te."Mas hindi ko pinansin ang mga salitang narinig ko pero hindi ko maipagkakailang may iilang tumatak talaga sa isip ko. Hindi lang ganda ang mayroon ako pero wala akong dapat patunayan sa mga tumatahol na tao. Nakakailang hakbang palang ako nang biglang mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkanta ng isang lalaking singer sa stage habang halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Halos nakuha niya

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 43

    Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang hindi ko makita ni anino ni Flakes sa loob ng restaurant. Nakaramdam ako ng panlulumo dahil saktong alas-dose na pero wala pa siya. May usapan kami. Saglit palang akong nahiwalay sa kaniya pero parang na-miss ko siya. Parang ang weird sa pakiramdam na gusto ko na siyang makita agad. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nadismaya ako nang hindi ko siya nadatnan na naghihintay sa akin. Para akong teenager na first time makaka-date ang crush niya kaso hindi siya sinipot kahit may usapan pa sila. Saglit akong nag-compose ng greetings para kay mommy, daddy, at Benny. Nang ma-click ko na ang send button ay napabuntong-hininga nalang ako. "Merry Christmas, guys. I miss you," bulong ko. Bagsak ang balikat na umupo ako sa isang upuan para hintayin si Flakes. Baka may importanteng ginawa lang kaya hindi nakapunta kaagad. Masiyado pang maaga para sabihing in-Indian niya ako. Hindi niya girlfriend ang naghihintay sa kaniya sa pagbalik namin sa res

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 42

    CASANTHA'S POVHindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil kasama ko siya. Nagpaalam naman ako kay Kino na sasamahan ko muna si Blue habang wala pa si Flakes. Hindi ko nga alam kung saan nagsuot ang lalaking iyon. At ang tagal na niyang wala. Puro naman corny jokes ang pinagsasabi ni Blue kaya halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Medyo napapalakas na nga minsan ang pagtawa ko dahil ang hirap magpigil ng tawa. "... Pero seryoso na. May dinukot talaga kayong tao sa Lualhati Park?" Bahagya namang humina ang tawa niya hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa pagtawa. "Oo. Bakit mo naman biglang natanong?""Nakaraan kasi may nagtangka sa buhay ko. Muntik na akong masaksak ng patalim. Muntik na malagay sa alanganin ang buhay ko," seryoso kong sabi. "Wala kaming masamang intensiyon sa taong dinukot namin kaya huwag mo na isipin iyon. Masaya na ang taong iyon ngayon," mahinahong paliwanag niya. "Masaya akong masaya na siya," nakanngiting sabi ko kahit medyo madilim sa

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 41

    Flakes' Point of ViewShe met me days ago but I knew her for several years. I could not help it. How could I resist such a simpleng suplada like her? I found everything about her perfect. I promised to myself that I would not make her cry the first day I saw her. I also wanted her to be safe and breathing. But I lied when I told her that I already had a girlfriend. "Cutie? What's up? Are you still with me?" C.C. said sarcastically while rolling her eyes. After all, she only wanted one thing to happen and it seemed that she was out of her mind. "I heard you saved her. Well, na-impress ako. I believe na ginawa mo 'yon dahil ikaw ang tatapos sa kaniya, right?"And there, I was not able to utter a word. I could not afford to be the reason for Cat's misfortune. The primary plan was to make her fall in love with me. I agreed because I thought it was just an easy job. But when I found out that it was Cat, it frightened me. But it was too late to back off. I knew her real name. Casantha Ma

  • Ang Crush Kong Writer    CHAPTER 40

    "Sinong sila? Wala ka ba talagang balak na sagutin ang mga tanong ko? I asked you twice, Cat." Bakas sa boses niya ang pagkainis pero halata ring nagtitimpi siya dahil baka magkaproblema na naman kami. "Sorry.""What's bothering you? Tell me.""Baba na tayo sa bundok na ito," suhestiyon ko. "Tsk. You didn't answer my question again.""Sasagutin ko habang naglalakad tayo pababa." "Okay."Bago namin tuluyang iwan ang lugar ay saglit ko munang pinasadahan ng tingin ang dalawang babaeng galing din sa Queen Coron Resort. Si Chasi hindi kami nililingon dahil pini-picture-an niya ang dagat samantalang nahuli ko namang sumusulyap sa amin si Sajie. Medyo magkalayo ang kinaroroonan nila pero pansin kong napansin nila ang isa't isa dahil may ilang segundong nagtama ang mga mata nila. Kapansin-pansin naman talaga silang dalawa dahil si Chasi nakasuot ng outfit na pure pink at matingkad talaga na pink iyon. Si Sajie naman may innocent face. Simple manamit pero litaw ang ganda. Higit sa lahat, a

DMCA.com Protection Status